MasukSabay-sabay na napalingon si Thunder at ang mga kaibigan niya sa tahimik na babaeng pumasok sa bahay ni Hurricane. Naka-uniform pa ito, halatang galing sa eskwela pero pinaunlakan nito ang paanyaya ng kaibigan.“What is this all about?” agad na tanong ng dalaga sa kanila saka ito naupo kasama nila.“Gusto ko lang makausap ka, bago ko kausapin si Payne, kaya kita pinatawag dito.” agad na sagot ni Thunder sa kaibigan ng nobya niya.“Bakit hindi ka dumiretso sa kanya?” nagtatakang tanong ng dalaga na agad ding ikinatawa ng binata.Palagi talagang nananakot ang pinakabata sa mga kaibigan ng nobya niya, pakiramdam niya tuloy ay kaylangan niya palaging maghanda ng lakas ng loob at tapang kapag kakaharapin ito.“Nasabi mo na ba sa kanila ang tungkol sa problema? Gusto ko lang ding malaman kung handa na ba siya? Ayokong mabigla siya.” agad
Hanggang ngayon ay hindi mapalagay si Payne, kalat na kalat pa rin sa balita ang nangyaring pamamaslang sa butlers ng Mommy ni Thunder at abala rin ang binata sa pagaasikaso ng mga dapat gawin.Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga, palagi nilang ginagawa iyon. Sa mga unang beses na ginawa nila iyon ay wala ganoong naranasan at naramdaman ang babae. Ito lang talaga, at ang mas pinagaalala ni Payne at hindi pa rin nagpaparamdam si Chasey. Hindi pa rin nagpaparamdam ang kaibigan niya.Hindi niya alam kung ayos lang ba ito, o kaya baka ito wala ay dahil sa mga pinagagawa niya. Hindi niya rin alam kung anong mararamdaman sa mga oras na ito.“Nasaan na kaya iyong si Chasey?” muling tanong ni Sacha sa mga kasama.Nakakahalata na ang mga kaibigan niya, siguradong iisipin na rin ng mga ito na kumikilos na ang kaibigan. Hanggang ngayon kasi ay narito pa sila sa mansion ng mga Vidal, hindi pa sila maka-alis dahil sa dinner na inihahanda ng magulang ni Thunder.Alam ni Payne na hindi dapat ito ng
“Kamusta naman ang biglaang get away?” agad na bungad ng sekretarya ni Payne sa kanya na agad niya ring ikinatawa. Alam niya na kasi ang ibig nitong sabihin, siguradong magpapa-kwento na naman ito sa status ng relasyon nila ni Thunder.“Alam mo naman na palagi akong nage-enjoy kasama ang girls di ba?” pagmamaang-maangan ni Payne na agad din namang ikinatawa ng sekretarya. “Dahil lang ba talaga sa kanila?” muling tanong nito na may panunukso.Dahil doon ay muling natawa si Payne saka siya napailing, ibang klase talaga ang sekretarya niya. Talagang mausisa ito at ginawa na yatang live romance story ang buhay niya. Syempre alam nito ang tungkol sa quick get away nila dahil nag-paalam siya rito, ginawa niya iyon para alam ng sekretarya ang gagawin kapag may mga biglaan siyang appointments.“Sige na nga mamaya ka na lang mag-kwento,” muling hirit ng sekretarya niya kaya natawa n
“Alam mo ikaw napaka-arte mo! Ganyan ba talaga ang mga artista? Bakit si Sacha hindi naman ganyan?” malakas na reklamo ni Chasey kay Hunter dahilan para agad na mapalingon si Payne at ang mga kasama niya sa dalawang paparating.“Ano na namang kasalanan ko little Chasey? Kanina ka pang ganyan!” malakas na reklamo ni Hunter na agad na ikinatawa ng mga kasama nila and Chasey just sat down on the sand kasama ng iba pa habang nakapalibot sila sa bonfire.“Mukang may malalagasan na naman ng pera,” gatong ni Rain sa usapan na malakas nilang tinawanan. “Ikaw na lang kaya kuhanan ko ng pera,” singhal rin ni Chasey kay Rain na agad na natahimik at napa-zipper pa ng bibig.Dahil doon ay nagtawanan na naman sila pero nananatiling nakakunot ang noo ng dalaga habang papaupo na rin si Hunter sa tabi nito.“Ano ba kasing ginawa mo dyan kay Chasey ha Hunter?” Zeus ask Hunter pero tiningnan lang siya ng masama ng kaibigan. “Wala! Gagatong ka pa, kapag ako hiningian nito ng pera maghahati tayo,” singhal
Nasa garden na si Payne at ang mga kasama ng may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay niya. Dahil doon ay kinabahan si Payne dahil sabay-sabay na napalingon ang mga kasama niya sa sasakyan. Mukang nagkamali siya ng desisyon na huwag ng sabihin sa mga ito na ihahatid si Chasey ng kaklase. Ito nga at tila curious na curious na ang mga ito sa kung sino ang sakay ng sasakyan na iyon.Hindi nagtagal ay may bumabang lalaki mula sa driver’s seat saka ito umikot para buksan ang kabilang side kung saan bumaba sina Chasey at Sienna. Agad ding nagkatinginan ang mga kasama ni Payne kaya nauna na siyang lumapit sa mga ito at sinenyasan niya ang mga kaibigan na huwag ng lumabas.Sinalubong ni Payne ang dalawa at naiwan naman ang mga kasama, walang sumunod sa kanila ngunit alam ni Payne na pinagmamasdan sila nito. Paglabas niya ay naabutan niyang nagpa-paalam na ang dalawa sa lalaki kaya ngumiti na lang siya ng mapalingon ang mga ito sa kanya.
Hindi mapalagay si Payne, pakiramdam niya ay may dapat siyang gawin. Pakiramdam niya ay siya dapat ang mamagitan na nagaganap na tensyon sa pagitan ng grupo nila at ng organization. It started from her, sa kanya nagsimula ang mga nangyayari ngayon. Alam niya na dapat niya iyong ayusin. Dapat siya ang gumawa ng paraan para ayusin ang gusot na iyon. Hindi dapat si Chasey ang gumawa ng paraan, dapat ay sa kanya manggaling ang lahat. Kaya lang ay kaylangan niya ring sumunod sa procedure, kaylangan niyang sumunod sa rules. Kung may gagawin siyang hakbang dapat dadaan muna siya kay Chasey, iyon ang una niyang dapat gawin. After all Chasey’s rank in the organization is far higher than her, kaya nga siya ang lider nila kahit siya ang pinakabata. Pangatlo lang siya sa ranking ng grupo, una si Chasey sumunod ay si Cree. Isa pa ay hindi naman nila nakakaharap ang pinaka-handler nila, si Chasey lang ang may kakayahan na gumawa noon. At alam ni Payne n







