Share

KABANATA 164

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:12:52
Nang mabanggit ang pangalan ni Natalie, natahimik ang lahat. Nalaman niyang nanatili ito sa ospital hanggang matapos ang operasyon niya. Dito pa naalala ni Mateo na buntis nga pala ang babae at hindi sa kanya pwede ang mapagod. Tsaka pa lang gumaan ang pakiramdam niya.

“Tama,” dagdag ni Ivan, sinunggaban n anito ang pagkakataon. “Nang tinawagan ko siya kagabi, pumunta siya agad dito. Labis ang pag-aalala niya sayo, sir. Sinabihan ko siyang umuwi at magpahinga muna. Malamang ay pabalik na siya dito at dahil nakapagpahinga na siya, mas magtatagal na siya dito.

“O-oo nga,” dagdag pa ni Irene na may pilit na ngiti.

“Mm.” Bahagyang lumuwag ang kunot sa noo ni Mateo, ngunit hindi niya napigilang magtanong, “Anong oras na?”

Tiningnan ni Ivan ang relo niya. “Halos alas-sais na, sir.”

Buong araw na wala si Natalie at hindi iyon maganda para kay Mateo. Kilala niya ito at hindi naman ito inaabot ng buong araw sa pagpapahinga lang. Kahit na may sakit nga ito ay mas gugustuhin pa nitong m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (25)
goodnovel comment avatar
jazzy22
magandq sana pro hqbang tumatagal nkakairitang basahin haha,nqpaka non chalant pa ng bida
goodnovel comment avatar
MyMelody
ginagawang tanga ang mga nag babasa..nu ba yan..mag ganutong author hindi dapat sumisikat..walang kagana gana basahan at wala ng thrill, kilig at excitement yun Sony.. jusmee..author lagyan mo nman ng buhay yan story mo maganda sana kaya lang ginagawa mong Bobo ang main character mo..
goodnovel comment avatar
luz fediles
malaking Eng Na lnh Natalie hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 165

    Ipinagtataka naman ni Natalie kung bakit bigla-bigla na namang naging bugnutin ang lalaki. Sinubukan niyang pagdugtung-dugtungin ang dahilan at inisip na baka may kinalaman ito sa oras ng pagdating niya. Baka na-bwisit na naman ito dahil na-late siya. O baka naman kaya ito galit ay dahil umalis si Irene dahil sa kanya. Kung iyon ang ikinainis ni Mateo, naiintindihan niya. “Pasensya na,” mahina niyang sabi, agad na niyang inako ang kasalanan. Pagkatapos, nagtanong siya, “Gusto mo na bang kumain ngayon?” Pagkabanggit pa lang sa pagkain ay halos magwala na ang tiyan niya. Halos matawa si Mateo sa pinaghalong inis at galit. Gutom na gutom na siya mula kagabi, at siya pa ang nagtanong kung gutom siya. Tumalikod siya at iritadong sumagot, “Hindi! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom!” Napansin ni Natalie ang malakas na tono ng boses ni Mateo. Malinaw na hindi malubha ang mga sugat nito kung kaya’t kaya pa nitong makipagtalo nang ganito. Wala na siyang sinabi at binuksan ang insu

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 166

    Lalong dumilim ang ekspresyon ni Mateo, halatang hindi siya natutuwa sa isinagot sa kanya ng babae. Pinalampas na sana niya ang maliit na engkwentro nila kanina pero nadagdagan na naman agad ng panibago. “ Uuwi ka na ba? Balak mo ba akong iwan mag-isa dito?” Ang katahimikan ni Natalie ay tila naging kumpirmasyon sa hinala niya. At kahit na nainsulto siya na mas gugustuhin nitong ipagkatiwala siya sa tauhan niya, idinaan na lang niya sa isang matalim na tawa. Napuno ang pribadong kwartong iyon ng tawang puno ng sarkasmo.  “Naaksidente ang asawa mo, na-operahan at ngayon ay kailangan kong manatili dito sa pesteng kama na ito sa lintek na ospital na ito, pero ang asawa ko----mas gusto na ibang tao ang mag-alaga sa akin. Medyo masakit isipin pero ganoon yata talaga, ano? Mahirap pala. Lalo na kung walang pakialam ang isang tao sayo.” Tumama ang mga salita niya ng diretso, at hindi agad nakasagot si Natalie. Kung tutuusin, tama naman talaga si Mateo. Pero ang kasal nila ay hindi pan

