共有

KABANATA 265

作者: Lin Kong
last update 最終更新日: 2025-03-10 14:25:17

Iba ang kasiyahan na bumalot kay Mateo. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti ngunit pinanatili niyang kalmado ang ekspresyon. Paalis na sana siya ng bumukas muli ang pinto at lumabas muli si Nilly.

“Oh, nandito ka pa?” Bumaba ang tingin nito sa dala niyang kahon ng cake. “Para kay Natalie ba ‘yan?”

“Oo, sana.”

“Akin na, nagugutom ako, eh.” Nakangising sabi nito. “Sakto, lalabas pa sana ako para bumili ng meryenda, sayang naman kung itatapon mo lang.”

Napangiti si Mateo. Umaayon talaga sa kanya ang panahon dahil may naisip pa siyang itanong dito. “Sige ba. Pero may itatanong ako ulit.”

“Ito naman, pahihirapan pa ako.” Nagkamot ng ulo si Nilly. “Ano ‘yon?”

“Sigurado ka bang sinabi ni Natalie na hindi na niya mahal si Drake?”

Nag-atubili si Nilly at hatalang hindi komportable na ikwento ang personal na isyu ng kaibigan kay Mateo. “Um, ang eksaktong sinabi niya sa akin ay ‘hindi ko na siya mahal’.”

“Perfect.”

Ang mga salitang iyon ay karagdagang gamot sa sugatang pride ni Mateo. Unt
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (592)
goodnovel comment avatar
Jharie Raine
1 yr ata to bgo matapos bka ksing tagal ng kardo
goodnovel comment avatar
Elgie Marollano
ilang episode ba talaga bakit ang bagal
goodnovel comment avatar
Joa
korek sobrang bobo nv author na to,si Natalie Natividad,at Rigor Natividad magka pareho apilyedo tapos di alam na mag ama. ginawa pang duda na kabit ginawa nya bobo tulad nya ang character ni mateo.bwesit na author
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 483

    Napatingin Natalie sa flyer na hawak niya. Tinitigan niya iyon ng maigi. Bukod sa mga kinalat na flyers, may mga ganoon din. Kung sino man ang may pakana ng paglabas ng lahat ng iyon ay may budget. Ang hinala niya, maaaring ang isa sa mga legal na asawa. Tinitigan niya iyon ng maigi. Sa totoo lang, ‘yung mga lalaki ni Dr. Yu—hindi naman sila pangit. Masama lang ang ginawa niya, pero kahit papaano, maganda ang panlasa niya. Masasabi niyang may taste ito sa mga lalaki.Binubuklat pa lang niya ang mga pahina ng biglang may anino sa harap niya—ipinikit niya ang mga mata, hindi siya handa sa presensya nito pero amoy mint at cologne… alam na agad niya kung sino ‘yon kahit na hindi pa siya magtaas ng tingin.Ang buong akala ni Natalie, malilibre ang araw niya dahil hindi nagparamdam sa kanya ang lalaki simula kagabi ng ihatid siya nito sa apartment unit ni Nilly. Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang, naintindihan din nito sa wakas na tapos na siya.Pero narito ito ulit.Inagaw nito ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 482

    Pagkatapos nilang kumain, tulad ng napagkasunduan nila, inihatid ni Mateo si Natalie sa apartment complex ni Nilly. Gaya ng bilin ng asawa kanina, nauna ng naihatid ni Alex ang mga gamit niya doon.“Nandito na tayo. Aakyat na ako,” paalam ni Natalie, kalmadong kumaway habang patungo sa hagdan patungo sa main entrance ng gusali.Ngunit bigla, may humawak sa kamay niya. Diretsong nakatingin si Mateo sa kanya, walang ekspresyon sa mukha habang nagsasalita. “Sandali lang. Lumang building ito. Sira ang ilaw sa hagdanan. Malamang haggang pasilyo ng floor niyo at wala kayong elevator dito. Paano kung matapilok ka?”Maingat at maalalahanin ito. Pero sa sitwasyon nilang dalawa, kailangan pa ba ito? Hindi na nag-abalang makipagtalo pa si Natalie. Bahala na ang lalaki kung ano ang gusto niyang gawin.Umaasa si Natalie na sana dumating din ang panahon na maiintindihan nito na—hindi ito pagpapakipot lang at hindi ito isang simpleng kaso ng pagseselos. Totoong tapos na siya.**Kinabukasan, tambak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 481

