Ang banayad na haplos ng mga daliri ni Mateo sa kanyang buhok ang nagpagising sa natutulog na babae. Itinaas nito ang ulo, at tumambad ang makinis at maamong mukha ni Irene. Bahagyang kumunot ang noo ni Mateo at nakaramdam siya agad ng pagkabalisa sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Hindi si Irene ang inaasahan niyang naroon. “Mateo,” sabi ni Irene. Nagliwanag sa tuwa ang mga mat anito ng makitang bumalik na ang ulirat niya. “Gising ka na! Kumusta ang pakiramdam mo?” “Ayos lang ako,” sagot niya ng kalmado, matatag ang boses. “Eh, ikaw…?” May mga benda sa mukha niya, at ang kanang braso nito ay nababalot ng gasa na may bakas pa ng dugo. Marami din itong pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito. “Malala ba ang sugat mo?” tanong ni Mateo, bakas ang bahagyang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Hindi naman,” malumanay na sagot ni Irenne, inayos pa ang isang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga. “Kaunting galos lang. Masakit lang ang katawan ko pero kaya naman.” Nang maal
Nang mabanggit ang pangalan ni Natalie, natahimik ang lahat. Nalaman niyang nanatili ito sa ospital hanggang matapos ang operasyon niya. Dito pa naalala ni Mateo na buntis nga pala ang babae at hindi sa kanya pwede ang mapagod. Tsaka pa lang gumaan ang pakiramdam niya. “Tama,” dagdag ni Ivan, sinunggaban n anito ang pagkakataon. “Nang tinawagan ko siya kagabi, pumunta siya agad dito. Labis ang pag-aalala niya sayo, sir. Sinabihan ko siyang umuwi at magpahinga muna. Malamang ay pabalik na siya dito at dahil nakapagpahinga na siya, mas magtatagal na siya dito. “O-oo nga,” dagdag pa ni Irene na may pilit na ngiti. “Mm.” Bahagyang lumuwag ang kunot sa noo ni Mateo, ngunit hindi niya napigilang magtanong, “Anong oras na?” Tiningnan ni Ivan ang relo niya. “Halos alas-sais na, sir.” Buong araw na wala si Natalie at hindi iyon maganda para kay Mateo. Kilala niya ito at hindi naman ito inaabot ng buong araw sa pagpapahinga lang. Kahit na may sakit nga ito ay mas gugustuhin pa nitong m
Ipinagtataka naman ni Natalie kung bakit bigla-bigla na namang naging bugnutin ang lalaki. Sinubukan niyang pagdugtung-dugtungin ang dahilan at inisip na baka may kinalaman ito sa oras ng pagdating niya. Baka na-bwisit na naman ito dahil na-late siya. O baka naman kaya ito galit ay dahil umalis si Irene dahil sa kanya. Kung iyon ang ikinainis ni Mateo, naiintindihan niya. “Pasensya na,” mahina niyang sabi, agad na niyang inako ang kasalanan. Pagkatapos, nagtanong siya, “Gusto mo na bang kumain ngayon?” Pagkabanggit pa lang sa pagkain ay halos magwala na ang tiyan niya. Halos matawa si Mateo sa pinaghalong inis at galit. Gutom na gutom na siya mula kagabi, at siya pa ang nagtanong kung gutom siya. Tumalikod siya at iritadong sumagot, “Hindi! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom!” Napansin ni Natalie ang malakas na tono ng boses ni Mateo. Malinaw na hindi malubha ang mga sugat nito kung kaya’t kaya pa nitong makipagtalo nang ganito. Wala na siyang sinabi at binuksan ang insu
Lalong dumilim ang ekspresyon ni Mateo, halatang hindi siya natutuwa sa isinagot sa kanya ng babae. Pinalampas na sana niya ang maliit na engkwentro nila kanina pero nadagdagan na naman agad ng panibago. “ Uuwi ka na ba? Balak mo ba akong iwan mag-isa dito?” Ang katahimikan ni Natalie ay tila naging kumpirmasyon sa hinala niya. At kahit na nainsulto siya na mas gugustuhin nitong ipagkatiwala siya sa tauhan niya, idinaan na lang niya sa isang matalim na tawa. Napuno ang pribadong kwartong iyon ng tawang puno ng sarkasmo. “Naaksidente ang asawa mo, na-operahan at ngayon ay kailangan kong manatili dito sa pesteng kama na ito sa lintek na ospital na ito, pero ang asawa ko----mas gusto na ibang tao ang mag-alaga sa akin. Medyo masakit isipin pero ganoon yata talaga, ano? Mahirap pala. Lalo na kung walang pakialam ang isang tao sayo.” Tumama ang mga salita niya ng diretso, at hindi agad nakasagot si Natalie. Kung tutuusin, tama naman talaga si Mateo. Pero ang kasal nila ay hindi pan
Natigilan si Natalie ng marinig ang paratang na iyon galing kay Mateo. Pumunta siya sa ospital upang alagaan ito, pero sa itsura nito, mukhang maayos naman siya at nabasa din niya ang chart nito kanina. Wala naman siyang nakitang kakaiba. Marahil ay naghahanap lang ito ng away. “Tama ka. Ako ang may mali. Ano ang gusto mong gawin ko?” Muli na namang nagpakumbaba si Natalie. “Lumapit ka rito.” Mababa ang boses ni Mateo at puno ng awtoridad. “Yun lang pala, sige.” Lumapit siya at tumayo sa tabi ni Mateo. Matalim ang tono nito ng muling magsalita, “Gusto kong maligo.” “Huwag,” sagot niya agad, umandar ang professional instincts ni Natalie bilang isang doktor. “Hindi pwedeng mabasa ang sugat mo.” Ngumisi si Mateo, may halong hamon ngiti nito. “Wala akong pakialam. Kung hindi ako maliligo, hindi ako komportable at hindi ako makakatulog. At kung hindi ako makakatulog ng komportable, paano ako gagaling?” Umupo ito na ito at tiniklop ang mga kamay sa likod ng ulo. “Mamili ka.” Na
Lumapit si Natalie kay Mateo at mahinang nagtanong, “May kailangan ka pa ba?” Halatang hindi ito masaya pagkakita sa kanya. Hindi na rin ito nag-abala pang sumagot na para kay Natalie ay isang malinaw na indikasyon ng inis nito. Kaya napagpasyahan niyang huwag na itong pilitin pang magsalita. “Sige, magbabasa na lang muna ako,” sabi ni Natalie. Ang mga mata niya ay nakatuon na sa direksyon ng companion bed. Sandali siyang naghintay. Pakiramdam niya ay kailangan pa niya ang pag-apruba mula kay Mateo bago siya kumilos. Mahirap iyon para kay Natalie dahil inaantok na din siya. Tumawa ng mapait si Mateo. “Hindi mo kailangan magpaalam. Umalis ka nga kanina na hindi nagsasabi, eh.” Isa itong patama dahil hindi siya nagpaalam kanina ng iwanan niya si Mateo sa nurse. “Okay, sige” sagot ni Natalie, wala siyang pakialam sa sarkasmo nito. Ngumiti siya ng bahagya at bumaling sa kanyang mga libro. Habang abala si Natalie sa muling pag-aayos ng kama niya, hindi maiwasan ni Mateo na sunda
Hindi nagbibiro si Natalie. Wala siyang balak na kunin muli ang remote mula sa kinalalagyan nito. Hindi siya mahilig manood ng TV at kung may pagkakataon man, mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na nakapanood siya ng isang variety show. Mas gusto niya ang mga medical series. Ngunit kakaiba ngayon, nahuli ng partikular na variety show na iyon ang kanyang interes. Maya-maya pa, napahalakhak na siya. Aliw na aliw siya sa pinapanood kahit hindi naman nakakatawa ang palabas. Nakasandal pa siya sa sofa at minsan ay napapapalakpak pa. “Haha…!” Hindi ang show ang pinapanood ni Mateo kundi si Natalie. “Talaga bang nakakatawa?” tanong niya, matalim ang tingin. “Mm-hmm.”Hindi inalis ni Natalie ang mga mata sa screen habang kaswal na sumagot, “Nakakaaliw talaga. Alam mo, may sense pala si Irene pagdating sa ganito. Bagay sa kanya ang maging entertainer.” Bahagya nabaling ang tingin niya kay Mateo. “Narinig ko rin na mataas din ang popularity rate niya, tama ba?” “Anong malay
Gumalaw si Natalie kaya naman maingat na inalis na ni Mateo ang braso niya na nakapulupot sa kanyang baywang. “Ungh…” Napasinghap si Mateo at dahan-dahang dumilat. Nagising ng tuluyan si Natalie. “Anong nangyari? Masakit ba ang sugat mo? Saan masakit? Sabi ko naman sayo, masasaktan kita kapag magkatabi tayong natulog. Ang tigas kasi ng ulo mo.” “Siguro…” mahinang sagot ni Mateo, ang mukha niya ay tila nasasaktan pa din. “Patingin!” Mabilis na sagot ni Natalie at agad na inabot ang mga butones ng hospital gown ni Mateo. Bago pa siya makapagpatuloy sa nais gawin, mabilis na nahawakan ni Mateo ang kanyang kamay at sa isa pang mas mabilis na galaw, hinila siya nito pabalik sa kanyang bisig. Natigilan si Natalie. “Ano ka ba? Patingin muna ng sugat mo!” “Natalie” bulong ni Mateo, ang mukha nito ay nakabaon sa leeg niya. Mababa at mahina ang boses nito. “Kung bumuka ang sugat ko, maaawa ka ba sa akin?” Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Natalie. Mabilis niyang napagtanto n
Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala
Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw
Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon
Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r
“Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just
Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo
Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust