Pumasok ang itim na pajero sa nakabukas na gate at huminto iyon sa harap ng dalawang palapag na bahay. Huling tuntong ni Caroline doon was years ago, seven or eight years old palang yata siya noon. Bakas pa ang karangyaan sa bahay na iyon noon. Buhay na buhay sa mga ilaw sa buong paligid. Namumukadkad ang mga tanim na halaman at mga bulaklak sa hardin. Malayo sa nakikita niya ngayon.
Walang kabuhay-buhay at mukhang hindi na naaalagaan. May bahagi ng pader na nabibitak na ang puting pintura, at ang hardin, tuyot na ang ilang mga halaman. Ang lupa na berdeng-berde dati dahil sa bermuda grass, ngayon, nakatiwangwang na lupa na lang ang mas malaking bahagi, at ligaw na damo na lang ang sa iba pa.
Hindi niya alam kung ano ang nangyari, dahil simula nang ipagtabuyan siya palabas sa bakuran na iyon, hindi na siya muling tumapak pa roon.
“Anyaki nan hawt, mimi!” bulalas ni Lottie nandilat pa ang bilugan nitong mga mata habang iginagala ang paningin sa paligid. Pero mabilis itong nagtago sa likod ng ina nang bumukas double door ng bahay na nasa harapan nila at iluwa niyon ang isang mestisahing ginang na hindi nalalayo sa kuwarenta ang edad nakasuot ng eleganteng bestidang pula.
“Caroline? Is that you, hija?”
“T-tita…”
Nakalahad ang mga brasong lumapit pa ang ginang kay Caroline at niyakap siya. “Welcome back. Thank you for coming, hija.”
Nag-aalangan si Caroline kung gagantihan ang yakap nito. Ngunit sa huli ay niyakap na rin niya ang asawa ng ama. Ang ginang din naman ang unang kumalas sa kanila at hinarap siya. Napansin nito ang dalawang paslit nang dumako ang tingin nito sa kambal na nasa magkabilang gilid ng likod niya at muling bumalik ang tingin nito sa kaniya.
“And they are your?”
“Mga anak ko, Tita. Clover, Lottie, bumati kayo sa…”
“Mamita na lang, kids,” pagpapatuloy ni Bridgitte sa pag-aalangan ni Caroline sa itatawag ng mga anak dito.
“Heyow po, Mimiya.” Nakipag-unahang lumapit si Lottie kay Bridgitte at saka nito inabot ang kanang palad ng ginang. Subalit mabilis itong yumuko at ang pisngi ang inilapit sa paslit.
“Ayoko pang maramdaman na matanda na ako, kaya kiss na lang para kay mamita, sweety. Ang gaganda ng kambal mo, Carol. Mukhang magkakaroon na ng buhay ang bahay na ‘to. Come inside. Pasok kayo para makapagpahinga ang mga bata. Sandra, pakiprepara ang mga pagkain,” tawag nito sa natitirang kasambahay habang papasok sila sa kabahayan.“Mimiya, anyaki po nan hawt mo!”
“Oh, sweety, this will be your house too.”
Bumilog ang bilugang mga mata ni Lottie nang lungunin nito ang ina na sinagot lang ng tipid na ngiti ni Caroline.
“T-tita, si Papa?” hindi natiis na tanong ni Caroline.
“He’s still in the hospital, hija. Umuwi lang ako dahil darating kayo.
“How is he?” tanong niya habang nasa kambal ang tingin.
Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Bridgitte.”He’s safe for now. The doctor says that what happened was a major heart attack. Bumuti lang ang lagay niya nang sabihin kong darating ka. Half of your father’s body was paralized, hija. Malaki ang naging epekto sa kalusugan niya simula nang magkaletse-letse ang negosyo namin. Hindi niya nakontrol ang emosyon niya kaya siya inatake. Isa pa, masiyadong workaholic ang ama mo to the point na nawawalan na siya ng time para sa sarili.”
“All our properties were gone. Iyong iba napilitan na kaming ibenta para mabayaran ang mga utang. Dumagdag pa ang pandemic, and this happened, kaya halos wala nang natira kundi itong bahay at iyong isang kotse.” Nilingon ni Bridgitte si Caroline. “Ano palang pangalan ng kambal mo?”
“Si Charlotte po iyong kausap ninyo kanina, iyong tahimik naman po si Clover.”
“Ang gaganda nila. I mean, maganda ka, Caroline, pero mukha kasi silang may lahi.”
Nakagat ni Caroline ang labi at hindi umimik. Napansin iyon ni Bridgitte kaya iniba na nito ang usapan.
“Mananghalian muna tayo. Hinintay ko talaga kayo para may kasabay naman ako. I usually ate in the hospital, but since you will came, it’s a good idea to join you in a lunch. After lunch, take a rest. If you want to visit your dad, we will visit later. But…” Dumako ang tingin ni Bridgitte sa kambal. “They are not allowed yet. Pero igagala ko na lang muna sila sa mall habang nasa hospital ka. Is that okay with you?”
“Ayos lang po.”
*****
“Always listen to your Mamita, ha? Lottie, don’t give your mamita a headache, are we clear?”
“Opo, Mimi. Tottie will be-eyb (behave).”
“Thank you, sweety.” Hinalikan ni Caroline ang bunsong anak sa noo bago binalingan ang panganay. “Clover, ikaw na ang bahala sa kakambal mo, ha?” bilin niya rito.
“Yes, Mima.”
“I love you two.” Hinalikan niya rin ito ‘saka binalingan ang madrasta.
“Tita, mauna na po ako. Kayo na po muna ang bahala sa kanila.”
“Sige, hija. Please call me if the doctor says anything, huh?”
“I will, Tita.” Muli niyang hinalikan ang kambal bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan. Hinintay lang niyang makaalis ang itim na pajero bago bitbit ang basket ng mga prutas na tinalunton niya ang papasok sa ospital.
Sinabi na ng Tita Bridgitte niya kanina kung saang silid naka-confine ang ama kaya naman dumiretso na siya roon. Nang nasa harapan na siya ng kuwarto, ilang buntonghininga ang ginawa niya para alisin ang kabang nararamdaman.
It’s been years. Almost twenty years niyang hindi nakita ang ama, and now that she has the chance, nasa ganito naman itong sitwasyon.
Another sighed, and she opened the door. Tumambad sa kaniya ang amang nakaratay sa puting kama sa gitna ng puting silid na iyon. Wala nang anumang aparato ang nakakabit sa katawan nito maliban sa IV nito sa likod ng kaliwang palad.
Dahan-dahan siyang humakbang papasok sa silid. Kinapa niya ang sarili, ngunit wala siyang ibang maramdaman. Walang galit, walang pananabik. All she could feel is a hole in her heart.
Inilapag niya ang basket ng mga prutas sa mesang nasa gilid malapit sa pintuan, ‘saka siya humakbang papalapit sa higaan ng walang malay na ama. Akala niya talaga para na siyang batong walang mararamdaman, but as she looked at him intently, noon niya naramdaman ang tila init na humaplos sa puso niya.
Maingat niyang hinaplos ang nangungulubot nitong kamay. Noong malakas pa ito, isang beses lang niyang nahawakan ang kamay nito, at hindi pa iyon nagtagal, dahil ipinagtabuyan siya ng asawa nito. Gusto sana niyang sana piliin siya ng ama, pero hindi sapat ang pagiging anak niya rito para piliin siya. Ni hindi na nga ito nagtangkang hanapin siya matapos ng mahabang panahon. Ngayon lang. Ngayon kung kailan nag-agaw buhay ito.
“Ang d-daya mo, ‘Pa.” Napasinghot siya nang maramdamang nag-iinit ang mga mata niya at gumuguhit ang hapdi sa ilong niya. “Noon ko pa hinihiling n-na sana maisipan mo man lang akong hanapin. Na sana, maramdaman mong nangungulila ka sa a-akin. Kasi ako, kahit ayaw kong aminin s-sa sarili ko, sobra akong nangungulila sa ‘yo, sa inyo ni mama. Alam mo ‘yon, ‘Pa? Lagi kong tinatanong noon sa sarili ko, bakit ayaw n’yo sa akin? Dahil ba isang pagkakamali lang iyong mabuo ako? Ganoon ba kasama para sa inyo na nabuhay ako?” Mabilis niyang hinablot ang tissue pack na nasa side table. Kumuha siya roon ng tissue para punasan ang namumukal na luha sa mga mata niya.
“Nakakatawa lang na– kung kailan nanganib ang buhay ninyo, ‘saka mo ako naalala.” Mapait siyang natawa. “Bakit, ‘Pa, takot ka bang mapunta sa impyerno? Ayaw mo bang umalis na alam mong may anak kang masama ang loob sa iyo?” Huminga siya nang malalim. “Don’t worry, ‘Pa, kasi matagal ko na kayong napatawad ni mama. After all, hindi ko mararanasan ang mabuhay kung hindi kayo nagkamali, ‘di ba? Hindi ako galit sa inyo, pero hindi pa kayo puwedeng mawala. Pa, kailangan mong bumawi. Kahit hindi na para sa akin, kahit para na lang sa mga apo ninyo. Kahit sa kanila mo na lang iparamdam iyong hindi ninyo naiparamdam na pagmamahal at pag-aaruga. Babawi kayo, ‘Pa, ‘di ba? Kaya dapat gumaling ka.”
*****“Anyaki nan mall, Mimita, Tover!” bulalas ni Lottie, manghang-mangha sa mga nakikita. Halos kalahating oras na rin silang naglilibot sa Mall of Asia, pero wala pa sa kalahati ang napupuntahan nila.
