Share

Chapter 4

IV

10 YEARS AGO...

Masayang nakaupo si Astrid sa ilalim ng isang puno ng paper tree at hinihintay si Davin.

May usapan sila na magkikita sila ngayong araw na ito sa kanilang tagpuan.

Sa tabi ng isang batis matatagpuan ang kanilang tagpuan na nasasakupan ng lupain nila Davin.

Ang pamilya ni Davin ay kilalang kilala sa bayan ng San Isidro dahil isa sila sa mga may pinakamalawak na lupain at isa rin sila sa mga mayamang pamilya sa bayang iyon.

Walang sinuman ang hindi nakakakilala sa pamilyang Alcantara lalong lalo na si Davin Alcantara, kilalang kilala ito dahil sa angking kagwapuhang nitong taglay.

Napangiti siya ng may nagtakip ng kaniyang mga mata. Alam niyang si Davin na iyon.

"Kanina ka pa rito?" Tanong nito at umupo sa tabi niya.

"Medyo." Sagot niya at humilig sa balikat nito. Agad naman siya nitong inakbayan at hinalikan sa noo.

Dapit-hapon na ng mga oras na iyon at palubog na ang araw.

Sana ganito na lang araw-araw sa isip-isip niya. Tahimik at tila walang problema.

Nagpakawala siya ng isang mahabang buntung-hininga dahilan upang lingunin siya ni Davin.

"May problema ka ba babe?" Tanong nito na may halong pag-aalala.

Hindi siya sumagot.

"Ang tiyuhin mo na naman ba?" Tanong ulit nito na may halong galit na ang boses nito.

Hindi na siya sumagot. Dahil nahulaan na nito agad ang problema niya.

Simula ng mag-asawa ulit ang kaniyang ina pagkatapos ng ilang taong pagiging byuda ay tila nagkaroon ng isang banta sa buhay niya.

Hindi lang minsan na tinangka nitong halayin siya at kapag sinusumbong niya ito sa kaniyang ina ay hindi lang ito umiimik.

Hindi niya malapitan at mapagsabihan ng tungkol rito ang kaniyang ina dahil napaka-martir nito, pinagtyatyagaan nito ang tiyuhin niya.

"Sinabi ko naman na kase sayong ikukuha na lang kita ng apartment hindi ba?" Tuluyan na siya nitong hinarap.

Hinawakan niya ang mga kamay nito at tinitigan sa kaniyang mga mata.

"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala." Nakangiting turan niya.

Bigla namang lumambot ang ekspresyon nito.

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong nito at hinawakan ang kaniyang mukha.

Isang tango lang ang naisagot niya rito at saka ito nginitian.

"I love you..." Sambit nito at unti-unting bumaba ang mukha nito sa kaniya.

Akala niya ay dampi lang ang gagawin nitong paghalik sa kaniya ngunit laking gulat niya ng gumalaw ang labi nito.

Kusang gumalaw ang kaniyang mga labi at sinagot ang halik nito. Tila may init na gumuhit sa pagitan ng kaniyang mga hita ng oras na iyon.

Bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg, kayat napakapit siya sa damit nito.

"Tell me to stop babe..." Bulong nito at tila pinipigil ang sarili na gawin ang pwede nilang pagsisihang dalawa.

Her mind wanted to say stop, but her body is aching for him.

Hindi niya nagawang magsalita, kundi hinawakan niya ang mukha nito at idinampi ang kaniyang labi sa labi nito.

"Mahal kita..." She whispered with so much feelings on it.

Tila ito ang naging daan upang mawala nito ang kontrol sa sarili at tuluyan na siyang kinubabawan at hinalikan siya ng mariin at inihiga sa damuhan.

"HIWALAYAN mo ang babaeng iyon!" Sigaw ni Marietta sa anak at nagpalakad-lakad sa harap nito.

Ilang araw niya na itong pinasusubaybayan at tama nga ang hinala niya may kinababaliwan itong babae at ang anak pa ng hardinero nila.

"Mahal ko siya Mama." Matatag na sagot nito at sinalubong ang nanlilisik na mata ng kaniyang ina.

"Anong alam mo sa pagmamahal na sinasabi mo?! Ang bata-bata mo pa Davin for Pete's sake!" Histerya nito at umupo sa sofa. "Sa ayaw at sa gusto mo ay hihiwalayan mo ang babaeng iyon! Ngayon din ay tatawagan ko ang mga magulang ni Miya upang ayusin na ang pinagkasunduan nila ng Papa mo!" Galit nitong sabi at tinalikuran na siya.

KINABUKASAN...

Nasa tagpuan na naman si Astrid at naghihintay.

Ilang sandali pa ay dumating na si Davin.

Seryoso ang mukha nito ng dumating ito at tila malalim ang iniisip nito.

Umupo ito sa tabi niya at hinarap siya.

