Share

KABANATA 456

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-08-27 19:02:44

Binitawan ni Natalie si Mateo at kumaway. “Hintayin mo kaming lumabas, okay?”

“Sige.”

Pagkatapos magpaalam, tumalikod na siya at pumasok sa operating room. Dahan-dahang nagsara ang mga pintuan sa likuran niya. Mula sa labas, walang makikita sa nangyayari sa loob dahil tinted ang maliit na salamin at sarado ang pinto—wala silang magagawa kundi ang maghintay.

Ngayon lang naranasan ni Mateo ang ganitong klase ng paghihintay—napakabagal ng takbo ng oras, at napakahirap tiisin ng kaba sa kanyang dibdib…imbes na bumalik sila sa kwarto ni Antonio para doon maghintay ng anumang balita, mas pinili nilang sa mismong labas maghintay.

Hindi na rin mabilang kung ilang beses na nilakad ni Mateo ang mahabang pasilyo ng ospital. Hindi ito mapakali sa upuan. Bawat pagbukas ng OR ay tila napapalundag ito. Wala rin itong kinakausap kahit isa sa mga tauhan niya at minabuti rin nila na hayaan na lang ito dahil kung ipipilit pa nila, baka sila naman ang pagbalingan nito.

Nang sumapit ang tanghali, lumapit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Frexie Arrieta
bkt nmn NDI na mabasa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 565

    “Sir!”“Anong kaguluhan ‘to?!”Sakto lang ang pagdating nina Isaac at ang presidente ng Lucky Dragon Corporation, at agad silang napatigil sa nakita nila—isang bugbugan sa harap mismo nila ang nagaganap! Nauna silang lumabas pero ng makarinig ng ingay mula sa loob ng locker room—agad silang bumalik.Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Agad nilang hinila ang dalawa palayo sa isa’t isa.“Bitawan niyo ako! Inuutusan ko kayo, bitawan niyo ako!” Galit na galit si Mateo, pulang-pula ang mga mata at nagtatagisan ang panga. “Papatayin ko talaga ang hayop na ‘yan!”“Ha!” Halos baliw na ang ngiti naman ang binigay ni Drake. “Sige lang! Kung hindi mo ako mapapatumba ngayon, wala ka ng respeto na makukuha mula sa akin dahil hindi ka naman karespe-respeto!”“Hoy, hoy!” Niyakap ng presidente ng Lucky Dragon si Drake mula sa likod. May edad na ito pero physically active at malakas pa. “Mr. Pascual, konting preno naman sa bibig mo. Tignan mo na nga lang ang itsura mo—lamog ka na pero ang tapang tapang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 564

    [Makinig kang mabuti dahil baka nakakalimutan mo na kahit na ilang araw pa lang ang lumipas—dahil sa pamilya niyo…tinawag ni Mateo ang kaibigan ko na babaeng walang hiya at sinabing ayaw na niya rito!]“Ano?!” Parang tinamaan ng ligaw na kidlat si Drake. Napako siya sa kinatatayuan, nanlamig at hindi makagalaw.Siya pala…kahit hindi direkta…siya pa rin. Siya ang sumira kay Natalie. Siya ang pinagmulan ng lahat ng kalbaryo nito sa buhay. Siya ang rason kung bakit namumuhay ng mag-isa si Natalie at maaaring hindi lang ang pagsipa sa mansyon ang ginawa ni Mateo sa sariling asawa. Sa mundo ng mga makapangyarihan, hindi na lingid sa kaalaman nila kung anong klase ng tao si Mateo kapag nagagalit.Ngayon na alam na niya, paano pa siya mapapakali? Hindi siya pwedeng tumunganga na lang at panoorin si Mateo na pareho silang sirain ni Natalie. Ang lahat ng ito ay bunga ng isang pagkakamali lamang.Kailangang kausapin niya si Mateo. Kailangan ipaliwanag niya ang lahat—kailangan itama ang pagkakam

