Share

KABANATA 319

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-05-12 18:51:55

Kailangan niya ng sagot. “Irene, tinatanong kita. Totoo ba?”

Matigas ang kanyang boses at mahigpit na kinokontrol ang matinding emosyon. Pero ang kanyang kamao ay nakasara, isang malinaw na senyales ng tumitindi niyang galit.

Napakagat-labi si Irene. Iniiwas niya ang tingin. “Kahit totoo ang sinabi ni mommy…hindi naman ibig sabihin ‘non na si Lolo Antonio talaga ang may kagagawan…”

“Hmph! Hindi pa ba sapat na ebidensya ‘yan?” Singhal ni Janet. Matalim ang boses at puno ng paninisi. “Sino pa ba ang hindi tanggap ang bata kundi ang matandang ‘yon?”

“Mommy…please…” mahina ang pagtutol ni Irene, halatang takot sa ina.

Napuno ng tensyon at pag-aaway ang silid. Mabigat ang hangin---nakakasakal. Mariing pumikit si Mateo, huminga ng malalim at tumayo.

Wala siyang panahon para sa ganitong gulo. “Magpahinga ka na, Irene.”

Walang emosyon ang kanyang tinig, pero ang paninigas ng katawan ay nagsasabing hindi siya titigil hanggang hindi niya nalalaman ang totoo.

Pagkaalis ni Mateo, agad na hinawaka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Whils Camo
Pangit ng kwento
goodnovel comment avatar
Mhyla V Diaz
love this story..hayaan mo n c irene kc niloloko ka lng po..tama nmn po desisyon ng lolo mo mateo
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
mag imbitiga k pra Malaman m ndi Lolo m Ang my gawa at alam n nla ndi Butis c Irene Kya pikawalan nla..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 428

    “Pero kailangan ko pa rin siyang makita. Iba pa rin kapag personal akong nagpasalamat. Nilly. Kasalanan itong lahat ni Mateo—hindi ko siya maintindihan. Napaka-unreasonable niyang tao.” Sumandal si Natalie sa sofa, yakap ang isang unan. Habang pinag-iisipan niya ang ginawa nitong pagpipigil sa kanya, lalong lumalala ang inis niya. “Pwede ba akong manatili rito ngayong gabi?”“Syempre naman. Kailan ba kita tinanggihan?” Naningkit ang mga mata ni Nilly, halatang naaaliw. “Nariyan pa ang pajama na lagi mong ginagamit kapag nandito ka. Magkatabi tayong matutulog, tapos magchichikahan ng maayos. Gaya ng dati.”“Uy, gusto ko ‘yan. Magandang ideya ‘yan. Kaysa mabwisit lang ako sa mansyon. Ewan ko ba. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya!”“Baka naman siya ang pinaglilihian mo, ha? Baka paglabas ng pamangkin kong ‘yan, carbon copy niya, ha!” Tukso ni Nilly.Napa-sign of the cross si Natalie bigla. “Diyos ko, laging nakasimangot? Huwag na, uy!”“Kung lalaki ‘yan, at least gwapo kaya hindi ka

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 427

    [Teka. Anong ibig mong sabihin sa ‘walang silbi’?] Lumamig din ang boses ni Mateo.“Hindi mo naiintindihan? Kailangan ko pa bang isa-isahin para sayo? O nakalimutan mo na ang huling pag-uusap natin kanina?” Isang mapanuyang tawa ang kumawala mula kay Natalie. “Sige, pagbibigyan kita, magiging direkta na ako. Hindi mo naman talaga sinasabi kung saan ka talaga pumupunta. Kaya ano pa ang silbi ng pag-a-update mo?”Ang tinutukoy niya ay ang tatlong beses na palihim na pagkikita ni Mateo at Irene simula ng ikasal sila. Bilang na bilang niya ‘yon. Detalyado lahat.“Tatlong beses na. Hindi na ako maniniwala sa mga update na ‘yan. Kung hindi mo kayang maging totoo sa akin, wala ng silbi ang pagpapaalam sa akin ng kinaroroonan mo.”Hindi agad nakakibo si Mateo. Pero ramdam niyang nag-iinit ang kanyang dugo. Tinawagan niya ito para mag-update na mahuhuli siya ng uwi, pero siya pa rin ang mali. [Sige, kung ganyan ang iniisip mo, hindi na kita tatawagan ulit!]Agad nitong ibinaba ang tawag.Tinin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 426

