Share

Chapter 15

XV

MABILIS ang tahip ng dibdib ni Astrid pagkapasok ng pinto. Hindi niya inaakalang hanggang dito ay makikita niya si Davin at nakilala siya nito, pero nakilala siya nito bilang ang babaeng nakaniig nito at hindi bilang siya.

Napapikit siya ng mariin at napahawak sa kaniyang dibdib. Doble-dobleng kaba ang naramdaman niya kanina. Mabuti na lang at nakarating siya agad sa dressing room at hindi siya nito inabutan dahil kung hindi ay baka hindi na magawang mag-isip ng utak niya.

Nanghihinang naglakad siya papunta sa sofa at napasandal dito.

Napatingala siya at napapikit.

Hanggang kailan niya ba ito iiwasan? Bakit ba kailangan niya pa itong iwasan kung pwede naman siyang magpakilala bilang siya.

Pero paano? Paano siya magpapakilala rito? Tatanggapin kaya siya nito? O pandidirihan na siya dahil sa trabaho niya?

Nagpakawala siya ng isang mahabang buntung-hininga. Napahilot siya ng kaniyang sentido. Sumasakit ang ulo niya.

Hindi ito maganda. Dahil alam na nito kung saan siya matatagpuan. Ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status