Buong araw nagkulong si Sheryll sa kanyang kuwarto kinabukasan, wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa tindi ng sakit ng nadarama. Naroon ang paulit-ulit na pagtusok sa kanyang dibdib na ayaw mawala kahit anong sigaw ang gawin niya, hanggang sa umabot sa puntong napagod na siya at nakatulog sa sobrang pag ngawa.
Para siyang patay kung kumilos nang lumabas sa kanyang kuwarto, tulala at walang buhay. Nagkakatinginan na lang ang magulang niya, bakas ang pag-aalala sa mga mukha nito.
"Anak, kumain ka na," pilit ngiting aya ng kanyang ina habang hinahandaan siya ng almusal sa lamesa.
Kahit matindi pa rin ang hinagpis na nadarama ay pinilit niyang sumubo ng pagkain at umayos ng pag kilos, naroon pa ring ang parte niya na hindi gustong pag-alalahin ang mga magulang, subalit sadyang bakas na bakas ang matindi niyang kalungkutan ng mga oras na iyon.
Nagdesisyon na lang tuloy ang mga magulang ni Sheryll na huwag siyang papasukin dahil na rin sa kanyang ikinikilos.
Nauwi na lang siya sa paglabas ng araw na iyon upang kamustahin ang ilan sa mga kababata niya sa naturang lugar.
"Hoy Sher! Nabalitaan ko iyong nangyari. Ano, gusto mo resbakan natin," salubong sa kanya ni Delila nang makalapit siya sa tindahan na tinatambayan nito.
Kasama nito ang iba pa nilang kaibigan roon, halatang alam na rin ng mga ito ang mga nangyari sa kanila ng kasintahan.
Napabuntong hininga na lang siya ng malalim sa bilis kumalat ng tsismis sa kanilang lugar.
"Ay naku sister, hindi ka dapat pumapayag ng ganoon, hamak naman na mas maganda ka sa Jenny na iyon." pumipitikpitik pa na sermon ni Rosana sa kanya.
"Oo nga!" dugtong naman ni Paloma rito.
Napangiti lang siya ng tipid sa pagpapalakas ng loob ng mga ito, pero parang nawalan na siya ng gana na lumaban pa para sa nobyo, lalo na matapos nitong kampihan at piliin ang naturang babae keysa sa kanya.
"Ano ate, tara na! Sugurin natin, gyerahan na itey!" muling sambit ni Delila na itinataas pa ang kamay pero baluktot naman.
Napapigil tawa na lang siya sa kinikilos ng mga kaibigang bading, halatang gusto talaga siya iganti ng mga kababata.
"Wag na, pabayaan niyo na lang, ayaw ko na aksayahin ang oras ko sa kanila" walang gana niya na lang na saad.
Hindi tanggap ng sikmura niya na makipag agawan pa para sa nobyo, lalo na at nagawa na siya nitong ipagpalit, maliban doon mas nangingibabaw ang galit niya dito ngayon.
"Pero ang tagal niyo na ni Boboy," banggit ni Delila na nakanguso pa.
"Sayang naman iyon taon na magkasama kayo, ano ba kasing nangyari?" dugtong ni Paloma.
Bigla na lang siyang napasimangot muli, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang pagkakamali niya para magawa iyon ng kasintahan.
"Malay ko," malungkot niyang sambit sa mga ito, kahit siya ay naguguluhan din kung bakit siya nagawang ipagpalit ni Bobby.
"Ay, hindi niyo ba alam?" singit nanaman ni Paloma na siyang nagpalingon sa kanilang lahat.
Sabay-sabay silang napatingin dito, kunot ang mga noo at nagsitaasan ang mga kilay sa naturang kaibigan. Kagat labing napahawak na lang si Paloma sa bibig habang bahagyang napapaatras.
"Gaga ka! May alam ka pala, hindi mo man lang sinasabi," biglaang batok ni Rosana dito kaya halos mapasubsob ito sa sahig.
