Share

KABANATA 268

Penulis: Lin Kong
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-13 18:31:02

Ang muling pagkalabog ng elevator bago ang tuluyang pagtahimik nito ay nagdulot ng kilabot kay Mateo, ngunit gaya ng dati, pinili niyang itago ang pangamba sa ilalim ng walang emosyong mukha. Mas gusto niya ng ganoon dahil hindi makakabuti para sa kalagayan ni Natalie ang takot. Mabilis siyang nag-isip at sinuri ang sitwasyon habang unti-unti silang nilamon ng dilim dahil nalaglag sa sahig ang telepono niya at wala siyang makita.

“Aaaaah! Mateo?!” Tawag ni Natalie sa kanya. Natataranta ito at kahit hindi niya nakikita, alam niyang kasabay ng pagtawag ng pangalan niya ay ang pagtulo ng luha nito. “Ayoko pang mamatay! Kawawa ang kapatid ko!”

“Nat! Nandito ako! Hindi, huwag mong isipin ang bagay na ‘yan! Hindi ‘yan mangyayari.” Sigurado siya dahil hindi niya hahayaan iyon.

Awtomatiko niyang inabot ang braso ni Natalie at hinila ito ng marahan palapit sa kanya. Ang mahigpit na yakap na binigay niya kay Natalie ay puno ng proteksyon at ang kanyang katawan ay nagsilbing kalasag para sa baba
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (314)
goodnovel comment avatar
Yllan Baguilod Cawiging
Jusko dearest Author ... manganganak na niyan c Natalie hindi pa ba malalaman ni Mateo ang lahat lahat. Nakakawalang gana na po buti sana kung mahabahaba po yung isang chapter kasing haba po nang patience namin na readers niyo. Pakitapos na po yung story pls. haha para maiba naman paikot-ikot lang kc
goodnovel comment avatar
Rosie Li
haysssss...
goodnovel comment avatar
Ailyn Abarientos
bakit Po blangko walang nakasulat ilang days na anu ba Yan Ang Ganda pa nman.delete ko na lng kaya eating good novel kakaasar
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 269

    Sa dilim na bumabalot sa espasyo ng elevator, naging mas malinaw ang pakiramdam ni Natalie. Hindi niya makita si Mateo ngunit ang bigat ng ulo nito na nakasandandal sa kanyang balikat at ang bigat ng paghinga nito ay may sinasabing kakaiba sa kanya. Kilala niya ang lalaki at hindi ito aamin kung may masakit sa kanya. Tulad din ito ng maraming kalalakihan na iniisip na ang pag-amin na nasasaktan ay nakakabawas sa kanilang pagkalalaki.Ngunit sigurado si Natalie na may mali.Parang may mali.“Mateo,” tanong niya muli. “Nasaktan ka ba?”Isang mahinang ungol ang narinig niya mula sa lalaki---isang kumpirmasyon ng kanyang hinala. Nasaktan nga ito at hindi lang siya gustong mag-alala.“Saan? Saan ka nasaktan?” Naging mas matindi ang kanyang pagkabahala sa puntong iyon. Pumiglas siya mula sa pagkakarga nito sa kanya ngunit matigas ang pagkakahawak nito. Hindi natitinag. “Ibaba mo ako. Titingnan ko kung anong problema. Kung malala, kailangan nating kumilos kaagad at baka maimpeksyon ‘yan.”Sa

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 270

    Napatingin ang salesperson kay Mateo at halatang naiilang sa malamig at tila mapang-usig nitong titig. Nagsimula ding manginig ang kamay nito at natatarantang binawi ang telepono mula sa kamay ni Natalie. “H-hindi nga po bagay, sir.”“Mateo!” Singhal ni Natalie. Namumula ang pisngi nito sa inis. “Wala ka bang ibang magawa?”Napangiti si Mateo ng mapang-asar. “Meron. Sinasamahan kitang bumili ng telepono. Ako din ang magbabayad kaya may karapatan akong makialam kung anong telepono ang paggagastusan ko.” Naglakbay ang mga mata niya sa estante ng mga naka-display na telepono hanggang sa tumigil ito. “Ayan, pakikuha.”“Sige po. Sandali lang po.” Agad na tumalima ang salesperson. Natataranta ito, marahil ay nakilala na si Mateo.Nakita ni Natalie ang presyo ng teleponong tinuro ni Mateo---tumataginting na 57,000 pesos iyon. Halos malaglag ang kanyang panga. Ang halagang iyon ay sapat na para sa ilang buwan niyang gastusin para sa simple niyang pamumuhay.Agad niyang pinigilan si Mateo sa p

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 271

    Lumalim ang kunot sa noo ni Natalie habang naglalaro ang maraming tanong sa kanyang isipan. “Gaano na kaya karami ang alam niya? Baka naghihinala na si Mateo sa tunay naming ugnayan ni Rigor. Pero kung natuklasan na nga nito ang katotohanan---maiintindihan din kaya niya na nagbago na ang papel niya sa buhay ko? Kapag nagpakasal sila ni Irene, magiging sister in law niya ako.”Isang maliit na ngiti ang similay sa labi niya habang pinagmamasdan ang amang nagmamaneho. Wala pa man, halos nakikita na niya ang reaksyon ni Mateo kapag nalaman nito na hindi siya babae ni Rigor gaya ng inaakala nito. Nagbigay iyon ng aliw sa kanya. Napagtanto niyang nasasabik siyang dumating ang araw na iyon.Tahimik ang naging biyahe nila pabalik ng apartment. Papalapit na sila sa gusali ng magsalita si Rigor. “Magbu-book na ako ng ticket natin. Wala kang kailangang alalahanin kapag nandoon na tayo. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-empake.”“Sige,” sagot niya sabay tango. “Kung kailangan mo ng tulong, sabih

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-17
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 272

    Medyo nalungkot si Natalie dahil may mga sangkap siyang hindi nabili sa supermarket na iyon. Ayon sa pinoy na doon din namimili, karamihan ng mga kailangan niya ay matatagpuan sa isang Asian store. May kalayuan din iyon kaya nagkasya na lang siya sa kung anong pwede niyang isahog sa sugpo na nauna na niyang nabili.“Hindi na masama, Nat. Tama ka, kailangan nating pumunta sa Asian store.” Sabi ni Rigor ng kaswal pagkatapos kumain. Bumalik din ito sa silid niya para maghanda.Habang nag-uurong ng mga pinggan si Natalie, muling lumabas ang ama. “Nat, may nakalimutan akong iempake. Kung lalabas ka mamaya, pwede bang bilhan mo ako ng underwear?”Nagtaas ng kilay si Natalie sa pasuyo ng ama ngunit tumango pa rin. “Okay.”Matapos linisin ang kusina, nag-research siya online ng mga establisimyentong malapit sa tinutuluyan nila. May malaking supermarket na pwede niyang lakarin at mukhang kumpleto ito sa kailangan niya. Nagpahinga si Natalie ng sandali at nagpalit ng mas komportableng damit, bi

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-18
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 273 

    “Sasaktan niya ba ako? Diyos ko po.”Nanigas si Natalie at ang nanlalaki niyang mga mata ay nakatuon kay Mateo. Bawat kalamnan ng kanyang katawan ay napuno ng takot habang hinihintay ang kahihinatnan niya.Isang malamig na hangin ang dumampi sa pisngi niya habang lumilipad ang kamao nito---ipinikit niya ang mga mata. Ngunit ang inaasahan niyang sakit mulo sa suntok nito ay hindi dumating.Sa halip…Bang!Ang puno sa tabi niya ay umuga ng bumagsak ang kamao ni Mateo doon. Umalingawngaw ang tunog ng pagtama ng mga buto sa kahoy at may mga nalaglag na dahoon sa paanan niya.Hindi mahina ang suntok na pinakawalan nito.“Mateo!” bulalas ni Natalie. Nabahala siya at inabot ang kamay ng lalaki. “Nasaktan ka ba? Patingin---”Ngunit bago niya makuha ang kamay nito, mabilis na naiiwas ni Mateo ang kamay. May ngiti ito sa labi. Isang ngiting may sakit kaysa nakakatawa.“Titingnan mo? Para saan, Natalie?” May pait na tanong nito. “Mahalaga ba talaga ako sayo?”Para siyang sinampal ng mga salitang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-20
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 274

