Assassin Series 1: Chasing Contract

Assassin Series 1: Chasing Contract

last updateLast Updated : 2024-04-14
By:  sheenxinxinOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
23Chapters
1.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Payne Nivanna Warwick never imagined that she will be following a man, just to get the partnership she was aiming for so many years. As a business woman, para kay Payne ay walang kasing halaga ang partnership na ito kumapara sa iba. She badly needed this partnership to secure her good spot in the business industry. Isa pa ay ito ang pangarap ng mga magulang niya kaya kaylangan niya itong tuparin. Akala ni Payne ay magiging madali lamang ang lahat sa kanya, pero mukang hindi lang sabi-sabi ang titulo ng binata na sinusuyo niya. Hindi nga ito tinawag na Ruthless Businessman dahil lang sa wala, at ultimo ang karisma niya ay hindi tumatalab sa lalaking iyon. Lahat ng paraan ay ginawa na ni Payne pero talagang nagmamatigas ang binata. Kung tutuusin nga ay madali lang ito para sa kanya, kayang-kaya niyang gumamit ng dahas makuha lang ang gusto niya. Pero hindi niya malaman kung bakit ba pagdating sa binata ay tila nakakalimutan niya kung sino ba talaga siya.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Natawa na lamang ang mga kaibigan ni Payne ng makita siya ng mga ito, habang pababa siya sa hagdan ng bahay niya. Madalas kasi ang mga kaibigan niya dito at alam na rin nila ang dahilan ng pagsimangot ng magandang dalaga. Sanay na sila rito dahil araw-araw itong naghihimutok sa kanila tungkol sa partnership na hindi nito makuha.

“I told you we can help,” natatawang bungad ng kaibigan na si Harper sa kanya.

Isa itong mahusay na doctor, at isa rin ito sa mga pinaka-malakas mangasar sa kanila. Napabuntunghininga na lang ang dalaga at hindi na nagsalita pa, dahil talagang hindi niya malaman kung dinadamayan ba siya ng mga kaibigan o inaasar.

“No, I can do this alone. Papayag din siya sa offer ko, not now but soon.” May kasiguruhan sa mga mata ni Payne ng sabihin niya iyon.

Confident siya na papayag din sa lalong madaling panahon ang target niya, at isa pa ay may sari-sariling problema rin ang mga kaibigan niya at ayaw niya ng maabala pa ang mga ito.

Alam ni Payne na ang partnership na ito na lang ang kaylangan niya para mapanatili ang magandang pangalan sa industriya. May sarili siyang pangalan na inaalagaan, pero iba kasi ang dating kapag may partnership sa business man na ito. Kilala siya at halos lahat yata ay pinagaagawan ang partnership at ang mga investment sa kanya.

“Basta kapag kaylangan mo ng tulong nandito lang kami.” Dagdag pa ng kaibigan niyang si Cree na isa namang Architect.

Hindi na sumagot si Payne at alam niyang dahil doon kaya hindi na rin nagsalita pa ng tungkol doon ang mga kaibigan niya. Kilala naman siya ng mga ito alam nila na kapag naiinis siya ay ayaw na niya iyong pagusapan ng matagal.

“I gotta go,” paalam ni Payne sa mga kasama niya.

Tinanguan lang naman siya ng mga ito and some of them wave to her kaya nauna na siyang lumakad sa kanila. Alam naman niya na mayamaya lang ay aalis na rin ang mga ito para magsipasok sa kani-kanilang trabaho.

Hindi naman nagtagal ay narating na rin niya ang kumpanya ng pakay niya, at buti na lamang din ay nakisama sa kanya ang traffic. Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin maiwasan ni Payne ang mainis sa mga nangyayari.

Napapamura na lamang siya sa isip niya habang tinatahak ang daan papasok sa kumpanya ng pakay niya. Kung hindi lang niya kaylangan ang partnership na ito ay hindi niya hahabulin ang lalaking tinatawag niyang damuho.

Kilala rin naman siya sa larangan na napili niya. Mula sa mga magulang niya hanggang sa kanya, ay may maganda rin naman silang reputasyon sa larangan ng pagne-negosyo. Pero ito ang pangarap ng namatay niyang mga magulang, kaya kahit hindi niya alam kung ano ang malalim nilang dahilan, ay kaylangan niya iyong tuparin, kahit na parang huli na ang lahat sa kanila.

Nagmamadali siyang sumakay ng elevator na paakyat at pinindot ang floor na kaylangan niyang puntahan ng marating niya agad iyon. Invitations, proposals, calls and even emails cant do anything, hindi nito sinasagot ang lahat ng anumang ipadala niya at pakiramdam niya ay sinasadya nito iyon. Alam ni Payne na ngayon ay kaylangan na talaga niyang kumilos dahil kahit ang sekretarya niya ay hindi nito pinauunlakan.

Napakagat labi siya at napasandal sa wall ng elevator habang naghihintay ng pagakyat nito, pakiramdam niya ay napakatagal niyang maghihintay para makarating sa pupuntahan niya. Kinakabahan siya sa ginagawa niyang ito, pakiramdam niya ay mare-reject siya ngayong araw na hindi niya gustong mangyari, kaya niyang tanggapin ang rejection sa iba pero hindi ito.

Nagmamadaling lumabas ng elevator si Payne pagtigil nito. Lumilikha ng ingay sa marble na hallway ang black stiletto na suot niya pero wala na siyang pakialam doon. Mabuti na lang din at naka-jeans siya, kung hindi ay paniguradong aabutin siya ng kung anong oras sa paglalakad.

“Excuse me ma’am? Do you have an appointment to Mr. Vidal?” agad na salubong sa kanya ng isang babae.

Ito marahil ang sekretary ng lalaking iyon. Napansin din siguro nito na dire-diretso siya at tinutumbok niya ang office of the CEO.

“Marami,” sagot niya saka siya dire-diretsong pumasok sa office ng pakay niya.

Pagpasok niya ay hindi man lang siya pinagtuunan ng pansin ng nakaupo sa table, kaya tumayo na lang siya di kalayuan sa harap nito. Ito na ba ang kinatatakutan ng lahat? Siya na ba? Bukod sa malaki nitong katawan na parang halos tumira na sa gym, ano pang nakakatakot sa binata?

“What is it Karen?” Mayamaya ay tanong nito.

Hindi siya nakasagot sa tanong ng binata, may otoridad ang baritonong tinig nito, at kung iba ang makakarinig siguradong matatakot agad sila. At ganoon ba ka-abala ang binata para hindi siya mapansin nito? Ganito ba talaga ito sa mga possible partners and investors? Palibhasa ay tanyag na siya at kilala kaya ba siya ganyan?

“I’m sorry Mr. Vidal, hindi ko na siya napigilan,” mayamaya ay sabi ng sekretarya ng binata na agad ding humabol sa kanya.

Dahil doon ay natigilan ang binata saka ito tumunghay. Nakakunot ang noo nito, hindi ito nagsalita pero alam niyang sinuri siya nito mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ni Payne ay kinabahan siya sa ginawa ng lalaking pagsuri sa kanya, kabang hindi naman niya normal na nararamdaman basta basta. Siguro kaya nakakatakot ang binata para sa iba ay dahil sa gwapo ito, at sa sobrang gwapo nito ay nakakatakot kung totoo ba iyon o hindi.

“Who are you?” Mayamaya ay tanong nito.

Malamig maningin ang binata, sa tanong nito ay tila hindi naman ito nagaabala na kilalanin ang ibang tao na nasa larangan din na napili niya. Siguro kikilalanin niya lang ang tao kapag mahalaga ito sa paningin niya o kapag banta ito.

“Payne Warwick,” tipid niyang pagpapakilala sa binata na parang wala namang epekto dito.

Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon sa kanya kahit na nagpakilala siya, maybe for him her name doesn’t ring a bell at all.

“Galing po kay Ms. Warwick yung proposal para sa partnership na binanggit ko sa inyo kanina,” agad namang sagot ng babaeng tinawag na Karen ng binata kanina.

Napataas ang kilay ng binata dahil sa sinabi ng sekretarya niya. Inilapag namang muli ni Payne ang kopya ng proposal na dala niya. Inabangan lang ni Payne ang gagawin ng binata pero wala itong ginawa habang inaayos niya ang mga papel. At dahil doon naisip ni Payne na kapag hindi pa ito pumayag sa proposal niya ay titigilan niya na ito. Desidido na si Payne sa mga oras na ito, tatanggapin niya nang baka hindi nga talaga para sa kanya ang partnership na ito.

Napakunot ang noo ni Payne ng damputin ng binata ang mga papel, saka ito sumandal sa sandalan ng swivel chair nito habang nakatingin lang sa kanya. Pakiramdan ni Payne ay na-insecure siyang bigla sa hitsura niya dahil sa ginagawang pagtingin nito pero hindi niya iyon ipinahahalata.

Akala ni Payne ay bubuklatin na ng binata ang mga dala niya. Handa rin naman siyang sagutin ang lahat ng katanungan ng binata kung may itatanong ito, pero hindi naman nito tiningnan ang proposal. Sinenyasan ng lalaki na lumabas na ang sekretarya niya na ginawa naman agad nito. Sinundan lang din ng tingin ni Payne ang babae saka siya bumalik ng tingin sa binata, na naabutan niyang matamang nakatingin sa kanya.

“I’ll look at it in one condition,” mayamaya ay sabing muli ng binata.

Walang mababakas na kahit ano sa muka ng binata habang nagsisimula na namang mainis si Payne dahil sa asal nito. Hindi pa nga nito binubuklat ang papel ay may kondisyon na agad ito? What the hell?

“Tell me, what’s your perfume?” muli nitong tanong.

Napanganga si Payne sa sinabi ng lalaki kapagkuwan ay natawa siya. Hindi makapaniwala ni Payne sa sinabi ng binata. Seryoso ba ito? Pinaglalaruan ba talaga siya ng lalaking iyon?

“Chanel Grand Extrait,” tipid niyang sagot.

Pagkasabi niya naman noon ay ngumisi lang ang lalaki sa kanya habang nakatingin pa rin sila sa isat-isa.

“I’ll call you about the proposal,” he said again habang nakasandal pa rin.

Tumango na lang si Payne at hindi na siya nagsalita saka siya nagsimulang maglakad palabas ng office nito. Pakiramdam ni Payne ay napaka-weird talaga ng binata, ganito ba talaga ito? Sa isip-isip niya. Hihilahin na sana ni Payne ang pinto pero napatigil siya ng muling magsalita ang binata.

“What if I didn’t call you?” Muling tanong ng binata na nakapagpatigil kay Payne sa tuluyang paglabas.

Napalingong muli si Payne sa lalaki, sira na yata ang ulo ng lalaking ito. Ano bang nais niyang palabasin?

“Then? It's a no, I guess? I wouldn’t care at all anymore,” Payne said then she roll her eyes at him saka siya tuluyang umalis sa office nito.

Hindi na talaga napigilan ni Payne na tarayan ang binata. Para kasi itong baliw at parang pinaglalaruan talaga siya. Kung hindi lamang niya nais tuparin ang pangarap ng mga magulang niya na partnership sa mga ito bago sila mawala, ay hindi niya na lalapitan pa ang lalaking iyon.

Matagal ng nakaalis ang dalaga pero hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi ni Thunder. Kanina pa rin ito napapansin ang secretary niya pero hindi na ito nagabalang magtanong pa dahil mas pabor naman ito sa kanya. Madalas kasing mainit ang ulo ng binata at talagang nakakatakot kung magalit. Strikto rin ito kahit pa napaka-gwapo kaya ang mga ganitong pagkakataon ay gustong-gustong ipagdiwang ng sekretarya niya.

