Share

KABANATA 492

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2025-10-15 16:47:17

Naestatwa si Natalie, natulala habang pinagmamasdan ang papalayong likod nito. Inulit-ulit niya sa isipan ang huling sinabi nito sa kanya bago tuluyang umalis—sinabi nito na siya na ang maghahanap ng paraan… pero paano? Ano ba ang binabalak nito?

**

Mula noong araw na iyon, opisyal ng lumipat si Natalie sa bago niyang tirahan sa Taguig. Araw-araw siyang nagko-commute papunta sa ospital para magtrabaho. Malapit lang naman kaya hindi rin siya nahihirapan. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik na sa normal ang buhay niya.

Maayos at tahimik ang daloy ng buhay niya—ayon sa plano. Payak at kaya niyang tumayo sa sariling paa. Laking ginhawa sa kanya na hindi na siya muling inabala pa ni Mateo. Noong una, nagtaka siya pero kalaunan ay pinagpasalamat na rin niya dahil sa unang pagkakataon, may katahimikan siya.

Pero sa kabila ng katahimikan sa paligid, may bumabagabag sa kanya. Nang una niyang maramdaman ito, sinubukan pa niyang hindi pansinin at isawalang-bahala dahil baka O.A lang sya. Pero imbes
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (215)
goodnovel comment avatar
Jeanilyn Yaris
ulol ka natalie.bute nga sayo.bwesit ka
goodnovel comment avatar
Vangie Sinday
len kong,,hindi ka maganda gumawa ng strya promise
goodnovel comment avatar
Vangie Sinday
2mos akung hindi nag basa tpos pag balik ganun parin hahaha,nakakaluko, nkakaumay na sa pabalik balik
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 580

    Alam na ni Natalie kung ano ang ibig sabihin ni Mateo. Kahit pa umamin si Maurice na sinadya niyang siraan siya, ang pinsala ay nangyari na. Kumalat na ang tsismis sa kung saan-saan. Kahit matapos pa ang kaso, may bahid na ng pagdududa ang pangalan niya—parang isang aninong mahirap burahin sa kanyang record.Iniisip pa lang niya iyon, tila lalong sumasakit ang puso niya. Ang lahat ng taon ng pag-aalaga niya sa reputasyon niya bilang isang alagad ng medisina ay ganoon lang pala kadali mawawala.“Pero...may ebidensya ka ba talaga?” Siya mismo, na nasa gitna ng lahat ng ito, ay hindi man lang nakahanap ng matibay na patunay. Lahat ng nakuha nila ay dead end.“Hindi ko pa sasabihin. “Sa ngayon, ‘yon muna ang kailangan mong malaman.” Ngumiti si Mateo, tila sinasadya siyang paasahin. “Kapag ayos na ang lahat, makikita mo rin.”Habang nagsasalita, kumuha siya ng shrimp tempura at nilagay sa plato ni Natalie gamit ang chopsticks. “Kumain ka pa. Parang pumayat ka nitong mga nakaraang araw.”“T

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 579

    Dahil gipit na at nangakong gagawan niya ng paraan ang hapunan kasama ang mag-asawa, gaya ng kagustuhan ng matanda, wala ng magawa si Ben kundi ang tawagan si Mateo.“Hello, Mateo? Nasaan ka?”[Ben, kung hindi importante ang sasabihin mo, mamaya na lang.] May iritasyon sa boses nito mula sa kabilang linya. [May ginagawa akong importante—]“Nasa mansyon na ang lolo mo.” Putol ni Ben. Hindi na siya nag-abalang magpaligoy-ligoy pa.[Ano? Kailan pa? Bakit ka pumayag?!]Nilayo ni Ben ang cellphone mula sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Mateo. Inasahan na niya ang ganoong reaksyon at sanay na siya sa ugali nito. Imbes na sumagot agad, hinayaan niya muna itong magmura. Nang humupa na ang galit nito at bumalik na ang lohika sa sistema nito, tsaka ito nagtanong.[Paano ito nangyari, Ben?]Kalmado si Ben kahit na nangangapa siya. “Ang lolo mo ang nag-discharge ng sarili niya. Nandito ako sa mansyon para kumuha ng pagkain niya. Kilala mo ang lolo mo, kapag nakapagdesisyon na siya, wala na tayo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 578

