Malamig natubig, mabangong paligid, matipunong bisig, mainit na palad. Hindi na malaman ni Caroline kung saan siya nalalasing. Nalalasing ba siya dahil sa nilaklak na wine o dahil sa mabangong amoy ng lalaking kasama, o dahil sa paghaplos nito sa katawan niya? Malamig ang tubig na bumabagsak sa buong katawan niya, ngunit pinapawi ang lamig na iyon ng mainit na palad na humahaplos sa kaniya, ng mainit na hiningang tumatama sa kaniya.
Ilang sandali pa, tumayo ang lalaki at iniwan siya. Pagbalik nito, naramdaman niya ang magaspang pero malambot na telang bumalot sa kaniya at ang pag-angat ng katawan niya.
Hinabol ba siya ni Jordan at nakita sa tulay? It was Jordan, right? Kilala niya ang amoy ng kasintahan.
Naluha siya sa isiping hinabol at inaasikaso siya nito. She can be selfish, right? Puwede pa rin naman sila kung tatanggapin niya ang kasalanan nito. Mahal niya si Jordan, at kung pipiliin siya ng kasintahan, kayang-kaya niyang tanggapin at maging ina sa magiging anak nito kay Clarisse. Mas magiging mabuti pa siyang ina kaysa sa babaeng iyon.
Naramdaman niya ang paglapat ng likod sa malambot na kama. Gusto niyang manatiling nakapikit dahil sa pagginhawa ng nararamdaman. Pero gusto rin niyang makita ang kasintahan.
Pinupunasan na nito ng isa pang towel ang basa niyang katawan. At nang lumapat sa leeg niya ang pagpupunas nito, hindi na naman niya naituloy ang pagdilat. Dinama niya ang banayad na pagpunas nito sa leeg at ang mabangong hininga nitong tumatama rin sa kaniyang balat.
“Damn!” dinig niyang asik nito. At sa isang iglap sakop na ng mga labi nito ang mga labi niya.
Mainit, mapusok, nakakadarang. Parang malamig na tubig at isinalang sa kalan ang pakiramdam niya. Uminit ang buo niyang katawan at naghatid iyon ng kakaibang sensasyon sa kaniyang kaibuturan. Tinapatan niya ang intensidad ng halik nito. Nilabanan niya ang klase ng init na ibinibigay ng mga labi nito.
Kakaiba at bago sa pakiramdam niya. N*******n naman na siya ni Liam noon, umabot din sila sa mainit na tagpo. Pero bakit kakaiba ngayon? Ito ba ang dulot ng galit na unti-unti nang tinutupok? Mas nagiging mapusok. Mas nagiging agresibo. At mas nagiging mapag-ubaya.
Napaungol siya nang lumapat ang matigas nitong palad sa kaselanan niya. Humahaplos at naglalaro sa bahaging ni minsan hindi nito pinagtangkaang hawakan. At mas napaungol siya nang iwan ng mga labi nito ang mga labi niya at gumapang ang halik nito pababa—pababa sa dalawang dibdib na naghihintay ng atensiyon mula rito.
“Ah!” Hindi na niya malaman kung ilang ungol pa ba ang pakakawalan niya sa tuwing mararating niya ang sukdulan. Ganito pala ang pakiramdam. Nakagiginhawa, ngunit nakapanlalambot ng pakiramdam.
“My apology, your highness, but we cannot stop this. I couldn’t stop now,” bulong nito sa tainga niya na naghatid ng kuryenteng gumapang sa buo niyang katawan at nagpalabas sa panibagong bugso ng kaniyang nektar.
“Ah!” impit niyang hiyaw nang maramdaman ang tila pagkakapunit ng laman sa kaniyang kaibuturan. Mariin siyang napakapit sa likod ng lalaking kaulayaw. Bumaba ito sa kaniya at pinaliguan siya ng maiinit na halik na nagpalimot sa sakit ng pag-angkin nito sa kaniya.