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 167

    Natigilan si Natalie ng marinig ang paratang na iyon galing kay Mateo. Pumunta siya sa ospital upang alagaan ito, pero sa itsura nito, mukhang maayos naman siya at nabasa din niya ang chart nito kanina. Wala naman siyang nakitang kakaiba. Marahil ay naghahanap lang ito ng away. “Tama ka. Ako ang may mali. Ano ang gusto mong gawin ko?” Muli na namang nagpakumbaba si Natalie. “Lumapit ka rito.” Mababa ang boses ni Mateo at puno ng awtoridad. “Yun lang pala, sige.” Lumapit siya at tumayo sa tabi ni Mateo. Matalim ang tono nito ng muling magsalita, “Gusto kong maligo.” “Huwag,” sagot niya agad, umandar ang professional instincts ni Natalie bilang isang doktor. “Hindi pwedeng mabasa ang sugat mo.” Ngumisi si Mateo, may halong hamon ngiti nito. “Wala akong pakialam. Kung hindi ako maliligo, hindi ako komportable at hindi ako makakatulog. At kung hindi ako makakatulog ng komportable, paano ako gagaling?” Umupo ito na ito at tiniklop ang mga kamay sa likod ng ulo. “Mamili ka.” Na

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 168

    Lumapit si Natalie kay Mateo at mahinang nagtanong, “May kailangan ka pa ba?” Halatang hindi ito masaya pagkakita sa kanya. Hindi na rin ito nag-abala pang sumagot na para kay Natalie ay isang malinaw na indikasyon ng inis nito. Kaya napagpasyahan niyang huwag na itong pilitin pang magsalita. “Sige, magbabasa na lang muna ako,” sabi ni Natalie. Ang mga mata niya ay nakatuon na sa direksyon ng companion bed. Sandali siyang naghintay. Pakiramdam niya ay kailangan pa niya ang pag-apruba mula kay Mateo bago siya kumilos. Mahirap iyon para kay Natalie dahil inaantok na din siya. Tumawa ng mapait si Mateo. “Hindi mo kailangan magpaalam. Umalis ka nga kanina na hindi nagsasabi, eh.” Isa itong patama dahil hindi siya nagpaalam kanina ng iwanan niya si Mateo sa nurse. “Okay, sige” sagot ni Natalie, wala siyang pakialam sa sarkasmo nito. Ngumiti siya ng bahagya at bumaling sa kanyang mga libro. Habang abala si Natalie sa muling pag-aayos ng kama niya, hindi maiwasan ni Mateo na sunda

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 169

    Hindi nagbibiro si Natalie. Wala siyang balak na kunin muli ang remote mula sa kinalalagyan nito. Hindi siya mahilig manood ng TV at kung may pagkakataon man, mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na nakapanood siya ng isang variety show. Mas gusto niya ang mga medical series. Ngunit kakaiba ngayon, nahuli ng partikular na variety show na iyon ang kanyang interes. Maya-maya pa, napahalakhak na siya. Aliw na aliw siya sa pinapanood kahit hindi naman nakakatawa ang palabas. Nakasandal pa siya sa sofa at minsan ay napapapalakpak pa. “Haha…!” Hindi ang show ang pinapanood ni Mateo kundi si Natalie. “Talaga bang nakakatawa?” tanong niya, matalim ang tingin. “Mm-hmm.”Hindi inalis ni Natalie ang mga mata sa screen habang kaswal na sumagot, “Nakakaaliw talaga. Alam mo, may sense pala si Irene pagdating sa ganito. Bagay sa kanya ang maging entertainer.” Bahagya nabaling ang tingin niya kay Mateo. “Narinig ko rin na mataas din ang popularity rate niya, tama ba?” “Anong malay

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 170

    Gumalaw si Natalie kaya naman maingat na inalis na ni Mateo ang braso niya na nakapulupot sa kanyang baywang. “Ungh…” Napasinghap si Mateo at dahan-dahang dumilat. Nagising ng tuluyan si Natalie. “Anong nangyari? Masakit ba ang sugat mo? Saan masakit? Sabi ko naman sayo, masasaktan kita kapag magkatabi tayong natulog. Ang tigas kasi ng ulo mo.” “Siguro…” mahinang sagot ni Mateo, ang mukha niya ay tila nasasaktan pa din. “Patingin!” Mabilis na sagot ni Natalie at agad na inabot ang mga butones ng hospital gown ni Mateo. Bago pa siya makapagpatuloy sa nais gawin, mabilis na nahawakan ni Mateo ang kanyang kamay at sa isa pang mas mabilis na galaw, hinila siya nito pabalik sa kanyang bisig. Natigilan si Natalie. “Ano ka ba? Patingin muna ng sugat mo!” “Natalie” bulong ni Mateo, ang mukha nito ay nakabaon sa leeg niya. Mababa at mahina ang boses nito. “Kung bumuka ang sugat ko, maaawa ka ba sa akin?” Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Natalie. Mabilis niyang napagtanto n

