Share

KABANATA 155

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:12:34
Habang palakas ng palakas ang buhos ng ulan, palakas ng palakas din ang pagtambol ng puso ni Natalie. Lumabas si Mateo! Ang hawak nitong payong ay para sa dalawang tao. Sa gitna ng ulan na iyon, wala ni isa ang gustong magsalita sa kanila.

Tinititigan lang ni Mateo Natalie ng may halong kaswal na pagmamataas. Si Natalie naman ay basang-basa mula ulo hanggang paa.

Pilit siyang ngumiti ng matipid. “D-dumating ka…”

Sa isang tingin pa lang ni Mateo sa kanya, tila naglaho ang lahat ng galit niya sa babae. Kung hahayaan niya ang sarili niya, baka hindi na naman niya makontrol ang bibig niya at baka may masabi pa siya. Kaya inabot niya ang kamay nito at sinaksak ang payong dito.

“Hawakan mo ‘to, magpayong ka!”

“Ha…ah…o-okay…” Dumaan ang malakas na hangin kaya nanginig si Natalie habang mahigpit na hawak ang payong.

Bago pa siya makapagsalita muli, tinanggal na ni Mateo ang kanyang jacket at ipinatong ito sa basa niyang ulo at balikat. May bahid pa din ng galit at inis sa mukha nito
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (24)
goodnovel comment avatar
Amilynne Pedro Da Silva
maikot ikot na lng at paulit ulit nakakawalng gana
goodnovel comment avatar
Pinda Sariul
wakasan mo nalang pangit na
goodnovel comment avatar
Pinda Sariul
ayyyy na giging boring na mg basa paulit ulit na lang ang away bati
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 156

    Huminto na ang ulan pagdating nila sa university. Nauna na sa pagbaba si Mateo at hindi na siya hinintay pa. Nagmadali na din sa pagbaba si Natalie dahil papunta na sa dorm niya ang kasama. Wala pa rin siyang ideya kung bakit siya dinala ni Mateo doon. Ang alam lang niya, kailangan niyang sundan ito kaagad. “Bakit ang bagal mo? Bilisan mo!” Singhal nito sa kanya ng mapansing malayo pa siya. “Eto na nga, binibilisan na.” Dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito, hindi na din siya nagtangkang magpasaway pa kay Mateo. Tumigil sila sa tapat ng mismong kwartong tinutuluyan niya. Saglit na tumigil doon si Mateo. Pagkatapos ay tinanggal ang suot na jacket at inabot kay Natalie. Awtomatikong tinanggap iyon niya iyon kahit na litong-lito pa rin siya. Hindi pa rin nagsasalita, itinaas ni Mateo ang manggas niya. Tumambad ang mahaba at batak nitong mga braso. Napalunok si Natalie at iniwas ang tingin. “Puntahan mo ang dorm supervisor dito” utos nito. “Sabihin mong papa

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 157

    Puno ng pag-aalangan si Natalie kung sasabihin ba niya kay Mateo ang bumabagabag sa isipan niya. Magpapalipas na naman ng isang gabi si Chandon sa loob ng kulungan at ang isiping iyon ay masakit para sa kanya dahil siya ang puno’t dulo ng lahat.“Ano kasi, Mateo…gabi na pala, ano?” Sasabihin na sana niya pero hindi na lang niya tinuloy. Tiningnan siya ni Mateo, may pilyong ngiti sa labi nito. “May sasabihin ka ba? Oo, gabi na. Nanlalagkit na nga ako. Ano, maligo na tayo? Gusto mo bang mauna, ako muna, o… sabay na lang?” “A-ako na lang muna siguro,” nauutal niyang sagot. Hindi na napigilan ni Natalie ang mamula at mag-init ang mga pisngi.“Ako na muna, ha?” Nagmadali siyang pumunta sa closet, kumuha ng mga damit, at tumakbo papunta sa banyo. Mabilis ang pagtibok ng puso niya, kasabay din nito ang gulo ng isip niya. Halo-halo na ang senaryong naglalaro sa isip niya. Sa loob ng banyo na lang niya eensayuhin kung papaano niya sisimulang sabihin ang tungkol sa kaibigan.  Binuksan ni

