Naiintindihan ni Natalie ang gustong iparating ni Mateo. Pero para sa kaniya, ang kasal ay sagrado. Hindi ito larong pambata. May pag-aalinlangan siyang umiling. “Hindi naman kailangang umabot tayo sa gano’n ‘di ba? Pwede mo naman sigurong pakiusapan ang lolo mo–”Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay pinutol na siya ng lalaki. “Bibigyan kita ng malaking halaga bilang kapalit,” sabat ni Mateo sa dalaga. Malaking halaga?Napatda si Natalie sa kaniyang kinauupuan. Sa loob niya, gusto niyang tumanggi. Pero hindi niya maibuka ang bibig para muling tumanggi sa lalaki. Kailangan nang maoperahan ng kapatid niya. At ang tanging dahilan lang naman kaya siya lumapit sa pamilyang Garcia ay pera. Sa mga sandaling iyon ay alam ni Mateo na nakuha niya na ang atensyon ng babae. “You can name your price. Ibibigay ko kahit magkano. Basta’t pumayag ka sa sinabi ko.”Ilang beses na napahugot nang malalim na hininga si Natalie. Kapagkuwa’y tumango na siya sa lalaki. “Sige. Papayag
Muntik pang matumba si Natalie dahil sa pagkakatulak sa kaniya ni Mateo. Kakatapos lang i-check ng doktor ang kalagayan ni Antonio. Napalingon ito kina Mateo at Natalie. “Kumusta na ang kalagayan ng lolo ko?” agad na tanong ni Mateo. “Stable na ang kalagayan ni Mr. Garcia. Pero nanghihina pa rin siya sa ngayon. Kailangang mabantayan ng diyeta niya. At kailangan niya ring magpahinga. Higit sa lahat, dapat ay lagi siyang nasa magandang mood. Panatilihin niyo siyang masaya at huwag na huwag niyo siyang stressin at biglain.”Matapos ibilin iyon ay lumabas na ng silid ang doktor. “Mateo, Natalie, nakuha niyo na ang marriage certificate niyo ngayon, hindi ba? Mateo, siguraduhin mong bibigyan mo oras at atensyon ang asawa mo. Hindi niyo na ako kailangang bantayan.”“Mr. Garcia…”Napakunot ng noo si Antonio. “Bakit Mr. Garcia pa rin ang tawag mosa ‘kin? Hindi ba dapat ay lolo na? At saka bakit ka humihingi ng patawad?” “A-Ano po kasi…”Ngunit bago niya pa masabi ang kaniyang sasa
Nanatiling nakaupo si Justin sa kabila ng pangyayari. Ang suot niyang hospital gown ay basang-basa na dahil sa sabaw na ibinuhos sa kaniya. Para siyang naghilamos ng lugaw dahil natabunan ang mukha niya ng mga butil ng kanin. Isang babaeng caregiver na nasa edad trenta ang galit na galit at namimilit na ipasak ang isang kutsara ng lugaw sa bibig ni Justin. “Kainin mo!” bulyaw niya. “Mas malala ka pa sa mga aso’t baboy! Ni hindi mo magawang ibuka ang bunganga mo!” Nang bigla ay may humablot at humatak sa buhok niya. Hindi niya napigilang mapahiyaw sa sakit. “Bitiwan mo ako! Aray! Sino ka ba?!” “Mama?” Namumula ang mga mata ni Justin dahil sa luha niyang nangingilid. Bakas ang matinding galit sa mukha ni Natalie. “Sino ka bas a tingin mong bruhilda ka?! Ang kapal naman ng mukha mong manakit ng bata! Para sabihin ko sa ‘yo, hindi pa kami patay na pamilya niya!” Lalong humigpit ang hawak ni Natalie sa buhok ng babae. Muli niya itong hinatak, dahilan para mapaiyak ito. Pakiram
