Share

Chapter 2

Raven's P. O. V.

Kumikirot ang leeg ko, ramdam ko pa rin ang pagbaon ng kuko niya sa akin. Ayoko lang ipakita na mukha akong mahina at iiyak na dahil lang sa kuko ng babaeng nasa harapan ko ngayon. I act normal, although hindi ako makaupo dahil ramdam ko ang dumi sa aking pants.

"Mr. Aguilar, I am very sorry. Bata pa ang anak ko at nakakagawa ng mali, sana bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon," ani Mrs. Rosario, ang ina ni Madeline.

Hindi ko akalain na ang babaeng ito ang papakasalan ko, ang hirap isipin na araw-araw kong makikita at makakasama ang kagaya niya, paano na lang ako? Hanggang kailan ako magtitiis sa ugali ng babaeng 'to.

"Mom, I told you, siya po ang nauna. Wala nga akong ginagawa, kung hindi niya ako tinalsikan ng putik, eh 'di sana okay na okay kami ngayon," reklamo ni Madeline.

Napabuntong hininga ako. Mukhang wala siyang balak magpatalo.

"Mr. and Mrs. Rosario, I want to forget this incident. Iyon ay kung hihingi ng tawad sa akin ang anak niyong si Madeline, saka lang din ako hihingi ng tawad sa kaniya."

Bakas ang gulat sa mukha ni Madeline. Dapat, habang bata pa siya, matuto na siyang tanggapin ang pagkakamali niya. Hindi yung dadaanin pa sa gulo.

"Anak, do it." Hinawakan ni Mr. Rosario ang balikat ng kaniyang anak.

"D-Daddy..." bulong niya at tumingin sa kaniyang ama.

Tignan mo nga naman, makukuha pa niyang magpaawa.

"He is older than you, anak. You must respect him, isa pa, magiging asawa mo siya."

Umasim ang mukha ni Madeline nang sabihin iyon ng kaniyang ina. Tila ba ayaw niya rin ang nasabing plano para sa aming dalawa. Tumingin ito sa akin ng masama.

"Sorry."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Now, I won.

"I'm sorry, Ms. Madeline. Huwag ka mag-alala papalitan ko ang uniform mo, bibili na lang ako ng bago kung ayaw mong tanggapin yung pera na nilukot mo lang," ani ko at kinuha mula sa bulsa ko ang pera na hawak niya kanina. Nabitawan niya ito nang pinipilit niyang hubarin ang pants ko.

"A-Ano ka ba, Mr. Aguilar? Hindi mo na kailangan palitan pa ang uniform ng anak namin."

"Kami nang bahala sa uniform ni Maddy. Gusto naming magkasundo kayong dalawa bago kayo pumirma sa kontrata," ani ng ama nito.

Nilapag niya sa lamesa ang mga papel. Kinuha niya ang isang box at binuksan, laman nito ay isang mamahaling ballpen na signiture pen. Yumuko ako saka kinuha ito.

"I already read the soft copy of the contract," ani ko.

"Bakit nabasa na niya? Sa akin hindi niyo man lang pinabasa?" inis na tanong ni Madeline.

Napangisi ako sa kakulitan niya, parang wala siyang ginawa kundi magalit at magreklamo.

"Anak, hindi mo rin naman maiintindihan ang nilalaman ng kontrata. Just sign those papers because we already give you a consent," ani Mrs. Rosario.

Habang pumipirma ako sa kontrata nang nakayuko lamang sa lamesa.

"Maupo ka na, Mr. Aguilar."

Umiling ako kay Mr. Rosario.

"Nadumihan po kasi yung pants ko, may nanggulat po kasi sa akin kanina," ani ko.

Nagkatitigan kami ni Madeline.

"Bakit nga pala hindi sumama ang Mommy mo?" tanong ni Mrs. Rosario.

"May kailangan siya asikasuhin sa company. Isa pa po, inaasikaso niya yung papeles para sa manahan na magaganap," pagsagot ko sa tanong nila.

Nang matapos ako sa pagpirma ay binalik ko na ang ballpen sa box nito at tumayo ako ng tuwid.

"Tapos na, uuwi na ako, bahala na kayo diyan."

Tumayo bigla si Madeline. Hindi man lang siya nagpaalam ng maayos sa magulang niya, tumalikod ito at binuksan ang pinto.

"Pwede ko po ba itanong kung only child lang si Madeline?" ani ko.

Sabay na tumango ang mag-asawa. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang ugali niya, masyado siyang spoiled. Parang ang kapatid ko na nasa ibang bansa, palaging pinagbibigyan ni Mommy.

"Mauna na po ako, Mr. and Mrs. Rosario. It's nice meeting you," ani ko.

"Salamat sa pagtanggap sa offer naming kasal. It's our pleasure to meet you, Mr. Aguilar."

