Share

Kabanata 21

Nasa garden na si Payne at ang mga kasama ng may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay niya. Dahil doon ay kinabahan si Payne dahil sabay-sabay na napalingon ang mga kasama niya sa sasakyan. Mukang nagkamali siya ng desisyon na huwag ng sabihin sa mga ito na ihahatid si Chasey ng kaklase. Ito nga at tila curious na curious na ang mga ito sa kung sino ang sakay ng sasakyan na iyon.

Hindi nagtagal ay may bumabang lalaki mula sa driver’s seat saka ito umikot para buksan ang kabilang side kung saan bumaba sina Chasey at Sienna. Agad ding nagkatinginan ang mga kasama ni Payne kaya nauna na siyang lumapit sa mga ito at sinenyasan niya ang mga kaibigan na huwag ng lumabas.

Sinalubong ni Payne ang dalawa at naiwan naman ang mga kasama, walang sumunod sa kanila ngunit alam ni Payne na pinagmamasdan sila nito. Paglabas niya ay naabutan niyang nagpa-paalam na ang dalawa sa lalaki kaya ngumiti na lang siya ng mapalingon ang mga ito sa kanya.

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status