    May mga bagay na hindi na kailangang iutos pa sa kanya ni Mateo. Sa tagal na niyang nagtatrabaho para rito---nasanay na si Isaac na alamin ang mga bagay na maaaring makatulong sa hinaharap lalo na pagdating sa personal na buhay ng boss. Habang nasa labas ito, siya naman ay abala sa pagkalap ng mga impormasyon kung bakit umalis si Natalie at nagpunta ng Canada. Unti-unti niyang nabuo ang isang kwento na maaaring magbigay linaw sa lahat.“Galing ang impormasyon na nakuha ko sa rehabilitation center ni Justin Natividad, ang nakababatang kapatid ni Natalie,” panimulang paliwanag ni Isaac.“Oh, tapos?” Tumaas ang kilay ni Mateo habang hinihintay ang kasunod pang detalye.“Kararating lang last week ng resulta ng aplikasyon ni Justin galing Wells Institute, sir.”“At ano ang resulta?” lumalim ang kunot sa noo ni Mateo. Hindi na siya makapaghintay.“Pumasa ang bata. Kwalipikado si Justin. Ang balita, mataas ang nakuhang marka.”“Hm, Wells Institute?” ulit ni Mateo. Halatang nalilito siya. Wal

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-21
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 275

    Halatang mas masama ang lagay ni Rigor kaysa pinapakita niya. Ang pamumutla na nasundan ng pagsusuka at pagtatae maghapon ay nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Matapos makita ang lahat ng sintomas, inisip ni Natalie na posibleng sanhi ito ng food intolerance dahil sa pag-aadjust ng katawan sa bagong klima at lugar.“Hindi naman ito seryoso,” paliwanag sa kanya ng ama, sabay kumpas ng kamay. “Ano lang ‘to…naninibago lang ang sikmura ko sa pagkain at tubig dito. Ayos lang ako.”Ngunit lumalim lang ang kunot sa noo ni Natalie. Bilang isang alagad ng medisina, alam niyang hindi dapat binabalewala ang food intolerance dahil maaari itong humantong sa dehydration o iba pang komplikasyon kapag hindi nabigyan ng tamang lunas.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, nagpasya siyang huwag na lang makipagtalo dahil nasa ibang bansa sila at marami pa siya inaasa sa ama. Hindi niya gugustuhing magkaproblema sila---lalo na ngayon na abot kamay na nila ni Justin ang bagong buhay na inaasam nila.Napa

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-21
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 276

    “Teka, paano ko siya dadalhin sa ospital?” Tanong ni Natalie sa sarili. “Nakalimutan kong wala nga pala kami sa Pilipina kung saan gamay ko ang sistema at may koneksyon ako sa mga ospital. Hindi ganito ang sistema dito sa Canada.”Hindi rin Canadian citizen si Rigor at sa pagkakaalam niya, mahirap magpa-admit kapag naka-tourist visa lang. Kahit pumayag na ito na magpa-ospital, siguradong madugo ang proseso dahil sa patakaran. Wala na silang oras pa.Mabilis na kinalkal ni Natalie ang utak para sa solusyon. Kailangan niyang makahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanila. Kailangan niya ng isang taong may kapangyarihan para lagpasan ang lahat ng patakaran at maging madali ang proseso.Halos hindi na niya kailangang mag-isip dahil may pangalan na ang taong kailangan niya.Mateo Garcia.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya ito pagkatapos ng engkwentro nila kanina.Ngunit pinaalala niya sa sarili na hindi ito ang tamang oras para pai

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24

Bab terbaru

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 315

    Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 314

    Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 313

    Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 312

    Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 311

    Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status