Share

KABANATA 336

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-05-20 18:47:22

Kasabay ng pagbagsak ni Natalie sa semento, sumabog din ang kaguluhan sa paligid ng parking area. Mabilis na umalingawngaw ang mga hiyaw at sigawan.

Ang janitor---na kumidnap sa kanya---ay natigilan sa kinatatayuan. “Anong nangyari? Dapat ay wala itong malay! Hindi ba nito nalanghap ang ether na nilagay ko sa panyo? Paano nakalabas ang babaeng ‘yan sa loob ng cart?!”

Sunod-sunod din ang hiyawan ng mga taong naroon.

“Nakagapos siya!” Sigaw ng isang miron.

“Tumawag kayo ng security, dali!”

Isang lalaking nakatayo sa malapit ang dali-daling lumuhod sa tabi niya. “Miss, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?”

Medyo nahihilo si Natalie at masakit ang buo niyang katawan. Pero wala siyang panahon para isipin pa ito. Mabilis niyang inilipat ang tingin sa kidnapper niya—kitang-kita niya ang gulat at takot sa mukha nito.

Kapag makakatakas ito ngayon, baka hindi na nila ito mahuli at hindi niya hahayaang mangyari ‘yon. Sa huling patak ng kanyang lakas, itinaas niya ang nakagapos na kamay at itinu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Cherry Bonaobra
kelan nila aaminin ang damdamin nila sa isat isa,dapat maparusahan ang mag inang Irene at Janeth sa kanilang kasamaan,dapat maranasan nila ang hirap na pinag daanan ni Natalie,para magkaroon ng hustisya si Natalie,
goodnovel comment avatar
Cherry Bonaobra
kelan malalaman ni Mateo ang buong katotohanan na siya ang ama ng ping bubuntis ni Natalie,at kilan mabubunyag kawalang hiyaan at kasinungalingan ng mag ibang Irene at Janeth, nakaka asar ng basahin,ang layo na ng narrating,Piro walang katapusang pahirap Kay Natalie,
goodnovel comment avatar
Emzee VT
uulit nnmn ang story.... pabalik ba ito hahahhaha.... pabalik balik kz mga kaganapan eh, same sa.e lamb
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 570

    Dahil sa matagal na pananahimik ni Natalie tungkol sa ama nila, naging malabo at manipis ang konsepto ni Justin sa kung ano ang “ama.” Pakiramdam niya, kahit hindi man niya siniraan ito sa kapatid—siya ang dahilan kung bakit naging malayo ang loob nito sa ama. Nasa punto siya ng buhay niya ngayon na gusto niya pa ring subukan kahit papaano.Maingat na tumango si Natalie. “Oo, Justin. May tatay ka. Lahat ng tao, may nanay at tatay.”Hindi agad sumagot si Justin. Halata sa mukha niya ang kalituhan at pag-aalinlangan. Kahit matalino at espesyal na bata ito, may mga aspeto na hindi agad nito nauunawaan. Hindi siya minadali ni Natalie—hinayaan niya lang itong mag-isip sa sarili nitong bilis.Makalipas ang ilang saglit, tsaka lang ito muling nagsalita. “Si Papa… katulad din ba ni Mama? Wala na rin siya? Nasa heaven na sila pareho?”“Ha?” Parang sinaksak ang dibdib ni Natalie sa narinig mula sa kapatid. Namutla siya at halos manginig ang boses niya sa pagkagulat at emosyon. Hindi niya ‘yon i

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 569

    Bandang alas-singko o alas-sais ng hapon, nagsimulang bumuhos ang ulan. Kamakailan ay panay ang buhos ng ulan kahit pumasok na ang dry season. Bigla-bigla na lang kung bumuhos kaya marami din ang nagkakasakit.Paglabas ni Mateo mula sa elevator, mabigat ang ekspresyon niya. Kakagaling lang nila ni Irene sa isang medikal na pagsusuri, at ang resulta... hindi naging maganda. Inihatid na niya ito sa silid nito.Habang papalapit siya sa labasan ng ospital, napansin niyang may nakatayo sa ilalim ng bubungan—si Natalie iyon. Mukhang hindi ito nakapaghanda para sa ulan. Wala siyang payong at malinaw na doon lang siya pansamantalang sumisilong. Maaring doon na ito naabutan ng malakas na buhos ng ulan.Sandali siyang nag-alinlangan bago tuluyang lumapit sa tabi nito.“Wala kang dalang payong?”Pagkarinig ng tinig niya, napatingala si Natalie at ngumiti ng bahagya bago tumango. “Wala, eh. Nakalimutan ko kasi.”“Uuwi ka na? Sa townhouse?” Ngayong alam na niya na hindi iyon ‘love nest’ nina Natal

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 568

    Bagama’t para bang may nakabigkis sa mga paa niya, na parang pinahihirapan siyang lisanin ang ospital kahit iyon naman ang gusto niya—parang may libong kilo ang bigat sa bawat hakbang…hanggang sa nagawa na niya…tumalikod na rin si Mateo at lumakad palayo.“Hindi ako mahal ni Natalie. Ginawa na nito ang lahat para lang makawala sa akin. Kung ganoon… ano pa ang silbi ng pagpipilit? Ang tunay na lalaki, marunong kumapit—at marunong ring bumitaw.” Litanya ni Mateo sa sarili habang naglalakad palayo.Kung ang paglayo sa kanya ang magbibigay ng kaligayahan sa babae, dapat niyang hayaang lumaya ito. Pagkatapos ng lahat, napagtanto niya, na sa mundong ito—may taong hindi kayang mabuhay ng wala ang isa.Malas niya dahil mukhang siya ang isang ‘yon.**Lumipas ang dalawang araw, at muling bumalik sa normal ang takbo ng buhay nila. Sa puntong ito, kumpirmado na ni Natalie—ang pagpunta ni Mateo sa kanya sa ospital noong isang araw na ay para lang humingi ng tawad. Maghugas lang ng kamay dahil na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 567

    Matapos ang matinding gulat, unti-unting kumalma si Natalie. Sa sobrang abala niya sa trabaho, si Mateo ang pinakahuling tao na iniisip niyang gusto siyang makausap lalo pa at sinabihan na siya nito noong huli nilang pagkikita na ayaw na niyang makarinig ng kahit na ano mula sa kanya.Ang buong akala niya, personal siya nitong pinuntahan para pag-usapan ang magiging takbo ng kanilang pormal na paghihiwalay. Hinanda na ni Natalie ang sarili para sa pagkakataong iyon. Handa na siyang putulin ang ugnayan niya kay Mateo kung iyon ang gusto nito.Sa halip, iba ang pakay nito. Muling hinalungkat ni Mateo ang araw na nakita siya nitong natutulog ng mahimbing sa tabi ni Drake. Ang araw na halos isumpa siya nito para sa kasalanang hindi naman niya ginawa.Hindi niya agad sinagot ang tanong. Sa halip, tinitigan niya ito at bahagyang ngumiti. “Bakit mo ‘yan tinatanong?”Sa simpleng tanong na ‘yon, halos nalaman na agad ni Mateo ang katotohanan—na siya ay hindi naging makatarungan sa pagtrato sa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 566

    Naka-mask at may suot na guwantes si Natalie ng lumabas siya para salubungin ang emergency patient. Gaya ng ibang emergency situation, halos hindi magkamayaw ang medical staff pero propesyonal at kalmado pa rin ang atake.“Anong kondisyon ng pasyente niyo?” Tanong ni Natalie sa EMT.“28, male. Nahulog sa bakod ng kapitbahay, doc. Tumagos ang kable na nakausli sa dibdib, sa tingin ko, pati tiyan may tama. Nabigyan naman naming ng pangunang lunas. Pero dahil sa layo ng location nila, marami na ring dugo ang nawala sa kanya.”Tumango si Natalie, kalmado pa rin. “Sige, ipasok niyo agad sa ER. I-monitor ang vitals. Palitan ang IV drip agad at ihanda ang surgical area. I-notify ang OR at ihanda ang operating table. Ako na ang kukuha ng dugo—pag may resulta na, ipagbigay-alam agad sa blood bank para sa transfusion.”“Noted, doc!” Sagot ng nurse na tumanggap ng pasyente.Kahit malaki na ang tiyan ni Natalie, wala ni katiting na panghihina sa kilos niya. Kumilos siyang mabilis, pulido, at prop

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 565

    “Sir!”“Anong kaguluhan ‘to?!”Sakto lang ang pagdating nina Isaac at ang presidente ng Lucky Dragon Corporation, at agad silang napatigil sa nakita nila—isang bugbugan sa harap mismo nila ang nagaganap! Nauna silang lumabas pero ng makarinig ng ingay mula sa loob ng locker room—agad silang bumalik.Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Agad nilang hinila ang dalawa palayo sa isa’t isa.“Bitawan niyo ako! Inuutusan ko kayo, bitawan niyo ako!” Galit na galit si Mateo, pulang-pula ang mga mata at nagtatagisan ang panga. “Papatayin ko talaga ang hayop na ‘yan!”“Ha!” Halos baliw na ang ngiti naman ang binigay ni Drake. “Sige lang! Kung hindi mo ako mapapatumba ngayon, wala ka ng respeto na makukuha mula sa akin dahil hindi ka naman karespe-respeto!”“Hoy, hoy!” Niyakap ng presidente ng Lucky Dragon si Drake mula sa likod. May edad na ito pero physically active at malakas pa. “Mr. Pascual, konting preno naman sa bibig mo. Tignan mo na nga lang ang itsura mo—lamog ka na pero ang tapang tapang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status