Share

KABANATA 413

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2025-07-14 18:19:57

Matagal na nanatiling tahimik si Mateo. Iniisip niya kung ano ang tama niyang gawin. Makalipas ang ilang saglit, sa wakas ay nagsalita siya. “Hindi na, ako na mismo ang pupunta.”

Kung ito man ay sa babaeng pinagbigyan niya o hindi, kailangan niyang makumpirma mismo. Dumaan ang kanyang daliri sa wedding ring sa kaliwang kamay at sumagi sa isipan niya ang paanyaya ni Natalie sa kanya mamaya. Gusto niyang harapin ito mamaya ng alam niyang may isang kabanata ng buhay niya na nagtapos na.

Pero--kung siya nga iyon, matatapos na ang matagal ng paghahanap.

Kung hindi, tatapusin na niya ang paghahanap ng tuluyan.

**

Kahit na sinabi niyang siya mismo ang pupunta, hindi iyon nangangahulugan na papayagan siya nina Isaac at Tomas na lumakad mag-isa. Kasama sila ni Mateo kahit saan. Ang lokasyon na ibinigay kay Isaac ay nasa kanlurang bahagi ng lungsod, sa isang district na may magandang tanawin at kadalasang pinupuntahan ng mga young professionals at mga kabataan kapag wala silang ginagawa.

Ang me
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
rhose gutierrez
walang ka kwenta kwentang kwento
goodnovel comment avatar
Elara Sol
ang tanga nqman ni mateo magpapaluko na nman sa mga gago,iwan ko nakakinis na,andyan nq nman si irene,bkit dna lng kay nathalie ibuhos ang oras nya
goodnovel comment avatar
joan banag
mateo mas pinaimbestiga mopa yang hairpin na yan kesa ipa imbestiga kung sino talaga si natalie at kung bakit makka apilidido sila ni irene at si rigor...tanga ng author na to..pinapahaba molang story mo..sobrang pangit na..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 415

    Bumalik sa isipan ni Mateo ang mga alaala ng kahapon—parang isang pelikulang mabilis na pinapatakbo pabalik. Malinaw na malinaw iyon sa kanyang isipan. Kahit kailan ay hindi nawala sa kanya ang mga alaalang ‘yon dahil lagi niyang binabalikan ang mga alaalang ‘yon sa tuwing naiisip niya ang babaeng binigyan niya ng butterfly hairpin.Noong bata pa siya—nagkaroon siya ng isang matinding aksidente sa sasakyan na nagdulot ng pagkabulag niya ng tuluyan. Literal na naging madilim ang mundo niya at nalugmok siya sa matinding depresyon.Naghanap ang Lolo Antonio niya ng pinakamagagaling na doktor sa buong bansa, ngunit wala ni isa ang makapagsabi kung maibabalik pa ang paningin niya. May malaking posibilidad na hindi na niya muling makikita ang liwanag—na mananatili siyang nakakulong sa kadiliman magpakailanman.Para sa isang tulad niya, na lumaking matapang, mayabang, at hindi natitinag, isa itong malupit na dagok. Habang hindi siya makakita ng anuman, naging mabangis at mainitin ang ulo ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 414

    “Ayos lang.” Mabilis na sumagot si Isaac bago pa man makapagsalita si Mateo. Matigas ang kanyang tono. “Hindi namin hahayaang malugi ka. Magbabayad kami ng tama. Huwag kang mag-alala.”Alam ni Isaac ang pinansyal na kapasidad ng boss nila kaya niya nasabi iyon—para sa estado ni Mateo, barya lang ang halagang iyon at hindi mababawasan ang savings nito sa bangko.Sandaling nag-alinlangan si Ed bago kumislap ang kanyang mga mata sa kuryosidad. Higit sa pera, nanaig din ang kagustuhan niyang makalikom ng impormasyon tungkol sa butterfly hairpin. “Hindi naman sa pangingialam, maaari ba kitang tanungin, Mateo? Bakit mo gustong makuha ang hairpin? Bakit parang interesadong-interesado ka?”Hindi sumagot si Mateo. Hindi siya obligadong ikwento ang istorya sa likod ng hairpin sa kahit sino. Sa halip, tumayo siya. “Hindi mo na kailangang malaman. Tanggapin mo na lang ang kabayaran.” Desidido ng umalis sa lugar na iyon.“Teka lang!” Agad siyang tinawag ni Ed. “Pakiusap, sandali lang!”Huminto si