I smiled. Lumabas ako ng silid at napapikit nang mariin dahil sa kirot ng sugat ko sa aking leeg. Naglakad ako patungo sa elevator. Nakita ko namang nakatayo doon si Madeline at hinihintay na bumukas ito.

Lumapit ako sa kaniya. Nakabusangot ang mukha niyang nilingon ako sabay irap sa akin. Sobrang m*****a talaga ng batang 'to. Bumukas ang elevator at sabay kaming pumasok doon. Akmang pipindutin ko ang ground floor pero naunahan niya ako.

"Sabihin mo nga, gusto mo bang ikasal sa akin? Bakit pumayag kang pirmahan ang kontrata?" tanong niya.

"Kagaya mo, I was forced to marry you. Besides, it's just a contract. It's for the business. Your family and my family will share the company and unite. The sales will rise up and the business will be successful in the future."

Bumukas ang pinto ng elevator. Nauna akong lumabas pero ramdam kong nakasunod ito sa akin.

"Gusto ko rin malaman mo na ayokong pakasalan ka, napilitan lang din ako dahil utos ng magulang ko. Kapag kinasal na tayo. Huwag ka mai-in love sa ganda ko, ha?" maarte niyang sabi.

Napataas ang kilay ko.

"Maganda ka nga, but your attitude is not," bulong ko.

"Anong sabi mo!?" sigaw niya.

"Wala," simpleng sagot ko at binuksan ang aking kotse.

"Hoy--"

Hindi ko na siya pinakinggan at sumakay ako sa aking kotse. Rinig ko pa ang sigaw niya pero hindi ko ito maintindihan. Nagmaneho ako.

"I can't believe how strong she is," I whispered.

Habang nagda-drive ako ay napatingin ako sa rearview mirror. Nakatapat ito sa akin, nakita ko ang sugat sa leeg ko, dumudugo ito. Kaya pala sobrang sakit. Inayos ko ang rearview mirror at hinanap ang band aid sa kotse ko, alam ko may tinago ako, kailangan ko lang takpan 'to para iwas infection.

Now, I can't find the woman I love. I'll marry a woman that isn't my type, lalo na ang ugali niya. I need to sacrifice. Ako ang panganay sa pamilya at simula nang mawala si Daddy, pakiramdam ko ay dapat ako ang tumayong haligi ng tahanan.

**********************

Madeline's P. O. V.

Nakaharap ako ngayon sa aking vanity mirror. Napatitig ako sa aking mahahabang kuko, mayroon pa ring namuong dugo sa loob nito kahit na naligo na ako. Kinuha ko ang pusher at saka kinutkot ang nakadikit na dugo sa loob nito.

"Kung sana nag-sorry siya kaagad. Sana hindi ko na lang sinaktan."

Tinignan ko ang mga kuko ko, bahagyang nasira ang cutics nito. Wala na akong magagawa mukhang kailangan ko ng bagong manicure.

Tumunog ang aking cellphone na nasa kama, lumapit ako sa aking kama at nahiga roon. Nakita ko ang notifications ko sa aking social media account, napakadaming comments sa bago kong na-post na selfie ko.

"Gandang-ganda na naman kayo sa akin," bulong ko.

Habang patuloy ako sa pag-scroll sa aking pictures na pinost ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*************

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, nagawa ko pang mag-skin care bago pumasok sa school. Nang maihatid ako ng aking driver, tumambay muna ako sa gate ng school.

Naka-recieve naman ako ng text message mula sa kaibigan kong si Catalina. Malapit na raw ito sa school. Agad akong tumayo sa gitna ng gate at nang makita ko siya ay agad ko itong sinalubong.

"Maddy, ang aga mo ngayon. Ikaw ang nag-antay," aniya.

"Nakatulog ako ng maayos kasi nakaganti ako sa lalaking sinasabi ko sa inyo, dumugo leeg sa akin," pagyayabang ko.

"Ano 'yon? Anong meron? Parang na-late ako sa chismis," biglang sumulpot ang isa pa naming kaibigan na si Roselle.

"Na-meet na niya yung guy na papakasalan niya," ani Catalina kay Roselle.

"Ano itsura niya, Maddy?" bakas ang excitement sa boses ni Roselle.

Napasimangot ako. Sa totoo lang, may itsura siya pero hindi ko rin gusto ang pananalita niya sa akin kaya ekis na siya.

"Hindi ko siya type, malayo sa type ko," ani ko.

Sabay-sabay kaming tatlo na naglakad papasok ng school.

"Wala ka bang picture niya? Curious talaga ako. At saka, anong pangalan, alam mo na?" sunod-sunod na tanong ni Roselle.

Sa aming tatlo, si Roselle ang pinakamadaldal, habang si Catalina naman ang pinakatahimik at nagmamasid lang.

"Aguilar ang apilido niya, hindi ko alam kung anong pangalan. Hindi ako interesado."

"Ngek, dapat inalam mo. Papakasalan mo 'yon, paano kapag nalaman mong madilim pa sa madilim ang past niya, baka kung anong gawin niya sa 'yo," ani Roselle.

May punto si Roselle. Pero paano ko nga ba gagawin 'yon? Wala akong alam sa background niya pero hindi naman siguro ako ipapaubaya ng magulang ko sa isang taong hindi mapagkakatiwalaan.

****************

Pagdating ng uwian. Napagpasyahan naming bumili ng french fries sa katapat na tindahan ng school. Marami kang meryenda na mabibili dito, tabi-tabi ang mga tindahan at iba-iba ang paninda.

"Sasakay na ako sa trycicle, walang kasama yung pinsan ko sa bahay," ani Catalina.

"Ihahatid ka na namin sa trycicle," ani ko.

Hindi ko naman siya pwede ihatid dahil magkasalungat kami ng daan pauwi. Habang si Roselle ay malapit lang ang bahay dito sa school, isang kanto lang ang layo.

"Sa susunod, itanong mo pangalan nung Aguilar para ma-stalk natin," ani Roselle.

"Ito talagang si Roselle, ayaw paawat," ani Catalina at umiling.

Nang makarating kami sa trycicle ay pinigilan ni Roselle si Catalina na sumakay.

"Magkano po? sa Poblacion lang 'to," ani Roselle.

"Seventy pesos, ine."

Napataas ang kilay ko sa sagot ng driver.

"Singkwenta lang po ang binabayad niya," ani ko at tinuro si Catalina.

"Nagmahal na ngayon ang pamasahe," ani ng driver.

Naglabas si Catalina ng pera. Akmang maglalabas siya ng twenty at fifty.

"Fifty lang," utos ko.

"Huwag na, ayos lang naman," ani Catalina.

"Singkwenta o wala kang pasada?" pagbabanta ko sa driver.

"Itong mga batang 'to! Bente lang naman ang itinaas ng pamasahe kung magreklamo kayo--"

"Eh sa singkwenta nga lang yung binabayad niya!" sigaw ko.

"Aba! Siraulo kang bata ka--" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Sinipa ko ang harapan ng kaniyang trycicle. Natanggal ang bakal nito.

"Sagot!" sigaw ko.

Akmang susugurin ko ang driver pero isang matangkad na lalaki ang pumagitna sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hindi inaasahan na lalake.

"Mr. Sungit?" bulong ko.

"It's Raven Aguilar," aniya at humarap sa driver. "I'm sorry for the trouble she made. Pagsasabihan ko na lang siya."

"Ikaw ba ang magulang ng batang 'yan? Tignan mo ang ginawa niya sa trycicle ko!" sigaw ng driver.

"About that, you can take this. Para mapagawa ninyo ang nasira niya," ani Raven.

Napataas ang kilay ko nang maglabas ito ng pera sa kaniyang wallet at ibinigay sa driver.

"Ayaw nga namin bigyan ng bente, nagdadagdag ng singil 'yan sa pasahero!" sigaw ko.

Tinignan ako ni Raven ng masama. Nagpasalamat naman ang driver kay Raven. Napairap ako sa ginawa niya. Hinila naman ako ni Roselle.

"Sino siya, Maddy?"

"Sino pa ba? Eh 'di, 'yong lalakeng papakasalan ko," ani ko.

"Hala, Maddy! Hindi mo naman sinabi na ganiyan pala ka-guwapo ang papakasalan mo," ani Roselle habang nakatingin kay Raven.

"Nasaan? Hindi ko makita, ang pangit niya," bulong ko.

"Madeline."

Napalingon ako kay Raven nang tawagin niya ako. Napansin naman niyang nakikipag-usap ako sa dalawa.

"Ano na naman? Anong ginagawa mo dito?" inis kong sabi.

"Kaibigan mo ba sila? Pwede ko bang mahiram sandali ang kaibigan niyong si Madeline? I need to talk to her, it's urgent."

Tila ba nagpapasikat pa si Raven sa mga kaibigan ko. Kung magsalita siya at tumayo ay pormal na pormal. Nagmumukha siyang kagalang-galang.

"Sige na, kuhanin mo na ang kaibigan namin," nagulat ako nang itulak pa ako ni Roselle.

Siraulong 'to!

"Ingat kayo," ani Catalina at tipid na ngumiti.

Akmang magsasalita pa ako pero hinawakan ni Raven ang kamay ko. Hindi ako nakapalag sa paghila nito sa akin. Nakita ko ang kotse niyang nakaparada sa gilid ng school. Napatingin ako sa kaniyang leeg, mayroon itong band aid.

"Let's talk," aniya at binuksan ang pinto ng passenger seat.

"About what!?" inis kong sambit.

"Our wedding."

****************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status