Habang hawak ni Justin ang remote control ng laruan, tinapunan niya ng mabilis na tingin si Rigor na may halong pag-aalinlangan. May bahagyang panginginig ang kanyang maliliit na daliri. Halatang kinakabahan ang bata at panay ang tingin sa ate at sa lalaking nagbigay sa kanya ng eroplano.“Ate?”“Ano ‘yon?”“Pwede ba natin siyang yayain na maglaro kasama natin?” Mahinang bulong ng bata sa kapatid.Lumuhod si Natalie sa tabi ni Justin at inayos ang medyo magulo nitong buhok. Ang banayad na ngiti ay nagbigay kaagad ng lakas ng loob sa kapatid. “Justin, lumalaki ka na. Pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo.”“Oh,” dahan-dahang tumango ang bata, pagkatapos ay tumingin kay Rigor ng seryoso. “Uncle, laro tayo!”Natigilan si Rigor, nanlaki ang mga mata na sinundan ng panginginig ng labi. May gusto siyang sabihin pero nagpipigil. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na siya ulit, sa pagkakataong ito, puno na ng emosyon ang tinig. “S-sige…pero, Justin…hindi uncle ang dapat na itaw
Ang larawang natagpuan niya sa pitaka ng ama ay parang kidlat na tumama kay Natalie. Ang babaeng nasa larawan ay puno ng sigla at saya at ang kanyang maliwanag na ngiti ay pamilyar ngunit bahagi na lang ng isang magandang alaala nila pareho.Si Emma Natividad, ang kanyang pinakamamahal na ina ang babaeng nasa larawan. Minsan na niyang nakita ang larawan na hawak niya ngayon sa pitaka ng ama pero matagal na iyon. Maraming taon na ang nakalipas. Ngunit bagong kopya ito ngayon. Parehong larawan, pero ang nakita niya noon ay luma na. Ang larawang nasa kamay niya gayon ay isang replica. Sa teknolohiya ngayon, madali na lang ang restoration process ng isang lumang larawan. Ang hindi lang malinaw sa kanya ay kung bakit naroon pa iyon at bakit pinabayaan ni Janet na maiwan ang larawan ni Emma sa pitaka ng asawa gayong para itong sinisilaban sa tuwing nababanggit ang pangalan ng yumaong ina.Ang una rin nitong ginawa noong unang dating ito sa bahay nila ay tanggalin ang lahat ng bagay na may k
Ang mapanuyang mga salitang binitawan ni Natalie ay umalingawngaw sa loob ng tahimik na silid. Ang madilim at tahimik na pasilyo ay sumasalamin sa bagyong namumuo sa mga mata ni Mateo. Siya na rin ang unang bumitaw sa titigan nila, gayunpaman, sinubukan pa rin niyang maghanap ng kahit na anong palatandaan na maaaring magpalambot ng pagkakait ni Natalie ng emosyon.“Nat,” bungad niya ng puno ng depresyon. “Kailangan ba talaga na sa isang lalaking may asawa ka makipagrelasyon?”Bumigat lalo ang tensyon sa pagitan nila. Isang malamlam at mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi ni Natalie, inasahan niyang may isasagot sa kanya ang babae pero nanatili itong tahimik at lalo lang itong nagpaliyab sa apoy ng galit ni Mateo.“Hindi mo ba ako narinig?” Sumabog na ng tuluyan ang inip at galit nito, sabay hakbang palapit. Ramdam ni Natalie ang init ng hininga nito sa sobrang lapit. “Ano na ba ang naibigay niya sayo? Sagutin mo ako! Ano man ‘yon, kaya kong ibigay ng doble o kahit isang daang beses pa
Iba ang kasiyahan na bumalot kay Mateo. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti ngunit pinanatili niyang kalmado ang ekspresyon. Paalis na sana siya ng bumukas muli ang pinto at lumabas muli si Nilly.“Oh, nandito ka pa?” Bumaba ang tingin nito sa dala niyang kahon ng cake. “Para kay Natalie ba ‘yan?”“Oo, sana.”“Akin na, nagugutom ako, eh.” Nakangising sabi nito. “Sakto, lalabas pa sana ako para bumili ng meryenda, sayang naman kung itatapon mo lang.”Napangiti si Mateo. Umaayon talaga sa kanya ang panahon dahil may naisip pa siyang itanong dito. “Sige ba. Pero may itatanong ako ulit.”“Ito naman, pahihirapan pa ako.” Nagkamot ng ulo si Nilly. “Ano ‘yon?”“Sigurado ka bang sinabi ni Natalie na hindi na niya mahal si Drake?”Nag-atubili si Nilly at hatalang hindi komportable na ikwento ang personal na isyu ng kaibigan kay Mateo. “Um, ang eksaktong sinabi niya sa akin ay ‘hindi ko na siya mahal’.”“Perfect.”Ang mga salitang iyon ay karagdagang gamot sa sugatang pride ni Mateo. Unt
“Magpakatatag ka, Natalie.” Paalala niya sa sarili habang pinipigilan ang panginginig. “Hindi ito ang oras para maging mahina, tandaan mo ‘yan. May layunin ka---ang mabawi ang nararapat na para sa inyo ni Justin. Paisa-isa lang, ang mahalaga ay gumagalaw ka. Hindi mo pwedeng hayaan na manaig ang emosyon mo. Gamitin mo parati ang utak mo!”Muli niyang iginala ang kanyang mga mata sa apartment. Ang mapuputing pader ay nakikitaan na niya ng potensyal.Para sa mga Natividad, ito ay isang ordinaryong apartment lamang, isang ordinaryong ari-arian. Hindi ito ang pinaka-kabuhayan nila. Kaya marahil ay hindi nila mararamdaman kung sakaling mapunta sa kanya ang titulo nito. Ibang usapan para sa kanya ang biglaang pagmamalasakit ni Rigor---ito ay kailangan niyang harapin ng may tiyaga at maayos na estratehiya. Kung may pinaplano man ang ama, dapat ay handa siya. Kailangan niyang sumugal.“Ang ganda ng apartment na ito,” sinadya niyang maging magiliw. “Gustong-gusto ko ito.”Lumitaw ang malaking
Malalim na huminga si Mateo, pilit niyang pinaalalahanan ang sarili na magpigil lalo na at nasa ospital sila kasama ang kanyang lolo. Ilang ulit niyang sinabi sa sarili na magpigil. Nasira niya ang telepono ni Natalie. Alam din niyang hindi tamang gumawa siya doon ng eksena.Tinawagan niya si Isaac. Ilang segundo lang ay konektado na ang linya. “Isaac, gusto kong silipin mo ang records ng Immigration Office. Gusto kong malaman ang lahat ng detalye tungkol sa application ni Natalie---alamin mo lahat, kung saan siya pupunta, bakit, kailan at kung sino ang kasama niya. Gawin mo ng mabilis. Unahin mo ‘yan.”“Sige, aasikasuhin ko kaagad.” Pangako ni Isaac sa isang propesyonal na paraan.Binaba na ni Mateo ang tawag at dahan-dahang nagbuga ng hangin, iyon lang ang paraang alam niya para maitago ang kumukulong inis. Sunod niyang tinawag ang isang nurse at itinuro ang mga basag na piraso ng telepono sa sahig.“Pakilinis ng kwarto ni lolo,” malamig niyang utos. “At isa pa, huwag mong ikukwento
Ang muling pagkalabog ng elevator bago ang tuluyang pagtahimik nito ay nagdulot ng kilabot kay Mateo, ngunit gaya ng dati, pinili niyang itago ang pangamba sa ilalim ng walang emosyong mukha. Mas gusto niya ng ganoon dahil hindi makakabuti para sa kalagayan ni Natalie ang takot. Mabilis siyang nag-isip at sinuri ang sitwasyon habang unti-unti silang nilamon ng dilim dahil nalaglag sa sahig ang telepono niya at wala siyang makita.“Aaaaah! Mateo?!” Tawag ni Natalie sa kanya. Natataranta ito at kahit hindi niya nakikita, alam niyang kasabay ng pagtawag ng pangalan niya ay ang pagtulo ng luha nito. “Ayoko pang mamatay! Kawawa ang kapatid ko!”“Nat! Nandito ako! Hindi, huwag mong isipin ang bagay na ‘yan! Hindi ‘yan mangyayari.” Sigurado siya dahil hindi niya hahayaan iyon.Awtomatiko niyang inabot ang braso ni Natalie at hinila ito ng marahan palapit sa kanya. Ang mahigpit na yakap na binigay niya kay Natalie ay puno ng proteksyon at ang kanyang katawan ay nagsilbing kalasag para sa baba
Sa dilim na bumabalot sa espasyo ng elevator, naging mas malinaw ang pakiramdam ni Natalie. Hindi niya makita si Mateo ngunit ang bigat ng ulo nito na nakasandandal sa kanyang balikat at ang bigat ng paghinga nito ay may sinasabing kakaiba sa kanya. Kilala niya ang lalaki at hindi ito aamin kung may masakit sa kanya. Tulad din ito ng maraming kalalakihan na iniisip na ang pag-amin na nasasaktan ay nakakabawas sa kanilang pagkalalaki.Ngunit sigurado si Natalie na may mali.Parang may mali.“Mateo,” tanong niya muli. “Nasaktan ka ba?”Isang mahinang ungol ang narinig niya mula sa lalaki---isang kumpirmasyon ng kanyang hinala. Nasaktan nga ito at hindi lang siya gustong mag-alala.“Saan? Saan ka nasaktan?” Naging mas matindi ang kanyang pagkabahala sa puntong iyon. Pumiglas siya mula sa pagkakarga nito sa kanya ngunit matigas ang pagkakahawak nito. Hindi natitinag. “Ibaba mo ako. Titingnan ko kung anong problema. Kung malala, kailangan nating kumilos kaagad at baka maimpeksyon ‘yan.”Sa
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r
“Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just
Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo
Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust
Mula pagkabata nila, hanggang ngayon ay hindi pa niya narinig na magpakumbaba sa kanya si Irene. Halos nagmamakaawa na ito na kitain niya.Nakakatawa iyon para kay Natalie.Talagang mahal na mahal ni Irene si Mateo.May bahagyang kislap ng panunukso sa mga mat ani Natalie. Kasabay ng pasilay ng labi para sa isang maliit na ngiti. Ibinaba niya ang bag sa sofa at naupo, ang tono ng pananalita niya ay sinadya niyang gawing kaswal.“Sorry, pero dadalawin ko si Justin. Hindi ako pwede.”At pagkatapos---ibinaba na niya ang tawag.Kung talagang gusto siyang makita ni Irene, nararapat lang na ito ang kusang lumapit sa kanya at hindi kabaligtaran. Naningkit ang mga mata ni Natalie, kahit paano ay alam na niya kung ano ang aasahan sa susunod na mangyayari.**Sumakay ng bus si Natalie. Hindi siya nagsisinungaling kanina nang sabihin niyang pupuntahan niya si Justin.Tahimik ang naging biyahe niya, maliban sa mahinang ugong ng makina ng bus, at nag-uusap na mga pasahero. Gustuhin man niyang matu
Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo
Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya
Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in
“Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo