Share

KABANATA 344 

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-05-22 18:36:32

“Sige, ipaliwanag mo kung bakit hindi mo na kinuha ang suit.” Inayos ni Mateo ang pagkakasandal sa mesa. Ang mga mata ay puno ng paghihintay. Gusto niyang marinig kung paano ipapaliwanag ni Natalie ang sarili niya.

Ibinaba ni Natalie ang bote ng lotion at nagsimula---“pinag-isipan ko ito ng mabuti. Napagpasyahan ko na hindi dadalo si Justin sa kasal. Huwag mo na akong tanungin kung bakit. Iyon na ang masusunod.”

Boom.

Nanikip ang dibdib ni Mateo at sumabog ang dugo niya dahil sa galit at hindi pagkapaniwala. Ang labi niya ay bahagyang ngumiti, ngunit walang init---isa iyong malamig at mapait na ngiti.

“Bakit?”

Nakipagtitigan si Natalie sa kanya sa salamin habang patuloy sa pagpahid ng lotion sa braso na para bang ordinaryong usapan lang ang meron sila. “Maha-hassle lang tayo.”

“Paanong mangyayari ‘yon?” Mababang halakhak ang pinakawalan ni Mateo. Isang uri ng tawa na walang saya. “Hindi ba sinabi ko na sayo na ako na ang bahala sa lahat? Na wala ka ng kailangan pang alalahin? Ang tang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Elizabeth Samala
nxt chapter pls...
goodnovel comment avatar
Elizabeth Samala
sna mlman n ni mateo ang mga panloloko ng mag inang janet at irene at pti un pg bubuntis ni nat n mlman n dn ni mateo n s knya un...
goodnovel comment avatar
Enen Tinod
bobo at tanga talaga si Mateo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 345

    “Hindi ko binenta ang sarili ko sayo, Mateo. Pumayag akong matali sayo dahil kay Lolo. Huwag nating kalimutan na may sarili akong isip, may sarili akong dignidad at hindi ko hahayaang mawala ang lahat ng iyon.” Matibay ang mga salitang binitawan nito, walang bahid ng pag-aalinlangan. Hindi rin ito nakikipagtalo---ang ginagawa lang ni Natalie ay ang ipinahayag ang katotohanan niya.Pagkasabi nito, iniwas na ni Natalie ang mga mata at tumayo. Tuloy-tuloy na siya sa paglabas ng kwarto ng hindi lumilingon at diretso na ng study para magkulong.Naiwan si Mateo sa kwarto, nag-iinit sa inis. Hinila niya ang kurbata at niluwagan ang kwelyo ng damit. Gayunpaman, ang pakiramdam niya ay mas lalo siyang hindi makahinga.Sa tanang buhay niya, hindi pa siya nakakakita ng taong mas nakakainis pa kay Natalie. Hindi nito naiintindihan na apektado rin siya.“Ang buong akala siguro ni Natalie ay gusto ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.”Gusto niyang habulin ito sa study ngunit pinipigilan siya ng

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 344 

    “Sige, ipaliwanag mo kung bakit hindi mo na kinuha ang suit.” Inayos ni Mateo ang pagkakasandal sa mesa. Ang mga mata ay puno ng paghihintay. Gusto niyang marinig kung paano ipapaliwanag ni Natalie ang sarili niya.Ibinaba ni Natalie ang bote ng lotion at nagsimula---“pinag-isipan ko ito ng mabuti. Napagpasyahan ko na hindi dadalo si Justin sa kasal. Huwag mo na akong tanungin kung bakit. Iyon na ang masusunod.”Boom.Nanikip ang dibdib ni Mateo at sumabog ang dugo niya dahil sa galit at hindi pagkapaniwala. Ang labi niya ay bahagyang ngumiti, ngunit walang init---isa iyong malamig at mapait na ngiti.“Bakit?”Nakipagtitigan si Natalie sa kanya sa salamin habang patuloy sa pagpahid ng lotion sa braso na para bang ordinaryong usapan lang ang meron sila. “Maha-hassle lang tayo.”“Paanong mangyayari ‘yon?” Mababang halakhak ang pinakawalan ni Mateo. Isang uri ng tawa na walang saya. “Hindi ba sinabi ko na sayo na ako na ang bahala sa lahat? Na wala ka ng kailangan pang alalahin? Ang tang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 343