"Aray ha!" hapo nito sa ulo habang pilit bumabalik sa pag-upo. "Malay ko ba, kala ko alam niyo na," nakanguso nitong maktol sabay dumekwatro, umirap pa ito sa kanila pakataas ng kilay, mukhang nagtampo ito sa ginawa ng kaibigan nila.
"Ang alin kasi?" hurumentado naman ni Delila sa pagmamaktol nito.
"Bulong-bulungan sa parlor nabuntis daw ni Bobby si Jenny, dalawang buwan na nga daw eh," napapatirik matang sambulat nito.
Napanganga na lang ang dalawang kaibigan sa ibinunyag nito bago dahan-dahan na tumigin kay Sheryll.
Isang malalim na paglunok na lang ang nagawa niya at ganoon na lamang ang kanyang pagngiwi nang madama ang kakaibang pait sa pag-gasgas ng laway sa kanyang lalamunan.
Nagbalik ang humupang hapdi sa kanyang dibdib nang malaman niya na matagal na pala siyang niloloko ng nobyo.
"Sister ano…." Dahan-dahan lapit ni Delila sa kanya, ngunit hindi na nito nagawang ipagpatuloy ang sasabihin.
Mukhang napansin naman ito ni Paloma dahil biglaan tumahimik ang dalawang kaibigan, dahan-dahan itong lumingon sa kanila at napagtanto ang mali sa mga sinabi nila dahil napansin nito ang bahagyang pamumula ng kanyang mata.
"Ay, ay so..sorry atey akala ko kasi" Napahawak na lang ito sa labi muli dahil pag-aalala at konsensya sa nabanggit.
"Gaga ka talaga!" Muling batok ni Rosana dito pero sa pagkakataong iyon ay ngumuso na lang ito at hindi na nagmaktol.
"A...ayos, lang iyan sister, kawalan niya naman iyon." Nagdadalawang isip pa si Delila na hawakan si Sheryll na akala mo ba ay isa siyang babasagin na bagay.
Bahagyang siniko’t pinandilatan na lang ni Delila ang dalawa pang kasama para tumulong dahil tahimik pa rin ang mga ito.
"O...Oo nga," pilit singit ni Paloma sabay baling naman kay Rosana para dugtungan iyon.
"Ta...tama, napakalaki ng lamang mo sa babaeng iyon," sabi naman ni Rosana na bumaling muli sa dalawa, parang mga uto-uto naman ang mga ito na nagsitango.
Naroon ang hapdi at init sa mga mata ni Sheryll ng mga sandaling iyon, pero kinagat na lang niya ang kanyang pisngi kasabay ng mabilis na pagpunas ng mag luha na medyo kumawala sa kanyang mata. Isang malalim na hinga ang ginawa niya para pahupain ang tila masakit at naninikip na panginginig sa kanyang kalaman, nais niya kasing ipakita sa mga kaibigan na malakas at hindi siya magpapatalo.
"Siya nga naman, kagalang-galang ang trabaho mo, fresh na fresh pa, hindi tulad nang babaitang iyon na laspag na, bayaran pa!" Napapadurong singhal ni Delila na halos tumatalsik na ang laway sa panggagalaiti.
Subalit parang mas naging masakit lang ang mga sinabi nito, nahihirapan siyang tanggapin na ang nobyo na matagal niyang kilala bilang isang tahimik, responsable at napaka konserbatibong tao ay madadala lang sa ganoon.
"Ay, oo nga pala no, dancer nga pala iyon doon sa bar sa cubao," muling singit ni Paloma sabay senyas sa mga kasama tumahimik na.
Pero mukhang hindi iyon nakuha ni Rosana dahil nagtuloy-tuloy lang ito sa pagsasalita. "Akala ko pa naman matino iyong ex mo, kantot rin lang pala ang katapat," irritable nitong saad.
Isang balikong ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha dahil sa tinuran ng kaibigan, kung tutuusin kahit siya ay ganoon din naman ang nasa-isip.
