Home / Romance / Arrange Marriage Gone Wrong / Live as an Ordinary One

Share

Live as an Ordinary One

Author: Yhllara
last update Last Updated: 2025-08-14 09:31:06

Ilang buwan lang ang nagdaan, nakapag trabaho na si Marian sa coffee shop na inapplyan niya. Kailangan niya mag ipon ng pera kaya nag susumikap ito. Walang nakakakilala sa kaniya roon kaya malaya niyang nagagawa ang mga gusto niya. 

Walang princess treatment, walang sumusunod na body guard sa bawat lakad niya. Walang nag nag hahatid sundo sa kanya, at lalong walang may magdedekta sa mga dapat niyang gawin. 

Napakatahimik ng buhay niya sa Zambales kaya kahit ilang buwan pa lamang siya roon ay napapamahal na siya sa mga tao at tanawin doon.

"Marian! Lunch break na hindi ka ba sasabay samin kumain?" tanong ni Erick na kasama niya sa trabaho. Pareho silang bartender sa coffee shop kaya tila nag kakamabutihan na sila ng loob sa palagi na lamang magkasama sa trabaho. 

"Mamaya na siguro ako, mauna na kayo. Wala rin kasing mag babantay dito kung lahat tayo kakain. Kayo na lang muna." tugon ni Marian kay Erick.

"Sigurado ka? Kasama ko rin si Eida." Ani pa ni Erick 

"Oo, ayos lang. Susunod na lang ako kapag dumating yung iba nating kasama." tugon niya.

Lima silang magkakasama roon. Ang isa nasa counter and dalawa taga serve ng order at sila ni Erick ang bartender. 

Walang masyadong customer ng oras na iyon dahil tanghaling tapat. Madalas ganoon ang sistema ng kanilang trabaho kaya nasanay na lamang siya na kapag walang customer ay mag lilinis siya ng sahig, mag pupunas ng mga hinugasang cup at mga gamit. Ganun din ang pag punas ng mga lamesa at kahit anong gawain ginagawa niya. 

"Miss, pa order nga po" 

Isang lalaki ang nagsabi non na ikinapukaw ng attention ni Marian kaya agad niyang kinuha ang listahan upang kunin ang bibilhin nito.

"Ano pong order nyo sir?" 

"Dating gawi." Tugon niya.

Napa tigil si Marian at tumingin sa lalaki. Hindi naman niya ito madalas na nakikita sa coffee shop kaya paano niya malalaman kung ano ang inoorder nito ng madalas.

"Sir? Hindi ko po alam kung ano ang tinutukoy niyong dating gawi. Pwede pong paki sabi na lang ulit ng order niyo?" tugon ng dalaga.

"Ahh sorry! pa order ako ng tatlong Macchiato, Dalawang Cappuccino at dalawang Matcha latte." 

Agad namang naisulat iyon ng dalaga. 

"Ano pong pangalan ang ilalagay sir?" 

"Jaile." tugon ng lalaki. Napatango na lamang si Marian nang makuha na niya ang pangalan nito at nag simula nang gumawa ng order.

Samantalang hindi naman umaalis si Jaile sa kanyang kinatatayuan.

"Bago ka lang dito, no?" tanong niya kay Marian.

"Opo, sir!" 

"Hmm, kaya pala ngayon lang kita nakita rito." ani niya

Buwan na rin ang itinagal nita sa trabaho ngunit hindi rin naman niya nakikita ang lalaking iyon.

"Araw-araw ka ba rito?" tanong ni Marian.

"Hmm, depende. Minsan may inuutusan lang ako pero same order. Lalo na nitong mga nakaraan wala kasi ako rito. Kakarating ko lang nung isang araw kaya ngayon lang ulit ako nakabisita." paliwanag niya. Napa tango ang dalaga. Kung ganon yung minsang order na ginagawa niya ay para sa lalaking ito. Maraming beses na rin siyang nakakagawa ng ganoong order ngunit iba ang bumibili kaya ngayon naiintindihan na niya ang sinabi nitong dating gawi. 

"Take out?" Tanong ng dalaga.

"Yes please!" tugon niya.

Matapos niyang magawa ang coffee ay binalot na niya ito at binigay. 

"Thank you! Marian." napa taas ang kilay ng dalaga sa binanggit nito. Bakit niya alam ang pangalan ko? Tanong ng dalaga sa kanyang sarili. 

Ngumiti ito at umalis na ngunit ang muka ng dalaga ay hindi nag bago ng reaksyon kunot noo parin ito hanggang sa dumating naman ang isa nilang kasama.

"Ako na muna dyan Marian kumain kana." ani ni Niro.

Napa kagat labi ito nang makitang may name tag pala sila sa kanang parte ng uniform na suot nila. Tila ba nahimasmasan siya sa kanyang pagkapraning kakaisip kung paanong nalaman ng lalaki ang pangalan niya.

"Hoy, ayos ka lang? Kumain kana nga dun gutom lang yan tulala kana eh. " patawang sabi pa ni Niro.

As usual, kapag umuuwi ng gabi ang dalaga dumadaan muna siya sa karinderya upang bumili ng pagkain para hindi narin siya mag luluto pa. Ginagawa niya lamang ang pagluluto kung may malaking oras pa siya at hindi pa gaanong pagod sa trabaho. 

Isang beses na umuwi siya sa kaniyang condo may nakita siyang pusa sa gilid ng kalsada. Medyo maulan ng gabing iyon. Wala siyang dalang payong kaya tinalukbong niya ang kanyang jacket sa kanyang ulo. 

Nang madaanan niya ang pusang iyon ay kaagad niya itong nilapitan dahil lamig na lamig na ito at basang basa sa ulan. 

Maawaing tao si Marian, kahit sino kinakaawaan niya kapag nakikita niya itong nahihirapan at tumutulong siya hanggat makakaya niya. Ganoon din naman ang kanyang pamilya ngunit ibang-iba ang dalaga pag dating sa kabutihan. Napaka lambot ng kanyang puso na kahit ang mag tanim ng galit ay hindi niya magawa.

"Bakit ka nandyan? Sino ang amo mo? Nako naman naka takas ka ba paano ka nakarating dito?" sunod-sunod niyang tanong sa pusa na para bang may kakayahan itong sagotin siya.  

Pinulupot niya ang kanyang jacket sa pusa. Ayos lang sa kanya na mabasa ng ulan may masilungan lamang ang pusang ginaw na ginaw na.

"Do you want to come with me? Huh?" tanong ng dalaga. Hindi maila ang pusa. Agad niya itong nahawakan at nakarga na parang bata kaya naiuwi niya ito kaagad. 

Kinabukasan nag baka sakali ang dalaga na may maghahanap sa pusang nakita niya dahil handa niya itong ibalik sa may-ari ngunit dumaan ang mga araw walang nag hahanap dito kaya kinupkup na lamang niya iyon. Masaya rin siya dahil ang pusa lamang ang kanyang nakakausap at nakakasama sa kanyang condo. Sa tuwing uuwi siya inaabangan siya nito at nilalambing na siyang nakakapawi ng kanyang pagod sa araw-araw.

"Marian! Tulala ka nanaman dyan." ani ni Eida sa dalaga. 

Bigla na lamang itong napatigil sa ginagawa niyang pag pupunas sa mga baso na nahugasan na.

"Huh? Sorry! May iniisip lang." aniya.

"Alam mo palagi ka na lang ganyan, ano ba yang sumasagi palagi sa isip mo. May boyfriend kana ba? Nag away kayo?" nagagalak na tanong ng kaibigan.

"Hoy, hindi ah. Wala nga akong manliligaw boyfriend pa kaya?" tugon ni Marian.

