Share

KABANATA 4

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
Naiintindihan ni Natalie ang gustong iparating ni Mateo. Pero para sa kaniya, ang kasal ay sagrado. Hindi ito larong pambata. May pag-aalinlangan siyang umiling.

“Hindi naman kailangang umabot tayo sa gano’n ‘di ba? Pwede mo naman sigurong pakiusapan ang lolo mo–”

Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay pinutol na siya ng lalaki.

“Bibigyan kita ng malaking halaga bilang kapalit,” sabat ni Mateo sa dalaga.

Malaking halaga?

Napatda si Natalie sa kaniyang kinauupuan. Sa loob niya, gusto niyang tumanggi. Pero hindi niya maibuka ang bibig para muling tumanggi sa lalaki. Kailangan nang maoperahan ng kapatid niya. At ang tanging dahilan lang naman kaya siya lumapit sa pamilyang Garcia ay pera.

Sa mga sandaling iyon ay alam ni Mateo na nakuha niya na ang atensyon ng babae.

“You can name your price. Ibibigay ko kahit magkano. Basta’t pumayag ka sa sinabi ko.”

Ilang beses na napahugot nang malalim na hininga si Natalie. Kapagkuwa’y tumango na siya sa lalaki. “Sige. Papayag ako.”

Bahagyang tumungo si Mateo para itago ang emosyong dumaan sa kaniyang mga mata.

Sa isip niya ay napakababang uri ng babae ni Natalie sapagkat pumayag siyang magpakasal sa isang taong hindi niya mahal kapalit lamang ng pera. Ngunit iwinaksi niya ‘yon sa kaniyang isipan nang mapagtantong madali na lamang niyang maaalis sa landas ang babae sa hinaharap.

Tumikhim siya. “Ipapahanda ko na ang kontrata. Magkita tayo sa munisipyo bukas ng umaga. Huwag mong kakalimutan ang mga papeles na kakailanganin mo.”

“Sige.”

Kinabukasan, matiyagang naghintay si Natalie sa lobby ng munisipyo. Hindi niya nagawang makatulog nang maayos kagabi kaya naman bangag pa siya.

Saka lamang siya nabalik sa kaniyang ulirat nang matanaw niya si Mateo. Mabilis siyang tumayo para salubungin ang lalaki.

“Mateo,” nakangiting tawag niya rito.

Pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Mateo at dire-diretsong naglakad patungo sa opisina ng mayor.

“Bilisan mo,” may diin na saad ni Mateo.

“O-Oo. Ito na,” nabibiglang sagot ni Natalie.

Matapos ang seremonya ay napatingin si Natalie sa marriage certificate na hawak niya. Biglang sumama ang pakiramdam niya.

Para lang mabuhay, nagawa niyang ibenta ang kaniyang katawan. Tapos ngayon ay nagawa niya namang magpakasal sa isang taong hindi niya naman mahal at lubusang kilala.

Dalawang sasakyan ang pumarada sa harapan ng munisipyo.

Napatingin siya sa nasa dulong sasakyan matapos iyong ituro ni Mateo.

“Get in that car. Ihahatid ka ng driver sa hotel na tutuluyan mo.”

Matapos sabihin iyon ay naglakad na si Mateo patungo sa sasakyang nasa unahan.

“Natalie…”

Lumapit si Isaac kay Natalie at inabot ang isang card. “Bigay ng asawa mo,” aniya saka inginuso si Mateo.

Hindi nagawang kunin agad ni Natalie ang card na nasa kaniyang harapan. Hindi kasi siya makapaniwalang matatanggap niya agad ang pera pagkatapos na pagkatapos nilang magpakasal.

Nang matauhan ay agad na tinanggap ni Natalie ang card at saka lumapit kay Mateo.

“Maraming salamat.”

Ngunit hindi sumagot si Mateo. Hindi naman kasi niya kailangan ng pasasalamat ng babae dahil kapalit lang ito ng pabor na hiningi niya rito.

Tinanaw ni Natalie ang paalis na kotse na sinakyan ni Mateo. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay agad niyang kinausap ang drayber ng sasakyan niya at saka tinanong ang address ng hotel na tutuluyan niya.