Dahil sa lakas ng kutob niya, naglakad pabalik si Natalie. Nang makalapit siya ay agad niyang natanaw si Irene na nakabihis ng magarang bestida at heels. May kolorete rin sa mukha nito. Kakalabas lang nito ng mansyon. Bumukas ang pinto ng sasakyan. At mula roon ay lumabas si Mateo na may hawak-hawak na pumpon ng bulaklak. Kulay pulang mga rosas ang mga ito— simbolo ng pag-ibig. “Ang ganda,” nakangiting ani Irene matapos niyang tanggapin ang bouquet. Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa braso ng binata. Inalalayan naman siya ni Mateo pababa. Pinagbuksan niya pa ito ng pinto at saka inalalayang makapasok sa loob ng sasakyan. Matapos ay sumakay na rin si Mateo at pinaharurot ang sasakyan palayo. Nang malapit nang dumaan sa harapan ni Natalie ang sasakyan ay agad siyang tumalikod para itago ang kaniyang mukha. Mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib. Kaya pala pinagbihis si Irene ng kaniyang ina kanina dahil may importanteng lakad ito. At iyon ay ang pakikipag-date kay Mateo Ga
Buong araw na nanatili si Natalie kina Nilly. Nang sumapit ang gabi ay saka niya naisipang umalis. May part-time job kasi siya ngayong gabi. Simula tumuntong siya sa edad na labingwalo, hindi na siya binibigyan ni Janet ng pera. Kaya naman napilitan siyang suportahan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga part-time jobs at scholarships. At nagawa niya lang na galawin ang perang binigay sa kaniya ni Mateo para lang may maipambayad siya sa pagpapagamot ni Justin. Kung hindi lang talaga kailangan, hindi niya iyon gagastusin. Sa Michelle’s ang part-time ni Natalie ngayon. Kilala ang Michelle’s bilang isang luxury club para sa mga mayayamang negosyante sa San Jose. Nagtatrabaho siya rito bilang massage therapist at acupuncturist. Talagang pinag-aralan niya ang trabahong ito dahil malaki at mabilis din ang kitaan niya rito. Dahil sa abala siya sa kaniyang internship, kaya siya nag-apply bilang temporary employee lang. Binabayaran siya ng kaniyang mga kliyente sa oras na ginugugol ni
“Huwag kang humarang, Isaac,” utos ni Mateo sa assistant saka binalingan si Natalie. “Anong kailangan mo?” “Pinatanggal mo ba ako sa trabaho?”“Oo.” Binawi niya ang tingin sa babae at hinarap muli si Isaac. “Nasagot ko na ang tanong niya. Tara na.”“Opo, sir.”“Sandali!” Patakbong humarang si Natalie sa harapan ni Mateo. “Nagkamali ako.” Kinagat niya ang kaniyang labi at sinserong tumingin sa lalaki. Alam niyang mali talaga siya. Gusto niyang gamitin ang pagiging kasal niya kay Mateo para makapaghiganti sa kaniyang pamilya. Pero nakalimutan niyang hindi niya kayang banggain ang isang Mateo Garcia. Iyon ang pagkakamali niya. “Nagmamakaawa ako sa ‘yo! Bawiin mo ang sinabi mo sa kanila. Napakahalaga ng trabahong ‘to para sa ‘kin.”Sa kaniyang taon sa medical school ay nag-iintern pa rin siya. At bilang isang intern doctor, hindi siya sumasahod. Kaya naman umaasa siya sa part-time job niya para maitawid ang araw-araw. Namuo ang luha sa mga mata ni Natalie. “Hindi dapat ako lumi
Dahil sa pagkawala ng kaniyang trabaho, wala nang ibang pagpipilian si Natalie kundi ang muling maghanap ng bagong trabaho. Kailangan niyang makapaghanap sa lalong madaling panahon. Kaso lang ay hindi siya makahanap ng oras para mag-job hunt dahil sa sobrang hectic ng schedule niya. Sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang kinakain kundi tira-tirang tinapay sa tuwing tinatamaan siya ng gutom. Halata na nagbawas siya ng timbang dahil sa kakulangan ng nutrisyon ng kaniyang mga kinakain. Nang matapos ang kaniyang night shift ay nagpatuloy si Natalie sa paghahanap ng trabaho. “Natalie,” tawag sa kaniya ni Marie saka siya tinapik sa balikat. “Gusto ka raw makausap ni Mr. Olivarez.”Natigilan si Natalie. “Bakit daw?”“Hindi ko alam eh. Magdo-donate pa ako dugo. Puntahan mo na lang siya.”“Sige.”Kunot noong nagtungo si Natalie sa opisina ni Mr. Olivarez, ang kanilang chief instructor. Kumatok siya sa pinto. “Pinatawag niyo raw po ako?”“Oo.” Nag-angat ng tingin si Mr. Olivar