Mariin siyang napapapikit sa bawat paggalaw nito sa ibabaw niya at panaka-naka siyang napapadilat sa tuwing bahagya itong lumalayo sa kaniya. Bahagya na rin niyang nababanaag ang lalaki. At natigilan siya nang mapagtantong hindi ito si Jordan Liam. Malabo man, ngunit kabisado niya ang hugis ng mukha at buhok ng kasintahan.
Sino ang lalaking umaangkin sa katawan niya? Anak ng! Sino ang lalaking pinagbigyan niya ng sarili, pero ipinagdamot niya noon kay Jordan?
Habol ang paghinga, napabalikwas ng bangon si Caroline. Nananaginip ba siya? Pero bakit pakiramdam niya totoo ang lahat ng iyon. Ramdam pa rin niya sa kaibuturan ang pananakit ng kaniyang pagkababae. Ang mga haplos nito at halik sa katawan niya, para nang pilat na naiwan sa balat niya.
Lumalim pa ang gitla sa noo niya habang inaalala ang lahat. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Hindi siya pamilyar sa kuwartong iyon. Mataas ang ceiling na may crystal chandelier. Malawak ang silid, triple yata ng apartment niyang isang palapag lang, ang katumbas nito. Floor-ceiling ang glass window na may makapal at kasing taas na abuhing kurtina na bahagyang nakahawi kaya kita niya. May sarili ring couches sa malayong paanan sa bandang kaliwa ng kama, at puro iyon itim. Gray naman ang pintura ng walls na may ilang paintings na nakasabit. Sa gawing kanan naman, malapit sa glass window, may two-seater glass table, na may tamang laki ng flower vase na may fresh tulips.
Lahat nang makita niya sa loob ng silid, naghuhumiyaw ng karangyaan. Kahit itong kamang kinaroroonan niya, sobrang lawak para sa dalawang tao!
Nasaan siya?
Napababa na siya sa higaan. Walang ibang tao sa silid na iyon kundi siya. Lumantad ang katawan niyang nabibihisan na ng puting dress shirt na hanggang hita niya ang haba, nang malaglag ang comforter pagtayo niya.
Nasaan ang wedding gown na suot niya? At ano ang suot niyang pang-ibaba?
Itinaas niya ang laylayan ng damit, at napabuga siya ng hangin nang makitang may boxer short siyang suot.
“Ano ba, Caroline? Anong ginagawa mo rito? Anong nangyari kagabi?” pagkausap niya sa sarili. Mababaliw na yata siya. Paano niya nagawang ibigay ang sarili sa lalaking hindi niya nakikilala.
Iyon din ba iyong lalaking magtatangka sanang tumalon sa ilog? Napaka-ungrateful naman no’n! Sa halip na mag-thank you sa kaniya, nagawa pang mag-take advantage sa kaniya! Huh! Ganoon ba talaga karurupok ang mga lalaki? May makatabi lang na n*******d o lasing na babae, titigasan na? Iyon lang ba talaga ang silbi ng mga sandata nila!
“Ugh!” ungot niya. Nagawa pa talaga niyang mag-isip ng kung ano-ano kaysa isipin kung paano makaaalis sa kuwartong ito!
Naghagilap siya sa loob ng silid ng maaaring ipampalit sa damit. May nakita siyang makipot na hallway, nang pasukin niya iyon, natagpuan niya ang walk-in closet na kanugnog ay malawak na bathroom. Binuksan niya ang itim na pinto ng closet at naghagilap ng damit. Ngunit wala siyang ibang makita roon kundi damit mga panlalaki. Suit in three colors na naka-organize bawat kulay, longsleeves, slacks and trousers at iba pang gamit panlalaki.
“Bwisit!” Hinaklit na lang niya sa hanger ang isang black suit. Wala siyang suot na bra dahil braless naman iyong suot niyang top ng gown.
Isinuot niya ang kinuhang suit. Hindi naman siguro mahahalata ng may-ari niyon na nagkulang ang laman ng closet nito.
