Share

Chapter 9

IX

ALAS-TRES ang usapan nila na magkikita-kita sila sa club pero quarter to four na sa suot-suot niyang relo. Nagmamadaling lumabas ng bahay si Astrid. Nakatulog siya kanina at hindi niya inasahang makakatulog siya ng ganun katagal.

Napabuntung-hininga siya at hinagilap ang kaniyang cellphone sa bag. Tinawagan niya si Dulce at kahit nakailang ring na ito ay hindi ito sumasagot marahil ay busy na ito.

Mabuti na lang at paglabas niya sa kalsada ay may agad siyang nasakyang taxi. Agad niyang sinabi sa driver ang destinasyon niya na kung saan sa isang sikat na building.

Hindi siya mapakali habang lulan ng taxi. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Isa pa ay late na siya sa performance nila.

Hindi na sana siya tutuloy ang kaso lang ay nabasa niya yung text ni Emma kanina at sinabi nitong sumunod na lamang siya.

Hindi niya namalayang tumigil na pala sa pagtakbo ang sinasakyan niya. Kung hindi pa siya kinausap ng driver ay hindi pa niya ito mapapansin.

Dali-dali siyang n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status