Share

Chapter 21

XXI

RAMDAM na ramdam niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Ramdam na ramdam niya rin ang kaba sa kaniyang dibdib, ilang beses niya na itong nakaharap ulit pero hindi sa paraang ganun na kitang-kita nito ang mukha niya.

Kitang-kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, kung paano naging kulay pula ang buong mukha nito dahil sa galit, kung paano nito ikinuyom ang kaniyang kamao at halos maglabasan din ang mga ugat nito sa mukha.

Halos hindi siya makagalaw, tila tumigil ang pag-inog ng mundo ng sandaling iyon. Tila biglang naramdaman niya ang panghihina at parang mawawalan siya ng lakas.

Sinalubong niya ang mga titig nito, titig na punong-puno ng galit at pagkamuhi. Hindi nito naitago ang matinding galit nito sa mga mata.

"U-umuwi na tayo Debbie." Sa wakas ay natagpuan niya rin ang kaniyang dila at nakapagsalita. Hinila niya na ang kaniyang anak at tatalikod na sana ng biglang may tila bakal na kamay ang pumigil sa kaniya.

Napalingon siya rito pero hindi ito nakatin
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Maricel Razon
maganda sya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status