Share

Kabanata 4

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2022-10-24 12:20:52

Matamis na ngiti ang bungad ko sa mga kasama kinaumagahan, mapagtakpan lamang ang kalokohang tanong ko kay Aling Donna kagabi.

Paminsan-minsan ako'ng nagnakaw ng tingin sa matanda. Tahimik na siya dati, mas naging tahimik pa ngayon. Pati mga kasama ko, nahawa yata at nawala na rin ang pagiging makulit.

"Tuloy po ba ang uwi ng mga boss natin?" basag ko sa katahimikan. Nakakailang na kasi. Hindi ako sanay na ganito sila katahimik.

"Mamaya nandito na ang mga 'yon," sagot ni Ate Sonia.

Tumango lamang ako bilang tugon. Mukhang wala kasi talaga silang ganang makipag-usap o magbiro. Biglang change mode ngayong pauwi na ang mga boss.

Matapos kumain ay matamlay ko'ng tinungo ang hardin. Abala na ako sa ginawa. Naagaw lamang ang pansin ko sa pagbukas ng malaking gate at pagpasok ng itim na sasakyan.

Halos patakbo namang lumabas ang mga kasama ko. Nagtulong-tulong sila na ilabas ang mga gamit mula sa kotse. Habang si Aling Donna, nakatayo lamang sa gilid.

Tanaw ko lamang sila at hindi na lumapit.

Unang Bumaba ang kambal na parehong nakasimangot. Sumunod ang boss naming matanda.

"Magandang umaga si Sir Dante, maligayang pagbabalik," nakangiting bati ni Aling Donna. Hindi man lang ito tumugon sa bati ni Aling Donna. Ni ang ngumiti ay wala. Sulyap lamang ang ginawa niya at nagtuloy na sa loob.

Akala ko ba mabait, mukhang suplado naman. Pahiya tuloy si Aling Donna.

Bumalik na lamang ako sa trabaho, ayokong problemahin ang mga bagay na wala naman akong kinalaman.

Dapit-hapon nang pumasok ako. Nakakagulat, dumating lamang ang boss namin, biglang tahimik ang quarters.

Si Ate Mercy lamang ang naabutan ko'ng kumakain. Sa bagay labandera siya, kaya gaya ko hindi rin siya maaring makialam sa kusina.

"Busy na sila sa pag-aakiso sa mga boss natin, Arrianne. Kaya asahan mo'ng hindi na tayo magkakasabay pa na kumain. Buti na lang at wala 'yong lasinggo nating boss." Halos pabulong ang mga huling salita ni Ate Mercy.

"Sana nga hindi na siya umuwi. Sa mga sinabi n'yo pa lang kasi, kabado na ako. Ako pa naman ang bagong mukha rito. Paano kung trabaho ko ang laging mapansin?"

"Magdilang anghel ka sana!" natatawang tugon nito.

"Ay, ang bad! 'Wag naman po sana,"sabi ko. Tumulis tuloy ang nguso ko. Hindi magandang biro iyon.

"Ilang taon na ba si Sir Danny, Ate Mers?"

"Trenta y tres na."

"Matanda na pala!" tugon ko.

"Matanda ka d'yan! Oo at nasa lagpas na sa kalendaryo ang edad no'n pero ang hot pa rin! Baka nga tulo laway ka do'n!"

Si Ate Mercy, kung maka-hot parang teenager lang.

"Hindi po ako asong ulol, Ate Mers na tutulo ang laway!" Tawa na lamang ang tugon niya.

Natapos na lamang kaming kumain, wala pa rin ang mga kasama namin. Bumalik ako sa hardin. Si Ate Mercy naman, pumasok na rin sa kuwarto niya.

Mag-aalas otso nang gabi nasa garden pa rin ako. Nakakabagot na rin kasi sa loob ng kwarto. Nakakasawang tingnan ang apat na sulok ng silid ko.

Pasandal ako'ng umupo habang nakatanaw sa mangilan-ngilang mga bituin sa langit. Kumawala ang buntong-hininga ko nang rumehistro ang mukha ni Papa sa isipan ko. Naipikit ko ang mga mata, kasabay ang pagpahid ng mga luha.