    “Kabit?!” Mababang halakhak ang lumabas mula kay Natali bago ibinaling ang tingin kay Mateo. “Kabit daw ako. Narinig mo ba ‘yon?”Dahil tinawag nilang ‘kabit’ si Natalie, nakuha na ng dalawang babae ang atensyon ni Mateo. Ang paraan ng pagtingin niya sa kanila ay malamig---na parang wala silang halaga.“Paninirang puri, maling paratang, tangkang pananakit---pwede ko kayong kasuhan. Magaling ang abogado ko. Kayang-kaya niyang dagdagan ‘yan para matagalan ang bakasyon niyo sa bilangguan. Malinaw ba sa inyo ‘yon?”Nanginig ang dalawang babae, mabilis na lumitaw ang takot sa kanilang mga mata. Pero sa kabila nito, pilit nilang pinanatili ang matigas na postura. Ang isa sa kanila ay tumayo ng tuwid at itinaas ang noo kahit na halata ang panginginig sa boses.“Hmph! Pinagtatanggol mo siya pero naisip mo ba si Irene? Alam mo ba kung gaano ito kasakit para sa kanya? Nandito siya mismo!”Noong una, kaunti lang ang nakiki-usyoso. Pero dahil sa lakas ng boses ng mga babae---lalo na at sangkot an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 342

    Ang pagkakaalam ni Mateo, nag-ayos siya ng isang buong post-partum care team para kay Irene. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit nasa labas ito at nagtatrabaho na gayong hindi dapat para sa isang babaeng nakunan kamakailan lang.Matalim ang tingin niya ng bumaling sa manager nito. “Ganito ba ang ginagawa mo sa mga artistang mima-manage mo? Hindi mo ba alam na hindi pa siya magaling? Ilang linggo dapat ang pahinga niya, Ed.”Nanigas si Ed, “ah…sir…kasi…”“Hindi kasalanan ni Ed, Mateo.” Mahinahong singit ni Irene. Nangingislap ang kanyang mga namumulang mata mula sa mga luhang hindi pa bumabagsak. Mahina ang boses niya at may halong lungkot. “Ako ang nagpumilit na lumabas. Kailangan kong may gawin…kung hindi, lalo lang akong mag-iisip ng kung ano-ano.”Walang naisagot si Mateo. Alam niyang nasaktan niya si Irene. Alam din niyang marupok ito---gaya ng dati. Pagkalipas ng ilang sandali, tamango siya. “Mabuti na rin ang makalanghap ka ng sariwang hangin, basta huwag mo lang pilitin ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 341

    Pagkatapos na ihatid sina Natalie at Nilly sa bridal shop na gumagawa din ng gown ng babae pangkasal, kailangang umalis muna ni Mateo.Marami siyang gagawin. Sobrang sikip ng schedule niya lalo na ngayong malapit na ang kasal. Punong-puno ang kanyang planner ng mahahalagang bagay na kailangang ayusin at dalawang beses ng tumatawag ang kanyang assistant para ipaalala ang mga meetings niya na kailangan din niyang asikasuhin.Habang inaalalayan ng store manager si Nilly sa pagkuha ng sukat, nilingon ni Mateo si Natalie at isiniksik ang mga kamay sa bulsa, pinag-aaralan niya ang mga galaw ng babae.“Nat, paano naman si Justin? Anong balak mo?” Tanong nito. “Gusto mo bang ikaw mismo ang kumuha sa kanya sa center o mas okay kung sina Isaac ang kukuha sa kanya doon? Para sa isang bata, isang simpleng fitted suit lang ang kailangan---ang kailangan lang ay makuha ang tamang sukat ni Justin.”Natigalan si Natalie at hinaplos ang tela ng kanyang suot na damit. “Gusto niya talagang nandoon si Jus

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 340

    “Nauuhaw ka ba?” Isang thermos cup ang biglang nilagay ni Mateo sa mga kamay ni Natalie. Ang init nito ay naramdaman niya kaagad pero hindi nakakapaso. “Gatas. Uminom ka muna.”“Salamat.” Tinanggap ito ni Natalie.Nang binuksan niya iyon, isang banayad at mabangong singaw ang pumailanlang sa loob ng kotse. Sinimulan niyang inumin ang mainit na gatas sa pamamagitan ng maingat na paghigop. Hinayaan niya ang init ng gatas na pakalmahin ang kanyang lalamunan.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Mateo. “Malapit na tayo. Iuuwi ka na ba namin sa Antipolo o may gusto ka pang puntahan?”Tumango si Natalie. “Meron. Sa affiliated hospital ng university.”Awtomatikong nagsalubong ang kilay ni Mateo. “May pasok ka ngayon?”“Hindi,” umiling siya. “May mga dokumento ako na kailangang kunin sa opisina. Sa bahay ko na aaralin.”Nang marinig ito, lumuwag ang ekspresyon ni Mateo. Tumango ito at inutusan ang driver na dumiretso sa ospital. Pagdating sa harap ng Surgery Department, tumingin si Mateo kay Natal