    Mauugong na ang usapan tungkol sa suspension ng star student ni Director Norman Tolentino. Kahit na puro propesyonal ang mga tao sa ospital—basta tsismis ang usapan—nalilimutan na ng karamihan ang ipinunta nila doon. Nasa doctor’s lounge ang marami sa mga doktor ng umagang iyon kaya hindi maiwasan na magkwentuhan ang ilan sa kanila.“Narinig niyo na ba ang bali-balita?” Umpisa ng pinaka-tsismosang doktora sa grupo. “Atin-atin lang, ha? Hindi pa naman talaga confirmed. Suspendido daw si Natalie dahil sa plagiarism case na isinampa sa kanya sa academic board. Eh, hindi ba, makapangyarihan ang asawa niya? Anong nangyari? Bakit inabot ng ilang araw, eh, wala pa ring solusyon?”Kasunod ng pahayag na iyon ay ang mababang ugong ng bulong-bulungan mula sa iba pa. Nagmistulang pugad ng mga bubuyog ang doctor’s lounge. Kanya-kanya sila ng mga spekulasyon pero dahil opisyal na miyembro pa rin ng Garcia family si Natalie, ang ilan ay may takot pa rin na magpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 577

    “S-sir Antonio?” Gulat na gulat si Tess ng makita ang matanda sa bungad ng pintuan ng mansyon. “A-ano pong ginagawa niyo dito?”“Hmph!” Singhal nito. “Natural, bahay ko ito! Ano ka ba, Tess?”Nang makabawi sa pagkagulat, napangiti si Tess at nakipagpalitan ng matalas na tingin kay Ben. Hindi pa dapat nakauwi si Antonio kahit na maayos na ang lagay nito. Umiwas ng tingin si Ben at sumenyas na mamaya na sila mag-usap. Maging siya ay walang ideya na nagpadischarge na ang matanda. Pagdating niya kaninang umaga sa ospital, nakahanda na ito at siya na lang ang hinihintay.Ang mga malamlam ngunit aktibong mga mata ni Antonio ay nilibot ang buong kabahayan. Tila nakikiramdam—tila may pinapakiramdaman na kung ano na tanging siya lang ang nakakaalam. Wala ni isa ang nagsasalita. Kilala nilang lahat si Antonio. Mabait ito ngunit may tinatagong bagsik.“Tess?”“Sir?” Kabadong tugon ni Tess.“Maayos naman ang kwarto ko dito?” Tanong ni Antonio ng hindi tinitingnan ang katiwala ng bahay. Tumango it

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 576

    Nang makaalis na si Mateo, tsaka pa lang nagpakawala ng malakas na buntong hininga si Natalie. Ang pagdating ni Mateo sa bahay niya ay kagulat-gulat lalo pa at noong huling punta nito doon ay nagkagulo sila ng tatay niya. Noong mga panahong iyon ay inakala ng lalaki na kerida siya ng sariling ama.[Anong nakain niya at bigla yatang bumait?] Palatak ni Nilly sa cellphone nang tawagan niya ito para ibalita ang nangyari. [Mas okay na rin siguro ‘yon, Nat. Kasi mukhang dead end ako ulit. In fairness sa babaeng ‘yon, ha? Ang husay magtago.]Sa halip na panghinaan ng loob, nakaramdam ng ginhawa si Natalie dahil alam niyang kahit paano ay mababawasan ang abala na dulot niya sa kaibigan. “Salamat, Nilly, ha. Umuwi ka na. Siguro naman may mahahanap si Mateo. Sana nga.”[Dapat lang, matapos ka niyang paghinalaan…’yan na lang ang pwede niyang gawin para makabawi sayo!] Nagngingitngit pa rin sa galit si Nilly.Alam ni Natalie na wala na talagang pag-asa na magkaroon ng kahit konting tiwala ang ka

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 575

    Napasinghap si Natalie sa biglaang pagputok ng damdamin ni Mateo. “Teka, sandali lang. Bakit mo naman biglang idinadawit si Drake dito?”“Oh?” Lalo pang dumilim ang ekspresyon ni Mateo. Natawa siya ng malamig at sarkastiko. “Bakit? Dalawang salita pa lang ang nasasabi ko tungkol sa kanya, apektado ka na agad?”“Ano na naman ‘tong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Una, susugod dito tapos magagalit, tapos mandadamay na naman ng tao.” Napairap si Natalie. Malinaw na bumalik na naman sa pagiging irasyonal itong si Mateo at imposibleng kausap.“Tapos ka na ba sa pagsigaw mo?” Malamig niyang tanong. “Kung oo, pwede ka ng umalis. Hindi ka nakakatulong, eh.”Sobrang bigat na ng iniisip niya dahil sa isyu ng plagiarism niiya—hindi na niya kailangan ng isa pang walang kwentang pagtatalo. Gusto lang ni Natalie na mag-focus sa isa sa mga pinakamabigat na isyu na kinakaharap niya ngayon. Umupo siya sa sofa at tumalikod, ayaw na niyang lingunin ang lalaki.Ang totoo, kanina pa niya gustong alukin ito ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status