    Unti-unti nang nabasag ang maingat na pagpipigil ni Mateo. Humalukipkip siya. “Ikaw yata ang hindi nakakaintindi,” aniya sa madiing tono. “Kahit ano pa ang nangyari, wala ‘yun sa pagitan nating dalawa. Walang magbabago at walang nagbago.”“Talaga lang? nasobrahan naman sa pagiging delusyunal ang lalaking ito.” “Baka sayo, oo,” sagot ni Natalie, ang mga labi niya ay nakasimangot. “Pero iba ang tama ng nangyaring iyon sa akin. Aaminin ko—isa kang mabuting tao. Minahal kita. At sa isang punto, magiging ipokrito ako kung hindi ko sasabihin na pinangarap ko pa nga ang isang buhay kasama ka.”“Maganda 'yan.” Dumilim ang mga mata ni Mateo habang tinititigan siya. “Ipagpatuloy mo ang pangarap na ‘yan dahil tutuparin natin ‘yan.”Umiling si Natalie ng dahan-dahan, magaan pero matatag ang tono niya. “Pero bumitaw na ako. Mabuti pang hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong maniwala at mangarap na posible ‘yon.”“Natalie, hindi mo kailangan bumitaw.” Humina ang boses ni Mateo at inabot niya an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 480

    “Dr. Yu, hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin...mali po yata ang pagkakaunawa ninyo sa sinabi ko…” pilit na nagpaliwanag si Natalie. Hindi nga sila magka-team ni Dr. Yu—ni hindi niya alam kung sino ang mga pasyenteng hawak nito. Paano niya aayusin ang mga medical records gaya ng inuutos nito sa kanya?“Pwede ba? Tigilan mo nga ‘yang mga rason mo! Wala akong pakialam kung malapit ka sa direktor ng ospital na ito o kung sino ang napangasawa mo.” Inilapat ni Dr. Yu ang mga file sa kamay niya. “Ayusin mo na lang ‘yan! Tigilan mo mga palusot dahil hindi bebenta sa akin ‘yan! Kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, senior ako at kaya kong utusan ka! May lakad pa ako! pagbalik ko, dapat tapos na ‘yan!”“Sandali lang po, Dr. Yu—”Pero hindi na lumingon ang babae. Lumabas na siya ng opisina dahil naipasa na niya ang trabaho sa iba. Naiwang nakatayo si Natalie doon, hawak ang mga file, litong-lito. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala—tinanggap na lang niya ito.Saktong tumunog ang cellphone n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 479

    Habang nagsasalita, sinulyapan ni Natalie si Tomas. Tila sinisiyasat kung tama ang hinala niya. Nanigas si Tomas, halatang gusto na lang lumubog sa lupa dahil napunta siya sa isang alanganing sitwasyon.Gustuhin man niyang itanggi, pero ang hiya sa mukha niya ang nagsabi ng lahat—tama ang hinala nito.“Sige na, pumunta ka na sa kanya,” sabi ni Natalie habang kinukuha ang bag mula sa sofa. “Kailangan ko ng bumalik sa department ko.”“Sandali, Natalie!” Agad hinawakan ni Mateo ang pulso niya, ayaw siyang paalisin. “Galit ka ba?”“May saysay ba ang tanong na ’yan?” Malamig na sagot ni Natalie. “Kung sabihin kong galit ako, mapipigilan ba ng galit ko ang pagpunta mo sa kanya?”“Nat…” wala siyang maisagot. “Masama lang talaga ang kalagayan ni Irene ngayon…sana maunawaan mo…”“Alam ko,” sagot niyang walang emosyon. “Kaya nga hindi kita pinipigilang puntahan siya.” Maingat niyang inalis ang kamay ng lalaki sa pulso niya. “Ang tanong ko ay theoretical. Hindi ‘yon utos. Bukod pa doon, may traba

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 478

    Natigilan si Mateo. Parang nilaslas ang puso niya ng isang mabangis na pusa—malalim, sugat-sugat na ito, at dumudugo.Masakit. Masakit na masakit. Ilang beses na siyang napagsalitaan ng maanghang ni Natalie ngunit ito na yata ang pinakatumagos sa kanya. Nanigas ang gwapo niyang mukha sa tensyon, pero pinilit pa rin niyang ngumiti. “Paano mo nasabi na sayang ang oras ko kung mahal ko ang sarili kong asawa? Habang ikaw ang asawa ko, hindi ka makakatakas sa akin at sa pagmamahal ko. Kaya mas mabuti pang paghandaan mo na.”“Ganoon ba?” Ngumiti si Natalie, mapanukso. “Sige. Wala naman akong talo dito.” Pagkatapos, binago na niya ang usapan. “Tuyo na ba ang buhok ko? Matutulog na ako.”“Oo, tuyo na,” sagot ni Mateo habang iniaalis ang tuwalya sa buhok niya. Bigla-bigla, binuhat niya ang babae ng walang pasintabi.“Anong ginagawa mo? Hindi mo ba iniisip ang braso mo? Didikit ang sugat sa benda! Dudugo ‘yan!” Gulat na bulalas ni Natalie.May sugat pa si Mateo at hindi ito dapat nagbubuhat dah

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status