Share

Chapter 4: She's in Coma

3RD POV

NAPATINGIN SI THUNDER kay Grazie nang marinig na naman ang hikbi nito habang hawak ang kamay ni Ayeisha. Wala pa ring malay ang anak nilang si Ayeisha hanggang ngayon, na kung bibilangin ay mahigit isang taon na itong comatose dito sa dating bahay nila sa Bicol dinala.

Ang huli niyang balik sa silid na ito, ay noong si Laura pa na walang malay rin at walang maalala ang nakahiga. Ang ikinakatakot niya ngayon, baka gano’n din ang anak nila base sa mga resulta ng mga test ng doktor nito. 

Napapikit siya nang maalala ang nangyari.

Araw ng kasal noon ni King nang makatanggap sila ng tawag sa kakambal nitong si Benrick na naaksidente ito. Binalak pala nitong magpakalayo-layo. At alam niyang dahil iyon sa pagkabigo nito kay King na ang akala niya ay balewala na dito. Hindi na kasi nila napag-usapan ng anak iyon. May iniwan pa itong sulat sa kanila na magpapakalayo muna at babalik kapag naka-move-on na ito pero nauwi lang sa aksidente.

At hindi lang ‘yon, naaksidente itong may sugat sa mukha, at napag-alaman nilang dahil iyon sa asido. Mukhang binuhusan nito ang sarili bago umalis ng bahay nila. Kaya naman sobrang sakit para sa kanila na magulang nito. Isinawalang bahala nila ang anak na nalulungkot na pala nang mga panahong iyon. Dapat hindi nila iniwan ang anak baka sakaling napigilan pa nila ang nais nitong gawin.

Kaya nga wala silang ginawa kung hindi ang bantayan ito, lalo na ng asawa niya.

“Kailan kaya siya magigising, Thart?” ani ni Grazie sa asawa nang lumingon ito kay Thunder.

Hilam na naman ang luha ni Grazie nang mga oras na iyon. Araw-araw na lang ganito ito sa tuwing papasok sa silid ni Ayeisha.

“May awa ang Diyos, sweetheart. Magigising din siya. Narinig mo naman ang sinabi ng doktor niya kahapon, ano mang oras ay magigising siya.”

“Sana nga, Thunder. Gusto kong bumawi sa kan’ya. Hindi ko napansin na nasasaktan na pala siya. Wala akong kwentang ina kung gano’n. Wala ka rin naman kasing sinasabi sa akin. Alam mo namang abala ako sa mga bunso natin nang mga panahong ‘yon.”

“I’m sorry. Ayaw lang niyang mag-worry ka sa kan’ya, kaya sa akin siya naglalabas ng sama ng loob.”

“Hindi ba siya nagtatanong kung bakit hindi pa nakakabalik ang anak natin hanggang ngayon?”

Umiling ang asawa nito. 

“Hindi pa. Masyadong abala sa anak niya kaya hindi pa bumibisita sa bahay.”

“Mabuti. Ayoko na ring magkita silang muli oras na magising ang anak natin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita siya. Hindi ko pa siya kayang harapin muli. Wala siyang kasalanan pero siya ang naging dahilan. Kaya tama lang na hindi natin pinaalam sa kanila. Saka na siguro. Hindi ko na hahayaang masaktan ulit si Ayeisha. Baka hindi na niya makaya ang sunod kapag naulit,” ani ni Grazie sabay singhot.

“Ang tanong, tama ba ang ginawa natin?” ani ni Thunder sa asawa sa seryosong himig.

Saglit na natigilan si Grazie. “Naging fair tayo, Thunder, kahit na masakit. Ayoko nang pag-usapan ‘yan dito sa harap ni Ayeisha. Please lang.”

Tumango si Thunder sa asawa. Nagpaalam din  muna ito sa kan’ya na may kukunin lang sa malaking bahay.

Akmang tatayo si Grazie nang may humawak sa kamay nito. Dahan-dahang sinundan nito ng tingin ang kamay na humawak sa kan’ya.

“A-anak.” anitong hindi makapaniwala sa nakita. 

Gising na ito at nakangiti sa kan’ya pero biglang nagbago ang nakarehistro sa mukha nito.

AYEISHA’S POV

“A-ang s-sakit, M-Mom,” ani ko sa dahan-dahang himig sabay turo ko sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang aking sarili bakit gano’n ang nararamdaman ko. 

Kita ko ang pagpikit ni Mommy nang mga mata matapos na marinig niya ang sinabi ko. Parang nahihirapan din ito.

Nang imulat ko ang aking mata kanina, 'yon agad ang naramdaman ko, maliban sa pisngi ko na parang ang kapal dahil parang may nakadikit.

Napahawak ako sa lalamunan ko nang nahirapan akong lumunok. 

