Madeline's P. O. V.
Pinasakay niya ako sa kaniyang kotse. Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya, kahit napapansin ko ang feeling close niya na sa akin. Kung hilahin niya ako akala mo wala siyang ginawang kasalanan sa akin.
"Bakit ba hindi mo na lang ako minessage?" irita kong tanong at sinuot ang seatbelt.
Pinaandar nito ang sasakyan. Wala akong kamalay-malay kung saan niya ako dadalhin ngayon.
"Hindi ko alam ang number mo."
"Pero alam mo kung saan ako nag-aaral?" tanong ko.
Binigyan niya ako ng sulyap, hindi pa matagal ang pagsasama namin pero bumubuo agad kami ng pagtatalunan. Wala akong magagawa, kung ganito ba naman kasi ang ugali niya.
"Your father told me to fetch you. I was looking for you, wala ka sa company at sabi ng Dad mo na uwian mo na at sunduin kita, okay?" iritable ang tono ng kaniyang boses.
"So, bakit mo naman ako hinahanap, anong meron sa kasal natin?" tanong ko ulit.
"My mother made a schedule on my auntie, a fashion designer, she made thousands of wedding dresses. She wants me to take you there."
Napatango ako. Kakapirma lang kahapon pero kailangan na agad asikasuhin, nakakaubos pala ng oras ang kasal na magaganap sa aming dalawa.
"Matanong ko lang ulit, bakit ayaw mo umatras? Hindi ka ba naiinis sa akin--I mean, kakayanin mo ba ako?" tanong ko.
Narinig ko ang pagngisi niya, napatingin ako sa kaniya.
"Kayanin? I am just going to marry you, wala na akong pakialam sa 'yo after that. I have goals in my life, I am a busy man. Wala akong panahon para intindihin ang pag-iinarte mo," aniya.
Napairap ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang seatbelt saka tumingin sa bintana.
"Dapat lang, huwag na huwag ka magkakagusto sa akin. Baka mamaya kung ano pang gawin mo sa akin. I will never gonna let you touch me," mataray kong sambit.
"I am not interested in you, Madeline. Stop dreaming."
"Whatever, pinapaalalahanan lang naman kita. Maraming nahuhulog sa ganda ko," mayabang kong sambit, hindi niya ako pinansin. "Saan ba tayo pupunta, parang ang layo naman," irita kong tanong.
"We're almost there. Can you please shut your mouth? You're so talkative, parang walang kapaguran yang bunganga mo."
Hindi ko siya pinansin at tumahimik na lang kagaya ng sinabi niya. Inip na inip na ako. Kinuha ko ang cellphone sa aking bag at nagsalamin sa akinh camera. Nagandahan naman ako sa aking sarili kaya kumuha ako ng selfie. Akmang pipindutin ko na ang camera button pero bigla na lang pumreno si Raven dahilan para maging malabo ang kuha ko sa aking sarili.
"Nandito na tayo," wika niya sabay tanggal ng kaniyang seatbelt.
Napairap ako. Ibinulsa ko ang aking cellphone at tinanggal ang seatbelt ko. Lumabas ako ng kotse, iniwan ko na ang aking bag doon.
"Hoy, Raven!" sigaw ko nang makitang nauna siyang maglakad.
Tignan mo nga naman, dinala niya ako dito pero hindi niya ako mahintay. Tumakbo ako para habulin siya. Pumasok ito sa isang malaking building, puno ng mannequins ang harapan nito at naka-display ang iba't ibang klase ng gown. Masasabi kong ang ganda ng quality nito, paano pa kaya kapag sinuot na.
"Good afternoon, Mr. Aguilar. Your Auntie is waiting at her office," bati ng isang employee.
Tinuro niya ang daan at kami naman ay sumunod lang sa kaniya. Pagdating namin sa isang pinto ay iniwan na kami ng babae. Kumatok doon si Raven.
"Come in."
Binuksan ni Raven ang pinto at tumambad sa akin ang isang malaking office na mayroong mga tela, mannequins, sewing machine. Napatingin ako sa paligid, ang gaganda ng dress na suot ng mannequins.
"Auntie, this is Madeline, my soon to be bride," ani Raven.
Bakas sa mukha niya na napipilitan lang siya sa kaniyang sinabi. Nakakadiri naman siya mag-introduce, akala mo tunay.
"Hello po," I said awkwardly.
"You're so pretty, hija. Mukhang madami kang kaagaw sa babaeng ito, Raven. Mabuti na lang ikakasal na kayo."
Natawa ako ng mahina sa pambobola ng Tita niya. Lahat naman ay nagagandahan sa akin, lahat ng crush ko nagiging crush din ako lalo na noong highschool ako.
