Share

Kabanata 3

Ala-sais ng umaga ay gising na ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip, sa kung ano'ng ugali mayr'on ang mga boss ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mangamba. Pero hindi naman siguro masyadong masama ang pag-uugali nila dahil hindi naman magtatagal itong mga kasama ko rito kung salbahe nga sila. Bahala na nga si batman!

Lutang ako na lumabas ng kwarto at agad tinungo ang kusina. Kumakalam na kasi ang sikmura ko. Ngayon lamang ako nagising ng ganitong oras. Bawal na rin pala akong makialam sa kusina. Hardinera nga kasi ako, kaya do'n lamang ako sa hardin nararapat.

"Wow...sana all!" bungad ni Ate Sally nang datnan ko sa kusina. Umawang na lamang ang bibig ko dahil 'di ko na gets ang pa sana all niya.

"Ganda ng legs ah," sabat naman ni Ate Sonia. Tumingin na lamang ako sa mga hita ko'ng nakaluwa pala. Naka-dolphin short nga pala ako.

"Kayo naman, kung maka-puri sa legs ko, parang hindi naman nag-gagandahan ang mga legs ninyo," sagot ko.

Dinadaan ko na lamang sa joke ang hiya ko. Ibang klase itong mga boss ko, hindi ko pa man sila na meet. Lutang na agad ako, ni ang magpalit man lang ng short hindi ko na nagawa.

"Alam mo, mukhang hindi ka mahirap," singit naman ni Ate Ammy. "Ang ganda kasi ng kutis mo. Halatang alagang-alaga."

Wala na talagang ibang nakikita itong mga kasama ko, panay puna na lamang sa akin. Smile lang ang naging sagot ko. Totoo naman kasi na hindi ako laki sa hirap.

Hindi ko tuloy napigil ang buntong-hininga. Sumagi na naman kasi sa isip ko si Papa na siyang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Malayo kay Mama at nag-iisa.

Isang OFW ang Papa ko. Sa kasamaang palad, na crashed ang eroplanong sinakyan nila pauwi rito sa Pilipinas. Lahat ng sakay ng eroplanong iyon, walang nailigtas.

Masakit ang biglang pagkawala niya, 'di man lang namin nakita kahit ang bangkay niya. Sa balitang 'yon nalugmok na kami. Pero mas nalugmok kami nang malamang hindi lang pala siya ang nawala sa amin. Kun'di lahat ng naipundar nila nawala. Wala kasi siyang iniwan sa amin si Papa, kun'di malaking utang.

Walang nagawa si Mama, kun'di ibenta lahat ng may roon kami para ipambayad lamang sa utang na iniwan sa amin ni Papa. Nalulong kasi sa sugal si Papa kaya ganoon kalaki ang naiwan niyang utang.

Ang sakit na naramdaman ko noon dahil sa pagkawala niya, napalitan ng galit. Hindi kasi nakayanan ni Mama ang balita. Inataki siya sa puso. Kaya nawala sa amin lahat, pati ang naipong pera ni Mama ay naubos sa pampa-ospital at sa gamot niya.

Wala kaming ibang pwedeng malapitan at wala na kaming ibang kamag-anak na maaring hingian ng tulong. Napilitan akong tumigil sa pag-aaral. Nag-part time job sa fast food at sa restaurant. Pero Hindi pa rin sapat ang kinikita ko pantustos sa pangangailangan namin ni Mama sa araw-araw.

Kahit nahihirapan akong gawin ang mga gawain na hindi ko naman nakasanayan, pinilit ko'ng matuto. Ilang part time job rin ang pinasukan ko.

Sinabay ko pa ang pag-aaral ng vocational course. Para kahit papaano, may certificate ako.

Dalawang taon na ang lumipas, pero kahit anong trabaho at ilang part time job pa ang pasukin ko. Hindi pa rin sapat para sa amin ni Mama ang kinikita ko, kaya nagdesisyon akong lumuwas ng Maynila.

Nag-apply sa isang agency kaya nandito ako ngayon.

Dapat kasambahay ang papasukin ko'ng trabaho, kaya lang narinig kong nag-uusap ang mga empleyado ng agency na may nangailangan daw ng gardener. Dati na rin kasi akong mahilig sa mga halaman.