Hindi na siya nagpahatid dito dahil may nais pa siyang puntahan. Nagtungo siya sa San Jose Sanatorium, isang institusyon para sa mga may autism.

Samantala, sa loob ng Bentley Mustang kung saan nakasakay si Mateo…

“Puntahan mo si Irene. Sabihin mo sa kaniya na hindi matutuloy ang kasal namin. Bigyan mo siya ng pera. Sabihin mo bilhin niya ang lahat ng gusto niya,” utos ni Mateo kay Isaac.

Nang bigla ay tumunog ang cellphone niya. Naka-receive si Mateo ng text message mula sa bangko.

[ATM Withdrawal of PHP 200,000.00 was made at SN_JS on 08/12/24 02:09:29 PM using your BNP card ending 4567. For any concerns, please call 85737777.]

Napailing na lamang siya sa nabasa. Kakakuha pa lang ng babae ng credit card na ‘yon pero nagawa niya nang makapag-withdraw ng ganoong kalaking halaga.

***

Ibinulsa ni Natalie ang resibo ng hospital bills ng kaniyang kapatid. Kakalabas niya lang mula sa sanatorium.

Agad siyang gumawa ng note sa kaniyang cellphone.

‘Sa ika-labindalawang araw ng buwang Agosto, taong 2024, nagkautang ako ng dalawampung libong piso kay Mateo Garcia.’

Ayaw niyang gastusin ang pera ng lalaki para lang sa wala. Hindi niya pa kaya ngayon, pero sinisigurado niyang babayaran niya rin sa hinaharap lahat ng magagamit niyang pera nito.

Hindi mapigilang mapabuntong-hininga ni Natalie. Matapos ang dalawang araw na pagiging balisa, sa wakas ay nakahinga na rin siya nang maluwag.

Ngunit napatigil siya sa kinatatayuan.Nanlalambot na ang mga tuhod niya. Halos hindi na niya kayang tumayo. At basa na rin ng pawis ang kaniyang likuran.

Isa siyang intern kaya may hinala na siya sa kalagayan niya. Masyadong intense ang mga kaganapan noong gabing ‘yon. At isa pa, dalawang araw nang nananakit ang kaniyang katawan. Dalawang araw na rin siyang nagbi-bleeding. Kaya naman hindi na siya nagsayang ng panahon. Agad siyang sumugod sa ospital para magpatingin sa doktor.

***

Nasa meeting si Mateo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Isaac.

“Mateo!” hingal na tawag ni Isaac sa kaniya. “Nasabi ko na kay Irene ang pinapasabi mo. Kaso, nahimatay siya matapos niya ‘yong marinig. Isinugod na siya sa ospital.”

“Papunta na ako.”

Sa San Jose Medical Hospital…

Pilit na pinupunasan ni Irene ang kaniyang luha ngunit balewala iyon dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos nito.

“Hay nako!” Napatampal si Janet sa kaniyang noo. Tila ba kunsuming-kunsumi ito sa sitwasyon ngayon. “Akala ko pa naman, aahon na tayo sa kahirapan.”

Napasinghot si Irene. “Ang malas ko naman, ma,” maktol niya.

Napalingon ang mag-ina sa may pinto nang bumukas iyon. Mula roon ay pumasok si Mateo.

“Salamat sa pagdalaw, Mateo.” Hindi pa rin tumatahan si Irene.

Ayaw ni Mateo na makarinig ng mga babaeng umiiyak dahil nagpapanting ang kaniyang tainga. Pero para sa kaniyang first love na si Irene, handa siyang magtiis.

“Tumahan ka na. Biglaan kasi ang pangyayari. Pero sinisigurado ko sa ‘yong hanggang papel lang ‘yong kasal na ‘yon. Walang namamagitan sa ‘ming dalawa. Kailangan mo lang maghintay.”

“Talaga?” Napatigil si Irene sa pag-iyak.

“Baka naman sinasabi mo lang ‘yan para pagaanin ang loob namin?” dagdag pa ni Janet.

Ayaw sa lahat ni Mateo iyong kinukwestyon siya. Kahit pa sabihing ina siya ni Irene.

“Pinagdududahan niyo ba ako?”

“Hindi! Naniniwala kami sa ‘yo.” Agad na hinawakan ni Irene ang kamay ni Mateo. “May tiwala ako sa ‘yo.”