"Nalaman ng mga magulang ko ang tungkol sa atin babe." Pag-uumpisa nito.

Inaasahan niya na ito na malalaman nila, siyempre inaasahan niya na ring tututol ang mga ito.

"Ahh. E di maghiwalay na tayo kung ganun." Sambit niya. Tila may bumikig sa lalamunan niya.

Mahal niya ito. Mahal na mahal. Ngunit kailangan niyang tanggapin ang totoo, na hindi sila bagay dahil langit at lupa ang agwat ng pamumuhay nilang dalawa.

"No..." Umiiling na sagot nito. Hinawakan nito ang mukha niya. "Mahal kita babe. Mahal na mahal at hindi ko hahayaang ilayo ka nila sa akin." Sumeryoso ang mukha nito. "Kaya nakapagdesisyon na ako..."

Tinitigan niya ito habang naghihintay ng susunod nitong sasabihin.

"Magtatanan tayo." Niyakap siya nito. "Mas kakayanin ko pang mawalan ng kahit anong mana, huwag lang ang mawala ka sa akin babe."

Tila piniga ang puso niya sa sinabi nito. Walang ibang mahalaga rito  kundi siya. Handa itong iwanan ang lahat makasama lang siya.

"Bukas ng gabi ay magkita tayo rito. Alas otso ng gabi." Bilin nito, tumango lang siya bilang sagot.

Hindi niya rin kayang mawala ito sa kaniya. Mahal na mahal niya ito.

DAHAN-DAHAN ang ginawang paghakbang ni Astrid upang hindi siya makagawa ng anumang ingay. Nasisiguro niyang tulog na ang mga magulang niya ng oras na iyon.

Dala niya ang kaniyang bag na may lamang damit. Ngayon ang usapan nila ni Davin.

Nakahinga siya ng maluwag ng makarating siya sa kanilang pinto na hindi nagigising ang mga ito.

Pagbukas niya ng pinto ay nanlalaki ang mga mata niya.

Nakatayo sa labas ng pinto ang mga magulang niya kasama si Donya Marietta ang ina ni Davin.

Bigla siyang nanlumo. Nalaman na ng mga ito ang plano nilang pagtakas.

"Malakas talaga ang loob mo." Nakataas ang sulok ng labi na sibi nito sa kaniya. Nameywang ito. "Hindi kayo bagay ng anak ko! Hindi mo ba nakikita ha? Ang taas ng pangarap ko para sa anak ko tapos sisirain mo lang? Bakit ano ba ang nakita niya sayo? Masyado namang mataas ang pangarap mo hija." Lumapit ito sa kaniya at itinaas ang kaniyang mukha upang magkatitigan sila.

"Isa ka lang basura, isa kang mapang-abusong babae na gustong gamitin ang anak ko para sa pag-angat..." Umiling-iling ito at umayos ng tayo.

"Mabuti na lang at magaling ang tagamatyag ko kaya nalaman niya ang plano ninyong dalawa. Hindi ko hahayaang sirain mo ang buhay ng anak ko. Hindi katulad mo ang nababagay sa isang Davin Alcantara..." Tumalikod ito at humakbang patungo sa kotse.

Unti-unting pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Ilang insulto ba ang natanggap niya mula rito?

Napatingala siya sa langit.

Naging mapaghangad nga lang ba siya?

Napakagat-labi siya upang supilin ang kaniyang hikbi.

Langit at lupa ang agwat nila. Hindi sila bagay. Isa lang siyang hampas-lupa.

Tama nga ba na ipaglaban niya ang pagmamahalan nila?

Napatingin siya sa kaniyang harapan ng may ngaliparang papel sa kaniyang mukha.

Hindi pala papel kundi mga pera.

"Kung pera ang habol mo sa anak ko, ayan, mag-pyesta ka. Siguraduhin mo lang na hindi ko na ulit makikita pa iyang pagmumukha mo!"

Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Tiningnan niya ito sa mata.

"Kailanman ay hindi ko inisip na gamitin ang anak niyo. Mahal ko siya." Sambit niya. Pinulot niya ang nagkalat na pera sa sahig at ibinalik niya rito.

"Hindi ko kailangan ng pera niyo." Matatag niyang sambit. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya dahil sa pagsagot niya rito.

Nag-aapura itong tumalikod at sumakay sa kotse.

Naiwan siyang walang humpay ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata.

"Aalis tayo ngayon din sa bayan na ito Astrid at kailanman ay hinding-hindi na babalik." Sabi ng ina niya at ilang sandali pa ay may sasakyang huminto sa tapat nila. Agad silang sumakay dito.

Nanghihina ang katawan niya. Gusto niyang magprotesta. Naghihintay si Davin sa tagpuan nila pero wala siyang nagawa.

Wala siyang nagawa kundi ang mapahagulgol habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status