Nang magdilat, mukha ni Ronan ang nakita ko.

Akmang lalapitan na ako, pero may dumating na kotse na agad nilang pinagbuksan.

Bumaba mula roon ang lalaking lasing yata. Muntik pa'ng matumba pagsara nito sa pinto. Mabuti at umabot pa siya rito sa mansyon at hindi siya nadisgrasya.

"Good evening, Sir Danny," sabay na bati ng mga guard.

Sumaludo lamang ito sa mga guard. Pero walang kangiti-ngiti. Lasinggo na nga, suplado pa.

Ewan ko naman kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa lasinggong boss ko na mana pala sa tatay niyang guwapo! Madungis version ni Sir Dante.

Ang unfair ng mundo! Ang dungis niya, pero bakit ang gwapo pa rin?

Saan naman kaya lumublob ang lalaking ito at ang dungis. Kapag lasinggo talaga, wala nang paki' malublob man sa putik!

Panay sabi ko na madungis, pero hindi naman maawat ang mga mata ko na sundan ang bawat galaw niya. Paano kasi, siya iyong madungis na hindi masakit sa mata.

Nakusot ko pa ang mga mata. Sinundan ko na rin ng tampal sa noo. Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa utak ko.

Pasuray-suray kasing magkalad. Halos masubsob na nga, pero pinipilit niya pa talaga na makarating sa main door.

Sh*t! Nakita niya ako. Malamang, hindi naman kasi ako nagtago. Lantaran ko pa nga siyang sinundan ng tingin. Bahagya na lamang akong yumuko tanda ng pag-galang.

Snob ako! Walang emosyon ang mukha nito na tumingin akin, 'tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko pa rin siya ng tingin habang paakyat sa apat na hagdan papunta sa pinto.

"Aray!" pigil kong tili. Nasa huling baitang na sana siya. Nadisgrasiya pa.

Ang ganda ng gulong niya. Bulagta nang umabot sa lupa! Sarap pala panoorin ang gwapong lasing kapag gumulong.

Pinilit nitong tumayo, ilang beses pero natutumba pa rin siya. Habang ako masayang pinapanood lamang siya. Gustuhin ko man na tulungan siya. E, bawal nga ako'ng lumapit sa main door.

Nilingon ko pa ang mga guard na hindi nga rin nag-abalang lumapit at tulungan siya. Ako pa kaya na hindi niya kilala.

Pagapang na lamang siyang umakyat ng hagdan. Hindi ko napigil ang umiling. Sayang ang guwapong mukha. Sa hagdan, gagapang lang pala.

Hawak na niya ang doorknob kaya, tapos na ang show. Kampante naman akong naglakad papunta na sana sa quarters. Ni ang lingunin ang boss kong lasinggo, hindi ko ginawa.

"Hey!" tawag niya, pahinto ako sa paghakbang. Kasanunod ang hindi maawat na kaba. Nag-alangan pa ako'ng lingunin siya.

Ano ba dapat gawin, lingon o hindi? Takbo kaya?

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang malakas nitong tawa. Parang baliw lang. Napilitan tuloy ako'ng lingunin siya.

Nakatayo pa rin siya habang hawak ang doorknob. Ang talim ng tingin. Sh*t! Agad ako'ng nag-iwas ng tingin.

Ewan, at bigla na lamang akong tumakbo. Hingal ako nang makarating sa loob. Hawak ang aking dibdib.

Hindi ko kinaya ang talim ng mga tingin ni boss.

Ilang sandali na ako'ng nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto ko. Hawak ko pa rin ang dibdib ko na kumakabog pa rin ng malakas.

Halos mapatalon ako nang marinig ang malakas na kalabog mula sa loob ng mansyon. Agad nagsilabas ang mga kasama ko mula sa kani-kanilang mga kwarto.

Patakbo namang pumasok sa loob si Aling Donna. Sumunod na rin ako. Maki-usyoso lang.