Hawak ni Thunder ang pabango na ipinabili niya sa secretarya niya, hindi niya alam kung anong meron sa pabango ng babaeng iyon pero hindi niya na makalimutan iyon. Simula pa lamang ng manuot ang amoy niyon sa ilong niya, pagpasok ng dalaga sa office niya ay hindi niya na iyon malimutan. Pakiramdam niya nga ay naririto pa ang dalaga at tila hindi umaalis sa tabi niya.

Kilala ni Thunder ang pabangong iyon, ngunit para sa kanya ay iba ang amoy nito kapag ginamit na ng dalaga. Parang mas mabango ito sa pang-amoy niya kapag sa dalaga niya mismo naaamoy. Sa totoo lamang ay matagal niya ng gustong malaman ang pabangong gamit nito. Matagal niya ng gustong itanong ito sa dalaga pero hindi niya ginagawa dahil galit siya dito. Galit siya sa babae dahil hindi ito sumunod sa usapan ng kanilang mga magulang.

Kahit matagal na silang nagkikita sa mga business events, o kahit pa madalas niya ng mabasa sa magazine ang dalaga o makita sa TV. Kahit minsan ay hindi siya nagtangka na kausapin man lamang ito, dahil pakiramdam ni Thunder ay hindi niya abot ang dalaga. Pakiramdam niya ay hindi ito nararapat itabi sa kanya kaya hindi man lang niya sinubukang makipaglapit man lamang dito.

Hindi rin alam ni Thunder ang nararamdaman at naiisip niya patungkol sa dalaga. Ayaw niya pang makasal, ayaw niya pang matali sa kung kanino, pero pagdating sa babaeng iyon ay hindi niya maintindihan, kung bakit naiinis siya dahil ito pa mismo ang unang tumanggi sa kasalang iyon. Naiinis siya na tumanggi ito, pakiramdam niya ay wala siyang charm sa dalaga.

Napailing na lang si Thunder saka siya tumayo, kaylangan niyang uminom para malinawan ang isip niya. Hindi niya na pwedeng gustuhin na ituloy ang kasal dahil unang-una ay ang dalaga na ang umayaw dito. At isa pa ay pumayag na siya sa ipawalang bisa ito. At kaylangan niya pa ring isipin kung tatanggapin niya rin ang proposal nito o hindi, dahil kapag nalaman ng mommy niya ang tungkol dito ay tiyak na malilintikan siya.

“Cancel all my appointments this night Karen,” bilin ni Thunder sa kanyang sekretarya pagkalabas niya ng office niya.

“Y-yes Mr. Vidal,” agad nitong sagot sa kanya.

