Okay. 1 chapter left. Special Chapter na lang, ang secret ni Benrick at ang teaser. Bukas na po 'yan. Salamat!
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
AYEISHA'S POV…“NABABALIW KA NA ba, Ayeisha? Kapatid mo siya, ‘di ba?”Napaingos ako pagkarinig sa sinabi ng aking kaibigang si Bem.“Ilang beses ko bang uulitin sa ‘yo, Bem, na hindi ko nga kapatid si King! Nakakainis ka na!”Si Bem naman ang umingos sa akin. “Wow. King na lang, girl? Nasaan ang Kuya? Porket wala ang Daddy mo kinalimutan mo na ang lahat?”“Bem!” ani kong naiinis na parang bata sa aking kaibigan. Marahas pa akong nagpakawala ng buntonghininga mayamaya.Alam kong inaasar lang ako ni Bem pero hindi ko pa ring maiwasang mainis. Tutol din kasi siya na gustuhin ko ang Kuya King ko. We're brother and sister, but not blood related. Anak-anakan lang ng Daddy ko ang Kuya King ko, so may pag-asa pa kaming dalawa.Ayaw nila na gustuhin ko siya. Pero anong magagawa ko, gusto ko nga talaga ang dumuho kong Kuya na 'yon? Kaya bang utusan ang puso na iba ang mahalin? Kaya mo bang turuan? 'Di ba, hindi? Ngayon lang ako umibig tapos mabibigo pa? No way!"Ano? Nasaan na siya?" ani
AYEISHA'S POV…NAPASILIP AKO NANG marinig ko ang sipol ng guard namin. Pinapaalam ng guard na pumasok na ang sasakyan ni Kuya King. After three weeks, ngayong ko lang ulit siya makikita. Nami-miss ko siya. Alam kong hanggang ngayon, galit pa rin siya sa nagawa ko noong party ni Bembem. Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong iyon.Napabuga ako ng marahas na buntonghininga nang makita si Jena na lumabas sa sasakyan ni King. Feel na feel ni Jena talagang pumunta sa bahay namin, as if naman welcome siya. Malungkot na iginiya ko ang aking sarili pabalik sa higaan. Sayang lang ang ginawa kong pag-ayos sa sarili ko para kay Kuya, akala siya lang ang pupunta.Pasubsob na inihiga ko ang aking sarili sa higaan. Hindi ko maiwasang mapaluha ng mga sandaling iyon. Naging emosyonal ako pagdating kay Kuya. Nasasaktan ako kapag kasama niya ang nobya niya.Napapitlag ako nang makarinig ng katok na sunod-sunod. Hindi ko man lang inabalang pagbuksan iyon. Wala na ako sa mood. Bahala na sila sa bab
AYEISHA'S POV…HINDI MAALIS ANG tingin ko sa wedding invitation card na nasa mesa ng Daddy ko sa library. Gusto ko lang naman kunin ang librong hinihiram ko kay Mommy, tapos 'yon ang naabutan ko? Nanghihinang napaupo ako sa swivel chair ni Daddy. Ilang araw ko ng nililibang ang sarili ko dito sa bahay namin pero heto, pinapamukha na naman sa akin ng tadhana na wala na kaming pag-asa ni King. Sa susunod na araw na ang kasal, at gaganapin iyon sa tahanan nila Jena. Ang sakit-sakit sa dibdib. Kahit anong pilit ko sa sariling libangin, lagi ko lang siyang naalala. Sa puso ko, tutol ako sa kasalang iyon.Dapat mangibang bansa ako pero hindi ako pinayagan nila Daddy. Hindi kasi sila sanay na umaalis ako ng ganoon katagal. Wala kasi akong balak na dumalo sa kasal. Kahit anong pilit pa nila Daddy, ay buo na ang pasya ko, hindi ako dadalo sa kasalang iyon. Baka mamaya, sumigaw pa ako ng itigil ang kasal. Oh, God! Alam kong kaya kong gawin, pero alam kong masasaktan ang magulang ko, ayoko ring
