"Ma, naman." I bit my lower lip. Humigpit ang hawak ko sa cellphone na nasa kamay. "Isang term na lang, makakatapos na ako. Hindi ba p'wedeng pagkatapos na lang nito?"
It's a Sunday morning. A day to rest that was supposed to be free from any stress and responsibilities. Akala ko ay makakapagpahinga na ako dahil walang klase ngayon at ito lang ang natatanging araw na wala akong kailangang habulin na kahit anong deadline para sa paparating na linggo, ngunit nagkamali ako.
A loud ringing of my cellphone was the first to wake me up this morning. Nauna pa sa alarm clock ko. When I checked the phone, my mother's caller ID greeted my eyes. Simula nang sagutin ko ang tawag ay wala itong ibang sinabi bukod sa umuwi na ako sa San Vicente dahil kailangan daw ng kapatid ko nang mag-aalaga. She's not asking me for a favor, but a command.
Since I left San Vicente for college, there was no time that she called to check on me, nor ask about my academics. Tuwing tatawag siya ay dalawa lang ang tanging dahilan. Kung hindi para magreklamo, ay para naman humingi ng pera. I never complained about it because I want to help them, but sometimes it's just getting out of hand. Nagpapakahirap ako para makapagpatuloy sa pag-aaral at para may maipadala sakanila, pero kahit isang beses ay wala sakanilang sumubok na kamustahin ako.
"Magpapadala ako sa inyo ng pera, ma." I surrendered. "Pero hindi ko maiipangako na malaki iyon. May mga babayaran pa kasi ako sa school, ma. Malapit na po ang g-graduation namin. Kasabay pa po noon, ang dami ng mga----"
"Isla, naman! Paanong hindi ka makakapagpadala nang malaki? Paano ang pambili ko ng mga gamot ko? Paano ang pambaon ng mga kapatid mo?" Sunod-sunod niyang sambit at himig sa tono ng pananalita niya ang inis sa akin. "Wala na ring gatas ang kapatid mong bunso. Alam mong may sanggol tayo. Gaano kaliit ang ipapadala mo? Dalawang libo? Tatlong libo? Isipin mo naman kung magkakasiya 'yan sa pamilya mo na naghihintay at sa'yo na lang umaasa."
"Ma, susubukan ko po na makapagpadala nang sapat sa kailangan n'yo." I tried to compose myself. "Hindi pa rin po kasi ako nakakabalik sa shooting center. Sobrang naging busy po kami dahil last term na po namin sa school, graduating po kami kaya---,"
"Hindi ka nakakapasok sa trabaho mo?" She hysterically asked. "Sinabi ko na sa'yo noon pa na masiyadong mahal 'yang kinuha mong kolehiyo! Arkitekto pa ang pinili mo, wala nga tayong pera para diyan. Imbis na naiipadala mo sa amin ang mga pera mo, halos lahat ay diyan lang napupunta sa kolehiyo mo!"
Mariin akong napapikit, hindi na alam kung paano pakakalmahin ang sarili. My heart is shattering from all the words coming from her. Architecture is surely expensive. It is a thorn for ambitious people like me. Yet, I am not after the program itself, but the education.
The purpose of education is to turn mirrors that show a reflection of one's current self, into windows that serve as the door that let people find and recreate themselves.
Architecture is my dream.
In the ocean of different colleges, I can't afford anything without sacrificing my freedom, happiness, and peace. The least thing I could do for myself is pursue the dream that I truly desire because I owe myself to have and become everything I'm working on. Lahat ay pinaghihirapan ko. Hindi madali, pero kahit kailan ay hindi ako namalimos ng tulong o awa mula sa kahit na sino.
"Ma, hanggang ngayon ba isusumbat mo sa'kin ang kolehiyong pinangarap ko? Itong pinili ko?" Lumandas ang luha mula sa mga mata ko, pero tiniis ko ang pananakit ng lalamunan ko para lang hindi ako makapagbitaw ng paghikbi. "Ma, tinutulungan ko kayo sa abot nang makakaya ko. Kapag hindi ako nangangailangan, ipinapadala ko sa inyo lahat-lahat nang mayroon ako. Ito lang ang hinihingi ko sa inyo, ma. Suportahan niyo lang ako sa pangarap ko. Hindi niyo ba nakikita? Nakaabot naman ako sa ikaapat na baitang. Nagsusumikap ako, ma."
Sandali siyang natahimik at iyon ang nagbigay sa'kin ng pag-asa sa pagbabakasali na sinusubukan niya akong maintindihan kahit ngayon lang. Ngunit ang pag-asang kakabuhay lang ay kaagad ding napawi.