Hindi niya na rin naman pinansin ang sekretarya niya matapos niyon at dumiretso lang siya sa pagalis. Hindi siya mapapalagay kapag hindi siya uminom ng alak, kaya dapat ay umalis na siya ngayon pa lamang.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
sheenxinxin
Nice, nice, nice, nice.
2023-05-09 09:20:07
1
23 Chapters
Kabanata 1
Natawa na lamang ang mga kaibigan ni Payne ng makita siya ng mga ito, habang pababa siya sa hagdan ng bahay niya. Madalas kasi ang mga kaibigan niya dito at alam na rin nila ang dahilan ng pagsimangot ng magandang dalaga. Sanay na sila rito dahil araw-araw itong naghihimutok sa kanila tungkol sa partnership na hindi nito makuha.“I told you we can help,” natatawang bungad ng kaibigan na si Harper sa kanya.Isa itong mahusay na doctor, at isa rin ito sa mga pinaka-malakas mangasar sa kanila. Napabuntunghininga na lang ang dalaga at hindi na nagsalita pa, dahil talagang hindi niya malaman kung dinadamayan ba siya ng mga kaibigan o inaasar.“No, I can do this alone. Papayag din siya sa offer ko, not now but soon.” May kasiguruhan sa mga mata ni Payne ng sabihin niya iyon.Confident siya na papayag din sa lalong madaling panahon ang target niya, at isa pa ay may sari-sariling problema rin ang mga kaibigan niya at ayaw niya ng maabala pa ang mga ito.Alam ni Payne na ang partnership na ito
last updateLast Updated : 2022-10-12
Read more
Kabanata 2
“Baka naman kasi galit siya kasi tumanggi kang ituloy ‘yong usapang kasalan.” Payne just roll her eyes sa sinabi ng kaibigan niyang Marzia na isa namang chef.Naikwento niya na kasi sa mga ito ang nangyari kanina noong dalahin niya ng proposal sa damuhong lalaking iyon.“Oo nga naman, baka nasaktan ang ego. You know creatures like him always thinks that girls are always head over heels to them,” Hella added ang kaibigan niyang runaway princess, as in a real princess.“Pero alam mo girl? kung ako ikaw, hindi na ako tatanggi. Ang pogi kaya ng papa Vidal mo.” Nagtawanan ang mga kaibigan niya sa sinabi ng kaibigan niyang mahilig sa dagat na si Heleen.Napa-roll eyes na lamang muli si Payne sa mga kalokohan ng mga kaibigan niya. Bakit nga ba naman kasi umaasa pa siya na may makukuha siyang matinong sagot sa mga ito. Pero bakit nga kaya hindi ito ang nagpakasal sa damuhong iyon? Bakit nga kaya inayawan niya ang proposal? Tuloy ngayon ay nahihirapan siyang makuha ang partnership na gusto niy
last updateLast Updated : 2022-10-12
Read more
Kabanata 3
“Siya ba ang amo mo? Iyong abogado? Magkano ba ang sahod mo sa kanya? Maga-ambagan kami kapag hindi ka nakapasok bukas. Hayaan mo na siya, uminom tayo, ngayon lang may manlilibreng ibang tao sa atin eh,” mayamaya ay sabad ni Chasey sa usapan.Dahil doon ay agad na nanlaki ang mga mata nila sa inasal ng dalaga pero lalo rin silang nagtawanan dahil sa sinabi ni Chasey. Hindi na rin mapigilan ni Payne na tumawa at mahiya sa asal nito, nakakagulat lang din kasi na madaldal ito. At kahit pa nga ang aktor na katabi ni Chasey ay tawa ng tawa sa mga hirit niya.“Joke lang ‘yon Sienna, baka umasa ka. Ililibre naman siguro kami nitong kaibigan ni Sacha kahit wala ka. Matulog ka na kasi Sienna para makainom na kami,” mayamaya ay bawi ni Chasey na tinawanan muli nila.At pakiramdam ni Payne kahit ang mga nasa kabilang table ay tumatawa rin sa makulit nilang kaibigan.“Hoy Chasey? Napakadaya mo ah! Ipagtanggol mo naman ako! Walang iinom sa pamilya na ‘to hanggat hindi niyo napapapayag ang amo ko,”
last updateLast Updated : 2022-10-12
Read more
Kabanata 4