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Mateo sa narinig. Hindi niya masisisi ang babaeng mahal niya. Biktima lang ito ng sitwasyon ngayon. At dahil iyon kay Natalie!

“Magpahinga ka na. Huwag kang masyadong mag-iisip.”

Tumango si Irene. “Hmm.”

Matapos aluin ni Mateo si Irene, nagmamadali siya para bumalik sa kompanya. Pero habang naglalakad siya sa may pasilyo ng ospital, may nahagip ang kaniyang mga mata.

Si Natalie ba ‘yon?

Hindi siya pumunta sa hotel.

Anong ginagawa niya rito?

Maingat na sinundan ni Mateo ang babae. Nakita niyang pumasok si Natalie sa isang consultation room. Napatingin siya sa label ng kwarto—gynecology.

Nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Mateo. Napagdesis'yonan niyang hintayin ang asawa.

Makalipas ang kalahating oras, lumabas na si Natalie. Putla ang mukha nitong sumandal sa pader. Muntik niya pang mabangga si Mateo.

Napatda si Natalie nang makita ang lalaki.

“Anong ginagawa mo rito?”

Hindi iyon sinagot ni Mateo. Sa halip, ay binato niya ito ng tanong pabalik. “Anong ginagawa mo sa gynecology department?”

“Wala ka nang pakialam do’n,” kinakabahang sagot ni Natalie. “Hindi mo na ‘yon kailangang alamin pa.”

Nang bigla ay bumukas ang pinto ng gynecology department. May lumabas na nars mula roon.

“Ms. Natividad, naiwan mo ‘yong medical records mo.”

“Salamat.”

Akmang kukunin ‘yon ni Natalie ngunit naunahan siya ni Mateo na hablutin ‘yon.

Sinubukan niyang agawin iyon sa binata.

“Akin na ‘yan!”

“Sa tingin mo ba, mapipigilan mo ako?”

Ginamit ni Mateo ang tangkad niya para itaas sa ere ang papeles at saka iyong binuksan.

Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Natalie. Desperada siyang pigilan ang lalaki.

“Huwag mong tingnan, please!”

Ngunit huli na ang lahat.

Lalong nandilim ang ekpresyon ni Mateo nang mabasa niya ang nilalaman ng dokumento. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa.

“Anong klaseng injury ‘to?”

Nangamatis ang mukha ni Natalie sa sobrang hiya.

Hindi na kinaya ng nars ang nakikita kaya naman pinili na niyang pumagitna sa dalawa.

“Kayo po ang nobyo niya, hindi ba? Paanong hindi niyo alam? Dapat ay iniingayan niyo siya. Pero dahil sa sa ‘yo, nagkaroon siya ng third degree laceration at ilang tahi.”

Bago pa ito tuluyang umalis ay may sinabi pa ito. “Kung hindi niyo alam ang ginagawa niyo, ‘wag na kayong sumubok ng kung anong positions.”

Tila tinamaan ng kidlat si Mateo sa narinig.

Third degree laceration?

Ilang tahi?

Gaano ba ka-wild itong babaeng ‘to?

At ikinasal pa siya rito!

Kakatapos lang ng kasal nila pero nagawa na agad siyang ipahiya ng babae.

Dahil sa babaeng ‘to, nasaktan ang babaeng dapat ay papakasalan niya.

“Nakakahiya ka, Natalie!”

Hinaklit niya ang braso ng babae at hinila siya palayo.

Napangiwi si Natalie dahil sa sakit ng pagkakahawak ni Mateo. “Saan mo ba ako dadalhin?!”

“Pupunta tayo kay lolo!”

Pakiramdam ni Mateo ay pinagtaksilan siya ni Natalie. At hindi niya na iyon kaya pang i-tolerate.

“Ipakita mo kay lolo kung sino ka ba talaga! Ang kapal ng mukha mo para pumunta sa pamilya ko para lang i-demand na ituloy ang kasal nating dalawa?!”

Gustong sumagot ni Natalie at sabihin na hindi naman siya ang may gustong magpakasal sila una pa lang. Pero naumid ang kaniyang dila. Wala siyang magawa.

