Share

KABANATA 334

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-05-19 13:25:10

“Iwan mo muna kami.” Pinakisuyuan ni Mateo ang manager na lumabas muna.

Tumalima naman ito kaagad. “Maiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos.”

Ramdam ng manager ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya mabilis siyang umalis. Pagkasara ng pinto, nanahimik ang buong silid pero mabigat ang hangin. Naupo si Mateo at sumandal sa upuan. Matalim ang tingin niya kay Natalie.

“Bukod kay Nilly, may iba ka pa bang malapit na kaibigan? May isa sa department mo, hindi ba?”

“Bakit mo tinatanong?”

Nagkibit-balikat si Mateo. “Para sa bridesmaids mo. Ikaw na ang bahala kung ilan ang gusto mo. Ako naman ang bahala sa groomsmen ko.”

Natulala ng sandali si Natalie. Tapos biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil hindi siya makapaniwala. “Ano, ikaw ang pipili ng bridesmaids para sa akin?”

“Not necessarily. Ikaw pa rin.” Kumurap si Mateo. “Karaniwan naman na may mga close friends ang bride sa araw ng kasal---”

Natawa ng malakas si Natalie at ito ang dahilan para maputol ang sinasabi ni Mateo. Hin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (20)
goodnovel comment avatar
Mareth Enero Leones
nka ilang kabanata na Wala parin ..ganyan parin Sila hahay ano bayan kakainis ..ayaw Kuna nga mag basa
goodnovel comment avatar
Rowena Garcia Reyes
palagi na lng nag tataguan ng feelings c natalie at mateo wlang katapusan sa ganung story kaumay basahin
goodnovel comment avatar
Madonna Casinio Bumagat
patayin muna si Natalie author nakakainis na masyading pabebe at wala naman na yung romance. sa tagal ng update at paligoy ligoy mo nanlamig na kaming mga readers mo at nakalimutan na ang storya. ang laki ng ginasto ko dito tapos ganito lang.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 335

    “Huwag kang maingay!” Malamig at matalim ang boses ng lalaki na humiwa sa katahimikan ng restroom na iyon.Pinilit ni Natalie na maging kalmado. Kahit na nanginginig ang tuhod at ang dibdib dahil sa sobrang kaba, nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha.“Sige,” mahina niyang sagot. Walang bahid ng takot sa boses niya kahit na naroon pa rin ang kutsilyo sa tagiliran niya.Nag-alinlangan ang lalaki---tila nagulat sa kanyang pagiging kalmado. “Ikaw ba ang asawa ni Mateo Garcia?”“Oo.” Hindi siya nagdalawang-isip na aminin iyon. “Sandali, dahil ba kay Mateo kaya ako nasa sitwasyong ganito ngayon?” Isang nakakapangilabot na pag-unawa ang bumalot sa kanyang isipan. Marami ng kaaway si Mateo at alam din niyang hindi nagdadalawang-isip ang mga ito na kumitil ng buhay.Muli itong nagsalita. “Buntis ka…ang tiyan mo, ilang buwan na ‘yan?”Nanlamig ang dugo ni Natalie. Alam nila. Hindi ito simpleng pag-atake lang. May nagplano nito. May nagsadya at alam nilang buntis siya. Malamig na pawis

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 334

    “Iwan mo muna kami.” Pinakisuyuan ni Mateo ang manager na lumabas muna.Tumalima naman ito kaagad. “Maiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos.”Ramdam ng manager ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya mabilis siyang umalis. Pagkasara ng pinto, nanahimik ang buong silid pero mabigat ang hangin. Naupo si Mateo at sumandal sa upuan. Matalim ang tingin niya kay Natalie.“Bukod kay Nilly, may iba ka pa bang malapit na kaibigan? May isa sa department mo, hindi ba?”“Bakit mo tinatanong?”Nagkibit-balikat si Mateo. “Para sa bridesmaids mo. Ikaw na ang bahala kung ilan ang gusto mo. Ako naman ang bahala sa groomsmen ko.”Natulala ng sandali si Natalie. Tapos biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil hindi siya makapaniwala. “Ano, ikaw ang pipili ng bridesmaids para sa akin?”“Not necessarily. Ikaw pa rin.” Kumurap si Mateo. “Karaniwan naman na may mga close friends ang bride sa araw ng kasal---”Natawa ng malakas si Natalie at ito ang dahilan para maputol ang sinasabi ni Mateo. Hin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 333

