Share

KABANATA 323

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-05-13 18:58:27

Mahimbing ang naging tulog ni Natalie. Pakiramdam niya ay naubos ang lahat ng enerhiya niya ng nagdaang gabi kaya bumawi ang katawan niya sa tulog. Mataas ang araw ng magising siya---alas dos na ng hapon pag-check niya sa orasan.

Biglang kumalam ang sikmura niya, indikasyon na gutom na gutom na siya. Isang matinding gutom ang bumalot sa kanya, parang hindi siya kumain ng ilang araw. Kaya dahan-dahan siyang bumalikwas at bumangon sa kama. Nagtataka at natutuwa siya na bumalik na ang gana niya sa pagkain.

Naka-abang na si Tess kanina pa. Alam niya na pabago-bago ang gana at ang panlasa ni Natalie kaya naghanda siya ng iba’t-ibang putahe. Nang puntahan siya ni Natalie sa kusina, handa na ang lahat, ihahain na lang.

Pero ngayon, tila iba ang naging takbo ng sitwasyon. Nanumbalik ang gana ni Natalie.

“Ate Tess! Lahat ay amoy masarap!” Puri pa nito at hindi na nag-aksaya ng oras.

Dinampot ni Natalie ang kubyertos at nagsimulang kumain. Maganang-magana ito, halos hindi na nag-iisip dahil sub
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Princess Alis
Ang pangit nga Ng kwento,,ano ba Yan author nag sulat kapa kung ganito Rin lang kwento mu inulit ulit mulang eh,,Wala kana cgurong maisip,kaya paulit ulit nlang...
goodnovel comment avatar
Bianca Toling Diadio
true and im sure alam talga ng lolo nya na si mateo ang ama ng pinqgbubuntis ni natali.makapangyarihan eh.kaya lahat alam dapat gawin naman sanang di syunga yong mga caracter haysst
goodnovel comment avatar
Marissa Castillo
boring na yung takbo ng kwento.paulit ulit,paikot ikot nlng.wala ng excitement d katulad ng ibang kwento.ang gulo n nito eh.dina maintindihan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 572

    “Hindi pa tapos ang lahat. Nandito pa ako bilang mentor mo, nangangako ako na hindi kita iiwan—hahanap tayo ng paraan para mapatunayan na hindi ka nameke, Natalie. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”“Maraming salamat po, sir.”Ngunit alam ni Natalie na pinapagaan lang ng direktor ang loob niya—na kung wala siyang maihahain na panibagong ebidensya sa lalong madaling panahon, kahit si Director Tolentiona ay limitado lamang ang magagawa. Mas malakas pa rin ang kapangyarihan at impluwensya ng academic at medical board.**At gaya ng inaasahan, kinabukasan ay dumating ang opisyal na abiso ng suspension niya mula sa ospital. Personal siyang pinuntahan ni Director Tolentino sa opisina para iabot sa kanya ang sulat.Halos hindi maigalaw ni Natalie ang mga kamay. Hindi niya gustong tanggapin ang sulat na iyon dahil para na rin niyang inamin na ninakaw nga niya ang akdang thesis ni Maurice Flores. Hindi niya pa ito nakikita buhat ng maghiwalay sila ng dorm at mahigpit na ipinagbabawal ni Dir

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 571

    Pagbalik ni Natalie sa townhouse, ang una niyang ginawa ay hanapin at buksan ang isang lumang storage box at mula doon, kinuha niya ang isang makapal na accordion folder. Napasinghap siya. Nandoon ang lahat ng materyales kaugnay ng kanyang graduation thesis, kabilang na ang orihinal na USB drive. Maayos ang pagkakaorganisa ng lahat—dahil bunga ito ng dugo at pawis niya. Hindi niya kayang itapon ni isang pahina, ni mawala man lang ito. Masinop niyang tinago ang lahat bilang memorabilia at hindi sana ebidensya na siya ang tunay na nagsulat ng sarili niyang gawa.Sa dami ng ebidensyang hawak niya, tiwala siyang sapat ito para patunayan ang kanyang pagiging inosente. Hindi pa niya nasasabi kay Nilly dahil ayaw niyang magalit na naman ito. Total, gumugulong na ang imbestigasyon at tiwala siya sa sarili niya—mas minabuti niyang sarilinin muna ang pangambang nararamdaman.“Diyos ko, hindi na matapos-tapos…”Pero kahit ganoon…hindi maalis ni Natalie ang kaba sa dibdib niya.**Kinabukasan, ga

