Share

Chapter 5: It hurts

-AYEISHA’S POV

6 YEARS LATER….

Napamulat ako nang mata nang marinig ang tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Mabilis na iginiya ko ang aking sarili para bumangon.

Napangiwi ako nang marinig ang paglangitngit ng papag na kinahihigaan ko. Sinilip ko pa tuloy ang taas kung nagising ba ang nasa taas niyon.

Double deck iyon na gawa sa kawayan. Ako at ang apo ni Aling Precing ang natutulog doon.

Kaagad na iginiya ko ang aking sarili sa maliit na kusina at nag-toothbrush. Alas kuwatro pa lang ng umaga kaya may oras pa ako para mag-jogging. Pagkatapos no’n, magluluto na ako para sa almusal namin, at maghahanda para pumasok.

Saglit na nag-warm up ako sa labas ng pintuan namin bago ako nagsimulang tumakbo palabas ng bakuran. Anim na taon ko na itong routine. Nakasanayan ko na. Malayo ang gym dito kaya ganito na ang gawa ko tuwing umaga.

 Tinatapat kong madilim pa talaga dahil wala akong takip sa mukha kapag ganitong oras. Pero may bitbit akong scarf na nakatali sa beywang ko, pero maluwag lang dahil baka mahirapan akong tumakbo. Baka kasi pagbalik ko, maliwanag na. Though, sanay na sila sa pagmumukha ko kasi minsan, nakakalimutan kong takpan ang mukha ko kapag bumibili sa tindahan.

Napangiti ako nang makitang wala pang tao sa kalsada. 

Dalawang beses kong iniikot ang maliit na barangay namin, minsan tatlo pa kapag walang pasok ang alaga ko. Sementado naman kaya ayos lang maglibot.

Napatigil ako sa pagtakbo nang makarating sa dulong bahagi. Doon kasi nakatayo ang magarang bahay na pinagtatrabahuhan ni Aling Precing. Magdadalawang buwan na siya doon. At nitong nakaraan lang daw dumating ang talagang may-ari ng bahay. Isang businessman na mula sa Maynila na nakakuha sa bayan ng isang malawak na lupain. Sa pagkakatanda ko, parang dine-develope iyon para gawing mall. So talagang mayaman ang nandoon.

Bukas ang isang ilaw kaya na-curious ako at tumingin doon. Naupo ako sa gutter ng kalsada at uminom ng tubig. Saktong nauhaw na rin ako. 

Napatigil ako sa pag-inom nang makita ang batang lalaki na dumungaw sa bintana. Tumingin siya sa langit at ngumiti. Napatingin din tuloy ako. May mga bituin pa talaga kaya kaygandang tingnan. Pero mamaya lang ay mawawala ang mga ito kapag nagpang-agaw na ang dilim at ang liwanag.

Mayamaya lang ay lumabas ang batang lalaki at pumunta sa balcony ng silid niya. Sa tingin ko, kaedad lang siya ng apo ni Aling Precing. 

Napangiti ako nang makitang nag-warm up siya. Saka ko lang napansin na nakasuot siya ng jogging pants, white shirt at sapatos. Mukhang mag-jogging din pala. 

Ilang sandali lang ay may lumapit na lalaki sa kan’ya na nakasuot din ng kaparehas ng sa bata. Mukhang mag-jogging nga talaga ang mga ito nang gano’n kaaga. 

Napatakip ako ng mukha nang bigla akong ituro ng bata sa lalaki. Dahan-dahan akong tumayo at nagsimulang tumakbo. Wala nga pala akong scarf. Baka biglang matakot ang bata sa mukha ko kapag nakita niya ako. Gano’n ako sa mga bata, ilag kasi masyadong honest. Yeah, minsan, masakit magsalita gaya ng apo ni Aling Precing pero nakasanayan ko na siya. Sa ibang bata na lang hindi. Pero minsan, malambing naman ang batang ‘yon sa akin, talagang honest lang. Sasabihin pa, ‘ang pangit talaga ng mukha mo, Ate Asha.’  Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinasabi niya sa akin.

Ay, oo nga pala, nakalimutan kong banggitin, Asha ang ginagamit kong pangalan dito, hindi Ayeisha. Malapit lang sa totoo kong pangalan, ano? Middle name naman ng Mommy ko ang ginagamit ko, Alcaraz. Kaya Asha Alcaraz ang aking pangalan dito sa barangay na ito. Walang nakakalam ng totoo kong pangalan pati ang status ko, na isa akong mayaman. Yes, I was pretending here bilang isang mahirap, nanny sa apo ni Aling Precing at isang server naman sa isang kainan na malapit lang din sa amin.

Umisang ikot pa ako. Pero binibilisan ko kapag nadaan sa malaking bahay bago bumalik sa bahay namin.

"Ate Asha!" 

"Damn, gising na!" Nagmamadaling tinungo ko ang silid namin nag marinig ang boses niya.

"I-ihi ako," nahihiyang sabi niya sabay tingin sa higaan niyan.

Here we go again! Inihian na naman niya ang bagong laba ko na higaan at mattress niya!

"It's okay. Come here," ani ko sabay lapit sa kan'ya. 

Kaagad na nagpakarga siya sa akin pagkuwa'y ibinaba ko sa sahig.

Amoy ko na ang ihi niya sa balat ko dahil kumapit na nga sa katawan ko. Pero sanay na ako sa ganito. 

"Sabi ko kasi sa 'yo, 'wag masyadong maharot sa gabi kasi maiihi ka na naman."

"Hmp. Bakit, umaga na kaya, Ate. Sabi ni Lola dapat naman daw umiihi t'wing umaga."

"Sabi ko nga." Lagi na lang siyang may rason. "Deretso ka na lang sa CR at ihahatid ko na ang thermos. Papaliguan na kita deretso."

"Sige." Sabay talikod niya sa akin. 

Sa unang tingin pa lang kay Halina, parang walang modo. Pero gano'n lang talaga siya. Malambing din naman siya sa akin, minsan kapag may hihingiin. Napailing na lang ako.

Natanong ko nga kay Aling Precing kung bakit gano'n na lang ang batang 'yon. Sabi niya lang, baka naghahanap ng tunay na aruga mula sa magulang. Kulang sa atensyon ng kumbaga. 

Sa loob ng anim na taon ko na dito, tatlong beses lang yata nagkita si Halina at ang mga magulang niya. Ang ina niya ay nasa abroad, at ang ama naman niya ay may ibang pamilya. Kaya nga pinupunan na lang namin ni Aling Precing ang lahat. Lahat binibigay namin sa bata para hindi niya maisip ang kakulangan ng magulang niya.

"Ako na papaligo sa sarili ko," ani ni Halina nang maabutan ko sa banyo.

Hawak na niya ang tabo.

"Okay. 'Wag masyadong matagal dahil sobrang aga pa." Tumango siya sa akin. 

Binuhos ko ang lahat sa balde ang laman ng mainit na tubig, magpapakulo na lang ulit ako para may pangkape kami ni Aling Precing.

Alas siyete ang pasok ni Halina sa eskwela pero si Aling Precing, alas sais y medya. Ako naman alas onse hanggang alas siyete ng gabi. Dapat alas alas diyes ang pasok ko pero nakiusap ako dahil walang magsusundo kay Halina ng alas diyes. Pagkasundo ay hinahatid ko naman si Halina sa pinagtatrabahuhan ni Aling Precing. Ilang buwan na naming gawain ito. Pero noong hindi pa pumapasok si Halina, lagi siyang kasama ng Lola niya sa pinagtatrabahuhan nito, at ako naman, nagtatrabaho din. Nito lang nagbago dahil nag-aral na ang bata. Hindi daw kasi makakauwi ang ina niya dahil extended ang contract sa pinagtatrabahuhan nito.

Habang naliligo ang bata ay nagsalang ako ng mainit na tubig at nagsaing na rin sa kabilang kalan. Nga pala, kahoy lang ang gamit namin. Hindi uso dito ang gasul. Mga may kaya lang at mayayaman. 

Noon, nangangapa pa ako sa gawaing kusina namin, pero ngayon, maning-mani ko na. 

Nilagyan ko ng bao ng niyog ang sa mainit para mabilis na kumulo. Pinaliguan ko na rin ang bata at binihisan muna ng pambahay. Pagkatapis ay nagprito ako ng itlog at tuyo para sa almusal namin.

Sabay-sabay kaming kumakain sa umaga. ‘Yon naman ang kagandahan sa amin. Ayaw ni Aling Precing nang may nauuna, nagagalit ito. Kaya ang ginagawa ko, kapag tulog pa ang bata, kinikiliti at nilalambing ko para magising na agad.

Napangiti ako nang makapasok na si Halina sa room niya. Mabilis na iginiya ko ang sarili pabalik ng bahay para maglinis at mag-ayos ng gamit ko na dadalhin sa trabaho ko.

Nakakapagod ang gawain ko, pero nakasanayan ko na, at laging hinahanap ng katawan ko. Sa gabi naman ay nagdedesinyo ako ng mga damit na sine-send ko sa opisina. Kahit nasa malayo ako, hindi ko naman nakakalimutan ang responsibilidad ko sa kompanyang pag-aari ko. Nga lang, si Benrick at ang Mommy ko ang humahawak niyon. Sa akin lang nanggagaling ang mga designs ng mga damit na nila-launch nila. 

Hindi ko naman siya binitawan. Iba kasi ang pakiramdam ko nang minsang bisitahin ko ang opisina ko. Kakaiba rin ang pakiramdam ko habang nasa loob ng opisina. Kahit sa mismong pangalan ng aking negosyo. Basta ang sabi ni Mommy, hango iyon sa initials namin kaya naman finorward ko kay Benrick ang pamamalakad.

Bago mag-alas diyes ay bumalik ako sa eskuwelahan para sunduin si Halina at hinatid kay Aling Precing. May dala na rin akong pamalit ng bata kaya sa mansyon na pinapalitan ng matanda. Ayos lang naman daw sa amo na dalhin si Halina para may kalaro ang anak ng may-ari.

“Kapag nagutom ka, sabihin mo agad kay Lola, huh?” pasigaw na sabi ko sa bata nang papasukin na siya ng isang kasambahay.

Nasa kusina daw kasi si Aling Precing at may niluluto para sa amo niya.

Napailing ako nang sagutin lang niya ako ng thumbs up.

Akmang tatalikod na ako nang biglang sumulpot sa gilid ko ang isang bata. 

Pinagpantay ko ang sarili ko sa kan’ya. “H-hi,” bati ko nang tumingin siya sa akin.

Saglit siyang napatitig sa mukha ko kaya lalo kong tinakip sa kalahating pisngi ko ang scarf na nakasuot sa akin.

“Hello!” aniyto sabay talikod.

Tumakbo siya papalayo sa akin.

“Careful, Kalei!”

Napapitlag ako nang marinig ang baritonong na boses na iyon sa likuran ko. Gusto ko siyang lingunin pero nahiya ako bigla. 

Napahawak ako nang mahigpit sa scarf ko nang makarating siya sa harapan ko. Akala ko, babatiin niya ako gaya ng bata pero dinaanan lang niya ako. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil tuloy-tuloy na siyang naglakad papasok sa malaking bahay. 

“Girl, bilisan mo na! Male-late ka na!” 

Napangiti ako nang marinig ang pamilyar na boses. Boses iyon ni Vick o Vicky kung aming tawagin. Oo, isa siyang lalaki na nagkakagusto sa lalaki. Matanda siya sa akin ng tatlong taon.

“Pasok ka na ba?” ani ko.

“Yeah,” malanding sabi niya sa akin. “Tara?” yakag niya sa akin.

Lagi kaming nagsasabay pumasok kapag nagpapang-abot dito. Malapit kasi sa pinapasukan kong restaurant ang maliit na shopping center na pinapasukan niya. Naghihiwalay din naman agad kami ng landas dahil nauuna akong bumaba. Sa susunod na kanto pa kasi siya.

Mabilis na iginiya ko ang sarili sa loob ng restaurant pagkababa. Kaagad ako nagbihis ng uniporme at lumabas na para simulan ang trabaho. 

Pasado alas otso na ng gabi ako nakauwi nang araw na iyon. Bumili pa kasi ako ng uulamin namin kinabukasan. 

Kagaya ng nakagawian ko, naglakad lang ako papasok sa aming Barangay kahit na may habal-habal at trickle naman. 

Malapit na ako sa bahay namin nang makatanggap ng text mula kay Aling Precing. Napailing ako nang sabihin niyang nakatulog si Halina sa bahay ng boos niya. Hindi raw niya mabuhat kaya doon na ako dumeretso.

Sakto namang pagdating ko ay papalabas na si Aling Precing ng malaking bahay.

“Naku, nakakahiya. Sa silid pa ni senyorito Kalei nakatulog si Halina,” salubong sa akin ng matanda.

“Ano ho? Bakit naman doon nakatulog?”

“Ewan ko sa batang ‘yon. Iniwan ko lang siya na kausap si senyorito sa sala. Aba’y pagkatapos ko magluto, ayon, nasa kuwarto na, natutulog.”

Napakamot ako sa ulo. “P’wede po ba akong pumasok?”

“Oo naman. Naipagpaalam ko naman na kay sir. Saka nasa library siya, kaya ayos lang.”

“Buti naman po. Nakakahiya, e.”

Iginiya ako ni Aling Precing sa loob kapagkuwan. Sumunod lang ako sa kan’ya hanggang sa silid na sinasabi niya. 

Nahabag ako bigla nang makitang sakop ni Halina ang kama habang ang batang lalaki ay abala sa paglalaro ng telepono sa may gilid.

“Kanina pa po ba siya tulog?” tanong ko sa matanda.

“Kanina pa po,” sagot ng bata na ikinatingin ko.

“Gano’n ba. Pasensya na at naagawan ka yata ng pwesto ni Halina.”

“It’s okay po. Sabi niya po kasi maliit at hindi kasinglambot ng kama ko ang higaan niya. Kaya sabi ko p’wede siyang matulog dito,” 

“Aw,” biglang sabi ko. Ang bait naman niya.

Tumingin ako sa mukha ni Halina na payapa ang tulog. Mukhang nagustuhan niya nga ang kama.

“Okay lang ba kung umupo ako saglit? Bubuhatin ko kasi siya. So kailangan ko ng maupo muna,” paalam ko nang makalapit.

“Sige po.” Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako.

Dahan-dahan kong pinatihaya si Halina para madali siyang kargahin. Kukunin ko na sana ang bata nang biglang may nagsalita mula sa pintuan.

“Manang, are you sure kaya niya si Halina?” 

Napaangat ako ng mukha at tumingin sa pintuan.

Napahawak ako bigla sa aking dibdib nang makita ang mukha ng lalaking nasa pintuan. 

“Kaya na po ni Asha ang apo ko, sir,” si Aling Precing iyon. Pero hindi ko siya tiningnan dahil sa lalaking nakatayo sa pintuan napako ang tingin.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili nang maramdaman ang pagkirot ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay may kumakalikot doon kaya napatampal ako bigla nang ilang beses na ikinatingin niya sa akin.

Bahagyang natanggal ang scarf ko kaya sa may peklat ko nakatingin ang boss ni Aling Precing. 

“Anak, bilisan mo na at baka inaantok na si senyorito Kalei,” untag ni Aling Precing sa akin. 

Mabilis na inayos ko ang scarf at binuhat si Halina. Pinasandal ko ang ulo niya sa balikat ko nang makatayo ako. 

Hindi maalis ang sakit sa dibdib ko kaya mabilis ang mga hakbang ko papalayo sa kama. Pero tumigil din ako para magbigay galang sa boss ni Aling Precing nang mabilis pagkuwa’y lumabas na ng silid.

Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makalabas ng malaking bahay na iyon. Matagal ko ng hindi naramdaman ang sakit na iyon kaya napalingon ako sa malaking bahay.

AVA NAH

Sorry guys, almost same name ni Ara ang Asha hahahaha. Pero si Ayeisha ang nauna nito. Bigla ko lang nai-type yon dati kay Arah nang mag-update ako. HAHAHAH Pizzyooowww!!! 'Wag po kalimutan ang Gems mga Thinkerbells. Heheh Salamas! Boszbroken / Ava Nah

| 1
Comments (46)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
malamang c king yan,pero asha/ayiesha ,,,sna once na nakaalala ka na wag mo na pababain Ang Sarili mo ha,mahalin mo Muna Ang Sarili mo
goodnovel comment avatar
dolly Colance
malapit Ng maging matandang dalaga c Ayeisha author kc Diba Bago sya maaksedente 25yrs old na sya tapos 6yrs ago na syang nagtatago eh di 31yrs old na sya ngaun?
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Hala baka si kuya king nya un
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status