    Kilalang-kilala ni Nilly si Natalie. Alam niya na kahit masama ang pakiramdam nito ay tutuloy pa rin ang kaibigan sa Isla Verde. Dahil dito, labis siyang nag-alala.“Nat, hindi ba pwedeng sabihin mo na lang kay Mateo ang totoo? Sigurado naman akong papaya siyang ipagpaliban ang lakad niyo kung alam niya ang tunay na dahilan.” Pakiusap niya sa kaibigan.Umiling si Natalie at may maliit na ngiti sa labi. “Nilly, ang batang ito ay responsibilidad ko. Hindi kay Mateo. Mas kaunti ang nakakaalam, ibig sabihin, kaunti din ang gulo. At mas pabor sa akin ‘yon.”Nang marinig ang baluktot na rason ng kaibigan, nagdilim ang mata ni Nillu. Bilang malapit na kaibigan ni Natalie, masakit para sa kanya ang marinig ang pagtanggap nito ng kapalaran.“Natalie,” niyakap niya ang kaibigan at hindi na napigilan ang pag-iyak. “Basta, kapag hindi mo na kaya, tawagan mo ako, okay? Agad-agad!”“Oo naman.” Sagot ni Natalie habang marahang tinatapik ang likod ng kaibigan bilang pag-alo. Pero hindi siya sigurado

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 332

    Bago pa matapos ni Natalie ang naiisip niyang imungkahi, isang matalim na boses ang pumigil sa kanya.“Natalie!”Natigilan siya, nanatiling nakapatong ang mga daliri sa bukas na pahina ng binabasang libro. Dahan-dahan niyang sinalubong ang madilim at nag-aalab na tingin ni Mateo.Napalunok si Natalie bago maingat na tinuloy ang tanong. “Pwede naman sigurong hindi na pumunta, hindi ba?”“Hah.” Isang mapanuyang tawa ang lumabas mula kay Mateo---mababa, matalim at parang palo ng malakas na latigo. “Baka naman gusto mo pang maghanap ng proxy para sa sarili mong kasal nyan?”Ang lantad na panlilibak sa tono ni Mateo ay imposibleng hindi niya maramdaman. Nagulat si Natalie pero gaya ng dati, mabilis na nabawi ni Natalie ang sarili. Mabilis din ang naging sagot niya pabalik.“Oh, come on, Mateo. Hindi ba pareho lang naman nating gusto na matapos na ito kaagad? Ginagawa lang natin ito para matapos na.”Kahit na malamig at kalmado ang tinig ni Natalie at parang nagsasabi lang ito ng isang simp

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 331

    Inakala ni Mateo na sa mga oras na ito, nasa university o nasa affiliated hospital si Natalie, kaya hindi dapat maging problema ang pagkikita nila. Ora-orada ang pag-alis niya noong nakaraang araw at ngayong nakabalik na siya ng bansa, naisip niyang tama lang na makipagkita siya sa babae.Pero tumanggi ito ng tawagan niya.[Mauna ka na. Napuntahan ko na si Lolo kaninang umaga. Marami pa akong dapat gawin. Pagkatapos ng lahat ng iyon, dadalawin ko siya bago umuwi sa Antipolo.] Klamado ang boses nito at walang bahid ng pagmamadali, walang pangongonsensya at wala ring pag-aalinlangan.Natahimik si Mateo sa kabilang linya. Iniisip niya kung totoong abala ito o baka naman gumagawa lang ng rason si Natalie para maiwasan ang makipagkita sa kanya.Matapos ang ilang segundo, natanong rin niya sa wakas ang bumabagabag sa kanya. “Nat, galit ka ba sa akin?”Tumawa si Natalie, mahina at may bahagyang pagdistansya. [Bakit ako magagalit? May ginawa ka bang dapat kong ikagalit?]Natigilan si Mateo.H