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 570

    Dahil sa matagal na pananahimik ni Natalie tungkol sa ama nila, naging malabo at manipis ang konsepto ni Justin sa kung ano ang “ama.” Pakiramdam niya, kahit hindi man niya siniraan ito sa kapatid—siya ang dahilan kung bakit naging malayo ang loob nito sa ama. Nasa punto siya ng buhay niya ngayon na gusto niya pa ring subukan kahit papaano.Maingat na tumango si Natalie. “Oo, Justin. May tatay ka. Lahat ng tao, may nanay at tatay.”Hindi agad sumagot si Justin. Halata sa mukha niya ang kalituhan at pag-aalinlangan. Kahit matalino at espesyal na bata ito, may mga aspeto na hindi agad nito nauunawaan. Hindi siya minadali ni Natalie—hinayaan niya lang itong mag-isip sa sarili nitong bilis.Makalipas ang ilang saglit, tsaka lang ito muling nagsalita. “Si Papa… katulad din ba ni Mama? Wala na rin siya? Nasa heaven na sila pareho?”“Ha?” Parang sinaksak ang dibdib ni Natalie sa narinig mula sa kapatid. Namutla siya at halos manginig ang boses niya sa pagkagulat at emosyon. Hindi niya ‘yon i

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 569

    Bandang alas-singko o alas-sais ng hapon, nagsimulang bumuhos ang ulan. Kamakailan ay panay ang buhos ng ulan kahit pumasok na ang dry season. Bigla-bigla na lang kung bumuhos kaya marami din ang nagkakasakit.Paglabas ni Mateo mula sa elevator, mabigat ang ekspresyon niya. Kakagaling lang nila ni Irene sa isang medikal na pagsusuri, at ang resulta... hindi naging maganda. Inihatid na niya ito sa silid nito.Habang papalapit siya sa labasan ng ospital, napansin niyang may nakatayo sa ilalim ng bubungan—si Natalie iyon. Mukhang hindi ito nakapaghanda para sa ulan. Wala siyang payong at malinaw na doon lang siya pansamantalang sumisilong. Maaring doon na ito naabutan ng malakas na buhos ng ulan.Sandali siyang nag-alinlangan bago tuluyang lumapit sa tabi nito.“Wala kang dalang payong?”Pagkarinig ng tinig niya, napatingala si Natalie at ngumiti ng bahagya bago tumango. “Wala, eh. Nakalimutan ko kasi.”“Uuwi ka na? Sa townhouse?” Ngayong alam na niya na hindi iyon ‘love nest’ nina Natal

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 568

    Bagama’t para bang may nakabigkis sa mga paa niya, na parang pinahihirapan siyang lisanin ang ospital kahit iyon naman ang gusto niya—parang may libong kilo ang bigat sa bawat hakbang…hanggang sa nagawa na niya…tumalikod na rin si Mateo at lumakad palayo.“Hindi ako mahal ni Natalie. Ginawa na nito ang lahat para lang makawala sa akin. Kung ganoon… ano pa ang silbi ng pagpipilit? Ang tunay na lalaki, marunong kumapit—at marunong ring bumitaw.” Litanya ni Mateo sa sarili habang naglalakad palayo.Kung ang paglayo sa kanya ang magbibigay ng kaligayahan sa babae, dapat niyang hayaang lumaya ito. Pagkatapos ng lahat, napagtanto niya, na sa mundong ito—may taong hindi kayang mabuhay ng wala ang isa.Malas niya dahil mukhang siya ang isang ‘yon.**Lumipas ang dalawang araw, at muling bumalik sa normal ang takbo ng buhay nila. Sa puntong ito, kumpirmado na ni Natalie—ang pagpunta ni Mateo sa kanya sa ospital noong isang araw na ay para lang humingi ng tawad. Maghugas lang ng kamay dahil na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 567

    Matapos ang matinding gulat, unti-unting kumalma si Natalie. Sa sobrang abala niya sa trabaho, si Mateo ang pinakahuling tao na iniisip niyang gusto siyang makausap lalo pa at sinabihan na siya nito noong huli nilang pagkikita na ayaw na niyang makarinig ng kahit na ano mula sa kanya.Ang buong akala niya, personal siya nitong pinuntahan para pag-usapan ang magiging takbo ng kanilang pormal na paghihiwalay. Hinanda na ni Natalie ang sarili para sa pagkakataong iyon. Handa na siyang putulin ang ugnayan niya kay Mateo kung iyon ang gusto nito.Sa halip, iba ang pakay nito. Muling hinalungkat ni Mateo ang araw na nakita siya nitong natutulog ng mahimbing sa tabi ni Drake. Ang araw na halos isumpa siya nito para sa kasalanang hindi naman niya ginawa.Hindi niya agad sinagot ang tanong. Sa halip, tinitigan niya ito at bahagyang ngumiti. “Bakit mo ‘yan tinatanong?”Sa simpleng tanong na ‘yon, halos nalaman na agad ni Mateo ang katotohanan—na siya ay hindi naging makatarungan sa pagtrato sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status