Natutop ko ang bibig nang makita ang boss namin na nakadapa sa sahig malapit sa hagdan. Nahulog yata. Basag rin ang malaking pot na katabi ng hagdan.

Mukhang masama ang pagkabagsak. Putok ang labi at may gasgas sa mukha. Tinulungan siya ni Aling Donna na makatayo.

"Ano ka bang bata ka! Kaya mo bang tumayo?" nag-aalalang tanong ni Aling Donna.

Bata raw! Laking damulag na kaya iyang batang sinasabi niya.

Kumaway pa siya sa Daddy niya at sa mga bata na nasa ikalawang palapag.

"Hi Dad! Hi my babies!" Halos hindi na maintindihan ang sinasabi niya. Pag-iling lamang ang tugon ng Daddy niya.

Bumaling ang tingin niya kay Aling Donna. "Nanay, I miss you! You're still gorgeous! The best Nanay in town. I love you, Nanay," bulol niyang sabi, kasabay ang mahigpit na yakap kay Aling Donna.

"Tumigil ka nga, Anak! Halika ka rito at magamot iyang mga sugat mo!"

Habang nakatingin ako sa dalawa, naisip ko na talaga pala na close sila. Parang mag Nanay nga ang turingan nila.

Nagpaubaya siyang hilahin ni Nanay, ngunit tumigil kalaunan.

"Good job, Nanay! Good job," nakangiti niyang sabi. Nakakaloko ang kaniyang mga ngiti.

"Anak, good job saan?" nagtatakang tanong ni Aling Donna.

Habang kami tahimik lamang na nakatingin sa kanila.

Kita ko pa ang paulit-ulit na pag-iling ni Sir Dante habang nakatingin sa lasinggong anak. Yakap naman ng mga bata ang mga binti ng lolo nila.

Kawawang mga bata, ito ang laging nasasakhihan nila na ginagawa ng Daddy nila. Napailing na rin ako.

"Good job sa pag-train mo sa bago nating hardinera!"

Natiim ko ang bibig ko. Alam pala nito na bago akong hardinera. Malamang, sa hardin niya ako nakita. Pero sabi niya good job. Bakit ang talim kung makatingin?

"Saan na nga ba 'yon? 'Yon siya." Turo niya ako. Lahat ng buto ko sa katawan tuluyan nang nanigas.

"Come here, gardener," sabi niya kasabay ang pagkumpas ng kamay para palapitin ako. Takot man, pero agad na rin akong lumapit.

Dumistansya lamang ako, baka kasi hambalusin ako.

"Anong sinabi ni Nanay Donna tungkol sa main door?" tanong niya.

Sumulyap ako sandali kay Aling Donna. Sh*t!

Hindi pa agad ako nakasagot dahil sa naghalo na ang kaba at parang nanigas na naman pati ang dila ko.

"Sumagot ka!" bulyaw niya.

Napapikit ako sa sobrang gulat. Mas nalito tuloy ako kung paano sagutin ang tanong niya.

"Anong sabi ni Nanay?" tanong niya uli nang hindi pa rin ako sumagot.

"Huwag na huwag daw po ako lumapit sa main door kahit may mamatay pa sa harap ko," kanda-utal kong sagot kasabay ang pagyuko. Kita ko pa ang pagtiim ng mga mata ni Aling Donna.

Pero imbes na bulyaw ang marinig, malakas na tawa ang narinig ko. Nakakalito naman itong boss ko. Galit, tapos biglang tawa. Baliw lang?

"H-hindi mo talaga ako tutulungan kahit m-mamatay ako ro'n?" May pahabol pang tanong. Akala ko tapos na.

"Opo!" wala sa isip ko'ng sagot. Napakagat-labi na lamang ako nang bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya.

"Pero, Sir, kung sa ibang parte ka ng bahay mamatay tutulungan po kita" sabi ko.

Kalokohan ko! Huli na nang maisip ang kabaliwang nasabi ko. Itong bibig ko talaga. Walang preno.

Hindi na tuloy maidilat ni Aling Donna ang mga mata. Siya ang may utos, pero bakit pati siya kabado? Hirap nila intindihin.