"I want water, Mom," ani ko.

"S-sandali, anak," ani ni Mommy na biglang nataranta. 

Lumapit ang ina sa kahon na naroon. Kumuha siya ng isang bote ng minerall water at bumalik sa tabi ko. Inalalayan niya akong maupo.

"Baka bawal sa 'yo ang malamig, anak, kaya ito muna ang inumin mo." Tumango ako at ibinuka ko ang aking bibig nang ilapit niya ang bunganga ng bote na may lamang tubig.

Tumingin ako kay Mommy pagkatapos kong uminom.

"A-ano po bang nangyari? B-bakit ako narito?" ani ko.

Inilinga ko rin ang aking paningin. Pamilyar ako sa silid na ito. Kinapa ko rin ang pisngi ko mayamaya. "B-bakit po sobrang bigat nang dibdib ko? At bakit po ang gaspang din ng aking pisngi, Mommy?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya.

Imbes na sagutin ako ni Mommy, humagulhol lang siya sa aking harapan sabay usal ng 'I'm Sorry. 

"Ano po ba kasing nangyari?"

"H-hindi ko alam kung paano sasabihin anak." Nagbaba ng tingin si Mommy sa kamay niya at tumayo din kalaunan.

Napakunot ako ng noo nang lumapit siya sa drawer at at may kinuha doon. Inabot niya sa akin ang isang sulat– sulat ko pala. Nakita ko kasi ang pangalan ko sa harapan kasi. Galing iyon sa akin at para pala sa magulang iyon.

Dahan-dahan kong binuklat ang sulat na iyon.

"B-bago ka maaksidente, anak, iniwan mo 'yan sa amin," ani ni Mommy na hirap ang kalooban. 

Nag-angat ako ng tingin kay Mommy dahil humikbi na siya.

"I'm sorry, anak. Wala ako sa tabi mo nang mga oras na 'yon… Patawad, anak."

Hindi ko maalala ang dahilan kung bakit ako naglayas, pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Mommy. Masakit at mabigat din kasi nararamdaman ko ngayon, at hindi ko pa rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganito. Malapit ko ng isipin na may sakit ako sa puso.

Nagbaba ako ng tingin sa sulat na hawak ko para basahin iyon.

Hindi ko maiwasang mapatampal sa dibdib habang binabasa ang sulat ko na iniwan ko kila Mommy bago ako maaksidente. Nasa kalahatian pa lang ako, pero ramdam ko na ang pighati na nararamdaman ko noon habang sinusulat iyon. 

Hanggang sa matapos ay kapa ko ang aking dibdib dahil sa kirot at sakit.

Ang hindi ko maintindihan, bakit wala akong mabasa na pangalan na naging dahilan kung bakit ako umalis sa amin. 

Napahawak ako sa sintido ko nang pilit kong alalahanin pero sumakit lang ang aking ulo na ikinataranta na naman ni Mommy.

"S-sino ba ang tinutukoy ko dito sa sulat, Mom?" ani ko na ikinakunot niya ng noo.

"W-wala kang maalala, anak?"

Umiling ako. "H-hindi ko po maalala." 

Tinuto ni Mommy ang sarili. "Pero ako, ang Daddy, at mga kapatid mo, naaalala mo?" ani ni Mommy.

Tumango ako sa kan’ya.

"Oh, God!" bulalas ng ina ko. "Thunder!" biglang sigaw ni Mommy sabay labas ng silid na kinaroroonan ko. 

Doon lang ako nakatingin ng matagal. Pilit ko pa ring inaalala ang nawawalang alaala ko pero gano’n pa rin, sumakit lang ang ulo ko.

Kung labis akong nasaktan noon, parang tama lang na hindi ko siya maalala. Pero nandito pa rin ang kirot sa dibdib ko kaya napapikit ako.

Ilang sandali lang ay bumalik si Mommy kasama ang Daddy ko na sobrang saya ang nakarehistro sa mukha niya. Marahil dahil sa paggising ko.

Wala ang doktor ko na tumitingin sa akin kaya video call lang ang ginawa namin. Mamayang gabi pa raw ako mapupuntahan ayon sa kan'ya. Naikunsulta na rin ang aking nararamdaman maging ang pagkawala ng ilang alaala ko. At base sa aking mga sinabi sa doktor, selective amnesia ang nangyari sa akin. Ang tanging bagay na nagdulot sa akin ng masakit ang nakalimutan ko kasama ng taong iyon.

Maghapon akong nagpahinga sa silid na iyon bago pumayag ang doktor na ilipat ako.

"Sigurado ka bang 'wag na naming sabihin sa 'yo kung sino siya, anak?"  ani ni Daddy nang sumapit ang hapunan. 