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 158

    Tumakbo na si Natalie papasok ng bahay bago pa siya mapigilan ni Mateo. Habang pinapanood ng lalaki kanyang papalayong pigura, napangiti si Mateo habang papasakay na siya ng sasakyan niya. “Hinalikan niya ako pero hindi niya man lang magawa ng maayos. Nakakainis, pwede pala yung ganon, inosente pero mapang-akit—“ nasabi na niya ang mga bagay na iyon ng may umusbong na kakaibang kirot sa kanyang dibdib. ** Alas diyes na ng umaga at nasa loob ng bago niyang study room si Natalie. Tumunog ang telepono niya at nakita niyang si Nilly ang tumatawag sa kanya. Ipinagdasal niyang  magandang balita sana ang dahilan ng tawag na iyon bago sagutin ang kaibigan. “Nilly? Anong balita?” [Nat, nakalaya na si Chandon! Ayos na ang lahat!] Napabuntong-hininga si Natalie ng malalim. “Buti naman.” Batid niyang madalas ay sumpungin at mapilit si Mateo, isa siyang taong tinutupad ang kanyang mga salita. Napatunayan na niya iyon ng ilang beses. Niyaya siyang makipagkita ni Nilly subalit tinanggih

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 159

    Ilang minuto pa lang mula nang magsimula ang kanilang date, pero ang pagkakamali ng server ay agad nang sumira sa mood ni Mateo. May sasabihin pa sana siya pero pinigilan siya ng kasama. Ipinatong nito ang kamay sa kamay niya. “Hayaan mo na. Maliit na bagay lang iyon. Gutom na ako… umorder na tayo.” Yaya ni Natalie sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Ang selos ay natural na reaksyon para sa mga babae, pero bakit wala siyang makitang selos sa reaksyon ni Natalie? “Kasalanan ko, dinala ko kasi si Irene dito dati.” Dahil nabuksan na ang paksa, nagpasya siyang maging tapat. “Pero matagal na iyon at kami pa noon…” Naputol ang mga salita niya, tila nahihirapan siyang tapusin ang sinasabi. “Huwag mo nang ipaliwanag,” Putol ni Natalie sa kanya at ngumiti. “Okay lang, naiintindihan ko.” Ang pagiging kalmado ni Natalie ay kabaligtaran ang epekto kay Mateo. Hindi niya masiguro kung saan siya hindi komportable. Ang tila walang pakialam na reaksyon ni Natalie ay lalong nagpagulo sa kalooba

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 160

    Isang malakas na dagundong ng kulog ang umalingawngaw sa kalangitan. Ilang sandali pa, bumuhos ang malakas na ulan. Kumunot ang noo ni Natalie at sinabihan si Mateo, “Dapat ka nang magmadali. Sa ganito kalakas na ulan, mas mahihirapan kayong hanapin siya.” Wala siyang galit, ngunit halata ang pag-aalala sa kanyang boses. Hindi tuloy alam ni Mateo kung dapat ba siyang maantig o mainis dahil sa ipinapakitang pag-aalala para kay Irene. Sa dami ng naging atraso nito kay Natalie, nagaalala pa rin siya dito. Tumayo na si Mateo at nakakunot ang kanyang kilay. “Aalis na ako. Kumain ka nang maayos, at huwag magmadali, baka hindi ka matunawan.” “Alam ko,” sagot ni Natalie na may bahagyang ngiti habang tumango. “Sige na.” Gayunpaman, hindi mapigilan ni Mateo na magbigay ng isa pang utos. “Sina Alex na ang maghahatid sa iyo pauwi.” Alam ni Natalie kung sino ang tinutukoy nito. Sila ang mga bodyguard nito, palaging tahimik na sumusunod kahit pa siya mismo ang nagmamaneho. Nasa labas lam

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 161

    Natagalan sa pagligo si Natalie. Dahil malamig, na-enjoy niya ang hot shower na wala sa nakasanayan niya sa dorm ng university. Humigit kumulang trenta minutos din siya sa loob ng paliguan. Paglabas niya, pinunasan niya muna ang kanyang buhok at kinuha ang kanyang telepono. Naka-display sa screenang ilang missed calls mula kay Mateo. Inisip niya muna kung tatawagan niya ito para malaman kung may kailangan ba ito o wala pero mas nanaig sa kanya ang kagustuhang hindi na makaistorbo pa sa paghahanap kay Irene. Tiyak naman niya na kung importante ang pakay nito, tatawag ito muli. Naghintay siya ng ilang sandali, ngunit nanatiling tahimik ang telepono. Napabuntong-hininga na lang siya at muling itinuloy ang pagpapatuyo ng kanyang buhok bago humiga sa kama. Nitong mga nakalipas na araw, napansin niyang mas malalim ang kanyang tulog—marahil dahil sa kanyang pagbubuntis.Nakatulog siya. Kaya naman nang tumunog ang kanyang telepono at magising siya, irritable ang kanyang pakiramdam. “Hel