At isa pa, hindi ba’t parehas naman silang nakikinabang sa nangyaring kasal? Napagkasunduan din nilang hindi nila papakialaman ang buhay ng bawat isa.

Pero dahil napakalaki ng naitulong sa kaniya ng binata, wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod sa nais nito.

Nang makarating sila sa harapan ng kwarto ni Antonio, pabalya siyang tinulak ni Mateo patungo sa loob.

“Lakad. Sabihin mo kay lolo kung anong klaseng babae ka talaga!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (38)
goodnovel comment avatar
Lhen Romano Ancheta
NASA kabanata 276 na Ako waiting Ng update .Ng tignan ko Naka lock n lahat ano to balik uli Sa una.lokohan n to
goodnovel comment avatar
Carmelita C Quinto
nakakakilig binabantayan ko ang mga mangyayari pa kakawiling subaybayan maganda
goodnovel comment avatar
Amarah Fhaye
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 552

    Malamang ay masyado ng matagal ang paghihintay ni Natalie—kaya umalis na siguro ito. Napagod na siguro at nagpasya ng umuwi dahil abalang tao din si Natalie, isa itong doktora at bukod doon, buntis pa ito. Hindi napigilan ni Isaac na manghinayang.“Sayang naman. Kung sana nakapaghintay pa siya ng konti…” may panlulumong palatak ni Isaac sa isip niya.Pero sa mismong sandaling iyon, lumabas si Natalie mula sa banyo at agad na nakita sina Mateo at Isaac na pababa na sa hagdan papunta sa harap ng gusali. Nagpapasalamat siya na hindi niya kinailangang magtagal sa banyo dahil kung nagkataon, nagkasalisi na naman sila.Hindi na nag-isip pa si Natalie, dali-dali siyang sumigaw. “Mateo! Sandali!”Napahinto sa paghakbang si Natalie sa tawag ng kanyang pangalan. Ang buong akala niya ay -guni-guni lang niya iyon. Ngunit nagpatuloy ang pagsigaw mula sa likuran kaya gulat siyang napalingon at nakita si Natalie na mabilis na lumalapit sa kinaroroonan nila.Halos tumatakbo ito.Kumunot ang noo ni Ma

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 551

    Hindi naman ito ganap na ikinagulat ni Natalie. Alam naman niya ang mga posibilidad ng mga kung anong pwedeng mangyari doon. Ang totoo, bago pa siya pumunta sa opisina nito, inihanda na niya ang sarili—hindi rin naman niya inaasahang basta-basta na lang siya haharapin ni Mateo lalo pa at pagkatapos ng mga kinakaharap nilang eskandalo ng sunod-sunod nitong mga nakalipas na araw.“Ngayon, ano na ang susunod? Uuwi na lang ba ako? Iyon na ‘yon? Paano ang mga kasama kong umaasa na mapapapirma ko siya para ituloy ang pondo ng team namin? Hindi pwede! Maraming maapektuhan!”Sandaling natigilan si Natalie, tapos tumingin sa waiting area ng lobby. “Pwede ba akong maghintay doon?” Tanong niya.“Hindi na po muna kayo magpapahatid?”Umiling si Natalie. “Hindi na muna. Nandito na rin ako kaya mas okay siguro na maghintay na lang ako dito. Salamat na lang. Dito na lang muna ako sa lobby niyo. Okay lang naman siguro, ano?”“Ah… syempre naman po, Mrs. Garcia.” Hindi siya pinigilan ng receptionist. Wa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 550

    “Naku bata ka.Wala namang problema, kung ayaw mo sa master’s bedroom, may mga guest room tayo dito...pero sigurado ka bang kailangan mo talagang umalis? Delikado na para sa isang babae ang magbyahe ngayon lalo na at buntis ka.”“Ate Tess, hindi na talaga akma para sa akin ang manatili rito.” Matatag ang desisyon ni Natalie na umalis sa mansyon.Gabi na at nag-aalala si Tess, kaya tinawag nito ang family driver para ihatid siya pauwi. Hindi na tumanggi si Natalie, walang mga taxi na dumadaan sa area na iyon at marami sa mga ride-sharing drivers kapag alanganin na ang oras ay ayaw niyang bumiyahe. Pagdating niya sa townhouse, hindi siya agad nakatulog.Hindi niya nakita si Mateo ngayong gabi, at sabi ni Tess, ilang araw na raw itong hindi umuuwi sa mansyon. Palaisipan sa kanya kung saan ito tumutuloy ngayon.“Ibig sabihin...may ibang bahay siya? Saan pa kaya siya maaaring puntahan? Baka... sa kompanya? Kahit saan siya nagpupunta sa gabi, kailangan pa rin niyang pumasok sa trabaho kinabu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 549