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 339

    Kinabukasan, huling nagising si Natalie.Ang sinag ng araw ay mataas na at dumadaan sa manipis na kurtina, nagbigay ito ng gintong liwanag sa malawak na suite. Ipinikit niya muli ang mga maya at nag-unat, hindi pa siya handang bumangon mula sa malambot na kama.Namilog ang mga mata niya ng makita niya ang digital clock sa ibabaw ng bedside table---lampas na ng alas diyes ng umaga.“Tsk, kaya pala maliwanag na.” Palatak niya.Maaga naman siyang natulog kagabi, pero hindi pa rin niya maintindihan kung paano siya na-late ng gising. Nitong mga nakaraang araw ay takaw-tulog talaga siya.Nagbuga ng hangin si Natalie at minasahe ang sentido bago dahan-dahang bumangon. Sa palagay niya ay bumabawi pa ang katawan niya mula sa pagod ng nakalipas na mga araw. Matapos ng isang mabilisang paghahanda, lumabas na siya ng silid at napansin agad na nasa sala sina Mateo at Isaac, may tinitingnan ang dalawa sa laptop.Nang marinig nila ang mga yapak niya, naunang tumingala si Mateo. Walang pagbabago sa e

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 338

    Mabilis ang naging takbo ng itim na BMW sa highway, mistula itong isang patalim na humahati sa dilim ng gabi.Sa loob, tahimik lang si Mateo, nakatuon ang tingin sa dinadaanang street lights ng kalye. Nanatiling mahigpit ang pagkakuyom ng kamao niya sa kandungan, tila pilit na hinahawakan ang isang bagay na unti-unting dumudulas sa mga pagitan ng daliri.Sa tabi niya, palihim na sumulyap si Alex.Nasasaktan ang boss nila.Hindi ito normal---lalo na sa kagaya ni Mateo. Hindi ito madaling bumigay. Matagal na rin silang nagtatrabaho ng kapatid niya dito kaya alam na niya---sa tuwing ganito at tahimik ito, mas malalim ang iniindang sugat.“Sir…” nag-atubili si Alex bago nagsalita muli. “Malapit na tayo. Tumawag ako sa hotel. Maayos si Natalie. Hindi mo kailangang---”“Bilisan mo pa.” malamig at kontrolado ang tono nito ngunit may talim.Hindi na nangahas pa si Alex na sumagot. Piniga niya ang silinyador at binilisan lalo ang takbo ng kotse. Sa likuran, ipinikit ni Mateo ang kanyang mga ma

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 337

    Tahimik ang kwarto ng ospital, tanging ang mahina at regular na tunog ng malaking orasan lanng ang maririnig. Nang itulak ni Mateo ang pinto, naabutan niya ang lolo niyang gising pa, nakasandal sa headboard ng kama na parang isang hari sa kanyang trono---kahit ang dinadamdam nitong sakit ay hindi kayang alisin ang kanyang awtoridad.Nang makita ang apo sa ganoong oras, nagsalubong ang kilay ng matanda. “Hindi ba dapat nasa Isla Verde ka ngayon at kasama si Natalie? Anong ginagawa mo dito?”“Tulog na siya.” Kalmado at kontrolado ang tono ni Mateo, sa isang iglap, lumambot ang ekspresyon niya ng mabanggit ang pangalan ng babae. “Hindi naman ako magtatagal. Babalikan ko rin siya kaagad.”Dahan-dahang tumango si Antonio pero hindi pa rin inalis ang tingin sa apo. “Hindi ito isang kaswal na bisita. Masyadong malayo ang isla. Ano ang dahilan ng biglaang pagbisita mo sa akin?”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Mateo. “Lolo, muntik ng makidnap si Natalie kanina.”Biglang bumigat ang hangin sa loob

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status