"Hoy, tumigil nga kayo!" sita ni Delila sa dalawa. "Hayaan mo ateng, makakahanap ka rin ng mas bongga pa sa lalakeng iyan!" haplos nito sa kanya.
Tumango na lang siya sa mga kaibigan ng pag sang ayon, doon na tumayo ang tatlong kaibigan upang siya ay yakapin.
"Naku sis, sorry!" Nguso ni Rosana sa kanya.
Pinigil na lang ni Sheryll ang sarili na maiyak muli dahil sa bahagyang gaan ng pakiramdam dahil sa mga ito.
*****
"Good morning Sheryll!" ngiting bati ni Celina pakasalubong sa kanya, mabilis napalitan iyon ng alalang tingin nang makita ang pangangalumata at lalim ng kanyang mga mata. "Sheryll, hoy!" Yugyog na lang nito upang gisingin siya.
Isang tipid na ngiti ang ibinaling niya rito na mas lalo lang nagpa-kunot sa noo ng kaibigan. Agad na lang siya nitong sinabayan sa paglalakad upang maalalayan.
"Ayos ka lang ba?" balisang pansin nito muli.
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko," palusot niya na lang.
Parang robot lang kasi siya kung kumilos ng araw na iyon, kahit ang pagtatalak ng boss nila sa harap ay hindi niya na pansin dahil nasa ibang lugar ang kanyang isipan, sa sobrang pagkalutang hindi niya nga namalayan na uwian na pala nila.
"Sheryll, Hoy. Bakit ka ba nagkakaganyan?" Napapakusot mukhang saad ni Celina nang makitang hindi pa rin kumikilos si Sheryll sa kinauupuan.
Nanatili nanaman tuloy na nakaalalay sa kanya ang kaibigan hanggang sa paglabas. Tanging tipid na ngiti lang ang isinasagot niya dito, hindi niya magawang magsabi sa kaibigan dahil ramdam niyang bibigay nanaman siya sa oras na mangyari iyon.
"Cel, Sheryll!" Alingawngaw ng isang malakas na boses.
Napatigil na lang silang dalawa ng sumalubong ang kaibigan nitong si Lucy.
"Oh, anong nangyari?" tanong nito sa kaibigan nang mapansin rin ang pagkatulala ni Sheryll.
Napakibit na lang si Celina ng balikat para sabihing hindi niya rin alam.
"Sige na Celina, kaya ko na mag-isa." Pagpapabitiw niya sa hawak nito sa kanyang braso.
Ngunit nanatili lang itong nakakapit sa kanya, hindi tuloy siya nakagalaw dahil wala na siyang lakas pa para makipaghatakan pa sa kaibigan dahil sa panlulumo.
"Ihahatid ka na namin," singit naman ni Lucy na nagawang kumapit sa kabilang braso niya.
"Hindi na, nakakahiya naman," paninigurado niya habang pilit na kumakawala muli sa dalawa.
"May sasakyan naman si Cy!" muling pilit ni Celina.
Hinaplos nito ang kanyang balikat, napaangat na lang siya tuloy ng ulo dito at napansin niya ang matinding pag-aalala ng dalawang kaibigan.
"Oo nga, tara na!" magiliw na saad ni Lucy.
Wala na siyang nagawa nang pagtulungan siyang hatakin ng mga ito. Walang alinlangan ang dalawa kahit gumegewang-gewang pa siya dahil nadama niya nanaman ang paninikip sa kanyang puso dahil sa pang aalo ng dalawa.
Habang nagbiyabiyahe ay hindi na nagawang pakalmahin ni Sheryll ang sarili sa pagpipigil, napaiyak na lang siyang bigla, ganoon na lang ang pagkabalisa ng dalawang kasama, napatigil tuloy sila sa isang lugar upang madamayan. Doon na siya napakwento na tuloy siya dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang dibdib kapag hindi niya iyon nailabas.