Dali-dali siyang lumabas ng silid nang nakapaa. Paglabas niya, doon niya napagtantong building ang kinaroroonan niya at mukhang nag-iisa ang unit na pinanggalingan sa palapag na iyon. Sumakay siya sa elevator at pinindot ang ground floor, mabuti na lamang at walang masiyadong tao nang bumukas ang metal door panel. Nagpalinga-linga siya kung may makakapansin ba sa kaniya. At nang makitang wala, mabibilis ang mga hakbang at walang lingon-likod niyang tinungo ang entrance-exit door.
Nakahinga siya nang maluwag nang matiwasay siyang nakalabas sa building na iyon. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay niya. ‘Saka lang niya tiningala ang building na pinanggalingan nang bahagyang makalayo ang taxi’ng sinakyan.
“Manong, kukuha lang ako ng pera sa loob. Sandali lang po,” paalam niya sa driver nang huminto iyon sa harap ng compound kung nasaan ang apartment niya.
“Oh, Caroline?” bungad na bati sa kaniya ng landlady niya nang masalubong ito. Doon din ito sa loob ng compound nakatira. “Kumusta ang kasal mo? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Para kang tumakas sa honeymoon n’yo, a,” puna nito.
“Magandang tanghali po, Aling Gorya,” bati niya lang dito ‘saka siya nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Mabilis niyang hinagilap ang susi na itinago niya sa ilalim ng isa sa mga paso ng mga tanim niyang halaman. Nang makita, agad niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Tinungo agad niya ang drawer na pinagtataguan niya ng wallet niya. Pagkakuha ay naglabas siya ng halagang pambayad sa taxi at muling lumabas para iabot iyon.
Nauupos na parang sigarilyo ang pakiramdam niya nang makabalik sa loob ng apartment. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kaniya pagkatapos ng lahat ng nangyari simula nang naudlot na kasal, hanggang sa pagbibigay niya ng sarili sa lalaking hindi niya nakikilala.
Sino ba ang lalaking iyon? Sa Laguna ginanap ang kasal niya, dalawang oras mula sa Cavite kung saan siya nakatira. Pero bakit nasa BGC siya?
“Ugh! Really, Caroline? Hindi mo ibinigay ang sarili mo sa ex-fiance mo, pero ibinigay mo sa ibang lalaki sa loob lang ng isang gabi? And what is worse is that you didn’t even know who you f*cked with!” nanggagalaiting singhal niya sa repleksiyon niya sa salamin na nasa ibabaw ng sink sa loob ng banyo niya.
Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. At kahit anong gawin niyang pag-alis sa isip niya ng mga nangyari; kung paano siyang hinaplos, hinalikan, sinamba at inangkin ng lalaking iyon—at kung paano siyang nag-react, kung paano siyang umungol, kung paano siyang nagsumamo nang higit pa.
“Ugh, enough! Enough, Carol. Enough!” saway niya sa sarili dahil nag-iiba na naman ang pakiramdam niya sa tumatakbo sa isip. Padaskol niyang hinubad ang mga suot at agad na pumailalim sa dutsa ng shower.
Pero sa halip na mahimasmasan at matangay ng tubig ang laman ng isip niya, hayun at naglalaro naman kung paano nitong sinabon ang buo niyang katawan, kung paanong sa simpleng pagtama ng hininga nito dahil sa sobrang lapit, tumitindig agad ang balahibo niya.
“This is insane. Dapat nasasaktan ako ngayon dahil sa nangyari sa kasal ko. Dapat umiiyak ako ngayon dahil niloko ako. Hindi ganito.” Nanggigigil niyang kinuskos ang katawan. Binilisan na rin niya ang pagligo dahil may dapat pa siyang ayusing lesson plan.
On leave siya for one week, pero ano namang gagawin niya sa loob ng isang linggo kung wala naman nang honeymoon. Tapos na ang honeymoon niya pero hindi sa supposed-to be-husband niya.
Masisiraan siya! Kailangan niya ng mapagkakaabalahan.
Lumabas siya ng banyo at nagpalit ng komportableng damit; simpleng cotton black short at plain black boxer shirt. Inilabas niya ang lesson plan at iba pang teaching paraphernalia niya at inihanda iyon sa study table. Sisimulan na sana niya iyon nang biglang kumalam ang sikmura niya. Tiningala niya ang wall clock na nasa dingding sa harapan niya at malalim na bumuntonghininga. Pasado ala una na at wala siya ni agahan.
Binitiwan niya ang hawak na ballpen at tinungo ang maliit na kusina. Naglabas lang siya ng instant Ramen. Isinalang iyon sa ceramic bowl at nilagyan ng mainit na tubig. Ipinatong niya iyon sa ceramic plate, kumuha ng kutsara at tinidor bago binitbit pabalik sa study table niya.
Panay ang buntonghininga niya habang hinahalo ang noodles sa sabaw nito. Hindi siya makapaniwala na sa loob lamang ng isang araw, ang daming nangyari, ang daming nagbago, at ang daming nawala.
Sa isang gabi lang, habang buhay palang mababago ang takbo ng buhay niya.
"ARE you all right? Mukhang ang lalim ng iniisip mo, a." Nilingon ni Timothy ang kanang gilid kung saan nanggaling ang tinig na bigla na lang sumulpot sa gitna ng malalim niyang pag-iisip. Pagkakita niya kay Caroline na sakay ng wheelchair nito, hindi na niya napigilan ang mapabuntonghininga nang malalim. Tumayo siya para lapitan ito. "Bakit gising ka pa?" tanong niya rito nang pumuwesto sa likuran ng wheelchair nito at itulak iyon patungo sa iniwanan niyang puwesto. "I can't sleep. You? You seems bothered since you came back." Itinabi niya iyon sa gilid ng steel bench at saka siya naupo at muling tiningala ang kalangitan. "Kung kailangan mo ng taong makikinig, nandito ako. I will listen. I may not remember what are we before, but I think, we're not enemies, right?" Mula sa pagkakatingala sa langit, bumaba ang tingin ni Timothy kay Caroline na bahagya nang nakapaling paharap sa kaniya at binigyan siya ng ngiting nakapagpapagaan ng loob. Pinakatitigan ni
“Good afternoon, Mr. Donovan. Angelo Cervantes from ValSecA. Pleased to meet you, sir,” bati ng lalaking nakasuot ng smart formal attire na cream trouser, mint green button-down shirt, at white sneakers nang tumayo ito para salubungin si Timothy. Inilahad niya ang kamay nang makalapit ito sa kaniya.Tinanggap naman ni Timothy ang palad nito para makipagkamay. “Please to meet you too, Mr. Cervantes. Have a seat please,” pagbati niya rito ‘saka inilahad ang kanang kamay para ialok dito ang upuang inuupuan nito bago siya dumating.“My apology to keep you waiting," paghingi niya ng paumanhin `saka naupo sa bakanteng upuan sa katapat ni Angelo.“You are still early, sir. Nasa itaas lang naman ng hotel na `to ako naka-check-in.”Tumango si Timothy bilang tugon sa kaharap. Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa si Angelo, dinampot nito ang folder na nakapatong sa mesa malapit sa kopitang pinag-inuman at inilahad iyon kay Timothy. Tinanggap iyon ng binata at walang salitang binuklat ang folder pa
“DADA, when will you and mimi get married?” inosenteng tanong ni Charlotte habang sinusuklayan nito ang laruang manika.Natigilan naman si Timothy. Nilingon niya ang anak at hindi agad nakasagot sa taong kausap sa telepono. “I will call you back.” Tinapos niya ang tawag at naupo sa single couch para samahan ang kambal. Sasagot na sana siya sa tanong ng bunso niya, ngunit naunahan siya ni Clover.“Mima won't marry him, Lottie.”“Bakit hindi, Clover? Anak nila tayo kaya dapat papakasal na sila!”“Having us doesn't mean they have to get married. Mima doesn't love him anyway. Mima loves that Jordan.”Kunot ang noong nailipat ni Timothy ang tingin sa panganay na anak. Hindi niya alam kung ano'ng nalalaman ni Clover at nasasabi nito ang ganoon.Hinaplos niya ang buhok ng bunso na nasa harapan niya. “Once your mom recovers from all of these, we will talk about it, honey,” malambing niyang saad rito.Nag-angat naman ng mukha si Clover na nasa kaliwang gilid ng center table at nagkukulay. “Are
Inikot-ikot ni Timothy ang basong hawak habang prenteng nakaupo sa ergonomic chair at matiim na nakatitig sa labas ng malaking bintana ng sarili niyang opisina. Hindi niya maiwasang hindi mahulog sa malalim na pag-iisip tuwing sumasagi sa isip niya ang mga nangyari this past years. He was lost when they lost Caroline. Ang hirap ng adjustment na kailangan niyang gawin lalo na pagdating sa pagiging ama sa dalawa nilang anak. Clover and Charlotte did not grow up with him, kaya sobrang hirap mangapa. At alam niyang naging mahirap din sa dalawa ang biglang pagkawala ng ina ng mga ito.And now that Caroline was back, the kids were so excited to reunite with their mom. The problem is, Caroline couldn’t recognize them. She was trying, unfortunately, the overdose of the drugs that Jordan gave her, made Caroline’s memory—lost. And the experts are still monitoring her condition as she undergoes rehabilitation.Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung mabilis nilang nahanap si Jordan. But what
TIMOTHY couldn't process what he just heard from the officers. Jordan, the mastermind, was nowhere to be found. Caroline was drugged intentionally to erase her memory. At mababa ang chance na maibalik pa ang memorya nito. Ang sabi ng ina nito, six years ago ang naaalala ni Caroline nang ipaalaga ito ni Jordan dito. Memory nito hanggang sa bago niya ito na-meet sa tulay para sagipin siya sa pag-aakala nitong tangka niyang pagsu-suicide. Alaala kung saan bago ang kasal nito kay Jordan na hindi natuloy dahil sa pagkakabuntis sa kapatid niya.The situation became too complicated. Nagpapasalamat na lang siyang nagising itong hindi na naghihisterya para hanapin si Bullet. Ngunit hindi dahil unti-unti na itong nakaka-recover, kundi dahil hindi na nito naaalala kung bakit ito nasa hospital ngayon, maging ang pamangkin niyang inakala nitong anak.“Si Jordan? Baka hinahanap na ako ni Jordan. Kasal namin ngayon, Mister,” puno ng pag-aalala ang namamaos na boses ni Caroline nang sabihin nilang na
“Mamila? Mami ka ni Mima po?” nandidilat ang mga matang tanong ni Lottie.Mabilis na tumango-tango si Celine na sinasabayan ng paghikbi at pagsinghot. Inangat niya ang mga braso para abutin ang paslit na may bilugan at nangungusap na mga mata.“Mamila!” Pasugod na nilapitan ni Lottie ang lola nilang ngayon lang nakita.Sumisikip naman ang dibdib na agad sinalubong ni Celine ang isa sa mga apo at mahigpit itong niyakap.“Apo ko!” Hindi pa rin makapaniwala, ngunit ramdam ni Celine ang kakaibang saya habang yapos-yapos ang paslit. Hinagod-hagod niya ang mahaba nitong buhok at mas humigpit pa ang yakap dito habang tumatagal.Matapos ang ilang sandaling yakapan, kusang bumitiw si Charlotte sa lola niya at sinapo ang magkabila nitong pisngi.“Where have you been, po, Mamila? Mimi said you were in a faraway place—”“You were with Mima the whole time she was missing, right? Why you didn't tell grandpa? Why didn't you inform us that Mima is alive and she was with that evil man? Why you didn't