“You still drink after we leave?” Payne asks and Thunder nod at her. Tahimik ang mga ito kagabi at tumigil na maginuman habang ang ingay-ingay ng grupo nila at panay ang inom. Siguro ay hindi sila sanay sa presensya ng ibang grupo, pero walang pakialam ang mga kaibigan ni Payne doon. “Do you usually drink there?” Thunder also ask habang naghihintay sila ng pagkain. “Yeah, actually every Sunday. That’s our quality time, kasi you know busy kaming lahat palagi,” Payne casually answered at muli siyang nginitian ni Thunder ng sabihin niya iyon. “Kaya pala hindi tayo nagkakasabay, were usually there every Saturday. Matagal na rin kami roon,” agad ding sabi ng binata. Napangiti rin naman si Payne sa sinabi nito, and its unusual that this man talks to her this way. Hindi niya rin akalain na makakausap niya ito ng ganito. “Before we’re always there every weekend, kaya lang madalas kaming mapa-away sa dance hall, kaya we have decided to stay on the VVIP rooms na lang,” muling sabi ni Payne
last updateLast Updated : 2022-11-01
Read more
Kabanata 5
“Thunder my friend! Taya ka na naman yata?” agad na bungad ng kaibigang si Hunter kay Thunder ng magyaya ulit siya sa mga ito sa dating lugar.Matapos nito ay sunod-sunod naman na pumasok ang iba pa nilang mga kaibigan habang kanina pa siya umiinom. Hindi na rin naman niya pinansin ang sinabi ni Hunter dahil wala naman siyang ibang gusto sa ngayon kung hindi ang malasing.Thunder still cant forget, at alam niyang hindi niya na dapat ginagawa ang mga bagay na iyon para sa babae pero matigas ang puso niya. Katulad ng puso niya ay matigas din ang ulo niya, gustong-gusto niya pa ring makita ang babaeng iyon kahit na alam niya na ayaw na nitong makita siya.She voided the contract, ibig sabihin lamang noon ay ayaw nitong makasal sa kanya, and Thunder knew it from the very start. Habang si Thunder ay handang-handa ng lumagay sa tahimik basta si Payne ang mapapangasawa nito, at wala siyang ibang nakikitang babae sa buhay niya kung hindi si Payne lamang. Pero hindi inasahan ni Thunder na sa g
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more
Kabanata 6
“Alam natin na hindi sila basta na lang makukulong. Kaya kaylangan pa rin nating mag-ingat,” agad na babala ni Payne sa mga kaibigan na agad din nilang ikinatingin sa kanya.Alam ni Payne na kahit hindi niya sabihin, alam na rin naman ng mga kaibigan niya kung anong klaseng tao ang mga ito. Alam nilang lahat na matagal ng pagala-gala ang mga ito, at matagal na silang kilabot pero hindi naman sila nakukulong at nakakalaya pa rin sila ng paulit-ulit. Malakas ang kapit ng mga iyon, at hindi sila mapipigil maliban na lamang kung patay na sila.“We can't move either, not until we got commands,” dugtong ni Sienna.Dahil doon ay napabuga ng malakas na hangin si Payne, habang nananatiling tahimik ang iba nilang kasama. Tama si Sienna, kaylangan muna nila ng permiso mula sa mga nakatataas bago sila kumilos. Kaylangan nilang gawin ‘yon, dahil parte pa rin sila ng organization. At nasisiguro ni Payne na sa mga oras na ito, kapag nakuha na nila ang mga iyon ay hinding-hindi na sila makakatakas pa
last updateLast Updated : 2022-11-03
Read more
Kabanata 7
“You know what? Hanggang ngayon talaga nagtatampo ako na hindi niyo naman kami niyaya agad na uminom,” mayamaya ay reklamo ni Sacha kay Payne na tinawanan din kaagad ng dalaga.Ito na naman sila, parang simple lang talaga ang pangyayaring iyon. At saka matagal ng nangyari iyon pero ngayon niya lang nalaman na may tampo pala ang kaibigan.“Same,” sabay-sabay ring sagot noong iba na tinawanan lang naman nila ni Chasey.“Hindi namin kayo nasabihan agad kasi occupied nga ang VVIP room noong araw na iyon hindi ba?” Payne explain to them again.Sa toto lang ay balak na nga nilang lumipat kahit sa VIP Room lang noong araw na ‘yon, bago dumating ang mga kaibigan nila. Ngunit bigla namang ganoon ang nangyari.“Alam niyo kalimutan na lang muna natin ‘yan okay?” Harper then said to them at nagtawanan lang naman sila dahil doon.Hindi tuloy malaman ni Payne kung nangaasar pa rin ang kaibigang si Harper o talagang concern siya sa dalaga.“Saan kaya dito ang bahay ng boss ko?” mayamaya ay sabi ni S
