Share

KABANATA 165

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:12:54
Ipinagtataka naman ni Natalie kung bakit bigla-bigla na namang naging bugnutin ang lalaki. Sinubukan niyang pagdugtung-dugtungin ang dahilan at inisip na baka may kinalaman ito sa oras ng pagdating niya. Baka na-bwisit na naman ito dahil na-late siya.

O baka naman kaya ito galit ay dahil umalis si Irene dahil sa kanya. Kung iyon ang ikinainis ni Mateo, naiintindihan niya.

“Pasensya na,” mahina niyang sabi, agad na niyang inako ang kasalanan. Pagkatapos, nagtanong siya, “Gusto mo na bang kumain ngayon?”

Pagkabanggit pa lang sa pagkain ay halos magwala na ang tiyan niya. Halos matawa si Mateo sa pinaghalong inis at galit. Gutom na gutom na siya mula kagabi, at siya pa ang nagtanong kung gutom siya.

Tumalikod siya at iritadong sumagot, “Hindi! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom!”

Napansin ni Natalie ang malakas na tono ng boses ni Mateo. Malinaw na hindi malubha ang mga sugat nito kung kaya’t kaya pa nitong makipagtalo nang ganito. Wala na siyang sinabi at binuksan ang insu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (82)
goodnovel comment avatar
Rizalyn Ricardo
doctor Pero bobo
goodnovel comment avatar
Leizel Otneimras
next please
goodnovel comment avatar
Mary Limpin
imbes na malibang ka sa pag babasa maiinis kalang...sayang Oras Dito...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 166

    Lalong dumilim ang ekspresyon ni Mateo, halatang hindi siya natutuwa sa isinagot sa kanya ng babae. Pinalampas na sana niya ang maliit na engkwentro nila kanina pero nadagdagan na naman agad ng panibago. “ Uuwi ka na ba? Balak mo ba akong iwan mag-isa dito?” Ang katahimikan ni Natalie ay tila naging kumpirmasyon sa hinala niya. At kahit na nainsulto siya na mas gugustuhin nitong ipagkatiwala siya sa tauhan niya, idinaan na lang niya sa isang matalim na tawa. Napuno ang pribadong kwartong iyon ng tawang puno ng sarkasmo.  “Naaksidente ang asawa mo, na-operahan at ngayon ay kailangan kong manatili dito sa pesteng kama na ito sa lintek na ospital na ito, pero ang asawa ko----mas gusto na ibang tao ang mag-alaga sa akin. Medyo masakit isipin pero ganoon yata talaga, ano? Mahirap pala. Lalo na kung walang pakialam ang isang tao sayo.” Tumama ang mga salita niya ng diretso, at hindi agad nakasagot si Natalie. Kung tutuusin, tama naman talaga si Mateo. Pero ang kasal nila ay hindi pan

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 167

    Natigilan si Natalie ng marinig ang paratang na iyon galing kay Mateo. Pumunta siya sa ospital upang alagaan ito, pero sa itsura nito, mukhang maayos naman siya at nabasa din niya ang chart nito kanina. Wala naman siyang nakitang kakaiba. Marahil ay naghahanap lang ito ng away. “Tama ka. Ako ang may mali. Ano ang gusto mong gawin ko?” Muli na namang nagpakumbaba si Natalie. “Lumapit ka rito.” Mababa ang boses ni Mateo at puno ng awtoridad. “Yun lang pala, sige.” Lumapit siya at tumayo sa tabi ni Mateo. Matalim ang tono nito ng muling magsalita, “Gusto kong maligo.” “Huwag,” sagot niya agad, umandar ang professional instincts ni Natalie bilang isang doktor. “Hindi pwedeng mabasa ang sugat mo.” Ngumisi si Mateo, may halong hamon ngiti nito. “Wala akong pakialam. Kung hindi ako maliligo, hindi ako komportable at hindi ako makakatulog. At kung hindi ako makakatulog ng komportable, paano ako gagaling?” Umupo ito na ito at tiniklop ang mga kamay sa likod ng ulo. “Mamili ka.” Na