"Seryuso? Wala ka pa talagang boyfriend kahit isa? Ilang taon kana ba? 25 tapos until now wala paring boyfriend?" Makulit talaga itong si Eida, maingay pa sa maingay ang bibig. Halos lahat ng malal

aman niya hindi niya kayang itago dahil sa kadaldalan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Arrange Marriage Gone Wrong    Good Mourning?!

    "Tama ito, kasalanan ko ang lahat. Dapat hindi ko na lang tinanggihan ang engagement. Hindi sana nauwi sa ganitong gulo." tanging sa isip na lamang si Jaile nakapagsalita. Hindi na niya kayang manatili at tumayo para sa kanyang sarili dahil kahit anong gawin niya mali parin ang nagawa niya.Nag sinungaling siya hindi lang kay Renzo kundi pati narin kay Marian."Marian sagutin mo. please! we need to talk right now." paulit-ulit na tinatawagan ni Jaile ang cellphone ni Marian. Kaaalis lang ni Renzo kaya nais niyang makausap si Marian tungkol sa nangyari sa kanila ng pinsan.Ngunit naka ilang missed call na siya ngunit hindi parin ito sinasagot ng dalaga.Dahil nakatitig lamang si Marian sa kanyang cellphone habang nag ri-ring ito. Alam niyang si Jaile ang tumatawag ngunit wala siya sa kundisyon upang kausapin ang binata. Namumugto ang kanyang mga mata sa kakaiyak dahil sa nalaman niya kay Renzo.Matapos niyang iwan sa karenderya si Renzo kanina ay hinabol siya nito sa labas. "Marian, g

  • Arrange Marriage Gone Wrong    I know the Truth

    "Madalas ka ba rito?" tanong ni Renzo. Nasa karenderya sila. Alam niyang hindi sanay kumain sa ganoong kainan ang binata ngunit nais niya lamang ipakita ang kanyang buhay roon na tintahak mula nang umalis siya sa mansyon.Naghihirap nga siya masaya naman ito sa kanyang mga ginagawa sa buhay."Oo, masarap kaya rito mura lang ng mga bilihin at makakatipid ka pa. Mura na masarap pa." tugon ng dalaga."Huwag kang masrte tikman mo ito." kinuha niya ang isang mangko ng dinuguan at inilapit iyon sa binata. Paborito niyang ulam iyon."Subukan mo! Wala namang mawawala kapag natikman mo ang hindi mamahaling pagkain." aniya. Tila nag dadalawang isip pa si Renzo na tikman ito. Maya maya ay napa subo na lamang siya."Anong lasa?" pangangamusta ng dalaga. Bakas ang pagka dismaya ng muka ng binata at kaagad itong uminom ng tubig."Kayong mayayaman talaga, spoiled brat rich kid ang aarte nyo. Minsan lang ako makakita nang laki sa yaman na kumakain sa karenderya." ani ng dalaga. Minsan na rin niyang

  • Arrange Marriage Gone Wrong    The Charmed of Jaile

    Afterwards, balik trabaho ulit si Marian bumisita naman doon si Jaile.Napatitig ang dalaga sa lalaking may dala na bulaklak at naka takip ito sa kanyang muka habang papalapit sa counter kung saan siya naroroon."Hi!" pag bati ni Jaile."Flowers for you!" iniabot niya ang bulaklak sa dalaga."Pwede ka bang yayain lumabas bukas?" tanong ng binata."Bukas? May lakad kasi ako bukas." tugon niya. "Hmm? Sa mga susunod na araw?" aniya"Di ko lang din alam. Maybe." "Okay lang, marami pa namang susunod na araw eh." ngiting tugon nito. "Jaile, this is my last day." "huh? anong last day? mamamatay ka na ba? may sakit ka?" sunod-sunod na tanong ng binata."Baliw, last day sa work." pag lilinaw ni Marian."Nakaka gulat ka naman kasi, ayusin mo pag sasalita mo. Pero bakit? nag quit ka?" tanong niyaHindi alam ng dalaga kung sasabihin niya ba rito ang totoo o mag sisinungaling na lamang muna siya for good."Hmm, masyadong mahabang kwento. Siguro malalaman mo rin pag dating ng tamang panahon." t

  • Arrange Marriage Gone Wrong    The Beginning?