"Alam mo, napakaarte mo. Tumawag ako sa'yo para humingi ng tulong para sa mga kapatid mo at para sa gamot ko. Hindi ako tumawag para makarinig nang pangongonsensiya mo!" Mariin niyang sambit. "Kung ayaw mong magbigay, hindi ka namin pinipilit. Pero 'wag kang babalik dito dahil walang tatanggap sa'yo."
I held my breath when my chest felt heavier, and something was squeezing my heart. Her words weren’t laced with love but lined with guilt and threats. Mabilis na nag-unahan pababa ang mga luha ko habang ang palad ko ay nagsilbing suporta sa ulo ko nang maramdaman ko itong gumaan, ngunit parang umiikot ang paligid ko. There was silence between us. Hinintay kong maging maayos ang pakiramdam ko bago ako muling nagsalita.
"M-Magpapadala po ako bukas nang gabi, ma." Tanging nasambit ko.
Kaagad na namatay ang tawag at doon nagpatuloy ang mga luha ko sa pagbagsak habang ang mga tunog na likha ng bawat paghikbing kanina ko pang pinipigilan ay nangibabaw sa buong silid.
Kahit nanghihina ang mga tuhod ay tumayo ako mula sa kama upang kuhanin ang alkansyang itinabi ko sa damitan. Sa bawat paghakbang ko ay ang pagbigat ng mga paa ko, ngunit wala akong maramdaman. My body feels heavier, but weak.
Mariin akong pumikit pagkatapat sa damitan. Kahit hinang-hina ako para igalaw ang mabigat na katawan ay nagawa kong buksan ang aparador. Sa pinakasulok ay inabot ko ang alkansya na pinag-ipunan ko mula ika-unang baitang sa kolehiyo.
This was for review center. Mapait akong napangiti at pikit-matang binuksan ito upang makuha ang laman.
I could feel a pang in my chest, sharp and hollow, as if something inside me collapsed in quiet surrender.
All my life, I’ve wondered what it felt like to be part of a family, to be wanted, and not used. To be loved, not obligated. At this point, I am slowly trying to accept that maybe I was never a daughter in her eyes, but either an obligation or the retirement plan. A lifeline they would not hesitate to cut when found useless. Yet, even with my heart shattering, I found myself nodding and agreeing again, putting myself last to prioritize them like a never-ending cycle.
Another week came fast. Kahit pa magdamag akong walang ginawa kahapon ay puyat pa rin ang mga mata ko. Mariin akong tumitig sa sariling repleksiyon mula sa salamin. An architecture uniform hugs my bodyframe perfectly. I was reminded for a moment that I belong in this field.
"Nakakainis talaga si Monster!" Sambit ni Hailey nang makalabas ito mula sa isang cubicle. Mariin ang boses niyang nakaagaw sa atensyon ko. "Kailangan ko na namang umulit sa layouts."
"We just submitted a portfolio last week. Ngayon naman, book of floor plans ang gusto niya." Paismid na tugon ni Naiah. "Tapos ka na ba sa project, Celeste?" Baling nito sa'kin.
"Nagsubmit ako sakaniya no'ng Sabado. Inapprove niya naman, siguro dahil alam niyang busy ang MALAYA." I shrugged. "Gusto niyo ba makita 'yong sa'kin?"
"Hala ka!" Nanlaki ang mga mata ni Naiah. "Babae tayo pareho, ba't ko naman titignan ang sa'yo? Mayroon din ako niyan, ha."
Mabilis na lumipad ang kamay ni Hailey sa ulo ng kaibigan na mabilis dumaing. I was waiting for their response when Hailey shook her head and smiled.
"As much as I want, I'd rather do mine on my own." She answered. "Nawawalan kasi ako ng originality kapag may nagiging reference ako."
As a matter of fact, I understand her point and I could relate to that. Having a reference helps a lot in terms of providing ideas. But for others, it is difficult to be raw creative. It means preferring internal inspiration over external influence because of the fear that seeing someone else's work might distort one's own ideas.
"Ako na lang," Naiah raised her hand. "Gagawin ko'ng reference ang output mo."
"By the way, tagapag-mana pala 'yong isang medical student na speaker last seminar." Balita ni Hailey na nagpatigil sa'kin. "I just saw him last Sunday. He was with the Altamirano clan."
Sandaling kumunot ang noo ko at bago pa 'man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Naiah.
"Altamirano?" She asked as if the surname rang a bell. "Oh my gosh! Are you talking about Cairo Zeidan Altamirano? 'Yung medical student na mukhang masungit pero sobrang lakas ng dating?"
The classes resumed around ten o'clock. It was more on discussion and recitation since the subject was Professional Practice 2. Hindi mawala buong oras sa isip ko ang balita ni Hailey kanina sa restroom at hanggang natapos ang klase ay paulit-ulit iyong nanumbalik sa isipan ko. After the class ended, I gathered the MALAYA and E-CORE to discuss the structural concept of the wellness center with them. Ismael was in the middle of presentation to the members when the door of the drawing studio creaked open.
