Share

The Calling Card

Aвтор: Yhllara
last update Последнее обновление: 2025-08-14 09:31:52

"Ano namang masama roon? Ikaw ba may boyfriend kana?" pabalik na tanong ng dalaga. 

"Oo naman pero noon yon. Sa ngayon wala pa pero at least naka pag boyfriend na ako diba? Eh ikaw? Zero parin sa idad na yan?" aniya na tila ay proud pa sa kanyang sarili dahil nag karoon siya ng boyfriend noon.

"Paano kung may mag apply ako sayo para di kana ma zero?" isang lalaki ang sumingit sa kanilang usapan. Naka ngiti pa ito sa kanilang dalawa na para bang kasali sa usapan.

"Ohh my gosh sir Jaile? Nandito kana? Kailan ka dumating?" Napatili si Eida nang makita niya ito.

Mukang loyal customer nga ang lalaking ito sa coffee shop dahil kilala siya ni Eida at mukang close pa sila dahil lumabas pa ng counter si Eida para yakapin si Jaile.

"Nung nakaraang araw lang. Dumaan na ako rito kahapon wala naman kayo. Si Miss Ganda lang yung nandito." aniya at tumingin sa dalaga. Nag smile lang ng kunti si Marian at nagsa walang kibo na lamang habang nag papatuloy sa ginagawa.

"uhmm, hindi nyo kami tinawag sana naka pag pa welcome party tayo nung dumating ka." ani ni Eida.

"Hindi na kailangan. Dagdag gastos lang yun no. 

"Ang kuripot mo talaga sir. Di ka parin nag babago. So ano ang order? dating gawi?"tanong ni Eida. 

"Ano pa nga ba?" Aniya.

"Sandali lang sir ahh, naubusan ng Matcha Latte ehh kuha lang ako sa loob." ani ni Eida ngunit nag representa na si Marian na kumuha niyon. 

"Sigurado ka?" tanong pa nito.

"Ayos lang ano ka ba?" 

Habang nasa loob si Marian ay hindi maiwasang sumulyap ni Jaile mula sa bintana upang masilayan ang dalaga na siya namang napapansin ni Eida.

"Sir! Anong klaseng tingin yan? Puntahan mo na lang kaya sa loob pinapahirapan mo pa sarili mong sumulyap diyan sa bintana." pang aasar ni Eida.

"Alam mo maganda sana siya pero mukang suplada." ani ni Jaile.

"Tssk, sir maganda naman po talaga yan si Marian pero tama kayo mukang suplada. Pero mali rin kayo kasi hindi yan suplada ganyan lang talaga siya lalo na kapag seryuso sa buhay parang ang suplada niya tingnan. Kahit kami noong unang dating niya rito akala namin hindi namin siya makakasundo pero kalaunan mabait naman pala. Hindi lang mabait napaka bait." paliwanag ni Eida.

"Talaga ba? Hindi halata sa muka niya. Taga rito ba siya?" tanong pa ni Jaile.

"Hmm, hindi ko rin alam sir eh. Nung nag apply siya rito ang sabi niya kakalipat niya lang daw galing siya sa manila. Wala naman siyang ibang nababanggit samin tungkol sa kanya mag-isa lang siya rito eh." tugon nito.

Napa tigil si Eida at tiningnan si Jaile diretsahan sa kanyang mga mata.

"Teka.... mukang interesado ka kay Marian ahh. Type mo ba?" Tanong ni Eida nang pa bulong. Napangiti naman ang binata sa tanong nito, hindi pa ba iyon obvious? 

"Siguro nga." tugon niya. 

Sakto namang dumating na si Marian kaya agad nang iniba ng dalawa ang kanilang usapan.

"So, kailan ka babalik sa Los Angeles?" Tanong ni Eida.

"Hmm, di ko pa alam. Sa ngayon gusto kong mapag-isa na lang muna. Ang hirap kasing ang daming umaaligid sa paligid mo eh. Gusto ko namang maging malaya kahit panandalian lang." tugon ni Jaile.

"Tama yan sir. Pero gusto mo ba tulungan kita?" nag takip pa ito ng bibig habang tinatanong iyon sa binata upang hindi mapansin ni Marian ang kanilang pinag uusapan.

"Sana. Pero ako na ang bahala dyan. I'll do my best for it." pangiting tugon ni Jaile.

"Iyan ang karisma ng isang Jaile Dela Fiña." pang aasar ni Eida sabay tawa. 

"Loyal customer? Kilala mo siya?" tanong ni Marian kay Eida.

"Yeah, matagal na siyang napunta rito. Alam mo mabait yun. Sakto wala kang jowa diba si sir baka bet mo." aniya 

"Ano? Anong kala mo sakin easy to get? Tigilan mo ko sa pang ship mo sakin di uubra yan." Ani ni Marian.

Hindi pa pumapasok sa isipan niya ang makipag relasyon kaya hindi siya nagiging interesado sa mga dumarating sa buhay niya.

It's kinda boring pero iyon ang kanyang nais. Date to Mary in short.