Matapos ang walang kwentang pag-uusap. Tumahimik din ang lasing. Bumababa na rin si Sir Dante. Sumulyap sa akin at ngumiti. Yumuko lamang ako bilang tugon. Hindi naman pala talaga suplado.

"Hitsura mo Danny!" saway nito sa anak. Yakap lamang ang tugon ni Sir Danny sa Daddy niya.

Umupo naman ito pagkatapos at niyakap ang mga anak na sabay nagtakip ng ilong.

Bawas pogi points pa. Lasinggo na nga amoy bulok na prutas pa! Halo-halong amoy ang malalanghap mo sa bibig niya. Idagdag pa ang kaunting suka sa damit niya.

"Donna, ipaghanda n'yo ng pagkain si Danny," utos sa kanila ni Sir Dante. 'Tsaka linisin 'yong nabasag," mahinahong utos niya.

Agad kumilos sina Aling Donna. Palabas na sana kami ni Ate Mercy nang tawagin ito ni Sir Dante.

"Mercy, kunin mo ang gamot at gamutin mo itong pasaway ko'ng anak," utos niya kasabay ang paghakbang patungo sa hagdan kasama ang mga bata.

"Arrianne, tulungan mo si Mercy," pahabol pa nitong utos. Aalis na sana ako. Napag-utusan pa. Sabi ni Aling Donna, hardin lang ang trabaho ko. Bakit pati mukha nitong boss ko ay trabaho ko na? Ipakusot ko kaya kay Ate Mercy para siguradong malinis.

"Arrianne, narinig mo?" tawag sa akin ni Sir Dante.

"Opo, Sir," sagot ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Utos ng boss.

Sakto namang nakapanhik na sina Sir Dante ay siya namang pagdating ni Ate Mercy dala ang gamot.

Inabot niya iyon sa akin. Umiling ako at tinulak pabalik sa kaniya. Ganoon din ang ginawa niya. Ilang ulit pa kaming nagtulakan. Natigil lamang kami nang magdilat si Sir Danny.

Sabay tumiim ang mga bibig namin. Tumaas na naman kasi ang sulok ng labi ni Sir Danny.

"Bigay mo sa kaniya!" singhal nitong utos kay Ate Mercy na agad namang sumunod. "Alis!" utos niya pa.

Tarantang umalis si Ate Mercy at naiwan ako.

Yakap ko ang medicine kit habang tanaw siya na palabas.

"Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Gamutin mo na ako!" singhal niya."

Walang imik na lumapit ako sa guwapo, ngunit mabantot na nilalang sa mundo.

Nanginginig ang mga kamay ko at hindi alam kung ano ang gagamitin na ipahid sa sugat niya. Laway na lang kaya ang ipahid ko. Nakapikit naman siya, hindi niya malalaman.

"Tagal!" bulyaw niya. Nabalibag ko tuloy ang hawak na gamot. Sumikip puso ko. Pati ilong ko. Ang bantot mo Sir! Gusto kung isigaw sa pagmumukha niya.

Pigil-hininga ako at binilisan ang ginawang paggamot.

"Aray!" sigaw niya, medyo nadiin ko kasi ang paglapat ng cotton buds sa sugat niya.

"Nananadya ka ba?" singhal na naman niya. Sakit na sa tainga!

"H-hindi po. Pasensya na po," utal ko'ng sagot.

"Ano ba 'yang nilagay mo? Ang hapdi!" nakangiwing reklamo niya.

Natatarantang hinipan ko ang sugat niya. Tuloy lang ang pag-ihip ko hanggang sa matapos ko'ng gamutin ang mga sugat niya. Ni hindi ako nag-abalang tinggnan siya. Basta ang nasa isip ko ay matapos agad ang pag-gamot sa kan'ya.

Hindi na rin siya nagsalita o nagreklamo. Nawala na siguro ang hapdi dahil sa pag-ihip ko. Agad ko'ng niligpit ang mga gamot na ginamit ko.