Ilang paper bags na rin ang bitbit ng driver ni Bridgitte dahil sa mga gamit na pinamili para sa kambal. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa wing kung nasaan ang ice skating rink, dahil nabanggit iyon ng ginang sa kambal. At nang makita nila ang hinahanap, iniwan ng dalawa si Bridgitte at nag-uunahang makalapit para tanawin ang ice skating rink na nasa loob ng nakapalibot na wall glass.
“You want to try it?”
“Yet, Mimita!” walang pag-aalinlangang sagot ni Lottie na nasa rink lang ang atensiyon.
“Opo, Mamita!” sagot naman ni Clover na nilingon ang ginang.
“All right, just wait for me here. I will buy tickets for you.”
“Thank you, Mimita!”
Ibabalik na sana ni Clover ang tingin sa loob ng ice skating rink nang may mamataan siyang pamilyar na mukha. Wala sa loob na sinundan niya iyon.
“Papa ni Bullet! Sir!” tawag niya sa sinusundang lalaki. Halos takbuhin niya ito para lang maabutan. “Papa ni Bullet, wait po!” Maabutan na sana niya ito ngunit may grupo ng mga teenager ang nagpahinto sa kaniya dahil baka mabunggo siya.
Nang makaalis ang dumaang magkakaibigan, hindi na niya nakita ang lalaking hinahabol. Inilibot niya ang paningin, ngunit hindi na niya ito makita. Tumalikod siya para sana bumalik sa pinanggalingan, ngunit ganoon na lang ang takot ni Clover nang hindi makita ang ice skating rink.
“Lottie? Mamita?” Naikuyom niya ang mga palad habang panay ang linga sa paligid. Matalas ang memorya niya, pero dahil ibang direksiyon ang tinahak niya at hinahabol pa ang papa ni Bullet, hindi niya matandaan kung nasaan ang ice skating rink.
Ang bilis ng tahip ng dibdib ni Clover. Panay na rin ang mabagal pero malalim na paghinga niya. “Lottie… Mamita…” Nag-iinit na ang mga mata niya pero pinigil niya iyon. Nahihiya siyang umiyak sa harap ng maraming tao.
“Lottie, mamita…” mahinang tawag niya habang panay ang lingon sa paligid. Natatakot na siyang umalis sa kinatatayuan dahil baka mas lalo siyang mapalayo.
Sumusikip na ang dibdib ni Clover. Panay na rin ang paghugot nito ng malalalim na hinga, pero hindi iyon naibubuga. “Mima, natatakot na po ako. Nasaan ka po, Mima…”
“Hey, kid. Are you alright?” Nilingon niya ang nagsalita at ganoon na lang ang tuluyang pagtulo ng luha niya nang makilala ito. ‘Saka lamang siya nakahinga nang maayos at wala sa loob na niyapos ang estrangherong lalaki.
“Papa…”
"ARE you all right? Mukhang ang lalim ng iniisip mo, a." Nilingon ni Timothy ang kanang gilid kung saan nanggaling ang tinig na bigla na lang sumulpot sa gitna ng malalim niyang pag-iisip. Pagkakita niya kay Caroline na sakay ng wheelchair nito, hindi na niya napigilan ang mapabuntonghininga nang malalim. Tumayo siya para lapitan ito. "Bakit gising ka pa?" tanong niya rito nang pumuwesto sa likuran ng wheelchair nito at itulak iyon patungo sa iniwanan niyang puwesto. "I can't sleep. You? You seems bothered since you came back." Itinabi niya iyon sa gilid ng steel bench at saka siya naupo at muling tiningala ang kalangitan. "Kung kailangan mo ng taong makikinig, nandito ako. I will listen. I may not remember what are we before, but I think, we're not enemies, right?" Mula sa pagkakatingala sa langit, bumaba ang tingin ni Timothy kay Caroline na bahagya nang nakapaling paharap sa kaniya at binigyan siya ng ngiting nakapagpapagaan ng loob. Pinakatitigan ni
“Good afternoon, Mr. Donovan. Angelo Cervantes from ValSecA. Pleased to meet you, sir,” bati ng lalaking nakasuot ng smart formal attire na cream trouser, mint green button-down shirt, at white sneakers nang tumayo ito para salubungin si Timothy. Inilahad niya ang kamay nang makalapit ito sa kaniya.Tinanggap naman ni Timothy ang palad nito para makipagkamay. “Please to meet you too, Mr. Cervantes. Have a seat please,” pagbati niya rito ‘saka inilahad ang kanang kamay para ialok dito ang upuang inuupuan nito bago siya dumating.“My apology to keep you waiting," paghingi niya ng paumanhin `saka naupo sa bakanteng upuan sa katapat ni Angelo.“You are still early, sir. Nasa itaas lang naman ng hotel na `to ako naka-check-in.”Tumango si Timothy bilang tugon sa kaharap. Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa si Angelo, dinampot nito ang folder na nakapatong sa mesa malapit sa kopitang pinag-inuman at inilahad iyon kay Timothy. Tinanggap iyon ng binata at walang salitang binuklat ang folder pa