Nag lalakad ang dalaga sa hallway ng mall. Patingin tingin ng mga mumurahing damit na tinda roon. Wala siyang masyadong dala na damit dahil biglaan ang pag alis niya sa mansyon kaya di na niya iyon inatubiling dalhin.

"Miss bibilhin mo ba yan?" tanong sa kanya ng sales lady. Hawak niya ang dress na kulay puti at may mga bulaklak itong dilaw na siyang naka kuha ng attention ng dalaga dahil sa simpleng design nito.

Tiningnan niya ang price tag dahil gusto niya itong bilhin ngunit nakakabigla.

"Uhh, hindi po." aniya at binalik ang damit sa kung saan ito nakasampay.

"Ang mahal. 800? Makakabili na ako ng maraming pagkain niyan." aniya sa kanyang isipan.

Meron pa namang murang damit doon kaya roon na lamang siya nag tungo. 

Matapos siyang mamili ng iilang kaparehang mga damit agad na siyang nag tungo sa malapit na kainan upang kumain. Ganoon ang ginagawa niya kapag sweldohan na ay day off niya. Kunting treat para sa sarili at kunting libang sa sarili para mawala ang stress sa trabaho.

Ganoon naman dapat, kailangan mong gawin ang mga bagay na nakakapag pasaya sayo upang hindi ka basta-basta na lang mapapagod sa mga bagay-bagay na iyong gingawa.

Habang nag hihintay siya ng order ay nag open muna ito ng cellphone upang mag check ng mga messages. 

Paminsan minsan ay nag uusap sila ni Mang Kamir upang malaman niya kung ano ang nangyayari sa mansyon at sa pamilya niya roon.

Kahit siya, palaging handang tumulong si Mang Kamir sa kanya kahit pa financial ngunit ayaw ng dalaga. Tanging pagkakamusta lamang ang nais niya roon.

"May business trip ang magulang mo sa California bukas kaya walang maiiwan dito sa mansyon. Nakuha ko na rin ang pinapakuha mo sa kwarto pwede kong ihatid ito bukas kung gusto mo."_ iyon ang mensahe na galing kay Mang Kamir.

Nag kasalisi sila ng free time. May pasok na ang dalaga kinabukasan dahil ngayong araw lang naman ang day off niya.

Продолжить чтение
Scan code to download App

Latest chapter

  • Arrange Marriage Gone Wrong    I will find you no matter what

    Matapos maglakad ng lahat na bridesmaid kasama ang groomsmen ay nagsipwesto na silang lahat sa kani-kanilang upuan. Habang nag papalakpakan ang mga bisita sa pagpasok ni Selvia."You're so beautiful" pagpuri ng mga tao kay Selvia. Naglalakad na ito sa red carpet patungo sa aisle naroon narin sa inahan ang kanyang asawa na si Don Fernando.Ang susunod na mag lalakad ay ang kanilang anak kaya naman ang lahat ng tao ay naka tingin sa papasukan ng bride. Naka handa ang mga videographer upang maging maganda ang entrance nito ngunit ilang minuto na ang lumipas wala parin ito. Samantalang isang bodyguard and lumapit kay Don Fernando at bumulong. Na siyang naka gawa ng ingay at naka kuha ng attention ng lahat."Ano? Nawawala ang anak ko?" gulantang na tanong ni Don Fernando"Nawawala si Marian?" kunot noong tanong ni Selvia. Nag tinginan silang lahat dahil kahit pa si Jaile ay walang alam sa nangyayari. "Sandali tatawagan ko siya." agad na sabi ni Jaile ngunit hindi nito sinasagot ang kany

  • Arrange Marriage Gone Wrong     Kidnapped

    "Sir? Sigurado ka po ba sa binabalak niyo? Malalagot kayo sa mom and dad niyo kapag nalaman niya ito." paalala sa kanya ng kanyang kanang kamay. "I'm pretty sure na magiging masaya to, Albert. Sisiguraduhin kong walang ibang makakakuha sa at mag mamay-aro sa taong mahal ko." tugon ni Renzo. "It was all for me. Wala nang kahit na sino ang makakapag hiwalay samin ni Marian kapag nagawa ko ito. Dahil ito na lamang ang tanging paraan upang maagaw ko siya, upang mapasa akin siya." tumingin ito kay Albert at inabutan ng champagne."Cheers? Kapag nangyari ang lahat ng gusto ko magiging masaya kami, magiging masaya ako. Ako naman dapat iyun eh, ako dapat ang mapapakasalan niya umepal nga lang itong magaling kong pinsan. Sino ba naman ako para piliin? Para gustuhin? Sino ba ako para mahalin? Wala. Lalo na kung si Jaile ang kalaban ko. Walang-wala ako." tinungga nito ang laman ng kanyang champagne. "Kung hindi ko makukuha ang babaeng gusto ko sa simpleng paraan pwes kukunin ko siya sa santon