"Alis na po ako," paalam ko. Hindi ko na hinintay ang tugon niya, agad na akong umalis.

Nakailang-hakbang na ako nang marinig ko ang paulit-ulit niyang pag-ubo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
thank you po...
goodnovel comment avatar
sweetjelly
salamat sa pagbabasa...
goodnovel comment avatar
Jotoy
hehe Ang saya Ng kwentong to..Ang kulit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arrianne's Door   Wakas

    " 'Be ko, bilisan mo," sabi ng asawa ko, habang hila-hila ako."Bakit ba, 'Be ko?" Bigla na lang niya kasi akong hinila palabas ng pool area. Nag-celebrate ka nga kasi kami dahil sa wakas ay buo na ulit ang aming pamilya. Nakabalik na rin kami sa mansyon sa wakas at kasama ko na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kuya. Muli nang bumalik ang sigla at saya ng mga buhay namin. Lalo na kami nitong asawa ko na walang humpay kung maglambing. Bumabawi at pilit pinupunan ang mga araw na hindi kami magkasama. "May ipapakita nga ako," sabi niya pero huminto naman sa paghakbang at niyapos ako. "Akala ko ba, may ipapakita ka o gusto mo lang lumandi?" Hindi maalis ang malagkit na titig namin sa isa't-isa. "Hindi naman kita nilalandi, 'Be ko, nilalambing lang." Halik sa leeg at haplos sa likod ko ang kasabay ng salita niya. "Hindi pa ba landi 'tong ginawa mo, 'Be ko?" Sumabay ang tanong ko sa paglapat ng likod ko sa malamig na dingding dito sa hallway, papuntang pool area. " 'Be ko—"Hindi ko

  • Arrianne's Door   Kabanata 69

    "Dad!" sabay naming bulalas ng asawa ko."Hanggang ngayon pa rin ba, Danny, hindi mo pa rin tanggap na aksidente nga 'yong nangyari sa dati mong asawa at sa Mama mo?" gigil na gigil na tanong ni Daddy.Tumayo si Danny habang kapa ang ulo niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dad. Bigla ka na lang na nanakit," reklamo nito."Biglang na nanakit! Buti nga at batok lang ang ginawa ko." Duro na niya si Danny. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Napisil ko nga rin ang sintido ko. Hindi na kasi matapos-tapos ang sermon. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa'yo? Iuntog iyang ulo mo, sakaling umayos at makapag-isip ka ng tama. Kung ganito rin lang at hindi pa rin pala tuluyang umayos 'yang utak mo. Hindi ko na sana binigay ang address ng pamilya mo," dismayang sabi ni Daddy.Kung kanina ay napisil ko ang sintido ko. Ngayon ay pigil na buntong-hininga naman ang nagawa ko. Panira kasi 'to si Daddy, e! Papunta na kami sa sweet moment. Sinira niya naman. "Dad, 'yan din ang hirap sa'yo.

  • Arrianne's Door   Kabanata 68

    "Aso nga, asong ulo!" gigil na sabi ni Nanay.Saka niya hinarap ang lalaking tinawag niya na asong ulol. Matalim ang mga titig niya at hindi pa kaagad nagsalita. " 'Wag mo akong matawag-tawag na mahal dahil matagal ka nang may ibang mahal," sikmat ni Nanay, duro niya pa ang matandang aso. "Teka nga lang!" awat ko sa dramang nagaganap. Hinarap ko si Maribel. "Maribel, sila ang sinasabi mong mga aso na humabol sa'yo?" Tumango siya. "Sila nga, Ate." Kilala n'yo pala sila?" tanong niya, kasabay ang pagkamot sa ulo. "Pasensya na po, akala ko kasi mga baliw."pahapyaw na tawa ang narinig ko mula kay Danny, na bakas ang inis kay Maribel. "Tinawag pa kita, Maribel, pero tumakbo ka pa rin." Napapailing pa siya. "Kung hindi ka sana tumakbo no'n. Noon pa sana naayos ang lahat," dagdag niya pa. "Pasensya. Kayo kaya ang sigawan ng taong hindi kilala at mukhang baliw? Hindi ba kayo tatakbo?" iritang tugon din ni Maribel. "Pero teka nga lang, bakit n'yo ho ba ako kilala?" Napakamot uli siya sa u

