Pinigilan ni Natalie si Mateo bago pa ito tuluyang makalabas. Nakatuon ang pansin niya sa madilim na gabi na binabagyo pa rin. “Teka lang. Anong ibig mong sabihin? Nahihibang ka na ba? Hindi ito Manila at lalong walang bigas ang mga tao dito. Tsaka, hindi mo ba nakikitang bumabagyo pa?”Ngumisi si Mateo, naroon pa rin ang hindi matinag-tinag na kumpyansa sa mukha. “Paano ko naman malalaman kung hindi ko susubukan, hindi ba?”Tuluyan na nitong nabuksan ang pinto at lumabas. Napabuntong-hininga na lang si Natalie. “Ang tigas talaga ng ulo ng isang ‘yon.”Nag-alinlangan siya pero sumunod na rin siya pababa ng hagdan, marahan ang kanyang mga yapak. Pagdating niya sa hagdanan, narinig niya ang boses ni Mateo mula sa sala---kalmado, magalang pero may paninindigan.“…pero malayo ang pinakamalapit na supermarket, Mateo.” May pag-aalala na sabi ng matandang lalaking may-ari ng bahay. “Baka umagahin ka na. Bukod doon, malakas pa rin ang ulan.”“Ayos lang po,” sagot ni Mateo habang inaayos ang m
Bubuksan din sana ni Mateo ang pinto sa harapan ngunit nauna na itong bumukas ng kusa mula sa loob.Nagtagpo ang kanilang mga mata sa malabong liwanag ng buwan at parang may isang hindi nakikitang pwersa na humihili sa kanila palapit. Ang hangin ng gabi ay may bahagyang lamig na dala ng ulan. Mula sa basang damuhan sa malapit, maririnig ang mga huni ng mga kulisap na sumasabay sa marahang kaluskos ng mga dahong sumasayaw sa ihip ng hangin.Hinagod ni Natalie ng tingin ang anyo ni Mateo dahil basang-basa ito. “Ginamit mo ang kotse diba? Bakit parang lumusong ka sa ulan?”Lumalim ang kunot ng kanyang noo habang pumagilid para bigyan ito ng espasyo para makapasok sa loob ng bahay. Hindi pa rin niya maintindihan paano ito nabasa ng ganoon.Mahina ang buntong-hininga ni Mateo, tsaka hinaplos ang basa niyang buhok bago dumiretso sa kusina. Ipinatong niya sa ibabaw ng mesa ang isang malaking plastic bag na para bang walang nangyari.“Nakabili na ako ng bigas at isda. Mabuti na lang at may 24
“Ang may-ari ng supermarket ay nakapangasawa ng isang Filipina. Katunayan, may minority pala ng mga pinoy sa area na ito kaya may stocks siya na pang-Filipino cuisine. ” Paliwanag ni Mateo habang maingat na inaayos ang natitirang pagkain. “Tinanong ako ng babae kung bakit dis oras ako ng gabi bumibili ng bigas. Ang sabi ko, buntis ang asawa ko at wala siyang ganang kumain at kanin ang hinahanap niya. Alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin? Ganyan din daw siya noong nagdadalawang-isip siya. Sa kanya nanggaling ang ideya ng rice balls. Akalain mo, epektibo.”Tahimik lang na nakikinig si Natalie habang inuubos ang natitirang hot chocolate niya. Sa isip niya, nakikita niyang nakasandal si Mateo sa isang supermarket counter, basa mula sa pagsulong sa malakas na ulan at kinakausap ang estrangherong mag-asawa at sinasabing, ‘buntis ang asawa ko’. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan niya ang mga katagang iyon.May kung anong kumirot sa dibdib niya dahil hindi naman iyon totoo---wala n
Dating mga sundalo sina Alex at Tomas. Mga ex-Special Forces kaya kapag may nararamdaman silang ganito, bihira silang magkamali.Lalong dumilim ang ekspresyon ni Mateo. “Canada…sino ang may pakana nito? Sino kang hayop ka at ano ang atraso ko sayo? Bakit hindi ka lumaban ng patas? Bakit kailangan mong lumaban ng pailalim?”Paulit-ulit na nilang tinangkang patayin siya, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam kung ano ang dahilan sa likod ng mga atakeng ito. Palaisipan pa rin sa kanila ang katauhan ng taong may pakana nito.“Sir---”Biglang kumilos si Natalie sa kanyang upuan. Mabilis na lumamlam ang tingin ni Mateo at sa mababang tinig, pinutol niya ang mga sasabihin pa sana ni Alex.“Tama na,” malinaw ang ibig niyang sabihin. Na huwag na nilang ituloy pa ang usapan dahil baka marinig sila ni Natalie.Agad namang nakuha ni Alex ang ibig niyang sabihin kaya tumahimik na ito.Sa likod ng sasakyan, bahagyang gumalaw muli si Natalie. Naghahanap ito ng maayos na pwesto para sa pagtulo