    Pagkaalis niya sa opisina ng Assistant direktor, bakas na bakas sa mukha ni Natalie ang pagkabalisa. Pumayag siya, oo—pero pagkatapos ng pagpayag niya, ano na? Malaking suliranin sa kanya ang binigay na obligasyon sa kanya ng direktor at hindi niya nagawang tumanggi. Noon nga na maayos pa sila ni Mateo ay hirap na hirap siyang humingi ng pabor, ngayon pa kaya na malabong-malabo na sila?Hindi pa siya nakakalayo mula sa opisina ng direktor, mabagal ang mga hakbang niya dahil tumatakbo ang isipan niya. Iniisip niya kung paano niya kukumbinsihin si Mateo na pirmahan ang second installment ng project funding ng team nila. Iniisip niya kung paano niya gagawin iyon gayong ayaw na siyang makita at makausap nito.“Natalie!”“Huh?” Laking gulat niya ng makita si Marie na naghihintay pa rin sa kanya, naroon ito sa isang bench na nagkalat sa hallway. “Nandito ka pa pala?”Agad nitong hinawakan ang braso niya. “Oo naman. Wala na akong duty, eh. Tsaka ngayon ko lang napansin, lalo na yatang lumaki

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 548

    “Tungkol saan ang dokumentong ito?”Kinuha ni Isaac ang folder at mabilis na sinulyapan ito—galing ito sa departamento ni Director Norman Tolentino sa ospital na kaanib ng Garcia Group of Companies. Dati, inaprubahan ni Mateo ang isang sponsorship package para sa departamento nila dahil naroon si Natalie. Sa totoo lang, dahil lang sa suporta ng kumpanya kaya nakapagsimula ang project team ni Dr. Tolentino.Hindi ito one-time na fund approval—may kasunod pa itong mga installment. Ngayong lumipas na ang isang quarter, panahon na para ilabas ang pangalawang bahagi ng pondo para sa proyektong ito.Pero iba na ang panahon ngayon. Napakarami ng nagbago at hindi malayong maapektuhan pati ang ospital sa alitan ng mag-asawa.“Susubukan ko,” buntong-hininga ni Isaac. Pero sa totoo lang, wala siyang gaanong pag-asa.Pumasok siya sa opisina at inilapag ang folder sa mesa ni Mateo, kasama ang mga iba pang papeles na kailangan nitong i-review at asikasuhin para sa araw na ‘yon. Marami-rami rin ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 547

    Wala pa ring sagot mula kay Mateo, kaya nagpadala ulit ng mensahe si Natalie. Hindi siya pwedeng humarap sa matanda ng mag-isa dahil mag-iisip lang ang matanda ng kung ano-ano at iyon ang iniiwasan niya.‘Hindi mo man lang ba ako masagot? Saglit lang naman daw ‘yon.’Pero pagkasend niya, biglang nag-lag ang screen—at lumaki ang kanyang mga mata sa gulat. May pulang exclamation mark na lumitaw sa tabi ng mensahe.“Ha?” Napatingin si Natalie sa screen, hindi makapaniwala. Ang paglabas ng pulang exclamation mark at malinaw na tanda na na-block siya. “Totoo ba ‘to…? Binlock niya ako?”Galit si Mateo, aminado siya na nasaktan niya ito at naiintindihan niya ‘yon. Pero usapang si Lolo Antonio ito. “Ganoon na ba siya kabulag sa galit, pati si Lolo hindi na niya iniintindi? Kalalakihan talaga. Makasarili. Mababaw. Lahat na yata.”Napabuntong-hininga si Natalie, pero kahit ganoon, nagpasya pa rin siyang dalawin ang matanda dahil nakapangako na siya kanina na darating siya para sa hapunan. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status