    Natigilan si Natalie dahil sa mga sinabi ni Mateo. “Talaga bang sinabi niya ‘yon? Anong klaseng lalaki ito? Dinamay pa niya si lolo!”Pagdating sa mansyon, halos hindi pa humihinto ang kotse, bumaba na agad si Mateo, halatang hindi pa rin nawawala ang inis nito. Binuksan ni Natalie ang pinto, ngunit bago pa man siya makababa, yumuko si Mateo at agad siyang binuhat papasok.Gaano man ito kagalit, hindi niya hahayaang basta na lang maiwan ang kanyang asawang gulat at hindi pa rin makabawi.Binuhat niya ito papasok sa bahay, paakyat sa silid sa ikalawang palapag, at dahan-dahang inilapag sa kama at tinanggal ang suot nitong sapatos. Maingat niyang itinakip ang kumot kay Natalie at tiniyak na komportable ito. Madilim pa rin ang kanyang mukha dahil sa iritasyon, pero ang kilos niya ay nanatiling banayad at puno ng pag-aalaga.“Magpahinga ka muna dito,” sabi niya. “Babalik ako sa ospital.”Pagkasabi niyon, pinatay niya ang ilaw at lumabas ng silid. Tahimik na bumalot ang kadiliman sa kwarto

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 425

    Biglang nawala ang ngiti ni Natalie at napalitan ito ng ismid. Tinitigan niya ang lalaki ng seryoso. Mata sa mata. Nanunuot. Tila doon hinahanap ang kasagutan na tila ayaw ibigay sa kanya. “Ano sa tingin mo? Anong hairpin kaya ang tinutukoy ko?”“Hindi kaya…?” Naningkit ang mga mata ni Mateo at gumulo lalo ang utak niya. Isa lang ang naisip niyang pwedeng nangyari. “Hindi… Imposible…pero paano? Sa ospital? Kailan nangyari ‘to?“Tama ka.” Alam ni Natalie na naunawaan na ito ni Mateo. Bago pa siya makasagot, nauna siyang magsalita ulit. “Kung hindi mo na maalala, hayaan mong ako ang magpa-alala sayo. Ang hairpin na tinutukoy ko ay—ang ibinigay mo sa dalagitang ‘ubod ng espesya’ sayo. Ang dalagitang hinanap mo ng kay tagal.”Sa sandaling iyon, nanuyo ang kanyang lalamunan. Para bang hindi niya maigalaw ang kanyang dila, at wala siyang masabi. Nagpawis ng malamig ang kanyang likod.Malamlam ang tinig ni Natalie, halos parang isang bulong. “Nakita ko siya. Binabati kita… nahanap mo na pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 424

    “Talaga?”Isang matinding pait at asim ang sumiklab sa puso ni Mateo, para bang binabad sa suka ng paulit-ulit. Hindi niya matanggap na handang isakripisyo ng babae ang sariling pahinga para kay Drake. Habang iniisip niya ito, lalong tumindi ang nararamdaman niya—hindi maipaliwanag pero alam niyang nanaig ang panibugho.Hanggang sa hindi niya napigilan ang sarili, “ayaw mo bang iwan siya dahil ba iniligtas ka niya at nagpapasalamat ka o… ayaw mo lang talagang bitawan siya at nag-aalala ka para sa kanya?”Napatigil si Natalie, tila iniisip ang kahulugan ng kanyang mga salita. Pero hindi pa rin niya tinitingnan si Mateo. “Ang gusto mo bang palabasin ay may nararamdaman pa rin ako para sa kanya? Bakit hindi mo sabihin ng direkta?”“Kung ipipilit mong manatili dito at hindi mo man lang iniisip ang bata…at kung magiging matigas ang ulo mo,” malamig ang tingin ni Mateo sa kanya. “Oo, may dahilan akong maniwala na hindi ka pa talaga nakaka-move on sa kanya!”Isang matinis na tawa ang kumawal

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 423

    “Huh?” Namilog ang mga mata ni Natalie nang makita kung sino ang naglayo sa kanya sa tiyak na kapahamakan—si Drake!Ngumiti ito, “Nat, ayos ka lang ba—ugh…” Pagkatapos ay napangiwi ito, halatang tinitiis ang sakit.Kumaripas ng kabog ang dibdib niya at saglit na nablangko ang kanyang isipan. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi niya agad naproseso ang lahat. Napako siya sa kinatatayuan habang yakap pa rin siya ni Drake.Mula sa CR, narinig niya ang kaguluhan, mabilis na tinungo ni Alex ang pinagmumulan ng gulo at kung saan nagkukumpulan ang mga tao--kasing bilis ng isang palaso. Ang mga mata niya ay sinuyod ang OPD hall at hinahanap si Natalie.“Natalie! Nandito na ako!” Nakita niya ang lalaking naka-engkwentro noong huli. At dahil may Military background at nakita ang patalim na hawak nito, alam na niya kung ano ang pakay nito. “Ikaw na naman!?”“Ayaw mo talagang magtanda, ha?!” Sa isang swak na galaw, napabagsak niya ang lalaking may dalang kutsilyo sa sahig. “Huwag kang kikilos!”Nags

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status