"Auntie..." walang emosyong sambit ni Raven, bakas sa mukha niya ang pagkapikon.
"Anyways, I have a magazine here, full of wedding dresses. I hope may mapili kang perfect sa 'yo. Bilang Auntie ni Raven, the wedding gown and suit that you'll pick is my gift on your wedding," aniya.
Napaawang ang labi ko. Ganito sana lahat, manlilibre.
"Hala! Talaga po, Auntie? Thank you po!" masigla kong sabi at kinuha ang hawak niyang magazine.
Tila ba nagulat si Raven sa inakto ko. Tinignan ko siya at pasimpleng inirapan. Naupo ako sa couch at binuksan ang magazine. Puno ito ng wedding dresses na sobrang gaganda.
Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Raven sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya na may hawak ding isang magazine na puro suit naman ng lalake. Busy ito sa pagtitingin kaya tinuon ko na lamang ang pansin ko sa magazine.
"Susukatan kita, soon to be Mrs. Aguilar. Tell me kapag nakahanap ka na ng perfect gown for you," ani ng Tiya ni Raven at kumuha ng measuring tape.
"Sure, Auntie. Sobrang gaganda ng wedding gowns niyo. Mukhang pricey din siya, am I right?" ani ko.
Tumango ito at ngumiti. Ang swerte ko naman, isang branded at mamahaling wedding gown ang susuotin ko.
"By the way, couples. Kailan ang wedding day niyo?" tanong ni Auntie.
Napakunot ang noo ko, oo nga pala. Bakit hindi ko alam kung kailan kami ikakasal?
"Teka, kailan nga ba? Hindi ko binasa yung contract," bulong ko kay Raven.
"We'll getting married next week, Saturday."
Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na matatapos na ang pagkadalaga ko, iilan na lang pala ang natitirang araw ko. Dadalhin ko na ang apilido ng lalaking ito.
"W-What?" tanging nasabi ko.
"That's exciting and kinda rush," ani Auntie.
Napabuntong hininga ako. Kailangan ko na sulitin ang pagiging dalaga ko. Ikakasal na ako next week!
**************
Kinabukasan, para akong lantang gulay buong araw ng klase. Lumulutang ang isip ko, tinawag ako sa recitation at ibang subject ang isinagot ko. Gumugulo sa isip ko ang kasal namin ni Raven. Hindi pa ako handa.
"Maddy, kanina ka pa lutang," puna sa akin ni Roselle.
Nakatayo kami sa gilid ng library at hinihintay namin si Catalina. May kinuha kasi siya sa loob at bawal pumasok ang walang gagawin sa library kaya nasa labas lang kami.
"Alam ko... Hindi ko lang matanggap, tapos na ang maliligayang araw ko ng pagiging dalaga."
Napayuko ako. Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Roselle sa likod ko.
"Kung ako nasa kalagayan mo, matutuwa ako na mapangasawa ang isang gwapo, mayaman, matcho, hot papi na si Raven," aniya.
Napalingon ako sa kaniya. Bumusangot ako. Talagang nagawa niya pang pagnasahan ang lalakeng 'yon?
"Hindi siya hot for me," ani ko at tinaas ang dalawa kong palad.
Biglang lumabas si Catalina ng library. Hawak niya ang dalawang libro sa biology.
"Hinihingi nung grade 10 yung number mo, Maddy. Hindi ko binigay," ani Catalina.
"Oo, huwag mo ibigay, ikakasal na 'to--"
Agad kong tinakpan ang bibig ni Roselle dahil lumalakas na naman ang boses niya. Baka kumalat pa sa campus ang tungkol sa pagpapakasal ko. Issue na naman 'yon.
"Ang ingay, Roselle. Sisipain kita," ani ko.
"Tara na, umuwi na tayo," aya ni Catalina sa amin at hinawakan ang braso namin.
Naglakad kami palabas ng campus.
"Tutal malapit ka na maging Misis. Bakit hindi tayo mag-enjoy hangga't Miss ka pa?" ani Roselle.
Napakunot ang noo ko. Napahinto kami sa paglalakad.
"Ano na namang iniisip mo, Roselle?" ani Catalina.
Nabuhayan ang dugo ko. Ano-ano ba ang ginagawa ng mga dalaga na nagsasaya lang sa buhay?
"Mag-Bar tayo!" ani ko kay Roselle.
"Pareho tayo ng iniisip!"
"Ano na naman ba 'to?" ani Catalina at napasapo sa kaniyang noo.
************
Nagtungo kami sa Bar na malayo sa aming school. Tutal pagabi na, masusulit namin ang pagpunta dito. College students naman na kami kaya siguradong papapasukin kami.