Nag-presenta ako, ilang interview ang ginawa sa akin at nasagot ko naman ng maayos. Sa awa ng Diyos natanggap ako. Fifteen thousand ang sahod ko sa isang buwan bilang gardener. Malaki na iyon, libre na ang house at pagkain.

"Hoy!" pukaw ni Ate Ammy sa akin. May kasama pa'ng hampas. "Ang lalim ng iniisip ah, na miss yata ang boyfriend," biro niya pa na ikinatawa ko lamang.

"Wala naman po akong boyfriend. Wala akong panahon sa mga lalaki, trabaho lamang ang gusto ko," sagot ko.

"Sa ganda mo'ng 'yan wala kang boyfriend, sinong pinagloloko mo?" sabat ni Ate Mercy.

Gusto ko lang naman sanang mag-breakfast! Pero ako ang ginawa nilang breakfast. "Wala nga," na-iilang kong sagot.

Nakailang boyfriend din ako noong nag-aaral pa ako, kaya lang, lahat hindi nagtagal. Wala talagang maidudulot na maganda ang pakikipag-boyfriend. Kaya off-limit muna ang mga lalaki, hangga't hindi pa maayos ang buhay namin ng Mama ko. At saka dagdag sakit sa ulo lamang ang mga lalaki.

"Aminin mo na, hindi ko naman aagawin ang boyfriend mo," tukso pa ni Ate Sally. Panay pa ang sundot sa tagiliran ko na ikinatawa ko naman, kasabay ang pag-ilag.

"Tama na nga yan! Pinagtutulungan ninyo si Arrianne!" saway ni Aling Donna. "Bilisan n'yo na r'yan nang matapos na agad ang trabaho at makapagpahinga ng maaga. Bukas na darating ang mga amo natin at ang mga bata," mahabang litanya ni Aling Donna.

"Akala ko po ba, ngayon sila darating, Aling Donna?" taka kong tanong.

"Nagbago ang isip ni Danny," tipid na sagot ng matanda.

"Huh, kasama si Sir Danny?!" sabay na tanong ng lima. Reaction pa lang nila nakakakaba na!

"Sana magbago pa ulit ang isip niya at tuluyan nang hindi bumalik dito. Ngayon pa lamang takot na ako," sabi ni Ate Sally na may hikbing kasama.

"Siguro naman nagbago na siya, dalawang taon na kaya ang lumipas. Siguro naman hilum na ang sugat sa kan'yang puso," sabi naman ni Ate Sonia.

Wala na akong ka ide-ideya sa kung ano pa ang pinag-uusapan nila, kaya nakinig lamang ako. Pero base sa pagkakaintindi ko, may pinagdadaanan ang sinasabi nilang Sir Danny, kaya siguro naging salbahe. Sana naman hindi gano'n ka salbahe.

"Pero mabuti na lamang din at babalik na rin dito ang maglolo nang magkabuhay naman ulit itong mansyon. Nakakatakot na kasi, laging walang tao," sabi ni Ate Mercy.

"Oh, siya magligpit na kayo," putol naman ni Aling Donna sa usapan ng mga kasama ko. Gusto ko pa sanang maki-usyoso sa buhay ng mga boss namin.

"Arrianne, halika muna rito sa sala, may mga dagdag paalala lang ako," sabi ni Aling Donna at nagtungo na sa sala.

Na naman! Sekretong bumuga na lamang ako ng hangin. Ang daming paalala naman itong si Aling Donna. Hindi pa man dumating ang mga amo ko, mukhang aatakihin na ako sa puso. Grabeng nerbyos na ang dulot sa akin ng boss kong 'di ko pa nga nakita. Anong klaseng hayop... ay este... tao kaya itong si Sir Dann?.

"Upo!" Isa pa itong si Aling Donna, parang ang init ng dugo sa akin. Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa.

"Tandaan mo, gardener ka rito kaya 'yon lamang ang trabaho mo," sabi ng matanda.

"Opo," kahit hindi niya sabihin. Alam ko naman ang papel ko rito sa mansyon. Hardinera ang kontratang penirmahan ko at hindi kasambahay.

"Napaka-strikto ng batang amo natin, kaunting mali napupuna. Kaya ayusin mo ang iyong trabaho. Ang hardin pagandahin mo, alagaan mo'ng mabuti. Gawin mo lahat ng kaya mo para maibalik ang ganda noon, dahil hardin iyon ng namayapang asawa ni Danny. Full time housewife ang yumaong asawa ng amo natin at 'yan lamang ang tanging libangan niya dahil hindi naman siya mahilig sa office work."