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 330

    “Hay, hindi naman ito ganoon kasama, Natalie.” Sabi ni Doctora Cases habang nakakunot pa rin ang noo. Patuloy pa rin ito sa pagbabasa ng medical report. “Pero hindi rin ito maganda. Ilang buwan ka pa lang! May ilang buwan ka pa lang at marami pang buwan na pagdadaanan. Kung magpapatuloy ito…hindi sa tinatakot kita---pero totoong may panganib.”Itinuro ng doktora ang ultrasound image sa screen, habang matamang pinagmamasdan ang maputlang mukha ni Natalie. Ang pagdadalang-tao ay hindi kailanman naging madali.Noong unang panahon, ito ay maituturing na pakikipaglaban sa pagitan ng buhay at kamatayan para sa mga kababaihan. Ang madalas nga na sinasabi noon ay, nasa hukay na ang isang paa kapag nagbubuntis ang isang babae.At kahit na may mga makabagong medisina na ngayon, hindi pa rin nawala nang tuluyan ang mga panganib.“Doc, ano po ang dapat na gawin? Sisiguraduhin ko pong masusunod lahat ng payo niyo sa kaibigan ko,” singit ni Nilly, puno pa rin ng pag-aalala ang boses.Matalim ang na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 329

    Kinabukasan, may nakatakdang surgery si Natalie. Mas lumakas na ang gana niya sa pagkain at mas maayos na ang tulog. Pakiramdam niya ay puno siya ng enerhiya. Walang anumang senyales ng problema.Ang mga surgery procedure sa research department ay kadalasang matagal. Iniwan niya ang telepono niya sa locker sa changing room. Ngunit patuloy ang pag-ring ng telepono niya ng hindi niya nalalaman.Matapos ang ilang hindi nasagot na tawag, ang linya ay awtomatikong nare-redirect. At dahil card ni Mateo ang ginamit pambili ng telepono ni Natalie, awtomatikong sa lalaki napupunta ang tawag.**Sa abroad.[Sir, hello. Sa private obstetrics hospital po ito. Pasensya na sa abala.]“Yes, ano ‘yon?” Tiningnan ni Mateo ang time difference ng Pilipinas at ng bansang kinaroroonan niya sa kasalukuyan.[Tumawag po kami tungkol kay Mrs. Garcia---] ang boses ng nurse at may halong pag-aalangan. [May schedule po siya para sa pre-natal check-up niya pero two days na po siyang late. Ilang beses na namin siy

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 328

    “Natallie,” mabigat ang tinig na ginamit ni Nilly habang nilalapag ang telepono sa harapan niya. “Ikaw ba ang tinutukoy dito?”“Ha?” Inosenteng kumurap si Natalie at kinuha ang telepono.Pagkatapos ay ibinaba ang tingin sa screen ng telepono at binasa ang nag-trending na balita sa social media:--Ipinahayag na ng Presidente ng Garcia Group of Companies ang kanyang pagpapakasal!Pinindot ni Natalie ang article at nakita ang isang maikli at pormal na anunsyo, walang larawan, walang detalye. Ang tanging nakasaad lang doon, ay ang pagpapakasal ni Mateo Garcia sa kanyang kasintahan mula pagkabata---si Natalie Natividad.Iyon lang.Sakto sa istilo ng pamilya Garcia, direkta, walang ingay at walang paligoy-ligoy.Dahil nabanggit na ito ni Antonio dati pa, hindi na nagulat si Natalie. Inabot niya pabalik ang telepono ng kaibigan at kalmado siyang ngumiti. “Nakasulat naman ng malinaw ang Natalie Natividad, hindi ba? Syempre ako ‘yan, Nilly.”Biglang napikon si Nilly. “Bakit ka nakangiti? Paano

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 327

    Walang iba kundi si Drake Pascual.Kakatapos lang ng meeting niya sa isang kliyente at pababa na siya mula sa restaurant sa itaas ng mall ng mapansin niya si Natalie na nakatayo sa harap ng isang jewelry store.Natigilan siya.Sa totoo lang, hindi pa naman ganoon katagal nang huli silang magkita---pero sa sandaling ito, pakiramdam niya ay parang buong buhay na niya ang lumipas. Nag-alinlangan siya kung lalapitan niya si Natalie o hahayaan na lang niya ito.Pero hindi niya mapigilan ang sarili.Walang pag-aalinlangan, lumapit siya sa kinaroroonan nito.Naramdaman ni Natalie ang paglapit ng isang tao mula sa likuran niya kaya itinaas niya ang tingin at nilingon ito. Wala pa ring emosyon ang emosyon ang mukha niya.Pagkatapos ay nginitian niya ang taong papalapit. “Hi.”“Hello.”Magaan ang tono na ginamit ni Natalie para batiin si Drake. Kalmado, ngunit wala na ang init ng dati nilang koneksyon. Isang komplikadong emosyon ang bumalot sa dibdib ni Drake---may sakit, panghihinayang at pait

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status