Share

Chapter 5

V

HINDI niya namalayang umiiyak na pala siya habang nakayakap sa anak niya.

Sa mga taong lumipas ay hindi pa rin nawawala ang sakit sa dibdib niya.

Sakit na halos gabi-gabi ay iniiyakan niya. Sa unang buwan ng pagkakawalay niya rito noon ay tila siya nauupos na kandila. Sa bawat araw na dumadaan ay tila siya nasa impyerno. Inisip niya pa noon na magpakamatay na lang dahil ano pa ang silbi ng buhay niya kung nalayo naman siya sa taong mahal niya. Pero nagbago ang lahat ng malaman niyang buntis siya.

Nagbunga ang namagitan sa kanila ni Davin. Hindi niya noon alam kung anong gagawin niya dahil pakiramdam niya ay napakabata niya masyado para mabuntis.

Dise-sais anyos lang siya noon , napakabata kaya kahit napakahirap pinilit niyang itaguyod ang pagbubuntis niya hanggang sa nanganak na siya.

A

ng nanay niya na inaasahan niya sanang  aagapay sa kaniya ay ipinagtabuyan siya dahil sa impluwensiya ng tiyuhin niya.

Sobrang sakit para sa kaniya na ipagtabuyan nito lalo na at kapapanganak niya pa lang.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta noon.

Kaya napakalaking pasalamat niya kay Emma. Naalala niya pa kung paano sila nagkakilala nito at kung paano naging ganito ang takbo ng buhay niya.

TILA wala sa sariling naglalakad si Astrid habang walang patid ang pagtulo ng luha niya sa kaniyang mata.

Kipkip ang isang buwan na sanggol ay patuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Wala siyang alam na puntahan.

Napangiti siya ng mapait at tinitigan ang sanggol na karga-karga niya.

Nabawasan ang bigat na nararamdaman niya habang nakatitig sa sanggol. Pinangalan niya itong Debbie Eizha Alcantara. Isinunod niya ito sa apelyido ni Davin.

Ramdam na niya ang pagod sa ilang oras na paglalakad. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na naglalakad. Madilim na ng oras na iyon.

Napatingala siya sa kalangitan. Walang mga bituin at medyo mahangin. Mukhang uulan. Nagpalinga-linga siya paligid, wala siyang pwedeng silungan.

Napakagat-labi siya at pilit na sinusupil ang kaniyang hikbi. Paano na sila ni Debbie ngayon?

Nakatanaw siya ng ilaw mula sa isang sasakyan. Napatingin siya sa mukha ng himbing na himbing na natutulog na sanggol.

Kailangan niyang gumawa ng paraan.

Pumagitna siya sa daan upang pahintuin ang paparating na sasakyan.

Hindi niya nagawang kabahan dahil paano kung hindi ito tumigil at sagasaan na lang siya.

At tumigil nga ito. Halos maluha-luha siyang lumapit sa sasakyan.

Lumabas ang isang babae na halos mas matanda lang sa kaniya ng kaunti.

Tila ito naguguluhan sa ginawa niya, pero wala talaga siyang magagawa kailangan niyang humingi ng tulong. Wala silang matutuluyan ng anak niya.

Nilakasan niya ang kaniyang loob at tinapangan ang hiya. Humingi siya ng tulong dito, mabuti na lang at mabait ito. Isinakay siya at pinatuloy sa bahay niya.

Hiningan niya ito ng tulong at kung meron itong alam na trabaho. Nagdadalawang-isip pa ito noon kung ipapasok siya sa trabaho pero hindi nagtagal ay ipinasok din siya. Noong una ay halos masuka siya sa uri ng trabahong papasukin niya pero inisip niya si Debbie, ang mga pangangailang nito. Kaya nilunok niya lahat ng kaniyang hiya.

NIYAKAP niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Alam niyang masakit para rito na lumaki na walang ama dahil siya man ay lumaking walang ama.

"Mama... pasensiya ka na. Hindi ko na ulit tatanungin kung nasaan ang Papa ko. Para hindi ka na ulit umiyak..." bulong nito at niyakap siya ng mahigpit.

Mas lalo lamang tumulo ang mga luha niya sa sinabi ng anak niya.

"HEY man!" Tawag sa kaniya ng kaibigan na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa opisina niya.

"Ano na naman Scott? Mangungutang ka na naman?" Tanong niya rito at hindi nag-angat ng tingin.

Narinig niyang napatayo ito at umupo na lang bigla sa mesa niya kaya napatingala na siya rito.

Sinamaan niya ito ng tingin samantalang ito naman ay ngumisi pa.

Itinaas nito ang dalawang kamay at tumayo tyaka siya hinarap.

"Labas tayo mamaya. Ayain natin sila Baxter may alam akong club na maganda." Lumawak pa lalo ang ngisi nito at tyaka napatingin sa labas ng bintana.

Napapailing na lang siyang iniligpit ang mga papeles na nasa lamesa niya.

Scott is his friend. At sa kanilang magkakaibigan ay si Scott ang pinaka babaero. Kahit sinong babae pinapatos basta nagustuhan niya.

"Wala akong oras jan. At isa pa diba meron ka naman ng girlfriend? Bakit kailangan mo pang pumasok sa kung saan-saang club?" Nakakunot-noong tanong niya rito at tyaka isinilid sa folder ang papeles at ipinasok sa kaniyang drawer.

"Meron nga. Pero you know..." he shrugged at ngumisi.

Napapailing na lang siya na sumandal sa kaniyang swivel chair.

"Ano sama ka?"

Isang iling ang isinagot niya rito. Wala siyang oras para mag-club. He's a busy man.

Natigil sila sa pag-uusap ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong pinulot ang sinagot.

"Hello..." nakakunot ang noo niyang saad habang nakatingin kay Scott na nakatitig lang din sa kaniya habang nakikipag-usap siya.

Napasapo siya sa kaniyang ulo at dali-daling lumabas sa kaniyang opisina at iniwan si Scott doon.

Bakit nga ba nakalimutan niya na ngayon nga pala darating si Miya?

Agad niyang tinawagan si Baxter para kasama niyang sumundo sana pero tumanggi ito dahil sa hindi malamang dahilan.

Magkababata silang tatlo nila Baxter.

Maganda ang pagsasamahan nila pero sa hindi malamang dahilan ay tila nagbago ang pagsasamahan ni Miya at Baxter. Tila nagkaroon ng pader sa pagitan nila at tila nag-iiwasan.

Napakibit-balikat na lang siya ng maisip yun at dali-daling sumakay ng sasakyan.

------

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rowdy Corey Tornito
update plss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status