Bumigat lalo ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Punong-puno ito ng hindi mabigkas na tensyon. Pagpasok nila sa city proper ng Calgary, liningon ni Alex si Mateo.“Sir, saan natin ihahatid si Natalie?”Hindi na kailangang itanong ‘yon dahil iyon naman talaga ang dapat na mangyari. Pero hindi pa nakakasagot si Mateo, nagising si Natalie.“Ibaba niyo na lang ako dyan sa may kanto. Alam kong out of the way ang tinutuluyan ko. Hindi niyo kailangang lumihis ng daan para sa akin. Kailangan ko din namang pumunta sa ospital.”Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Mateo dahil hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. “Natalie.”“Nangako ka sa akin.” Alam na alam na ni Natalie kung ano ang sasabihin ni Mateo kaya inunahan na niya ito. Nagtama ang kanilang mga mata---mga matang walang alinlangan at malinaw ang pakay. “Tapos na tayo sa Wells, Mateo.”Wala ng kailangang sabihin pa. Panahon na para tuldukan ang lahat sa kanila.Bumalik ang mapait na lasa sa bibig ni Mateo, isang pait na mas mapait
[Narito ang listahan ng mga biktima---] sabi ng news anchor.Biglang dumilim ang screen at nagsimulang magflash ang mga pangalan. Halos nakadikit na ang mukha ni Natalie sa TV. Ayaw niyang kumurap, baka may makaligtaan siya kapag ginawa niya iyon. Ang bawat segundo ay mahalaga at mabilis ang takbo ng mga pangalan. Kasabay ng pagtutok niya sa TV ay ang taimtim niyang pagdasal na wala ang pangalan ni Mateo doon.Nagsimulang manginig ng matindi ang kanyang mga kamay. Patuloy pa rin ang pagflash ng mga pangalan hanggang sa makita niya ‘yon---Mateo Garcia.“Nasa listahan nga ang pangalan ni Mateo! Diyos ko po!”Pero hindi malinaw kung nasa listahan ito ng mga sugatan o…patay. Ilang libong beses niyang tanggap kung sugatan lang ito. Mas mainam iyon kaysa una. Hindi niya makakayanan kapag may nangyari kay Mateo.Biglang naging mababaw ang kanyang paghinga at naging malabo ang kapaligiran niya. Wala siyang ibang maisip, maliban kay Mateo---lahat ay lumabo.“Hindi. Hindi. Hindi pwede.”Mahigpi
Mabilis na binaliktad ng nurse ang clipboard na hawak habang maingat ngunit mabilis na nagii-scan ng listahan. “Hmm, hindi pa siya nadadala sa ospital. Lahat ng dinala doon ay accounted for sa listahan ko.”“Ibig sabihin, nandito pa siya? Tama ba? Pero kung nandito nga siya, nasaan?”“Hindi ko masasagot ang tanong na ‘yan, miss.”Nanikip ang sikmura ni Natalie kasabay ng pagkakaintinding wala si Mateo sa ospital at wala din ito sa mga ambulansyang naroon. Kung hindi siya ginagamot---isang pangit na ideya muli ang dumapo sa kanya, ngunit mabilis niyang iwinaksi.“Hindi. Huwag mong iisipin ‘yan, Natalie!” Singhal niya sa sarili. Pagkatapos ay hinarap ulit ang nurse. “Maraming salamat. Pero…pwede ko kayang silipin ang mga ambulansya? Baka sakaling naroon pa siya.”Nag-atubili ang nurse pero marahil ay naawa sa kanya. “Sige, pero bilisan mo. Marami pang pasyente na kailangan asikasuhin.”“Naiintindihan ko, salamat!” Walang sinayang na sandali si Natalie. Tumalikod na siya at tumakbo.Ang
Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r
“Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just
Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo
Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust
Mula pagkabata nila, hanggang ngayon ay hindi pa niya narinig na magpakumbaba sa kanya si Irene. Halos nagmamakaawa na ito na kitain niya.Nakakatawa iyon para kay Natalie.Talagang mahal na mahal ni Irene si Mateo.May bahagyang kislap ng panunukso sa mga mat ani Natalie. Kasabay ng pasilay ng labi para sa isang maliit na ngiti. Ibinaba niya ang bag sa sofa at naupo, ang tono ng pananalita niya ay sinadya niyang gawing kaswal.“Sorry, pero dadalawin ko si Justin. Hindi ako pwede.”At pagkatapos---ibinaba na niya ang tawag.Kung talagang gusto siyang makita ni Irene, nararapat lang na ito ang kusang lumapit sa kanya at hindi kabaligtaran. Naningkit ang mga mata ni Natalie, kahit paano ay alam na niya kung ano ang aasahan sa susunod na mangyayari.**Sumakay ng bus si Natalie. Hindi siya nagsisinungaling kanina nang sabihin niyang pupuntahan niya si Justin.Tahimik ang naging biyahe niya, maliban sa mahinang ugong ng makina ng bus, at nag-uusap na mga pasahero. Gustuhin man niyang matu
Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo
Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya
Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in
“Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo