Share

Chapter 8

VIII

BABALIK na sana si Astrid sa dressing room ng may makabanggaan siyang lalaki. Hindi niya ito nakita kanina dahil masyadong marami siyang iniisip.

"Sorry..." hinging paumanhin nito sa kaniya at nagmamadali ring umalis mula roon.

Nagkibit-balikat na lang siya at nagtuloy-tuloy sa dressing room.

Naabutan niya roon si Dulce na mukhang inis na inis dahil sambakol ang pagmumukha.

"O bakit ganyan ang mukha mo?" Naiintriga niyang tanong at umupo sa tabi nito habang umiinom ng lady's drink.

"Ayaw akong palabasin ni Emma nakakainis!" Ungot nito at kulang na lang ay magtatatadyak ito sa sobrang inis.

Napatawa naman siya ng mahina.

"Bakit daw?" Naiintriga niyang tanong dahil ngayon lang hindi pumayag si Emma na palabasin si Dulce at hindi tumanggap ng customers.

Nakita niyang umirap ito at ibinaba ang baso sa lamesa. "May appointment daw tayo bukas ng hapon. Isang bachelor party. "

Napataas naman ang kilay niya. "Anong ibig mong sabihin na tayo?" Magkasalubong ang tanong niyang tanong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status