XXXIIISANG linggo na mula ng makalabas si Astrid sa ospital. Sa isang linggong iyon ay hindi pa nagpakita sa kanya si Davin. Pagkatapos niyang lumabas sa ospital ay dumiretso sila sa bahay ni Davin. Ito raw ang nag-utos na doon sila tumuloy ni Debbie ngunit ni anino nito ay hindi niya pa nakikita.Sa unang araw niya sa bahay nito ay naging bisita niya sina Dulce at Emma.Katatapos lang nilang mag-agahan ng oras na iyon, nakaupo siya teresa ng silid niya habang si Debbie ay nasa silid naman nito.Hindi pa rin gumaling ang mga pasang tinamo niya mula sa nangyari sa kanya. Napagpasyahan niya ang tumayo at maligo na lang muna para mapreskuhan naman ang pakiramdam niya.PAGLABAS niya ng kanyang silid pagkatapos niyang maligo at dumiretso siya sa baba ng may madatnan siyang hindi inaasahang tao sa sala.Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo at agad-agad na lumapit sa kanya. Nahawakan siya nito sa kanyang balikat at awtomatikong kumilos ang mga kamay niya, agad niyang pinalis ang kamay ni
Inaayos niya ang kanyang maskara sa harap ng salamin. Her eyes are concealed behind her mask.She put a bloody lipstick. She looked into her reflection. A playful smile curved into her lips."Astrid, tapos na sila. Ikaw na ang mag-peperform," sambit ng manager niya na kapapasok lang sa dressing room.Agad siyang lumabas at nagpunta na sa back stage.When she heard the emcee welcoming her, she step forward.Sumalubong sa kanya ang kumukutitap na mga ilaw.She heard whistles and the guys bit their lips seeing her on the stage.She grin, she always have this effect on her audience since she started doing this.She sexily walk, touching her neck down to her breast, to her stomach and then she pose.She dance seductively exposing her cleavage. She is wearing a black brassiere and a black mini skirt.Umupo siya, in a stride way and looking at those guys how they swallowed hard makes her happy.Men.Lumapit siya sa pole at nag-umpisang magsayaw doon.She's like an acrobat, at paikot-ikot do
NAGHAHANDA na si Astrid para pumasok sa kaniyang trabaho nang pumasok sa silid niya si Debbie.Debbie is her daughter who is now 10 years old.Nakita niya sa salamin na sumandal ito sa pinto at humalukipkip at pinanunuod siya habang naglalagay ng make-up sa kaniyang mukha."Ano iyon?" tanong niya rito habang naglalagay ng maskara sa kaniyang pilik-mata."Bakit ba gabi ka lumalabas upang magtrabaho 'Ma?" balik nitong tanong at lumakad palapit sa kaniya.Heto na naman ang anak niya. Lagi na lang nitong kwinekwestiyon ang pagtatrabaho niya sa gabi. Well, hindi nito alam ang tunay na trabaho niya. Ayaw niyang mandiri ito sa kaniya. Oo, marami pang pwedeng pasukan na trabaho bukod sa pagbibigay aliw sa mga lalaki pero ito ang alam niyang pinaka-mabilis na pwedeng pagkaperahan.Nagpakawala siya ng buntung-hininga bago hinarap ang anak na nasa likuran niya."Hindi ba sinabi ko na sayo ang dahilan? Paulit-ulit na lang ba yung tanong mo anak?"Ito naman ang nagpakawala ng buntung-hininga at tu
KINAKABIT niya ang kaniyang maskara ng pumasok sa dressing room si Dulce."Oh tapos ka na?" Tanong niya rito.Napa-ngisi ito at tiningnan siya."Hindi pa pero inutusan ako rito ni Emma upang sabihin na hindi ka raw lalabas sa stage." Mas lumawak pa ang ngisi nito habang nakatingin sa kaniya.Tila naman siya kinabahan sa ngisi nito, parang may mali sa pagkakangiti nito.Kinunutan niya ito ng noo. "Bakit daw?""Dahil reserve ka raw ngayong gabi." Sagot nito at akmang tatalikod na."Teka, teka anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong niya rito at biglang napatayo mula sa pagkakaupo.Lumingon ito sa kaniya. "Magpeperform ka sa iisang tao lang ngayong gabi my dear." Natatawa nitong sagot at saka tuluyan ng lumabas.Naiwan siyang naguguluhan. Anong ibig sabihin nito na reserve siya?Nagpalakad-lakad siya sa harap ng salamin at napakagat-labi. Hindi iyon pwede, hindi siya nagpapakama kahit kanino kaya hindi maaari ang gusto ni Emma.Napatigil siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Em