Mabilis na bumagsak ang panga ko nang mapagtanto kung sino ang pumasok. Zeidan is in his medical uniform and his ID lace in AUM. Nakataas ang buhok nito habang suot muli ang salamin niya na ilang beses ko pa lang nakikitang ginagamit niya.
Kaagad na gumala ang mga mata niya sa buong silid na parang may hinahanap. The members greeted him before he pulled a chair beside me. My lips parted with my heart racing. Mabilis na bumalik sa ala-ala ko ang nangyari noong nakaraan.
"I want you in my bed."
Sandali akong natigilan sa sinabi niya, ngunit nang makabawi ay akmang itataas ko na sana ang kamay ko upang paliparin ito sa kaniyang mukha nang matigilan ako sa sinabi niya.
"I need a patient." He followed. "It is for my requirement in Health Care 101."
Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Did you not take a pre-med?" I scoffed. "Isa pa, sana sinabi mo nang maayos. You want me in your bed? Hindi ako pang-kama, Señor." I sarcastically continued.
"What?" He laughed. "I really want you in my bed, Señorita."
Magsasalita na sana ako nang maunahan niya na naman ako.
"Patient's bed." He smirked.
"Alam mo? Kung nandito ka para mang-asar, 'wag kang umasang tutulungan kita." I glared at him. "What would I get in return, anyways?"
"We could negotiate about that."
Halos magpalamon ako sa lupa nang maalala ang nangyari. Mariin akong pumikit at hinintay na matapos ang meeting. Fortunately, the floor is on E-CORE. Engineering department ang nangunguna sa presentation ngayong araw dahil structural concepts and construction necessities na ang pinaguusapan. The luck was on my side today. Hindi ko kailangan makipagusap at mas lalong hindi ko rin naman kakayanin kung sakali.
Ramdam ko ang mga mata ni Zeidan na nakatitig sa'kin hanggang ngayon. Hindi ako tumitingin dito pabalik dahil wala akong lakas upang gawin iyon. When the meeting ended, I was thanking the heavens for listening and granting my wish.
Mabilis na umalis sa silid ang mga kasamahan ko dahil hinahabol nila ang oras. We only have half an hour more to take our lunch before another class begins. Akmang lalabas na sana ako sa studio nang marinig ko ang boses ni Zeidan.
"Have you taken your lunch?" He asked.
"Maglulunch pa lang. Bakit?" Balik-tanong ko rito. "Pero hindi ako kakain kung sasabay ka."
"Wala naman akong sinabi, Señorita." He smirked. "Pero kung gusto mo akong kasabay, hindi ako tatanggi."
Mariin akong pumikit. In the search of annoyance and frustration, I found none, but the unfamiliar echoes of my heartbeat.
"Nakakainis ka." I hissed. "Talking to you is the least thing I want, Zeidan."
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang bahagya nitong pagkatigil, ngunit mabilis din siyang nakabawi at mariin akong tinitigan.
"Let's take lunch together."
Nauna siyang maglakad ngunit hindi ako sumunod. Nakatitig lang ako sakaniya hanggang sa bumalik ito sa kinatatayuan ko. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang hilahin nito bigla ang pala-pulsuhan ko habang matalim na nakatitig sa'kin.
"When will you stop being so stubborn?" He hissed. "Malapit nang maubos ang oras, hindi ka naman siguro kakain ng hangin."
