Share

KABANATA 262

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2025-03-06 20:27:54

Habang hawak ni Justin ang remote control ng laruan, tinapunan niya ng mabilis na tingin si Rigor na may halong pag-aalinlangan. May bahagyang panginginig ang kanyang maliliit na daliri. Halatang kinakabahan ang bata at panay ang tingin sa ate at sa lalaking nagbigay sa kanya ng eroplano.

“Ate?”

“Ano ‘yon?”

“Pwede ba natin siyang yayain na maglaro kasama natin?” Mahinang bulong ng bata sa kapatid.

Lumuhod si Natalie sa tabi ni Justin at inayos ang medyo magulo nitong buhok. Ang banayad na ngiti ay nagbigay kaagad ng lakas ng loob sa kapatid. “Justin, lumalaki ka na. Pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo.”

“Oh,” dahan-dahang tumango ang bata, pagkatapos ay tumingin kay Rigor ng seryoso. “Uncle, laro tayo!”

Natigilan si Rigor, nanlaki ang mga mata na sinundan ng panginginig ng labi. May gusto siyang sabihin pero nagpipigil. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na siya ulit, sa pagkakataong ito, puno na ng emosyon ang tinig. “S-sige…pero, Justin…hindi uncle ang dapat na itaw
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (319)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
Ang Bobo Naman ni Mateo dto narinig nya na nga regor Nativenad Natalie Nativenad ah Iwan
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
bobo c Mateo sa kwentong ito
goodnovel comment avatar
Merlita Almario
sarap basahin lagi akung ng hihintay ng update thank you sa update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 428

    “Pero kailangan ko pa rin siyang makita. Iba pa rin kapag personal akong nagpasalamat. Nilly. Kasalanan itong lahat ni Mateo—hindi ko siya maintindihan. Napaka-unreasonable niyang tao.” Sumandal si Natalie sa sofa, yakap ang isang unan. Habang pinag-iisipan niya ang ginawa nitong pagpipigil sa kanya, lalong lumalala ang inis niya. “Pwede ba akong manatili rito ngayong gabi?”“Syempre naman. Kailan ba kita tinanggihan?” Naningkit ang mga mata ni Nilly, halatang naaaliw. “Nariyan pa ang pajama na lagi mong ginagamit kapag nandito ka. Magkatabi tayong matutulog, tapos magchichikahan ng maayos. Gaya ng dati.”“Uy, gusto ko ‘yan. Magandang ideya ‘yan. Kaysa mabwisit lang ako sa mansyon. Ewan ko ba. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya!”“Baka naman siya ang pinaglilihian mo, ha? Baka paglabas ng pamangkin kong ‘yan, carbon copy niya, ha!” Tukso ni Nilly.Napa-sign of the cross si Natalie bigla. “Diyos ko, laging nakasimangot? Huwag na, uy!”“Kung lalaki ‘yan, at least gwapo kaya hindi ka

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 427

    [Teka. Anong ibig mong sabihin sa ‘walang silbi’?] Lumamig din ang boses ni Mateo.“Hindi mo naiintindihan? Kailangan ko pa bang isa-isahin para sayo? O nakalimutan mo na ang huling pag-uusap natin kanina?” Isang mapanuyang tawa ang kumawala mula kay Natalie. “Sige, pagbibigyan kita, magiging direkta na ako. Hindi mo naman talaga sinasabi kung saan ka talaga pumupunta. Kaya ano pa ang silbi ng pag-a-update mo?”Ang tinutukoy niya ay ang tatlong beses na palihim na pagkikita ni Mateo at Irene simula ng ikasal sila. Bilang na bilang niya ‘yon. Detalyado lahat.“Tatlong beses na. Hindi na ako maniniwala sa mga update na ‘yan. Kung hindi mo kayang maging totoo sa akin, wala ng silbi ang pagpapaalam sa akin ng kinaroroonan mo.”Hindi agad nakakibo si Mateo. Pero ramdam niyang nag-iinit ang kanyang dugo. Tinawagan niya ito para mag-update na mahuhuli siya ng uwi, pero siya pa rin ang mali. [Sige, kung ganyan ang iniisip mo, hindi na kita tatawagan ulit!]Agad nitong ibinaba ang tawag.Tinin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 426