    Nothing will lose naman kung subukan diba? Kung hindi mag work at least you've tried. "I'm gonna show you my world." aniya at niyakap si Marian Months passed....Palaging binibisita ni Jaile si Marian sa coffee shop kung noon coffee lang ang dahilan niya roon ngayon may Marian na siyang palaging nagiging reason nang pag punta. Minsan ay hinahatid niya rin ito kapag pauwi na.Unti-unting pinakilala ni Jaile ang kanyang pamilya sa dalaga ngunit ang dalaga ay hindi manlang masabi sabi ang totoo sa binata. Ayaw niyang isipin nito na suwail siyang anak dahil tinalikuran niya ang kanyang pamilya. Ngunit meron siyang dahilan, ang kanyang lamang ay baka hindi iyon maintindihan ni Jaile. "Ohh, pabalik nga nung picture." utos ni Marian nang makita niya an family pictures nila ngunit may mga kasama siyang pinsan. "Kilala mo siya?" tinuro nito si Renzo na naroon sa litrato. "Yeah, it's my cousin." tugon niya. Natigilan si Marian sa kanyang narinig. Tama ba ang kanyang naiisip? Paanong magp

  • Arrange Marriage Gone Wrong    The Kiss—I Like You

    Days passed, it was a day where they had thier vocation in Palawan. Ayaw man sumama ng dalaga ay napilitan siya dahil sa mga kasama nito. Lalo na si Eida, wala itong kasama na babae kung hindi siya sasama. "Wow! This is it! Hello Palawan!" sigaw nina Erick at Niro. Labis ang kanilang galak kahit na nasa barko pa lamang sila at naglalaya sa gitna ng karagatan. Tanaw na tanaw sa malayuan ang ganda ng mga batong tila inukit sa ganda ng hurma."Hey! Are you alright? Ang tahimik mo kanina pa." pagpuna ni Jaile kay Marian. Naka pamalikat itong nakatayo at sinasalubong ang paglayag ng hangin sa karagatan. Naka suot siya ng shades na naka lagay sa taas ng kanyang noo na siyang ikinaganda ng hurma ng kanyang muka at mas lalo siyang gumanda kapag hindi naka suot ng uniform sa coffee shop. "Okay lang naman ako!" maikling tugon ng dalaga. "Ngumiti-ngiti ka naman dyan. Hindi ka ba napapagod bumusangot miss Ganda? Sabagay maganda ka kapag naka ganyan pero mas gusto ko yung ngumingiti ka, like t

  • Arrange Marriage Gone Wrong    Love at First Glazed?

    Hindi maalis sa isipan ni Marian ang nangyari nang araw na iyon. Nang nag katitigan sila ni Jaile. Tila kakaiba iyon. Hindi pa niya naranasan na makatitig sa muka ng lalaki ng ganoon kalapit siguro isa iyon sa dahilan kung bakit namula ang kanyang mga pisngi. "Shhhh! Tama na tanggalin mo na yan sa isipan mo Marian." inis na bulong ng dalaga sa kanyang sarili habang umiiling -iling pa ito. "Oyy! Anong nangyayari sayo? Bigla-bigla ka na lang nag sasalita mag-isa may pa action ka pa. Ayos ka lang? Naka tulog ka ba ng mabuti kagabe?" tanong ni Niro. Hindi niya alam kung nanga-ngamusta ba ito o inaasar lamang siya kaya tiningnan niya ito ng matalim na tingin. "Wala, huwag nyo na lang akong intindihin." iritabling tugon ng dalaga. Iniwan na niya ang mga kasama at nag tungo sa banyo upang mag hilamos. "What's happening to me? Bakit ako affected doon sa titigan namin? It's just an accident... Yeah, accident nga lang pero bakit ganto ayaw mawala sa isip ko." pumikit ang dalaga at muling

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status