"Kiara, wait." I stopped her from walking. Napakunot ang noo nito nang tumingin sa'kin kaya sumenyas ako rito na mayroon akong sasagutin na tawag. We're on our way to the korean food mart to grab our lunch for today. Kakatapos niya lang din magprepare para sa proposal niya mamaya sa meeting nila ng client niya. Tumalikod ito sandali sa'kin at nagcellphone kaya sinagot ko na ang tawag ni Naiah. She's been calling me since earlier, but I just noticed it now. "Hello!" Pagbati ko rito. "I'm sorry, ngayon ko lang napansin ang calls mo. May nangyari ba? Nasaan ka?" "Hey, it's okay. Nothing bad happened, but someone bad did." She uttered. I can imagine her frown right now given her tone. "Anong sinabi mo kay Ismael? Aba! Nag-aasikaso ako kanina sa cafeteria tapos bigla siyang sumulpot dito. Walang ibang bukang bibig bukod sa pangalan mo, naiinis daw siya sa'yo." Napaawang ang mga labi ko sa sinabi nito sa'kin. Ismael left the firm this morning to go to Naiah's resort. Akala ko naman ay
A massive building was standing in front of me with the lights of sun reflecting on its black glass window. In the middle of it was a silver clock ticking, flashing the reflections of sunlight in different directions. "Congrats, Celeste! Ang layo na natin." Kiara giggled. Napangiti rin ako habang pinagmamasdan iyong nasa harapan namin. If I were to go back to the past, I would just say that everything was a cycle. I'll go to work everyday, sing alphabets to Amaris at night, bond with them during Sundays, and take photoshoots when I am vacant from the firm. But then, Ismael assigned me a big project. It was the renovation of the Mirano firm. Sa loob ng limang buwan naming pagtatrabaho para mas mapaganda, mapatibay, at maayos ang firm ay nagbunga lahat. "I can't wait to see your promotion." Kiara uttered in a singing tone. "Oh, my! I'm really so proud of you. Partida ha, sumisingit pa sa schedule mo niyan ang photoshoot mo." "Ako ba talaga ang nagdesign nito?" I chuckled. Hindi ako
It was eight in the morning when I left the unit. Hailey was already preparing herself and Amaris because they will be going to work. Mediyo nahirapan akong iwanan ang anak ko dahil ayaw nitong pumayag na hindi dadalhin si Doctor McStuffins na gumagalaw sa opisina ni Hailey. As much as I wanted to let her, I couldn't. Hindi ko kasi alam na nagsasalita 'yong manika. Akala ko ay gumagalaw lang. If she brings it to the office, the toy might cause a distraction to Hailey during work hours. I was wearing a pair of black trousers with golden buttons and satin navy blue long-sleeved dress shirt. My newly made hair was falling until my waistline. Mas lalo akong pumuputi dahil sa suot ko at sa buhok ko ngayon. "Celeste, another project---," Ismael couldn't finish talking when his eyes landed on me. "Woah, Architect. Angas ng color palette natin ngayon, ah. Parang blueberry lang na nasa cheesecake." Napakatigas talaga ng bungo nitong isang 'to. I don't know if he wanted to compliment me or t
"Oh, fuck." I hissed and hit my steering wheel out of frustration. Naiyakap ko na lang dito ang braso ko at ibinaba ang noo doon. Sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayon pa ulit kami nagkita? Hindi. Mali. Bakit kailangan pa namin ulit magkita? Those night ocean blue eyes of him were burning when he met mine. Was he mad at me? Kung galit 'man siya sa'kin, hindi na dapat ako apektado do'n dahil may kasalanan din naman ako. I lied to him in the past because I was also confused and hurting. He saw me and seemed to not be shocked by my presence. Alam niya siguro na hindi ako umalis ng Vigan. P'wede rin namang dahil wala na siyang pakialam. Still, seeing him today gave me the peace of mind I've been longing for a while now. At least, alam ko na ngayon na nasa maayos siya. I went out of my car and heaved a sigh. Dinala ko lahat ng pagkain na binili ko at dumiretso sa unit. I found Hailey in the living room with Amaris. They were playing with a diamond painting. "Look behind you, Celestin
During the months I was working in an architecture firm, Kiara has been my buddy in projects, lunch, and even meetings. Magaan sa loob siyang kasama kaya hindi ako nahihirapan makipagsabayan sakaniya. "I've heard that Lienne Altamirano will be our client." Paghahatid ng balita ni Kiara habang kumakain kami. "Pinsan 'yon ng pinakamagaling na doctor sa bansa. Malaki ang benefits no'n sa kompanya kung magiging kliyente nga natin siya." My heart stopped beating for a moment upon hearing that. Altamirano. Ibig sabihin ba no'n magkakaro'n na naman ako ng koneksyon sa pamilya nila? Hindi ako papayag kung sakali. I cannot let them reconnect with me just to make my daughter feel all the aches they've brought me through. "Gusto mo bang kuhanin ang project? Ire-recommend kita." She winked at me while chewing on her food. Malaki nga ang proyekto, pero mas malaki naman ang sama ng loob ko sa pamilyang 'yon. Hinding-hindi ko kukuhanin ang kahit na anong proyekto na mayroong koneksyon sa mga kli
I was carrying the files towards the office. Nasa kabilang kamay ko ang laptop habang ngumingiti sa mga architects na nakakasalubong ko. I entered the office and found Ismael sitting on the swivel chair by the end of a long table. Mayroon itong kausap na dalawang lalaki na napalingon nang pumasok ako. "This is Architect Valmonte." Ismael introduced me upon seeing me. "Architect, these are Mr. Santiago and Mr. De Guzman, our clients." I went straight to my seat and greeted them for formalities. Nakipag-kamayan ako sa mga ito bago ako umupo. Ismael handed a folder to each of them and I navigated my laptop to the file of this project. "Upon reviewing the existing building documents of your coffee shop, I have prepared the renovation proposal." I uttered before showing my screen to them. "Very well, then. I would like to see your idea, Architect Valmonte." Mr. Santiago responded while intertwining his fingers on the table. "First, I would like to discuss the site conditions and the e