    Natigilan si Natalie dahil sa mga sinabi ni Mateo. “Talaga bang sinabi niya ‘yon? Anong klaseng lalaki ito? Dinamay pa niya si lolo!”Pagdating sa mansyon, halos hindi pa humihinto ang kotse, bumaba na agad si Mateo, halatang hindi pa rin nawawala ang inis nito. Binuksan ni Natalie ang pinto, ngunit bago pa man siya makababa, yumuko si Mateo at agad siyang binuhat papasok.Gaano man ito kagalit, hindi niya hahayaang basta na lang maiwan ang kanyang asawang gulat at hindi pa rin makabawi.Binuhat niya ito papasok sa bahay, paakyat sa silid sa ikalawang palapag, at dahan-dahang inilapag sa kama at tinanggal ang suot nitong sapatos. Maingat niyang itinakip ang kumot kay Natalie at tiniyak na komportable ito. Madilim pa rin ang kanyang mukha dahil sa iritasyon, pero ang kilos niya ay nanatiling banayad at puno ng pag-aalaga.“Magpahinga ka muna dito,” sabi niya. “Babalik ako sa ospital.”Pagkasabi niyon, pinatay niya ang ilaw at lumabas ng silid. Tahimik na bumalot ang kadiliman sa kwarto

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 425

    Biglang nawala ang ngiti ni Natalie at napalitan ito ng ismid. Tinitigan niya ang lalaki ng seryoso. Mata sa mata. Nanunuot. Tila doon hinahanap ang kasagutan na tila ayaw ibigay sa kanya. “Ano sa tingin mo? Anong hairpin kaya ang tinutukoy ko?”“Hindi kaya…?” Naningkit ang mga mata ni Mateo at gumulo lalo ang utak niya. Isa lang ang naisip niyang pwedeng nangyari. “Hindi… Imposible…pero paano? Sa ospital? Kailan nangyari ‘to?“Tama ka.” Alam ni Natalie na naunawaan na ito ni Mateo. Bago pa siya makasagot, nauna siyang magsalita ulit. “Kung hindi mo na maalala, hayaan mong ako ang magpa-alala sayo. Ang hairpin na tinutukoy ko ay—ang ibinigay mo sa dalagitang ‘ubod ng espesya’ sayo. Ang dalagitang hinanap mo ng kay tagal.”Sa sandaling iyon, nanuyo ang kanyang lalamunan. Para bang hindi niya maigalaw ang kanyang dila, at wala siyang masabi. Nagpawis ng malamig ang kanyang likod.Malamlam ang tinig ni Natalie, halos parang isang bulong. “Nakita ko siya. Binabati kita… nahanap mo na pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 424

    “Talaga?”Isang matinding pait at asim ang sumiklab sa puso ni Mateo, para bang binabad sa suka ng paulit-ulit. Hindi niya matanggap na handang isakripisyo ng babae ang sariling pahinga para kay Drake. Habang iniisip niya ito, lalong tumindi ang nararamdaman niya—hindi maipaliwanag pero alam niyang nanaig ang panibugho.Hanggang sa hindi niya napigilan ang sarili, “ayaw mo bang iwan siya dahil ba iniligtas ka niya at nagpapasalamat ka o… ayaw mo lang talagang bitawan siya at nag-aalala ka para sa kanya?”Napatigil si Natalie, tila iniisip ang kahulugan ng kanyang mga salita. Pero hindi pa rin niya tinitingnan si Mateo. “Ang gusto mo bang palabasin ay may nararamdaman pa rin ako para sa kanya? Bakit hindi mo sabihin ng direkta?”“Kung ipipilit mong manatili dito at hindi mo man lang iniisip ang bata…at kung magiging matigas ang ulo mo,” malamig ang tingin ni Mateo sa kanya. “Oo, may dahilan akong maniwala na hindi ka pa talaga nakaka-move on sa kanya!”Isang matinis na tawa ang kumawal

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 423

    “Huh?” Namilog ang mga mata ni Natalie nang makita kung sino ang naglayo sa kanya sa tiyak na kapahamakan—si Drake!Ngumiti ito, “Nat, ayos ka lang ba—ugh…” Pagkatapos ay napangiwi ito, halatang tinitiis ang sakit.Kumaripas ng kabog ang dibdib niya at saglit na nablangko ang kanyang isipan. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi niya agad naproseso ang lahat. Napako siya sa kinatatayuan habang yakap pa rin siya ni Drake.Mula sa CR, narinig niya ang kaguluhan, mabilis na tinungo ni Alex ang pinagmumulan ng gulo at kung saan nagkukumpulan ang mga tao--kasing bilis ng isang palaso. Ang mga mata niya ay sinuyod ang OPD hall at hinahanap si Natalie.“Natalie! Nandito na ako!” Nakita niya ang lalaking naka-engkwentro noong huli. At dahil may Military background at nakita ang patalim na hawak nito, alam na niya kung ano ang pakay nito. “Ikaw na naman!?”“Ayaw mo talagang magtanda, ha?!” Sa isang swak na galaw, napabagsak niya ang lalaking may dalang kutsilyo sa sahig. “Huwag kang kikilos!”Nags

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status