"May bayad ba dito?" tanong ni Roselle.
"Hindi ko alam, basta pumila ka," ani ko.
"Lagot ako nito kay Mama," ani Catalina.
"Kami bahala, sasabihin namin inaya kita sa amin para sa assignment," ani ko kay Catalina at hinila ang kamay niya para pumila sa likod ko.
"I.D?" ani ng lalake sa entrance.
Sabay-sabay naming itinaas ang I.D namin. Tinuro niya ang loob hudyat para pumasok kami sa loob. Halos mabingi naman ako sa lakas ng sound system.
"Grabe! Ang ingay!" sigaw ni Catalina.
"Mag-e-enjoy tayo para kay Maddy!" sigaw ni Roselle at hinila si Catalina.
Sumunod ako sa kanila. Naupo kami sa isang pabilog na lamesa at gawa sa bakal na upuan. Agad na lumapit sa amin ang waiter.
"Drinks?" tanong nito.
"Ano bang iniinom na alak dito?" tanong ni Roselle.
"Tequila!" sigaw ko.
Siniko ako ni Roselle.
"Gagi ka!" aniya.
"Three tequila, coming up," ani ng waiter at naglakad paalis.
"Bakit ba? Iyon lagi kong naririnig sa mga pumupunta ng bar," ani ko.
"Baka kung ano 'yon, baka mapaano tayo. Hindi ko iinumin 'yon!" ani Catalina at niyakap ang bag niya.
"Maddy, nakikita mo ba yung nakasuot ng polo na itim? Ang gwapo niya!" sigaw ni Roselle.
Tinuro niya ang lalake na nakaupo sa mahabang upuan sa gitna na may kasamang mga lalake. Hindi ko ito makita nang maayos sa dami ng dumadaan.
"Here's your order, Ma'am."
Nilapag ng waiter sa lamesa ang tatlong baso ng tequila. Kinuha ko iyon at inamoy.
"Mukhang matapang 'to," bulong ko.
Akmang iinumin ko na ito ngunit biglang naramdaman ko ang vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa. Agad ko itong kinuha, nakita ko ang unknown number na tumatawag sa akin.
"Hinahanap ka na ba ng Mommy mo?" tanong ni Roselle.
"Hindi si Mommy 'to, teka." Pinindot ko ang accept call.
"Hello?" ani ko.
"Madeline, where--bakit ang ingay diyan, nasaan ka ba!?" ani ng pamilyar na boses sa kabilang linya.
"Raven, ikaw ba 'yan?" tanong ko.
"Nasaan ka!?" sigaw niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Ha? Ano? Wala akong marinig!” agad kong pinatay ang tawag.
Madeline's P. O. V.Hawak ko ang aking cellphone, naghihintay ako ng reply mula kay Roselle. Ang sabi kasi nilang dalawa ay dadalo sila sa welcoming ko bilang bagong CEO. Nakasakay pa rin ako sa kotse, nakaupo ako sa backseat dahil driver lang nila Mommy ang naghatid sa akin. Nasa company building na ngayon si Raven kasama nila Mommy."Hayst... Sabi nila pupunta sila," malungkot kong bulong.Pumasok ang driver sa loob ng kotse at naupo na sa driver's seat."Ma'am, tumawag na po ang Mommy ninyo, pwede na raw tayo pumunta sa entrance," aniya."Sige po, Manong!" Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon, kaba, saya, at excitement. Napahawak ako sa aking dibdib dahil lumakas at bumilis ang tibok nito.Binalik ko na sa hand bag ko ang cellphone ko saka kinuha ang foldable mirror ko, tinignan ko ang aking make up, na ngayon ay hindi pa rin nagugulo. Ngumiti ako at nag-practice ng aking speech habang nagda-drive si Manong.Napatigil ako nang makita ko na ang grand entrance. Napaawang ang labi k
5 YEARS LATERMadeline's P. O. V."Ms. FA, ehem--Roselle!" sigaw ko nang hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa pakikipag-picture sa kaniyang mga kaklase. Nang lingunin niya ako ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Nagtatatalon ito papunta sa akin, nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Yes! Graduate na tayo!" sigaw ko habang yakap namin ang isa't isa.Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko."Pero, Bes... Ang pinakamasarap sa lahat. Tapos na tayo mag-aral tapos sasahod na tayo!" sigaw niyang muli."Bakit parang hindi na ako kasali sa inyo?" Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Catalina. Paglingon namin sa likod ay nakita namin siyang nakatayo, may dalang isang bouquet ng bulaklak. Napataas ang kilay ko nang makita ang manliligaw niya sa kaniyang likuran."Oh, nandyan pala si Paul James," puna ko."May sasabihin kasi ako sa inyo, actually, kami... May sasabihin kami," ani Catalina sabay ayos ng kaniyang eyeglasses. Napakunot ang n
Madeline's P. O. V.Lumipas ang ilang araw, natiis ko ang limang araw na pag-tutor sa akin. Natapos ang lahat ng modules ko sa tulong ng bwisit na si Professor Pauline. Kahit ba malagkit ang tingin nito sa asawa ko ay napakinabangan ko naman siya, although bayad naman ang trabaho niya."I'm happy that you already finished all of these, next week exam na lang then bakasyon ka na," ani Raven habang nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang mga tumpok na modules and answer papers.Biglang hinawakan ni Prof. ang braso ko sabay ngiti. I suddenly felt awkward again pero nasanay akong pekein ang pagngiti ko sa kaniya."Of course, sa talino ba naman ng asawa mo, Sir Raven. I'm so impressed in her skills, from reading comprehension to memorizing. Malayo ang mararating ni Mrs. Madeline." Hinimas-himas niya pa ang balikat ko.Napairap ako at tumingin sa kaniya. Bahagya kong hinampas ang braso niya, gusto ko ngang lakasan. Aalis na lang ang dami pang satsat."Thank you for the compli
Madeline's P. O. V.Pagsapit ng gabi ay antok na antok na ako. I felt mentally exhausted sa dami ng inaral namin in just a day, pakiramdam ko sinasadya na niyang wala man lang pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng information sa utak ko. Although gusto ko na talaga matapos ang modules but I really feel awkwardness between me and Prof. Pauline."Love, you keep on yawning. I think you should sleep early," puna ni Raven sa akin. Tumango ako at kinapa ang gilid ng mata ko na puno ng luha kakahikab ko. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko. Nakaupo kami sa sala at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-dinner. Ayoko naman matulog kaagad dahil kakakain ko lang, may mga masamang kasabihan about sa pagtulog ng busog."Love..." hinawakan ni Raven ang kamay ko.Bigla niyang pinatay ang TV kaya nanlaki ang nga mga mata ko."Oh, I thought you want to watch soccer?" tanong ko."But your sleepy, kaya matulog na tayo sa kwarto," ani Raven."Pero kung gusto mo manood, okay lang sa akin. Buksa
Madeline's P. O. V."Huwag ka na kaya magluto ng lunch mamaya?" suhestyon ko kay Raven habang kumakain kami ng umagahan."It depends, why?" Napairap ako, nagsu-suggest na nga akong huwag na pero parang gusto niya pa ring magluto at kumain na naman dito si Prof."Bakit ba gusto mong magluto? Pwede naman tayong um-order na lang. Masyado kasing epal si Prof. magaling nga siyang guro pero yung ugali, tagilid." Pabagsak kong binitawan ang kutsara ko sabay kuha ng aking hot chocolate drink."Love, it's not like that. Gusto ko lang ring kumain ka ng niluluto ko. Sunday ngayon, tapos the next five days, I'll be busy again." Mahinahon ang pagsasalita niya habang nakatitig sa akin."Kahit na ba! As long as dito kakain yung haliparot na 'yon, huwag ka magluto." Padabog kong ipinatong sa lamesa ang tasa ko. Napapikit naman si Raven sa lakas ng tunog na nagawa ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang napapagod na siya sa ugali ko."Love, can you calm down?" aniya sabay bitaw sa kutsara'
Madeline's P. O. V."Grabe, I didn't knew you're best sa kusina, Sir Raven!" Napatigil ako sa pagnguya, pakiramdam ko exaggerated na ang reaksyon ni Prof. Pauline. Ganoon lang ba talaga siyang klaseng tao? Matalino siya at friendly, pero minsan mapapansin talaga na hindi normal yung kilos niya, especially ang tawa niya."Thank you for the compliment, Prof. Pauline." Ngumiti si Raven at kinuha ang basong juice niya na melon dahil pinangakuan niya ako.Biglang kinuha rin ni Prof. Pauline ang kaniyang basong juice sabay taas nito, tumingin siya sa akin."Cheers?" aniya.Naiilang akong kinuha ang baso ng juice ko, go with the flow lamang ako. Nakangiti naman si Raven habang pinagdidikit namin ang mga baso namin. Parang nagugustuhan naman niya ang pakikisama ni Prof. "Bukas, sunday. Are you still available for tutoring?" tanong ni Raven."Of course, pwedeng-pwede. Kung okay lang ding mag-aral ng sunday, Mrs. Madeline?" tanong nito at tumingin sa akin."H-Huh? Okay lang naman... Para din