“DADA, when will you and mimi get married?” inosenteng tanong ni Charlotte habang sinusuklayan nito ang laruang manika.Natigilan naman si Timothy. Nilingon niya ang anak at hindi agad nakasagot sa taong kausap sa telepono. “I will call you back.” Tinapos niya ang tawag at naupo sa single couch para samahan ang kambal. Sasagot na sana siya sa tanong ng bunso niya, ngunit naunahan siya ni Clover.“Mima won't marry him, Lottie.”“Bakit hindi, Clover? Anak nila tayo kaya dapat papakasal na sila!”“Having us doesn't mean they have to get married. Mima doesn't love him anyway. Mima loves that Jordan.”Kunot ang noong nailipat ni Timothy ang tingin sa panganay na anak. Hindi niya alam kung ano'ng nalalaman ni Clover at nasasabi nito ang ganoon.Hinaplos niya ang buhok ng bunso na nasa harapan niya. “Once your mom recovers from all of these, we will talk about it, honey,” malambing niyang saad rito.Nag-angat naman ng mukha si Clover na nasa kaliwang gilid ng center table at nagkukulay. “Are
Inikot-ikot ni Timothy ang basong hawak habang prenteng nakaupo sa ergonomic chair at matiim na nakatitig sa labas ng malaking bintana ng sarili niyang opisina. Hindi niya maiwasang hindi mahulog sa malalim na pag-iisip tuwing sumasagi sa isip niya ang mga nangyari this past years. He was lost when they lost Caroline. Ang hirap ng adjustment na kailangan niyang gawin lalo na pagdating sa pagiging ama sa dalawa nilang anak. Clover and Charlotte did not grow up with him, kaya sobrang hirap mangapa. At alam niyang naging mahirap din sa dalawa ang biglang pagkawala ng ina ng mga ito.And now that Caroline was back, the kids were so excited to reunite with their mom. The problem is, Caroline couldn’t recognize them. She was trying, unfortunately, the overdose of the drugs that Jordan gave her, made Caroline’s memory—lost. And the experts are still monitoring her condition as she undergoes rehabilitation.Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung mabilis nilang nahanap si Jordan. But what
TIMOTHY couldn't process what he just heard from the officers. Jordan, the mastermind, was nowhere to be found. Caroline was drugged intentionally to erase her memory. At mababa ang chance na maibalik pa ang memorya nito. Ang sabi ng ina nito, six years ago ang naaalala ni Caroline nang ipaalaga ito ni Jordan dito. Memory nito hanggang sa bago niya ito na-meet sa tulay para sagipin siya sa pag-aakala nitong tangka niyang pagsu-suicide. Alaala kung saan bago ang kasal nito kay Jordan na hindi natuloy dahil sa pagkakabuntis sa kapatid niya.The situation became too complicated. Nagpapasalamat na lang siyang nagising itong hindi na naghihisterya para hanapin si Bullet. Ngunit hindi dahil unti-unti na itong nakaka-recover, kundi dahil hindi na nito naaalala kung bakit ito nasa hospital ngayon, maging ang pamangkin niyang inakala nitong anak.“Si Jordan? Baka hinahanap na ako ni Jordan. Kasal namin ngayon, Mister,” puno ng pag-aalala ang namamaos na boses ni Caroline nang sabihin nilang na
“Mamila? Mami ka ni Mima po?” nandidilat ang mga matang tanong ni Lottie.Mabilis na tumango-tango si Celine na sinasabayan ng paghikbi at pagsinghot. Inangat niya ang mga braso para abutin ang paslit na may bilugan at nangungusap na mga mata.“Mamila!” Pasugod na nilapitan ni Lottie ang lola nilang ngayon lang nakita.Sumisikip naman ang dibdib na agad sinalubong ni Celine ang isa sa mga apo at mahigpit itong niyakap.“Apo ko!” Hindi pa rin makapaniwala, ngunit ramdam ni Celine ang kakaibang saya habang yapos-yapos ang paslit. Hinagod-hagod niya ang mahaba nitong buhok at mas humigpit pa ang yakap dito habang tumatagal.Matapos ang ilang sandaling yakapan, kusang bumitiw si Charlotte sa lola niya at sinapo ang magkabila nitong pisngi.“Where have you been, po, Mamila? Mimi said you were in a faraway place—”“You were with Mima the whole time she was missing, right? Why you didn't tell grandpa? Why didn't you inform us that Mima is alive and she was with that evil man? Why you didn't