"Seriously, kadiri naman iyong boyfriend mo, papataol na nga lang sa hostess pa!" bakas ang asar sa boses ni Lucy habang binubuhay na muli ang makina ng sasakyan.
Kita ang matinding inis nito dahil sa sobrang pagkakusot ng mukha na para bang may naalala.
"Cy!" sita ni Celina dito sabay palo sa balikat nito.
"What?" balik naman ni Lucy sa kaibigan nila. "Dapat sa mga babaeng ganoon binabalatan ng buhay tapos binubudbod sa asin!" Inaakto pa nitong dinudutdot ang harapan ng sasakyan na para bang iyon ang kaaway. "At ang magandang gawin doon sa boyfriend mong kaladkarin, sinasagasaan ng paulit-ulit iyong kaligayan para magtanda." Nagkikiskisan na ang mga ipin ng babae habang sinasbai iyon.
Nabatid ni Sheryll kung paano sakalin ni Lucy ang hawak na manibela sa sobrang pang-gigigil.
"Cy naman!" Tapik muli na ni Celina dito.
Kahit papaano ay napangiti na lang siya sa pilit na pagpapagaan ng dalawa sa kanyang loob. Napaisip tuloy siya kung may napaalala siya kay Lucy dahil halatang may pinaghuhugutan ang galit nito.
Ayaw pa siyang pakawalan ng dalawa dahil halatang may takot ang mga ito sa mga kinikilos niya, pero nagawa niya naman na mapapanatag ang mga dalawa sa paniniguradong ayos na siya.
"Salamat Lucy, Celina, sorry sa abala," paalam niya pakababa sa kotse.
Inihatid na siya ng dalawa sa mismong bahay nila kaya napapayag ang mga ito na hayaan na siya. Bumaba pa ang dalawa para ihatid siya sa may gate ng kanilang tahanan.
"Mabuti pa itulog mo na lang iyan," malambing na haplos ni Celina sa kanyang balikat.
"Girl, remember! Kung anong kaya nilang gawin, kaya rin natin, kaya kung ako sa iyo kalimutan mo na iyang walang kuwenta mong ex-boyfriend," pagtataas kamay na pag-checheer naman ni Lucy..
"Hay naku Cy," sermon ng kaibigan nila pakalingon dito. "Sige na Sheryll, magpahinga ka na," muling paalam nito nang bumaling na muli sa kanya.
Nakangiting tumango siya dito kaya naman mukhang napanatag na ang dalawa, ilang saglit pa at sumakay na rin ang mga ito sa kotse nang makapasok. Hinintay pa siya ng mga ito na magtuloy-tuloy sa loob ng tahanan bago nagpasyang umalis, halatang matindi ang pag-aalala ng dalawa sa kalagayan niya, kaya naman naroon ang kaunting tuwa niya.
Ayaw pa rin mawala ng hapding nadarama niya pakatungo sa kanyang kuwarto, buti na lang at nakita ng pamilya na medyo nakangiti na siya kaya hindi na rin nagtanong ang mga ito pakadating niya.
Paulit ulit sa kanyang isipan ang mga katagang binitiwan ni Lucy sa kanya 'kung anong kaya nilang gawin kaya rin natin' napatitig na lang siya bigla sa gunting na nasa kanyang tokador, may kung anong pwersa ang parang naghatak sa kanya palapit dito, parang napanatag siya nang mahawakan ang malamig na bakal nito.
Napalingon na lang siya bigla sa kanyang salamin, napatitig sa kanyang sarili. Pinagmasdan niya ang kanyang imahe roon, gulo-gulo ang mahabang buhok, mugto ang mga mata at walang kakulay-kulay ang mukha, sunod niyang pinagmasdan ang kasuotan, wala sa ayos at medyo maluwag ang kanyang longsleeves, lagpas tuhod ang kanyang palda. Naikumpara niya tuloy ang sarili sa isang lumpiang balot na balot.