3RD POV NAPATINGIN SI THUNDER kay Grazie nang marinig na naman ang hikbi nito habang hawak ang kamay ni Ayeisha. Wala pa ring malay ang anak nilang si Ayeisha hanggang ngayon, na kung bibilangin ay mahigit isang taon na itong comatose dito sa dating bahay nila sa Bicol dinala. Ang huli niyang balik sa silid na ito, ay noong si Laura pa na walang malay rin at walang maalala ang nakahiga. Ang ikinakatakot niya ngayon, baka gano’n din ang anak nila base sa mga resulta ng mga test ng doktor nito. Napapikit siya nang maalala ang nangyari. Araw ng kasal noon ni King nang makatanggap sila ng tawag sa kakambal nitong si Benrick na naaksidente ito. Binalak pala nitong magpakalayo-layo. At alam niyang dahil iyon sa pagkabigo nito kay King na ang akala niya ay balewala na dito. Hindi na kasi nila napag-usapan ng anak iyon. May iniwan pa itong sulat sa kanila na magpapakalayo muna at babalik kapag naka-move-on na ito pero nauwi lang sa aksidente. At hindi lang ‘yon, naaksidente itong may sug
-AYEISHA’S POV 6 YEARS LATER…. Napamulat ako nang mata nang marinig ang tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Mabilis na iginiya ko ang aking sarili para bumangon. Napangiwi ako nang marinig ang paglangitngit ng papag na kinahihigaan ko. Sinilip ko pa tuloy ang taas kung nagising ba ang nasa taas niyon. Double deck iyon na gawa sa kawayan. Ako at ang apo ni Aling Precing ang natutulog doon. Kaagad na iginiya ko ang aking sarili sa maliit na kusina at nag-toothbrush. Alas kuwatro pa lang ng umaga kaya may oras pa ako para mag-jogging. Pagkatapos no’n, magluluto na ako para sa almusal namin, at maghahanda para pumasok. Saglit na nag-warm up ako sa labas ng pintuan namin bago ako nagsimulang tumakbo palabas ng bakuran. Anim na taon ko na itong routine. Nakasanayan ko na. Malayo ang gym dito kaya ganito na ang gawa ko tuwing umaga. Tinatapat kong madilim pa talaga dahil wala akong takip sa mukha kapag ganitong oras. Pero may bitbit akong scarf na nakatali sa beywang ko, pero maluwa
“HOY! KANINA KA pa wala sa sarili,” ani ni Owen sa akin. Hawak nito ang isang plato na mula yata sa labas.Mapaklang ngumiti ako sa kan’ya. “Napapadalas kasi ang pagkirot ng dibdib ko nitong mga nakaraan. Hindi na mawala-wala sa isipan ko.”“Ganoo’n ba. Aba’y ipa-check up mo na ‘yan. Baka iba na ‘yan.” Hinugasan niya ang platong hawak saka inilagay sa tray.“Balak ko ngang magpaalam bukas. No’ng Sabado sana, kaso walang clinic yata kapag gano’ng araw, noh?”“Parang. Mas maganda na iyong weekdays. O siya, mauna na ako sa ‘yo. Walang bantay sa mga kapatid ko, e.”“Sige, Owen, alas otso pa ako, e. Wala kasing kasama si Banjo.” Dalawa na lang kami matitira ni Banjo sa kainan dahil nakipagpalit sa akin si Nilda, kailangan daw maagang umuwi. “O sige, ingat na lang.” Magkaiba kaming purok na inuuwian, pero iisang barangay lang kami ni Owen. Magkaiba rin kami minsan ng shift kaya hindi kami nagsasabay ng oras ng pagpasok at pag-uwi.Naglalakad na ako papasok ng barangay namin nang maramdama
-KINGNapangiti ako nang makita ang blueprint ng mall na itatayo dito sa bayan ng San Remigio. Almost half na ang natatapos. Talagang mabibilis ang construction company na nakuha ko. Isa pa, nakatutok ako. Kailangan, dahil isang taon lang kami dito.Matagal na itong nasimulan pero nabagalan kami sa unang nakuha naming contractor kaya nagpalit ako, at tinutukan ko para hindi na kumain ng maraming taon. Ang target namin dito ay mabuksan na sa susunod na taon. Ito ang pinakamalaking mall dito kung sakali. At nasisiguro kong malaki ang kikitain ng mall na ito.Napatingin ako sa telepono ko nang makita ang mensahe mula kay Asha. Pictures ni Kalei na naglalaro kasama ang pamangkin niyang si Halina.Ilang araw nang nagre-report sa akin si Asha. Kahit hindi ko sinabi na mag-send, ginagawa niya para malaman ko raw ang mga ginagawa ng anak ko. Natutuwa naman ako kasi hindi ko naisip ang mga bagay na ‘yan noon. Dati, sapat na sa akin na may nagbabantay sa kan’ya pag-alis ko. Nakakatuwa pala. La