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 168

    Lumapit si Natalie kay Mateo at mahinang nagtanong, “May kailangan ka pa ba?” Halatang hindi ito masaya pagkakita sa kanya. Hindi na rin ito nag-abala pang sumagot na para kay Natalie ay isang malinaw na indikasyon ng inis nito. Kaya napagpasyahan niyang huwag na itong pilitin pang magsalita. “Sige, magbabasa na lang muna ako,” sabi ni Natalie. Ang mga mata niya ay nakatuon na sa direksyon ng companion bed. Sandali siyang naghintay. Pakiramdam niya ay kailangan pa niya ang pag-apruba mula kay Mateo bago siya kumilos. Mahirap iyon para kay Natalie dahil inaantok na din siya. Tumawa ng mapait si Mateo. “Hindi mo kailangan magpaalam. Umalis ka nga kanina na hindi nagsasabi, eh.” Isa itong patama dahil hindi siya nagpaalam kanina ng iwanan niya si Mateo sa nurse. “Okay, sige” sagot ni Natalie, wala siyang pakialam sa sarkasmo nito. Ngumiti siya ng bahagya at bumaling sa kanyang mga libro. Habang abala si Natalie sa muling pag-aayos ng kama niya, hindi maiwasan ni Mateo na sunda

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 169

    Hindi nagbibiro si Natalie. Wala siyang balak na kunin muli ang remote mula sa kinalalagyan nito. Hindi siya mahilig manood ng TV at kung may pagkakataon man, mabibilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na nakapanood siya ng isang variety show. Mas gusto niya ang mga medical series. Ngunit kakaiba ngayon, nahuli ng partikular na variety show na iyon ang kanyang interes. Maya-maya pa, napahalakhak na siya. Aliw na aliw siya sa pinapanood kahit hindi naman nakakatawa ang palabas. Nakasandal pa siya sa sofa at minsan ay napapapalakpak pa. “Haha…!” Hindi ang show ang pinapanood ni Mateo kundi si Natalie. “Talaga bang nakakatawa?” tanong niya, matalim ang tingin. “Mm-hmm.”Hindi inalis ni Natalie ang mga mata sa screen habang kaswal na sumagot, “Nakakaaliw talaga. Alam mo, may sense pala si Irene pagdating sa ganito. Bagay sa kanya ang maging entertainer.” Bahagya nabaling ang tingin niya kay Mateo. “Narinig ko rin na mataas din ang popularity rate niya, tama ba?” “Anong malay

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 170

    Gumalaw si Natalie kaya naman maingat na inalis na ni Mateo ang braso niya na nakapulupot sa kanyang baywang. “Ungh…” Napasinghap si Mateo at dahan-dahang dumilat. Nagising ng tuluyan si Natalie. “Anong nangyari? Masakit ba ang sugat mo? Saan masakit? Sabi ko naman sayo, masasaktan kita kapag magkatabi tayong natulog. Ang tigas kasi ng ulo mo.” “Siguro…” mahinang sagot ni Mateo, ang mukha niya ay tila nasasaktan pa din. “Patingin!” Mabilis na sagot ni Natalie at agad na inabot ang mga butones ng hospital gown ni Mateo. Bago pa siya makapagpatuloy sa nais gawin, mabilis na nahawakan ni Mateo ang kanyang kamay at sa isa pang mas mabilis na galaw, hinila siya nito pabalik sa kanyang bisig. Natigilan si Natalie. “Ano ka ba? Patingin muna ng sugat mo!” “Natalie” bulong ni Mateo, ang mukha nito ay nakabaon sa leeg niya. Mababa at mahina ang boses nito. “Kung bumuka ang sugat ko, maaawa ka ba sa akin?” Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Natalie. Mabilis niyang napagtanto n