Mas lalo lang siyang pinanghinaan ng loob nang maalala ang hitsura ng babaeng kasama ni Bobby, hapit na hapit ang suot nito at halos kita na ang panty sa suot na skirt. Pulang-pula rin ang mga labi nito at napakakapal ng make up, malayong-malayo sa kanya na mukhang matandang librarian.
Muli niyang tiningnan ang hawak na gunting, isang bagay lang ang naglalaro sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang talim nito, pumikit siya kasunod ng paghinga ng malalim, pag dilat niya ay naging mas malinaw ang kanyang desisyon, pinakatitigan niyang muli ang sarili sa salamin at napangisi na lang ng mapait.
"Kailangan ka ng mawala" banggit niya sa repleksyon.
Sa loob ng ilang linggo ay hindi siya mapakali matapos ng tawag na iyon, natatakot, nag-aalala sa kung anong pwedeng gawin muli ni Ray.Nagpapasalamat na lamang siya at palagi ng maaga umuwi si Bobby at kahit siya ay palaging ale
Walang patid sa paghuni ng masayang tugtugin si Bobby ng mga sandaling iyon, habang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang tahanan.Naroon ang kung anong pagkasabik niya na masilayan ang galak sa hitsura ng mga anak sa oras na ipakita niya ang pasalubong na mga pagkain.Hindi man iyon ang pinangarap at naisip niyang magiging buhay nila ng magkasama ni Sheryll, ay wala naman siyang pinagsisisihan dahil na rin sa tuwa at gaan ng pakiramdam kasama ng pamilya.Naroon man ang katotohanan na hindi niya tunay na anak ang mga bata ay wala
Kahit labag sa kanyang loob, kahit mabigat sa kanyang dibdib ay hindi niya na tinanggihan ang tulong na ibinigay ng ama ni Raymond. Tulad ng plano ni Bobby ay lumipat sila sa liblib na probinsya ng kasintahan, pero napapalibutan ng mga kalapit na bahay. Naging sapat na
Hindi pa rin siya matigil sa kakaiyak ng mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay parang unti-unti na siyang nababaliw sa bawat pagkakataon na madidinig ang malalakas na sigaw mula sa loob ng kanilang munting tahanan. Ilang oras rin siyang nanginginig, namamawis at tuliro habang nasa labas, hindi magkandamayaw sa kung ano ba ang dapat gawin, hindi niya na nga namalayan ang bahagyang pagliwanag ng kala
Malakas ang lagapak ni Bobby sa sahig nang ihagis ito papasok ni Raymond. Wala ng malay habang nakagapos ng packaging tape ang mga kamay, paa at bibig. G
“Oh, kamusta na iyong hayop na asawa mo, nakulong na ba?” malalim na sambit ng papa niya.“Pa naman!” napabusangot na lamang siya rito, “kapag nagkataon po mga abogado na po ang makakaharap natin niyan. Isa pa, alam niyo naman po kung gaano sila kayaman at kaimpluwensya, sa tingin niyo po may laban tayo doon?” sermon niya na lang.“Oo nga
Kumaripas kaagad ng takbo si Bobby nang marinig na nakabalik na si Sheryll. Humahangos pa siya nang makarating sa may gate ng bahay ng mga ito.Wala na siyang atubiling pumasok sa loob at nadatnan niyang napapalibutan na ang naturang babae ng mga kaibigan at kapamilya, magkahalo ang iyakan, tawanan ng mga naroon
Hindi mapigilan ni Raymond ang kakasabunot sa sarili habang idinuduyan-duyan ang sarili. Hindi mawala ang matinding kaba at takot niya nang kargahin si Sheryll na walang malay kani-kanina lamang, kinailangan pa siyang hatakin ng mga kaibigan upang maihiwalay
Hindi niya mapigilan ang panginginig habang katabi si Raymond, tahimik lamang ito sa pagmamaneho pero damang-dama niya ang nag-uumapaw na galit nito. Tiim na tiim ang bagang ng lalake habang nakatitig sa harapan at napakahigpit ng hawak sa manibela, halos lumilipad na rin ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.