"Ano po ba ang nangyari sa asawa niya?" Hindi ko napigil ang magtanong.

Yumuko si Aling Donna dahil sa tanong ko. Gusto ko sanang bawiin ang tanong ko, pero seryoso na itong tumitig sa mga mata ko. Lalo tuloy akong na curious.

Bakas kasi ang lungkot sa mga mata niya.

"Car accident. Napakasakit para sa mag-ama ang nangyari. Sabay nawala ang mga babaeng pinakamamahal nila," malungkot na sabi ni Aling Donna.

Ramdam ko ang lungkot ni Aling Donna. "Sorry po, hindi na sana ako nagtanong." Alam ko kasi kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay, kasi nangyari na nga rin iyon sa akin. Sa amin ni Mama.

"Ano po pala ang negosyo ng mga amo natin, Aling Donna?" pag-iba ko sa usapan. Hindi na kasi umimik si Aling Donna.

"Sila ang May-ari ng HT Company. Factory iyon ng mga high technology gadgets," sagot niya.

"Wow!"tanging nasabi ko." Kaya pala ang yaman nila.

"Magaling mamahala ng negosyo si Danny. Mas napalago niya pa iyon, kaya lang dahil sa nangyari sa asawa at Mommy niya. Bigla na lamang siyang nagbago. Laging mainit ang ulo, laging lasing, at hindi makausap ng maayos. Napabayaan na niya ang negosyo pati na ang sarili niya. Lagi ring napapaaway, madalas umuwing basag ang mukha."

Tahimik na lamang akong nakikinig sa kwento ni Aling Donna, siguro naman, may tinatago pa rin na kabutihan ang Boss naming lansinggo pala.

Parang naiiyak pa si Aling Donna habang nagkukwento. Nakasilip naman sa pinto ang mga kasama namin na may lungkot din sa mga mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Aling Donna.

"May ibang bilin pa po ba kayo, Aling Donna?" tanong ko nang hindi na ito nagsasalita. Agad naman itong umayos sa pagkakaupo at tumikhim pa. Pero kahit anong tago niya pa sa nararamdaman. Alam kong nasasaktan at nalulungkot siya dahil sa mga nangyayari sa boss namin.

Close siguro sila. Danny nga lang ang tawag niya sa boss naming lasinggo.

" 'Yong sabi ko na bawal dumaan sa main door, huwag na huwag mo iyong kakalimutan," sabi niya kasabay ang pasimpleng pahid sa namumuong luha sa mga mata.

"Opo, hindi ko talaga iyon kakalimutan, Aling Donna," sagot ko.

"Daisy at Dennis ang pangalan ng mga anak ni Danny, kambal sila. Napakasiglang mga bata, mahilig silang maglaro sa garden kaya makikila mo sila bukas. Kung maari huwag mo silang kausapin," naiiling niyang sabi.

"Bakit naman po?" nagtataka kong tanong.

"Basta kapag sinubukan mo silang kausapin, malalaman mo ang ibig kong sabihin," sagot ng matanda. Mas lalo lamang tuloy akong na-curious

"Paano na lamang kong sisirain nila ang mga halaman?"

" 'Yan ang hindi nila gagawin dahil para sa kanila. Ang garden ay ang Mommy nila." Kamot sa ulo na lamang ang nagawa ko. Grabe naman pala ang imagination ng mga batang 'yon.

" 'Yong matandang boss, po natin?" tanong ko uli."

"Wala ka dapat ipag-alala kay Sir Dante, mabait siya at maunawain," nakangiting sabi ni Aling Donna.

Hala Kuminang ang mga mata ni Aling Donna. Bumaling naman ang tingin ko sa mga kasamahan kong sabay pa na tumango.

"E, Aling Donna... pogi po ba, si Sir Dante?"

Nanlaki ang mga mata ni Aling Donna, dahil sa tanong ko. Feeling ko, mukhang sasabog. Amay! Mali yata ang tanong ko.

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Range
Anong meron sa main door na yan?
goodnovel comment avatar
Jotoy
tuloy Ang pagbabasa!
goodnovel comment avatar
Bts Lexba
anO na sir., .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status