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 563

    Pagdating niya doon, kokonti pa lang ang tao. Maaga pa at halos hindi pa nag-uumpisa ang visiting hours. Bukod pa doon, bawal ang mga bisita sa mga ward ng pasyente tuwing oras ng trabaho. Kaya naman nagtagal muna si Drake sa labas ng surgery department building, bago tuluyang naglakad papunta sa emergency at outpatient departments.Hindi na siya pinapasok pa ng guwardiya sa unang gusali kaya susubukan niya sa iba. “Baka sakaling palarin ako—baka naka-duty si Natalie ngayon sa ER.”Ayaw rin niyang tawagan ito dahil una, hindi tama na abalahin niya ito sa trabaho at pangalawa, kung siya nga ang puno at dulo ng problema nila ni Mateo—malaki ang posibilidad na hindi sagutin ni Natalie ang mga tawag niya. Dahil sino ba naman ang gugustuhin pang makipag-ugnayan sa taong sumira ng lahat?Una niyang tinungo ang emergency department—wala siya roon. Sunod ang outpatient clinic—at doon, sinuwerte siya.Nandoon nga si Natalie.Maaga pa pero dagsa na ang mga pasyente at dahil kilala ni Drake ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 562

    Kung talagang dahil kay Natalie ang lahat ng ito, dapat pa lang noong umpisa pa lang ng kontrata, hindi na pumayag si Mateo na makipag-collaborate sa Pascual Tech. Malabo pa rin kay Drake ang dahilan hanggang ngayon.“Hindi siguro.”[Hindi mo ‘yan masasabi ng sigurado. Alam kong nagdududa ka din.] Kontra ng business partner niya. [Pag-isipan mo—sino ang unang kumalas sa kontrata natin? Hindi ba si Mateo? Inuulit ko, baka hindi mo ako narining noong una. At higit sa lahat, siya lang siguro ang may kapangyarihang gumawa ng ganitong klaseng galawan. Malawak ang kapit niya, Drake.]Natahimik si Drake. May punto ang business partner niya. Mukhang may saysay ang sinasabi nito. At gaya niya, importante ang negosyo nila. Marami ang nakaasa sa kanila kaya hindi pwedeng basta-basta na lang siyang sumuko at bumagsak.“Pero hindi ko iniisip na ganoong klase ng tao si Mateo…”Pak! Isang malakas na kalabog mula sa likuran ang kumuha ng atensyon ni Drake.Napalingon siya, nagulat at nakita si Amanda

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 561

    Tahimik na pinisil ni Natalie ang kanyang mga palad. Ginagawa niya iyon sa tuwing nakakaramdam siya ng matinding kaba. Sa hindi maipaliwanag na dahilan—kinakabahan siya. Sobrang lamig ng kanyang mga kamay—parang yelo, tumagos hanggang buto niya.Isa lang sa mga sinabi ni Mateo ang hindi niya kayang balewalain, na kapag buhay at kamatayan na ang pinag-uusapan, walang mabuti o masama. Pantay-pantay ang lahat ng buhay. Kung ililigtas ba nila si Rigor o hindi—wala iyong kinalaman sa kung dapat ba siyang patawarin.Totoong magkaibang usapin iyon. Pero kahit ganoon…may tanong pa rin na bumabagabag sa kanya. “Dapat ba talaga siyang iligtas?”**Samantala, simula nang tuluyang tuldukan ng Garcia Group of Companies ang pakikipag-partner sa kanila at tumangging makipagkita si Mateo, sunod-sunod na ang naging problema ni Drake sa kompanya.At sa akala niyang hindi na lalala pa—isang panibagong dagok ang dumating sa kanya. Noong nakaraang araw, natanggap nila ang balita mula sa isang malaking kom

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 560

    “Buti naman.” Sa wakas, nakahinga ng maluwag si Natalie—parang may bigat na naalis sa dibdib niya. Unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.Habang sinusulat ni Dr. Cases ang mga tala sa maternity record ni Natalie, kaswal ang tono ng boses niya, para bang nagkukuwentuhan lang silang magkaibigan habang umiinom ng tsaa. “Natalie, anim na buwan ka ng buntis. Papasok ka na sa third trimester. Napag-isipan mo na bang mag-leave?”“Maternity leave?” Sandaling natigilan si Natalie. Hindi pa niya talaga iyon naiisip. Sa dami ng mga nangyayari sa buhay niya ngayon, hindi pa ‘yon sumagi sa isip niya.Napatingin si Dr.Cases sa tiyan niya, tila naintindihan ang nasa isip niya. Tsaka muling nagsalita. “Dapat lang. Hindi mo naman kailangan magtrabaho para suportahan ang pamilya Garcia, hindi ba? Mabigat sa katawan ang last trimester—mas lalaki pa ang tiyan mo, mahihirapan kang gumalaw, baka mamaga pa ang mga paa mo. Hindi ba mas mabuting magpahinga na lang sa bahay?”“Hindi na kailangan, kaya pa nama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status