Share

KABANATA 396

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-06-29 19:29:58

“Hmm, parang ganoon na nga. Bakit mo natanong, nurse?” Ngumiti ng bahagya si Natalie,hindi niya kinukumpirma pero hindi rin niya itinatanggi ang anumang koneksyon kay Rigor.

Inakala ng nurse na sapat na ang sagot na iyon at nagpatuloy sa pagsasalita. “Doktor po kayo, kaya sigurado akong alam mo na—kung hindi makakahanap ng liver donor ang pasyente mong kamag-anak, ang bawat gamutan ay panandalian lang. Pinapahaba lang nito ang oras niya, pero sa huli, nakasalalay pa rin sa katawan niya kung hanggang kailan siya kakayanin.”

“Salamat.” Alam iyon ni Natalie pero may bahagi ng utak niya na nagsasabing huwag iyon ang isipin niya. Ibinigay niya ang medical records pabalik. “Paki-monitor na lang siya ng maigi.”

“Walang problema, huwag kang mag-alala, doc.”

Pagkalabas niya mula sa hepatobiliary surgery department, mas lalong gumulo ang isip niya. Imbes na mapanatag. Wala nang ibang posibleng donor—ang natitira na lang ay siya o si Justin. Hindi niya matanggap iyon. Ang alaala ng lahat ng gina
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Mila Tillermo
Kainis ang status NG story kaka stress na po
goodnovel comment avatar
Ms.Chinie
HAY NAKOOOOO KAKAPAGOD NA UNG GANYAN ULIT2 NA LANGGGGG... PLEASE NMAN PO PAKIUSAD NA UNG KWENTO
goodnovel comment avatar
Ritchel Dormitorio Ladub
patay away n nman,itong si Mateo bobo dapat iwasan n nya si ireeen makainis
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 398

    Nagtaka si Natalie—“Seryoso ba siya? Hindi ba niya nami-miss si Irene? Paano siya nakakapagpakita ng ganitong klase ng lambing sa akin, na parang perpekto siyang asawa, matapos ang lahat? Meron bang totoong tao na kayang mahalin ang dalawang tao ng sabay?”Alam ni Natalie na hindi ni Mateo ‘yon. At ayaw na rin niyang itanong pa. Wala ng saysay ang pagbabalik-balik sa usapang ito. Dahil paulit-ulit na lang at ayaw na niyang lumabas na insecure na asawa. Kung gusto ni Mateo na magplastikan sila—kaya niya ring gawin ‘yon. Ang tanong lang ay kung hanggang saan niya kaya?“Bigyan mo lang ako ng limang minuto pa.” Napabuntong-hininga si Natalie, sumuko na lang siya dahil sa itsura ni Mateo—alam niyang hindi siya tatantanan nito. “Tatapusin ko lang ang pahinang ‘to. Sayang naman kung iiwan ko pa ang sub-topic na ito.”“Sige.” Sinilip pa ni Mateo ang binabasa niya—konti na lang talaga ang natitira. “Hintayin na lang kita, dahan-dahan lang.”“Sige,” nagpatuloy siya sa pagbabasa.Habang naghihi

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 397

    Tinitigan ni Irene si Mateo ng mataman, ang mga mata nito ay punong-puno ng emosyon, na parang may pag-ibig na handang umapaw anumang oras. Ang pagkapit nito sa lalaki ay may halong himas. Lumamlam ang mata nito at lumambing ang boses. “Mateo, hindi mo rin ako kayang bitawan, hindi ba? Aminin mo…”Hindi sumagot si Mateo. Sa halip, matapos ang ilang segundong pag-aalinlangan, dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak ng babae sa kanyang pulso.Biglang nagbago ang ekspresyon ni Irene, parang gumuho ang buong mundo niya. “Gusto ko lang naman malaman kung pareho pa rin tayo ng nararamdaman, Mateo…”Matatag ang boses ni Mateo ng magsalita siya. “Irene, may asawa na ako at alam mo ‘yan.”Anuman ang nangyari noon sa pagitan nila, anuman ang naramdaman niya, may sinumpaan na siyang pangako sa harapan ng altar at sa harapan ng mga taong mahalaga sa buhay niya—may asawa siya ngayon, at kailangang manatili siyang tapat sa babaeng iniharap niya sa altar. Kailangang malaman ni Irene na may limita

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 396

    “Hmm, parang ganoon na nga. Bakit mo natanong, nurse?” Ngumiti ng bahagya si Natalie,hindi niya kinukumpirma pero hindi rin niya itinatanggi ang anumang koneksyon kay Rigor.Inakala ng nurse na sapat na ang sagot na iyon at nagpatuloy sa pagsasalita. “Doktor po kayo, kaya sigurado akong alam mo na—kung hindi makakahanap ng liver donor ang pasyente mong kamag-anak, ang bawat gamutan ay panandalian lang. Pinapahaba lang nito ang oras niya, pero sa huli, nakasalalay pa rin sa katawan niya kung hanggang kailan siya kakayanin.”“Salamat.” Alam iyon ni Natalie pero may bahagi ng utak niya na nagsasabing huwag iyon ang isipin niya. Ibinigay niya ang medical records pabalik. “Paki-monitor na lang siya ng maigi.”“Walang problema, huwag kang mag-alala, doc.”Pagkalabas niya mula sa hepatobiliary surgery department, mas lalong gumulo ang isip niya. Imbes na mapanatag. Wala nang ibang posibleng donor—ang natitira na lang ay siya o si Justin. Hindi niya matanggap iyon. Ang alaala ng lahat ng gina

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 395

    Kinabukasan, gaya ng nakasanayan, naunang bumangon si Mateo kaysa kay Natalie. Wala na ito ng magising siya. Habang pababa siya ng hagdan para mag-almusal narinig niya ang pag-uusap ni Mateo at ni Tess.“Makinig ka sa akin. Simula ngayon, kailangan kong abalahin ka sa paghahanda ng lima o anim na maliliit na pagkain para kay Natalie araw-araw. Dapat magaan pero masustansya ang bawat isa. Kaya mo ba ‘yon?”Mahigpit na ipinayo ni Dr. Cases na ito ang pinakamabisang paraan para matiyak na lalaki nang maayos ang bata sa sinapupunan. Kailangan niyang kumain ng masustansyang mga pagkain at prutas sa lahat ng oras. Maliit ang sukat ng sanggol para sa kanyang edad sa pagbubuntis, at bagaman nakakatulong ang IV nutrition, mas mahalaga pa rin ang tamang diyeta at pangangalaga sa ina.“Aba, oo naman! Walang problema!” Tumango si Tess ng seryoso.Ang pinag-uusapan dito ay ang magiging tagapagmana ng pamilya Garcia—kaya hindi niya ito maaaring ipagsawalang-bahala. Bubusugin niya si Natalie kagaya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 394

    “Lalabas muna ako para magyosi. Babalik ako agad.” Paalam nito tsaka tumayo.“…oh. Okay.” Habang pinapanood niya si Mateo na palayo, naramdaman ni Natalie na tila mabigat ang iniisip nito. Hindi niya mawari kung bakit. Dahil ba hindi niya agad sinabi na maliit ang sukat ng sanggol sa loob ng kanyang sinapupunan?Pero… imposible naman na magkaroon siya ng pakialam dahil hindi naman niya anak ng batang dinadala niya.**Sa Labas ng pribadong ospital ay may designated smoking area. Doon nagpunta sina Mateo. Iniwan nila si Alex kasama si Natalie. Hawak niya ang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri habang nakatayo sa tabi si Isaac na kasalukuyang nagrereport sa kanya. Nag-aalala pa rin siya tungkol sa aksidente sa highway kanina, kaya iniutos niyang imbestigahan ito.“Sir, nakakuha ako ng kopya ng police report--mukhang aksidente lang ito sa unang tingin. Pero mukhang hindi. Kung gusto mong masigurado, pwede pa nating paimbestigahan ng mas malalim.”“Mm, bantayan mo pa rin. Sabihan m

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 393

    Nang marinig ni Mateo na muli itong bumalik sa nangyari sa kanila kagabi, saglit siyang hindi nakaimik. Wala siyang maidadahilan—alam niyang siya ang may kasalanan. Naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon nito ng malamang pumunta siya sa premiere night imbes na sunduin ito—at ang mas malala, napagsalitaan pa niya ito ng masama. Inisip pa niya na pinapalaki lang nito ang isyu nila ng walang basehan.Ang totoo ay meron naman talagang dahilan si Natalie para magalit sa kanya. Kaya sa halip na magsalita, bigla niyang niyakap si Natalie at binuhat ito.Nagulat si Natalie. “Hoy! Anong ginagawa mo?! Ibaba mo nga ako!”“Nagkamali ako, Nat. I’m sorry.” Wala na ang matigas at mapanumbat na tono nito. Sa halip, may bahagyang pagsisisi sa kanyang boses. “Pupunta tayo sa maternity hospital ngayon. Kailangan mong magpa-check-up nang maayos. At hindi ba may IV treatment infusion ka pang kailangan tapusin?”“O-oo…pero kaya ko namang maglakad.”“Hindi na. Bubuhatin na lang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status