  • Arrianne's Door   Kabanata 67

    Tuluyang nawala ang puwing sa mga mata ko, naanod yata. Bigla na lang kasing pumatak ang mga luha ko nang makita ang bayolenteng lalaki na sumugod kay Joel. Hawak na rin nito ang kwelyo ng kaibigan ko. Si Danny. Ang asawa ko na nagmukhang sinaunang tao dahil sa mahabang buhok at balbas. Puro paglalasing na nga lang yata siguro ang ginagawa niya, kaya pati ang pagiging tao ay nakalimutan na niya. Tingin ko nga sa kanya ngayon ay leon na malnourish. Kawawa, gusto ko tuloy agad siyang yakapin. Pakainin at paliguan. Ang dugyot kasi. "Walang hiya ka! Matapos ng ginawa mo kay Arrianne, may lakas ka pa talaga ng loob na lumapit sa kanya," nang gagalaiti nitong sabi. "Isa ka rin namang walang hiya!" tugon ni Joel. Hawak-hawak niya na rin ang kwelyo ni Danny. " 'Wag kang umasta na matino!" "Galing mo, nawala lang ako sa buhay niya, pumasok ka agad! Nakaabang ka lang palang hayop ka!" Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Talagang iniisip niya n papatol u

  • Arrianne's Door   Kabanata 66

    Hindi maalis ang ngiti ko habang tanaw ang kambal na masayang naglalaro sa dalampasigan. Kaarawan kasi nila ngayon. Seven years old na sila. Nakakalungkot dahil hindi pa rin namin kasama ang Daddy nila sa araw na ito. Ang dami na talaga niyang na missed na kaganapan sa buhay namin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. E, 'di magpatuloy sa buhay, kahit wala siya. Ang sarap pakinggan ang mga tawanan nila. Mabuti na lang at dito sa beach naisipan naming mag-celebrate ng kaarawan nila. Sakto naman kasi na walang pasok dahil sabado. Bonding na rin namin 'to, kasi nga, hindi na kami madalas makakalabas dahil mayro'n na kaming bungisngis na baby na inaalagaan. Napatingin ako sa baby ko na kasalukuyang dumedede. Parang kilan lang nong nanganak ako at puro iyak pa lang ang naririnig ko na ginagawa ni baby. Ngayon napaka-bungisngis na. Tatlong buwan na kasi siya, kaya marunong nang maglaro. Kahit lagi akong puyat sa pag-aalaga sa kanya. Masaya pa rin ako. Bawing-bawi ang pagod ko dahil nag-uumap

  • Arrianne's Door   Kabanata 65

    "Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masayang mukha ni Mama ang bumungad sa akin pagdilat ng mga mata ko. Ngumiti ako pero napangiwi nang makaramdam ng pananakit sa tiyan ko. "Masakit, Ma," sabi ko. Kapa ko na rin ang tiyan ko. "Ang baby ko po, Ma?" tanong ko at akmang babangon." 'Wag ka munang bumangon, Anak, baka bumuka ang sugat mo," pigil ni Mama. Hinawakan niya ang balikat ko at inayos ang kumot ko. Napangiti na rin lang ako habang pinagmamasdan si Mama. Talagang ang saya kasi niya. Hindi pa rin nawala ang ngiti. Syempre, lola na kasi siya. "Maayos ang baby mo. Nasa nursery. Nando'n nga silang lahat. Hindi na magsawang tingnan ang baby n'yo ni Danny.""Napangiti ako pero kaagad din namang napalis ang ngiti ko. Nakaramdam kasi ako ng lungkot at awa sa baby ko. Sinilang ko ba naman siya na hindi man lang namin kasama ang Daddy niya. Kainis din ang Danny na 'yon. Ang tagal matauhan. Imbes na siya ang nataranta kanina nang pumutok ang panubigan ko, si Felly tuloy ang halos pumuto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status