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 171

    Walang pag-aalinlangang lumabas si Natalie sa kwartong iyon. Hindi na niya naisara ang pintuan sa pagmamadali niya. Basta ang alam niya, ayaw niyang manatali kasama ang dalawang taong nasa loob. “Natalie!” Umalingawngaw mula sa likuran ang sigaw ni Mateo. Maging ang mga nurse na naroon ay napatigil dahil ang sigaw na iyon ay puno ng pigil na galit. “Huminto ka diyan at bumalik ka dito!” Sandaling tumigil ang mga hakbang ni Natalie, aminin man niya o hindi, nayanig siya ng sigaw na iyon. Tumigil lang siya ng saglit upang makiramdam at naglakad pabalik—ngunit hindi para sundin ang utos nitong bumalik siya sa loob---bumalik siya para isarado ang pinto. “Ang babaeng ‘yon! Kuhang-kuha niya talaga ang gigil ko!” Nanggagalaiti si Mateo sa sobrang galit.“Um…Mateo…” mahinang simul ani Irene. Nasa tabi siya ni Mateo at kitang-kita niya kung gaano ito kaapektado sa ginawa ni Natalie. “P-pasensya na. Kasalanan ko ito. Hindi na sana ako pumunta rito. Baka… baka iba ang inisip ni Doc Natalie

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 172

    “Nat,” nanginginig ang boses ni Nilly na puno ng emosyon. “Pasensya ka na. Wala akong silbi bilang kaibigan. Hindi kita natulungan. Sana may nagawa ako.” “Tama na, huwag kang umiyak.” Bahagyang ngumiti si Natalie, sabay abot ng panyo para punasan ang luha ng kaibigan. “Ngayon na alam mo na ang lahat, mangako ka sa akin. Iisa lang ang hinihingi ko sayo. Please, huwag mong mababangit kay Chandon ang bagay na ito. Pareho nating nakita kung ano ang ginawa niya kay Irene at kung ano ang kinahinatnan ng ginawa niya. Huwag mo siyang hayaang gumawa muli delikadong bagay na ikakapahamak niya.” “Huwag kang mag-alala. Nangangako ako.” Naalala din nito ang dating gulong kinasangkutan ni Chandon at napakagat-labi ito. “Babantayan ko siya at titiyaking hindi na siya gagawa ng kung ano.” Pagkatapos, niyakap niya nang mahigpit si Natalie saka nagsalita. “Pero ikaw, mangako ka rin. Huwag mo nang dalhin mag-isa ang lahat ng ito. Pakiusap. May mga kaibigan ka, okay?” “Nangangako ako.” Matapos a

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 306

    Mula pagkabata nila, hanggang ngayon ay hindi pa niya narinig na magpakumbaba sa kanya si Irene. Halos nagmamakaawa na ito na kitain niya.Nakakatawa iyon para kay Natalie.Talagang mahal na mahal ni Irene si Mateo.May bahagyang kislap ng panunukso sa mga mat ani Natalie. Kasabay ng pasilay ng labi para sa isang maliit na ngiti. Ibinaba niya ang bag sa sofa at naupo, ang tono ng pananalita niya ay sinadya niyang gawing kaswal.“Sorry, pero dadalawin ko si Justin. Hindi ako pwede.”At pagkatapos---ibinaba na niya ang tawag.Kung talagang gusto siyang makita ni Irene, nararapat lang na ito ang kusang lumapit sa kanya at hindi kabaligtaran. Naningkit ang mga mata ni Natalie, kahit paano ay alam na niya kung ano ang aasahan sa susunod na mangyayari.**Sumakay ng bus si Natalie. Hindi siya nagsisinungaling kanina nang sabihin niyang pupuntahan niya si Justin.Tahimik ang naging biyahe niya, maliban sa mahinang ugong ng makina ng bus, at nag-uusap na mga pasahero. Gustuhin man niyang matu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 305

    Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 304

    Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 303

    Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 302

    “Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status