“Ah ganoon ba?” Malamig na tawa ni Mateo sa pang-aasar ni Natalie, may halong panlalait ang boses. “Hayaan mo na. Hindi naman ako mamamatay. Lagnat lang ‘to. Tsaka, kung naaalala ko, sabi mo, wala na tayong pakialamanan.”“Aba…ganito na ba siya ngayon kung umatake? Paawa? Magdadrama? Akala niya siguro, sa ginagawa niyang ‘yan ay magbabago ang isip ko? Ganoon baa ko kadaling mabilog sa paningin ng lalaking ‘to?”Napatawa si Natalie—isang malamig na tawa. “O sige, mamatay ka na. Mukhang handa ka naman pala. Pakibati na lang ako kay San Pedro—yan ay kung doon ang punta mo.”“Ano? Ikaw talaga!” Biglang nagbago ang ekspresyon ni Mateo at tumalim ang mga mata. “Natalie!”“Bakit? Bakit mo ako tinititigan ng ganyan?” Kalmado pa rin ang kanyang titig. “Ako ba ang dahilan ng pagkakasugat mo? Bakit, gusto mo ba akong konsensyahin? Hindi eepekto ‘yan, oy.”Pagkasabi nito ay tumayo na si Natalie. “Kung totoong mamatay ka diyan sa simpleng lagnat, malamang maantig si Irene—baka pati siya, mamatay n
Kalmado ang tono ni Natalie, parang natural na natural na lang sa kanya. Pero iba ang dating nito sa lalaki, para kay Mateo, ang bawat salitang binibitawan nito ay tila may kasamang matalim na pangungutya na kahit anong iwas niya ay nadadaplisan at natatamaan siya.Wala siyang balak na ipaliwanag ang sarili, pero sa dami ng mga patutsada nito—hindi na niya kayang palampasin. Sumabog na rin ang galit niya. “Teka lang, gusto mo bang malaman kung paano ko nakuha ang sunog na ‘to? Nasunog ang braso ko dahil sayo!”“Oh?” Mabilis na sulyap ang ibinigay ni Natalie sa paso, halatang hindi kumbinsido. “Dahil sa akin? Talaga ba?”“Oo!” Nataranta si Mateo, desperadong ipaintindi sa kanya ang totoo. “Kanina kasi…nang mangyari ang sunog—”“Tama na.” Matalas ang pagputol ni Natalie sa mga sasabihin pa sana niya. “Anuman ang palusot mo, hindi ko paniniwalaan. Gusto mo pa bang ituloy ‘to? Kahit na alam mong wala naman akong pakialam dyan?”Napahinto si Mateo.Habang tinititigan ang kalmado ngunit mal
Sa isang lalaking katulad ni Mateo Garcia—gwapo, matagumpay, mula sa isang kilalang pamilya, at laging mabuti sa kanya at sa kapatid niya—paano siya hindi mahuhulog? Hindi iyon maiiwasan kahit pa ilang beses niyang tinangkang supilin ang damdaming iyon.At paulit-ulit siyang nadadala sa gulo ng sariling emosyon. Siya pa rin ang nagiging talunan sa laban ng pag-ibig. Ngunit tama na. Masyado na siyang nasaktan. Tao lang siya, hindi siya santo at may hangganan siya. Sa palagay niya ay naabot na niya ang sukdulan niya.Dahan-dahang ipinikit ni Natalie ang mga mata. Kailangan niyang gumising sa katotohanan. Marami pa siyang kailangang gawin—hindi niya sayangin ang oras niya sa maling pag-ibig. Kung tutuusin, handa siya para dito noon pa man. Matagal na niyang kinondisyon ang sarili na ang pagsasama nila ay hanggang sa papel lamang.Mistula siyang empleyado nito—anumang oras, ay pwedeng sisantihin at palitan.**Dahil sa dami ng mga nangyari at sa pagod mula sa mga ginawa niya bago mangyar
Pagkakapit ni Natalie sa doorknob at pagbukas nito, biglang may malakas na pwersang dumagan sa kanya mula sa likuran. Kasabay ng isang malakas na THUD, isinara muli ni Mateo ang pinto.Narinig niya ang mababang tinig nito sa kanyang ulunan. “Gusto mong magpagamot ako? Sige, magpapagamot ako—pero sasama ka sa akin.”“Hmm?” Kumunot ang noo ni Natalie. “Bakit naman ako sasama sayo?”“Seryoso ka bang tatanungin mo ako nyan?” Humigpit ang hawak ni Mateo sa doorknob, bakas sa kanyang mukha ang inipon na emosyon. Hindi niya pwedeng bitawan ‘yon dahil kapag umalis si Natalie, baka hindi na siya muling magkaroon pa ng pagkakataon na suyuin ito. “Ikaw ang asawa ko! Dapat ikaw ang kasama ko!”“Oo nga, asawa mo ako. Sa huling tanda ko, Mrs. Garcia pa rin ang tawag nilang lahat sa akin.” Mahinang tumawa si Natalie, ngunit walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. “Pero ang sugat mo—hindi naman ako ang dahilan nito, hindi ba? Nasaktan ang asawa ko para sa ibang babae. Ang romantic nga, eh. Ngayo
Hindi na niya kailangang gawin ‘yon dahil nakita niya mismo ang lahat sa kanyang sariling mga mata. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pinaabot ng mga nakita niya—sapat para magising siya sa inakala niyang buhay na haharapin nila ng magkasama. Walang init, walang pagpapahalaga at may reserbasyon. Sa mismong oras na ‘yon, napagtanto din ni Natalie na hindi na niya kayang umasa. Kung hindi man siya ganap na makalaya pa dahil bitbit pa niya ang apelyido nito—at least, may limitasyon na ang relasyon nila.Nagpatuloy si Natalie, “ganito,mula ngayon, bumalik na lang tayo sa dati nating estado. Tungkol sa hinaharap—”“Sandali.” Hindi pa siya tapos magsalita, ngunit dumilim na ang mukha ni Mateo, waring hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya. May bahid ng panunuya ang kanyang tinig. “Bumalik sa dati nating estado? At ano ang ibig sabihin mo doon?”Kumurap si Natalie, nagulat sa reaksyon niya. “Hindi mo naiintindihan? Ibig sabihin, mananatili tayong mag-asawa sa papel, pero walang totoong
Dahil sa kanyang mga sugat, nakasuot si Irene ng maluwag na hospital gown na hindi natatakpan ang balikat, at ang kanyang kaliwang braso hanggang panga ay nababalutan ng putting benda.Ang kanyang buhok, na walang ingat na ginupit para sa gamutan, ay hindi pantay at walang hugis. Banidosa si Irene. Isa siyang artista—ang kapital niya sa industriyang ginagalawan ay ang magandang mukha at makinis niyang balat. Malayong-malayo ang itsura nito sa nakagisnan na itsura nito noon.At dahil sa walang humpay na pag-iyak, siya ay mukhang wasak na wasak.Marahang pinunasan ni Mateo ang kanyang mga luha. “Huwag kang umiyak,” malumanay na paalala niya. “Sige na, maghunos-dili ka at mahiga para magamot ka nila. Mas lalala lang ang sugat mo.”“Mateo…” pumikit si Irene at bumagsak sa kanyang dibdib, humahagulgol pa rin. “Ano ang gagawin ko? Paano ako mabubuhay ng ganito? Wala na…hindi na ako maganda!”“Hindi. Huwag kang matakot.” Mababa at matatag ang tinig ni Mateo. Marahan niyang hinihilot ang liku