Dinala na nila ako sa malaking bahay namin para doon na magpagaling. Minsan kasi may bisita sila Mommy kaya sa maliit na bahay nila ako pina-stay ng isang taon.

Inilihim pala ng magulang ko ang nangyari sa akin dahil na rin sa naiwan kong negosyo. Baka biglang mawala ang mga investor ko ayon kila Daddy. Buti na lang may mga disenyo akong naiwan sa aking draft at iyon ang paisa-isang ni-launch nila Daddy kasama ni Mommy.

Balik tayo sa sinabi ko kanina, isang taon pala akong  nakahiga sa silid na iyon. May mga medical tools na raw kasi, kaya doon na nila ako inilagay. Hindi naman daw ako iniwan ni Mommy habang nakaratay maging ni Daddy. Lagi ring bumibisita ang mga kapatid ko kapag walang pasok sa opisina at sa eskwelahan.

Binitawan ko ang kutsara ko at tumingin kay Daddy. Tanging soup lang ang nasa harapan ko nang mga sandaling iyon. Mahirap na raw baka mabigla ang aking sarili pagdating sa pagkain. Bukas pa raw pala makakabalik ang doktor ko. 

"Thart, nag-usap na tayo tungkol dito." Pabagsak na inilapag ni Mommy ang kutsara sa pinggan niya.

"Mom, Dad. Sigurado po ako. At nakapagdesisyon na rin po ako na muling magpakalayo."

"Ayeisha!" 

Magkasabay pa na sambit ng aking magulang.

Marahil hindi nila akalaing maiisip ko pa ang bagay na iyon. Sa totoo lang, maghapon ko siyang pinag-isipan. At ‘yon talaga ang sinasabi ng aking isipan, alam kong gano’n rin ang aking puso.

"Hindi ako makakapayag, anak. Sabi ko , ‘di ba, babawi ako sa 'yo. At hindi na ako aalis sa tabi mo."

Hinawakan ko ang kamay ni Mommy.

"Salamat, Mom. Pero ilang beses kong binasa ang sulat ko, at ito talaga ang nais ko, ang magpakalayo. Hanggang ngayon, ramdam ko ang sakit. Pakiramdam ko, pinipiga ang puso ko. Ang sakit-sakit po," ani ko habang humihikbi. "Please, payagan niyo po ako. Pangako, magiging safe ako this time." Kinapa ko pa ang pisngi kong may peklat na mula sa asidong binuhos ko pala noon.

Napahawak ang Daddy ko sa sintido niya. "Paano ang mukha mo? Paano natin mapapaayos 'yan kung aalis ka na naman?"

Ngumiti ako kay Daddy. "Gagamitin ko ito sa panibagong buhay ko, Dad. Bagong mukha at bagong katauhan."

"Paano kung i-bully ka ng mga tao dahil sa nangyari sa 'yo? Masakit 'yon, anak sa parte namin."

Umiling ako sa kan'ya. "Hindi naman lahat ng tao mapanghusga, Dad. Sa tingin ko naman, hindi gano'n kalupit ang mundo para sa mga kagaya ko. 'Wag po kayong mag-alala, kapag nakalimutan ko na ang sakit, ako mismo ang lalapit sa doktor para ipaayos ito. Sa ngayon, gagamitin ko ito sa panibagong buhay."

Nagpakawala nang marahas na buntong hininga ang aking ama bago tumayo. Sinundan siya ng aking ina. Alam kong hindi siya sa sang-ayon dahil nag-iisang babae lang ako na anak nila, tapos mawawala pa sa piling nila.

Ilang sandali pa ay narinig ko na silang nag-uusap. At pilit na pinapaliwanag ni Mommy, na makakabuti nga raw sa akin ang magpakalayo. Babalik din naman ako, kapag handa na akong harapin ang lahat– kahit ang lalaking kinalimutan ko.

Hindi ko kilala ang lalaking naging dahilan ng aking kabiguan, pero ramdam kong malapit lang siya sa amin, kaya gano'n na lang ang kagustuhan kong magpakalayo-layo.

AVA NAH

Daily update na po ito simula ngayon. Salamat po sa mga matiyagang nag-abang. Ava Nah / Boszbroken

| 4
Mga Comments (46)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
sna lng makalimutan mo na c king sa Buhay mo ayiesha...deserve mo mas higit sa knya,makokonsensya din yan pag nlman nya Ang nangyari sau at sisisihin nya Sarili nya,hayaan mo na sya tutal ayaw nya sau
goodnovel comment avatar
TONJOL. xpat
painful story. I can feel her pain. Thanks author talagang hinanap ko e2ng story na e2 pgkatapos ko basahin yung story ng parents nya cla Thunder at grazie
goodnovel comment avatar
rezaliza areja
nasaktan ako sa story na ito......simula pa lang haist
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status