  • Arrange Marriage Gone Wrong    Can't move-on

    Matapos ang kanilang pagbabakasyon ay umuwi na sila sa kanilang bahay. Inihatid ni Jaile ang dalaga sa kanila upang mabisita narin ang mga magulang nito."Kumusta naman ang inyong bakasyon sa Camiguin? Ang aga naman ng uwi nyo. Dapat nilubos lubos niyo na ang bakasyon doon dahil sa susunod na buwan ikakasal na kayo." ani ng mother ni Marian."Mom? Sa susunod na buwan agad?" takang tanong ni Marian sa ina."Oo bakit naman natin papatagalin pa? Huwag kayong mag alala naka handa na ang lahat ng kailangan niyo. Wala na kayong dapat na intindihin pa lahat ay naka ayos na." ani pa nito ng may ngiti sa mga labi. Nagkatinginan naman ang dalawa dahil hindi nila akalaing agad agad ang kasal na inayos ng kanilang mga magulang. Pumayag sila ngunit iba ang expectation nilang gagawin ng mga ito. Tila isang linggo lamang ang bakasyon nila tapos pagbalik ay naka ayos na ang lahat. Nakakabigla iyon. "Hmm, ano pa bat nakatayo lamang tayo. Tara na sa kusina nag luto ang daddy mo ng pagkain natin." pan

  • Arrange Marriage Gone Wrong    The moon and Stars

    "Anak? Hmm. Siguro dalawa? Lalaki at babae para little you and little me." ngiting tugon niya. "Eh ikaw ilan ba gusto mo?" pabalik na tanong ng dalaga. "I want more than 5" ngiting tugon niya. "What? Ang dami naman nun. Tsaka kaya ko ba yan?" tanong ng dalaga."Oo naman kaya natin yun. The more the merrier mas masaya. Maraming little you and little me not only one version diba?" Patawang tugon niya."Pero love, it's too much" tugon niya. "Oo pero nandito naman ako ahh, sasamahan kita, gagabayan kita aalagaan kita kasama ng mga babies natin." tugon ni Jaile."Seryuso ka talaga dyan?" tanong pa ng dalaga."Hmmm, actually yes pero hindi naman kita pipilitin love. Kung ano lang yung kaya mong ibigay sakin na anak yun na yun. Buong puso kong tatanggapin yun. Kung mag kaanak tayo ng dalawa masaya nako roon kasi yun ang gusto mo pero kung mabibigyan mo pa ako ng mas marami pa sa dalawa ako ang magiging masayang masayang lalaki ns makikilala mo. " tugon ng binata. "You've been through a

  • Arrange Marriage Gone Wrong    Dinner Date?

    Matapos ang pamamasyal ng tatlong araw ay napag desisyunan nilang dalawa na sa rest house na lamang muna sila mag stay ng isang araw. Upang makapag pahinga rin sila dahil nakakapagod din naman ang mamasyal ng sunod-sunod na araw. Una nilang pinuntahan ang Sunken Cemetery. Merong snorkeling at Sunken Cemetery ngunit hindi na nila iyon na try dahil hindi marunong lumangoy si Marian. Ayaw niyang napupunta siya sa malalim na parte ng tubig lalo na sa dagat dahil may phobia ito. Gustuhin man ng binata ngunit mas gusto niyang mapa buti ang kalagayan ni Marian. Ayaw niya rin naman itong iwan at mag isang susulong sa dagat dahil hindi iyon ma eenjoy ng dalaga kung mag hihintay lamang siya sa binata. Pumunta rin sila sa Katibawasan Falls at Tuasan Falls sa pangalawang araw at sa pangatlong araw ay ang White Island. "Love kain na tayo!" pag tawag ni Jaile sa dalaga na nasa kwarto pa. Sinabihan niya itong huwag muna lumabas habang nag aayos siya ng kanilang dinner sa oras na iyon. Malawak an

  • Arrange Marriage Gone Wrong    Funny Days

    "Here you go!" ani ni Jaile matapos niyang mailapag ang kanilang pagkain sa lamesa. Marami silan inorder kaya naman ang waiter na ang nag hatid ng ibang pagkain doon. Samantalang abala naman si Marian sa kakakuha ng picture sa tanawin na nasa paligid lang nila. Naroon sila sa tinatawag na High Hills Restaurant. Kung saan nasa tuktuk ito ng bundok na makikita mo ang buong paligid at karagatan na naka palibot sa island. Maganda roon kaya doon na sila dumiritso ng kanilang hapunan matapos mamasyal. Naabutan din nila ang paglubog ng araw dahil napaka ganda ng view sa kanilang pwesto."tingnan mo love, ang ganda ng kuha ko sa sunset ohh." pinakita nito sa binata ang camera. "ohh, nice try." tugon nito. Maganda ang kanyang mga kuha para sa mga baguhan pa lamang sa photography at kahit hindi mag aral ng photography. "Kumain na tayo!" pagaaya ng binata ngunit nung kukuha na siya ng kutsara ay napatigil ito. Abala nanamang muli si Marian sa pagkuha ng litrato ng mga pagkain. Hindi naman it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status