Share

Kabanata 64

"Bingi ka na nga," maagap kong tugon, kahit medyo nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Masyado yata talaga akong nag-focus sa tanong ng mga bata na pati ang pagdating ni Joel ay hindi ko napansin.

"Sabi ko nga." Napakamot na lamang siya sa ulo pero may ngiti naman sa labi. Kaagad niya ako'ng inalalayan nang akmang tatayo na ako. Kanina pa nga ako nakaupo. Medyo masakit na ang balakang ko. May kunting kirot na rin akong nararamdaman sa tiyan.

Normal lang naman siguro ang pananakit ng balakang at tiyan kapag malapit nang manganak. Kaya nga kami lilipat muna sa lumang bahay. Sabi rin kasi ng doktor na hindi dapat pakampante, baka mapa-aga o lumampas ang panganganak ko sa expected naming araw.

"Alis na ba tayo, friend—' sabi nito.

Ang sarap niya rin batukan. Parang hindi manloloko. Kahit pa mukhang matino na naman siya, 'yong label na siya mismo ang naglagay sa mukha niya, hindi pa rin nabura. Maliban na lang kung talagang mapapatuyan niya sa mag-ina niya na talagang nagbago na siya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status