IIISINAG ng araw ang gumising kay Davin(dey-vin) . Tumatama na pala sa kanyang mukha ang sinag ng araw dahilan upang magising siya.Napabalikwas siya ng bangon at napatingin sa labas ng bintana. Mataas na sikat ng araw at nasisiguro niya na tanghali na ng mga oras na iyon. Nahilot niya ang kaniyang sentido dahil sa matinding hilo. Hanggang sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang epekto ng alak na ininom nila kagabi. Nasobrahan na naman nilang nag-inuman kagabi sa bahay ng kaibigan niyang si Baxter kasama ang ilan pa nilang kaibigan. Hindi na siya nakatanggi ng mag- aya si Scott na mag- inom na akala niya ay kaunting alak lang ang kanilang pagsasaluhan, ngunit laking- gulat niya ng makita ang inihanda nitong alak kung saan ito na mismo ang bumili. Hindi tuloy nila naiwasan na kantyawan ito dahil tila napakalaki ng problema dahil sa alak na inihanda nito. Tumawa lang ito ng tumawa bilang sagot sa kanila.Napahawak siya sa kaniyang batok at bumaba ng kaniyang kama at t
IV10 YEARS AGO...Masayang nakaupo si Astrid sa ilalim ng isang puno ng paper tree at hinihintay si Davin.May usapan sila na magkikita sila ngayong araw na ito sa kanilang tagpuan.Sa tabi ng isang batis matatagpuan ang kanilang tagpuan na nasasakupan ng lupain nila Davin.Ang pamilya ni Davin ay kilalang kilala sa bayan ng San Isidro dahil isa sila sa mga may pinakamalawak na lupain at isa rin sila sa mga mayamang pamilya sa bayang iyon.Walang sinuman ang hindi nakakakilala sa pamilyang Alcantara lalong lalo na si Davin Alcantara, kilalang kilala ito dahil sa angking kagwapuhang nitong taglay.Napangiti siya ng may nagtakip ng kaniyang mga mata. Alam niyang si Davin na iyon."Kanina ka pa rito?" Tanong nito at umupo sa tabi niya."Medyo." Sagot niya at humilig sa balikat nito. Agad naman siya nitong inakbayan at hinalikan sa noo.Dapit-hapon na ng mga oras na iyon at palubog na ang araw. Sana ganito na lang araw-araw sa isip-isip niya. Tahimik at tila walang problema.Nagpakawala
VHINDI niya namalayang umiiyak na pala siya habang nakayakap sa anak niya. Sa mga taong lumipas ay hindi pa rin nawawala ang sakit sa dibdib niya.Sakit na halos gabi-gabi ay iniiyakan niya. Sa unang buwan ng pagkakawalay niya rito noon ay tila siya nauupos na kandila. Sa bawat araw na dumadaan ay tila siya nasa impyerno. Inisip niya pa noon na magpakamatay na lang dahil ano pa ang silbi ng buhay niya kung nalayo naman siya sa taong mahal niya. Pero nagbago ang lahat ng malaman niyang buntis siya.Nagbunga ang namagitan sa kanila ni Davin. Hindi niya noon alam kung anong gagawin niya dahil pakiramdam niya ay napakabata niya masyado para mabuntis.Dise-sais anyos lang siya noon , napakabata kaya kahit napakahirap pinilit niyang itaguyod ang pagbubuntis niya hanggang sa nanganak na siya.Ang nanay niya na inaasahan niya sanang aagapay sa kaniya ay ipinagtabuyan siya dahil sa impluwensiya ng tiyuhin niya.Sobrang sakit para sa kaniya na ipagtabuyan nito lalo na at kapapanganak niya p
VIWALA sa sariling nakatitig si Astrid sa salamin. Nasa isip niya pa rin ang tagpo kaninang umaga. Nasaan na nga kaya si Davin ngayon? May pamilya na kaya ito? Hindi niya alam ngunit ayaw pa rin mawaksi sa isip niya ito.Sa sampung taong nagdaan ay hindi niya maitatagong may nararamdaman pa rin siya para rito, hanggang sa mga oras na iyon ay mahal niya pa rin ito.Marami ang sumubok na ligawan siya pero ni isa sa mga ito ay wala siyang nagustuhan dahil all those years ay si Davin pa rin ang nasa puso niya. Walang makapalit sa lugar nito sa puso niya at wala na siyang makitang mas makakahigit pa rito.May sakit na gumuhit sa dibdib niya dahil sa isiping iyon. Ayaw na sana niyang nag- iisip ng mga ganung bagay ngunit hindi niya pa rin maiwasan lalo pa at nag- uumpisa ng magtanong ang anak niya.Nagpakawala siya ng isang mahabang buntung-hininga at pilit na kinalma ang kanyang sarili. Nasa ganun siyang ayos nang pumasok si Dulce sa loob ng dressing room. Nakatingin siya rito mula sa s