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 413

    Matagal na nanatiling tahimik si Mateo. Iniisip niya kung ano ang tama niyang gawin. Makalipas ang ilang saglit, sa wakas ay nagsalita siya. “Hindi na, ako na mismo ang pupunta.”Kung ito man ay sa babaeng pinagbigyan niya o hindi, kailangan niyang makumpirma mismo. Dumaan ang kanyang daliri sa wedding ring sa kaliwang kamay at sumagi sa isipan niya ang paanyaya ni Natalie sa kanya mamaya. Gusto niyang harapin ito mamaya ng alam niyang may isang kabanata ng buhay niya na nagtapos na.Pero--kung siya nga iyon, matatapos na ang matagal ng paghahanap.Kung hindi, tatapusin na niya ang paghahanap ng tuluyan.**Kahit na sinabi niyang siya mismo ang pupunta, hindi iyon nangangahulugan na papayagan siya nina Isaac at Tomas na lumakad mag-isa. Kasama sila ni Mateo kahit saan. Ang lokasyon na ibinigay kay Isaac ay nasa kanlurang bahagi ng lungsod, sa isang district na may magandang tanawin at kadalasang pinupuntahan ng mga young professionals at mga kabataan kapag wala silang ginagawa.Ang me

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 412

    May isang oras din silang nagbyahe ni Alex hanggang marating nila ang pabrika nina Nilly. Ginawa din nito ang lahat para masabay din ang day-off niya sa day-off ni Natalie para personal niyang masamahan ito. Sa harap, naghihintay na si Nilly sa kanila.“Dito!” Kumaway pa ito para agad nilang makita.Huminto ang sasakyan sa harapan ni Nilly. Bumaba si Natalie at niyakap ang kaibigan, pagkatapos ay kumuha ng nakatuping disenyo mula sa kanyang bag. Ipinakita niya ang disenyong pinagpuyatan niya kagabi.“Tingnan mo. Sa tingin mo, pwede ito?”“Tingnan natin.” Habang naglalakad papasok, binuksan ni Nilly ang papel at tumango. “Mukhang okay. Kumpleto rin ang mga materyales. Kaya ko hiningi sayo ang listahan kanina kasi may madadaanan akong shop.”“Buti naman.”“Anong buti naman, hindi ko regalo ‘yon kaya bayaran mo ako!”Habang nag-uusap sila, sumilip si Alex sa blueprint. Karamihan sa mga guhit ay hindi niyamaintindihan, pero nang makita niya ang huling sketch ng produkto—“Sandali… lighter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 411

    “Ano ‘yon?” Hindi pa masyadong nakita ni Natalie ang bagay na gumulong bago ito tuluyang napunta sa ilalim ng kabinet. May kalaliman din ang espasyong iyon at dahil malaki na ang umbok ng tiyan niya, kinailangan niyang humanap ng makakapitan at bwelo. Yumuko siya upang abutin ito—pero bago pa niya iyon nagawa--—“Anong ginagawa mo?” Isang malalim at paos na boses, halatang galing pa sa pagtulog, ang pumigil sa kanya. Gising na si Mateo.Nilingon ni Natalie ang lalaki. “Ah. Inayos ko kasi ang jacket mo. May nalaglag. Sigurado ako, narinig kong may nahulog. Kukunin ko sana.”Nagsalubong ang kilay nito, halatang hindi natuwa sa nakita.“Wala ka bang kamalay-malay sa kalagayan mo? Yumuyuko ka—sa tingin mo ba ligtas ‘yan para sa isang buntis?”Saglit siyang natigilan. “Sa tingin ko naman ay okay lang—”“Hmph.” Dalawang hakbang lang, at nasa harapan na niya si Mateo. “Kung may nangyari sayo, sige nga? Hindi ba sabi ng OB mo, bawal sayo ang mga strenuous activities?” Hinawakan nito ang kamay

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 410

    Malamig na ngumisi si Isaac, saka tumingin sa may pinto bilang isang tahimik na banta. “Madali ka naming madadala sa presinto. May kasama pa kami sa labas. Doon pa lang, talo ka na. Tiyak kong matutuwa ang mga pulis na magdagdag ng isa pang preso sa selda lalo na at… hindi naman talaga sayo ‘yang bagay na ipinagbibili mo.”Nanigas ang mukha ng lalaki at nilunok ang kaba. “P-Paano mo nasabing hindi akin ‘to? Akin ‘to. Nasa akin nga di ba?”“Tama na ang palusot! Inuubos mo ang pasensya ko!” Biglang tumaas ang boses ni Isaac matalim ang tingin. “Magsalita ka na o baka gusto mong dukutin ko ang dila mo?”“O-Oo na! Aamin na ako!” Halatang takot na takot ang lalaki.Halos sabay na napagtanto nina Mateo at Isaac na ang kausap nila ay isa lang karaniwang magnanakaw, hindi handa sa ganitong klase ng interogasyon. Ni hindi pa nga siya hinahawakan, pero agad na siyang bumigay. Ilang maanghang na salita lang ay tumiklop na agad ito.“N-ninakaw ko ‘to!” Bulalas nito.Ninakaw?Nagkatinginan sina Ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status