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 171

    Walang pag-aalinlangang lumabas si Natalie sa kwartong iyon. Hindi na niya naisara ang pintuan sa pagmamadali niya. Basta ang alam niya, ayaw niyang manatali kasama ang dalawang taong nasa loob. “Natalie!” Umalingawngaw mula sa likuran ang sigaw ni Mateo. Maging ang mga nurse na naroon ay napatigil dahil ang sigaw na iyon ay puno ng pigil na galit. “Huminto ka diyan at bumalik ka dito!” Sandaling tumigil ang mga hakbang ni Natalie, aminin man niya o hindi, nayanig siya ng sigaw na iyon. Tumigil lang siya ng saglit upang makiramdam at naglakad pabalik—ngunit hindi para sundin ang utos nitong bumalik siya sa loob---bumalik siya para isarado ang pinto. “Ang babaeng ‘yon! Kuhang-kuha niya talaga ang gigil ko!” Nanggagalaiti si Mateo sa sobrang galit.“Um…Mateo…” mahinang simul ani Irene. Nasa tabi siya ni Mateo at kitang-kita niya kung gaano ito kaapektado sa ginawa ni Natalie. “P-pasensya na. Kasalanan ko ito. Hindi na sana ako pumunta rito. Baka… baka iba ang inisip ni Doc Natalie

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 172

    “Nat,” nanginginig ang boses ni Nilly na puno ng emosyon. “Pasensya ka na. Wala akong silbi bilang kaibigan. Hindi kita natulungan. Sana may nagawa ako.” “Tama na, huwag kang umiyak.” Bahagyang ngumiti si Natalie, sabay abot ng panyo para punasan ang luha ng kaibigan. “Ngayon na alam mo na ang lahat, mangako ka sa akin. Iisa lang ang hinihingi ko sayo. Please, huwag mong mababangit kay Chandon ang bagay na ito. Pareho nating nakita kung ano ang ginawa niya kay Irene at kung ano ang kinahinatnan ng ginawa niya. Huwag mo siyang hayaang gumawa muli delikadong bagay na ikakapahamak niya.” “Huwag kang mag-alala. Nangangako ako.” Naalala din nito ang dating gulong kinasangkutan ni Chandon at napakagat-labi ito. “Babantayan ko siya at titiyaking hindi na siya gagawa ng kung ano.” Pagkatapos, niyakap niya nang mahigpit si Natalie saka nagsalita. “Pero ikaw, mangako ka rin. Huwag mo nang dalhin mag-isa ang lahat ng ito. Pakiusap. May mga kaibigan ka, okay?” “Nangangako ako.” Matapos a

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 173

    Alam naman ni Natalie na galit lamang ang nagtulak kay Mateo na magsalita nang ganoon. Ganoon pa man, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ito naiinis. Pero wala rin siyang balak alamin pa sana ang puno’t dulo ng pagmamaldito nito.Pero mahalaga na maging maayos ang pagsasama nila sa araw na ito—wala siyang ganang harapin ang ugali nito buong araw. Ngumiti na lang siya na para bang wala lang sa kanya ang pagtaas ng boses nito. “Hindi puwedeng hindi ka kumain, makakasama ‘yan sa katawan mo. Titingnan ko sa kusina kung ano ang pwede mong kainin.” Bago pa ito makasagot, tumungo na siya sa kusina at mabilis na bumalik.“May lugaw, sabaw ng manok, at prutas Gusto mo bang initin ko para sa’yo?” Nakaupo pa rin si Mateo sa gilid ng kama, ang galit nito ay bahagyang lumamlam ngunit halata pa rin ang inis. “Nakakasawa na. Ayoko na ng mga ‘yan.” Hindi na ipinagtaka ni Natalie ang ugali nito. Hindi ito sanay na nag-uulit ng ulam kaya kahit na isang beses pa lang nitong kinakain ang mg

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 318

    “Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 317

    Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 316

    “Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 315

    Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 314

    Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 313

    Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 312

    Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 311

    Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status