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 162

    “Mmm,” isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ni Natalie. “Mabuti naman. At least hindi na sayang ang aksidente ni Mateo.” Nabigla si Ivan sa kanyang sinabi. Tapat ito sa amo kaya hindi nito gusto ang pananalita niya. “Natalie, huwag kang mag-isip ng ganyan.” “Paano ba ako dapat mag-isip, Ivan?” tanong niya, ang mga mata ay naghahanap ng sagot pero nanatiling kalmado. “Hindi ba totoo ang sinabi ko?” Ang pagiging prangka niya ay nag-iwan ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi makapagsalita si Ivan, ngunit sa kaloob-looban niya, alam niyang ayaw ng boss niya na ganito ang iniisip ni Natalie. Gayunpaman, labas siya sa pribadong relasyon ng amo, kaya nagpasya siyang huwag nang ipilit ang usapan. “Natalie,” sabi ni Ivan. “Gutom ka ba? Kukuha ako ng pagkain para sa’yo.” Nagpasalamat si Natalie sa kanya. “Sige, salamat.” Si Alex ang nagdala ng agahan. Nasa operating room pa rin si Mateo. Lahat sila ay masyadong nag-aalala kay Mateo at kahit na masarap pa ang almusal ay hind

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 163

    Ang banayad na haplos ng mga daliri ni Mateo sa kanyang buhok ang nagpagising sa natutulog na babae. Itinaas nito ang ulo, at tumambad ang makinis at maamong mukha ni Irene. Bahagyang kumunot ang noo ni Mateo at nakaramdam siya agad ng pagkabalisa sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Hindi si Irene ang inaasahan niyang naroon. “Mateo,” sabi ni Irene. Nagliwanag sa tuwa ang mga mat anito ng makitang bumalik na ang ulirat niya. “Gising ka na! Kumusta ang pakiramdam mo?” “Ayos lang ako,” sagot niya ng kalmado, matatag ang boses. “Eh, ikaw…?” May mga benda sa mukha niya, at ang kanang braso nito ay nababalot ng gasa na may bakas pa ng dugo. Marami din itong pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito. “Malala ba ang sugat mo?” tanong ni Mateo, bakas ang bahagyang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Hindi naman,” malumanay na sagot ni Irenne, inayos pa ang isang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga. “Kaunting galos lang. Masakit lang ang katawan ko pero kaya naman.” Nang maal

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 306

    Mula pagkabata nila, hanggang ngayon ay hindi pa niya narinig na magpakumbaba sa kanya si Irene. Halos nagmamakaawa na ito na kitain niya.Nakakatawa iyon para kay Natalie.Talagang mahal na mahal ni Irene si Mateo.May bahagyang kislap ng panunukso sa mga mat ani Natalie. Kasabay ng pasilay ng labi para sa isang maliit na ngiti. Ibinaba niya ang bag sa sofa at naupo, ang tono ng pananalita niya ay sinadya niyang gawing kaswal.“Sorry, pero dadalawin ko si Justin. Hindi ako pwede.”At pagkatapos---ibinaba na niya ang tawag.Kung talagang gusto siyang makita ni Irene, nararapat lang na ito ang kusang lumapit sa kanya at hindi kabaligtaran. Naningkit ang mga mata ni Natalie, kahit paano ay alam na niya kung ano ang aasahan sa susunod na mangyayari.**Sumakay ng bus si Natalie. Hindi siya nagsisinungaling kanina nang sabihin niyang pupuntahan niya si Justin.Tahimik ang naging biyahe niya, maliban sa mahinang ugong ng makina ng bus, at nag-uusap na mga pasahero. Gustuhin man niyang matu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 305

    Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 304

    Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 303

    Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 302

    “Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status