last updateLast Updated : 2022-11-04
Read more
Kabanata 8
Pakiramdam ni Thunder ay pagod na pagod na siya, kahit hindi pa naman nangangalahati ang araw na ito. Kanina pa rin panay ang buntunghininga niya na kanina pa rin napapansin ng sekretarya niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya maiwasang mainis kapag naaalala niya na iniiwasan siya ni Payne. Hindi na ito katulad noon, mula ng malaman nito ang totoo ay hindi na siya nito hinahabol. Hindi katulad noong wala pa itong alam at hindi pa sila nagkikita, kahit na alam niya na hinahabol lang naman siya ng dalaga para sa kontrata. Masayang-masaya na siya noon kapag nakakatanggap siya ng proposals sa dalaga, kahit hindi niya iyon sinasagot. Kahit na siya ang umiiwas noon ay masaya na siyang malaman na nakuha niya ang atensyon ng dalaga. Pero ngayon ay hindi na ganoon ang sitwasyon, bukod pa doon ay naiinis din siya sa ginawang paglabas ng dalaga sa hospital ng walang pasabi. Sabagay, hindi niya na inaasahan na magpapaalam ang dalaga pero nakakainis pa rin iyon para kay Payne. At kanina ay tin
last updateLast Updated : 2022-11-05
Read more
Kabanata 9
Kanina pa hindi makausap ng mga kaibigan si Thunder, he was abducted, he was in the middle of hell earlier pero si Payne pa rin ang nasa utak niya. She was nowhere to be seen, and he feels fvck. Pakiramdam niya ay napakahina niya dahil napatulog lang siya ni Payne ng ganoon kadali. Hindi niya na nalaman kung anong sunod na nangyari matapos siyang iligtas ng dalaga.Basta ang alam lang niya, pagkagising niya ya nasa bahay niya na siya kasama ang mga kaibiga. Pero hindi sila ang gusto niyang makita, kahit na ganoon ang nangyari gusto niya pa ring na makita ang dalaga. Gusto niyang malaman nito ang saloobin niya, gusto niyang malaman nito sa kanya lang siya sasaya at hindi kung kanino pa man.Gusto niyang malaman ng dalaga na nagpapasalamat siya sa pagligtas nito sa kanya, at hihingi rin siya ng tawad dahil naging mahina siya. Naloko siya ng mga ito, mabilis siyang nahulog sa patibong ng mga hayop na iyon. Dahil doon ay kinailangan pa siyang iligtas ng dalaga at ng mga kaibigan niya.Hin
last updateLast Updated : 2022-11-06
Read more
Kabanata 10
Payne enjoyed their trip to the extent that the one-month vacation turns into 3 months; after that trip, she felt healed and refined. She misses those moments with those girls so bad at ngayon na lamang nangyari ang ganoong bonding sa pagitan nila.You know, as you turn adult you’ll realize you’ll be busy making a living that you forgot to enjoy. So as for Payne, she doesn’t want that to happen. She needed to keep in touch with her girls like how Chasey did it to be with them kahit na busy rin ito.“Ma’am? So blooming!” bati ng sekretarya niya sa kanya ng pumasok na siya sa trabaho na ikinatawa naman kaagad niya.Malamang ay marami nang trabahong naghihintay sa kanya sa ngayon. Maraming nangyari sa nakalipas na tatlong buwan at alam ‘yon ni Payne. Lalo na sa trabaho, madalas din naman kasi ang pagpapa-update niya sa sekretarya niya ng mga bagay bagay kahit na naka-bakasyon sila kaya alam niyang maraming nangyari.Sa dami nga ng nangyari, Payne felt like three months was a year. And th
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status