Pumasok si Natalie sa kwarto ni Antonio. Naupo siya sa silyang katabi ng kama nito. Kaagad naman siyang binati ni Antonio ng malawak na ngiti. “Kumusta na ang paghahanda mo, Natalie? Nakapag-impake ka na ba?” tanong ng matanda. Kumunot ang noo ni Natalie. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng matanda. Wala naman siyang alam na dapat siyang mag-impake. At kung para saan ‘yon. Nang mapansin ng matanda ang pagkalito sa mukha ng dalaga ay nag-alala siya. “Bakit? Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Mateo? Nako ‘yong batang ‘yon talaga!”Ang siste pala ay may malapit na kaibigan si Antonio na magdiriwang ng kaarawan. At dahil hindi siya makakapunta dahil sa kalagayan niya, inutusan niya si Mateo na isama si Natalie sa pagdalo bilang proxy niya. At isa pa, napansin niya kasi na may distansya sa pagitan ng mag-asawa. Kaya naman sa ganitong paraan ay umaasa siyang kahit papaano ay magkalapit ang mga ito. “Makinig ka sa ‘kin, Natalie. Hindi man gusto ni Mateo ang napapangunahan at nauutusan siy
Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo
Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya
Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in
“Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo
Humigop ng tsaa si Antonio. Dahan-dahan. Ang matalas niyang mata ay bahagyang napako ng sandali kay Ben. May bahagyang aliw ito sa mukha.“Ah. Pagkatapos ng napakaraming taon, mahusay ka pa rin. Wala kang kupas.” Sabi ni Antonio.Ngumisi si Ben, ni hindi man lang nabahala. Isa itong papuri para sa kanya. “Sir, kalabaw lang daw ang tumatanda. Naninibago nga ako. Ngayon na lang ulit, kulang na yata ako sa ensayo.”Lumapit ang isa sa mga lalaking nakaitim sa kanila. “Sir Ben, narito na sila.”Tumango si Ben at ikinumpas ang kamay. “Sige, pwede ng alisin ang mga blindfold.”“Yes, sir.”Mabilis na sinunod ng mga nakamaskarang lalaki ang utos ni Ben. Agad nilang hinila ang mga blindfond ng mga panauhin nila ngayong gabi.Kanina lang ay nag-sasalo sa hapunan ang mag-anak nang biglang sumugod ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan sa bahay nila. Hindi na nakalaban ang tatlo at wala ring nagawa ang mga kasambahay. Ginapos sila, binusalan sa bibig at nilagyan ng blindfold sa mga mata bago
Hindi alam ni Natalie kung paano niya tatanggihan o tatanggapin ang alok nito sa kanya.Kahit na hindi pa sila pormal na hiwalay ni Mateo, para sa kanya, kakalaya lang niya sa isang hindi malusog na pagsasama—-pagkatapos ay babalik na naman siya sa parehong bangungot?Nakita ni Antonio ang mga senyales ng pangamba at pag-aalinlangan niya kaya napabuntong-hininga ito ulit. Ang matatalas ngunit mabait na mga mata ay bahagyang lumambot habang nagsasalita ito. Mabagal at maingat ang bawat salita.“Hindi mo kailangang sumagot ngayon, apo. Mahalagang desisyon ito at alam kong kailangan mong pag-isipang mabuti. Tama ba ako?”Binigyan ni Natalie ng isang tipid at makahulugang ngiti ang matanda dahil alam na kaagad nito ang isasagot niya bago pa man siya magsalita.“Ganito, bibigyan kita ng dalawang araw. Pagkatapos, sabihin mo sa akin angs agot mo.” Sandaling tumigil si Antonio bago nagpatuloy, mas maingat na ang mga salita. “Sa ngayon, ano man ang perang kailangan mo ay ibibigay ko. Wala kan
May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na
“Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor
“Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni