Share

Chapter 7: Ang Bagong Owner

“Papa… ni Bullet…” Humigpit ang yakap ni Clover sa batok ng lalaking nakatalungko sa harapan niya at saka humikbi-hikbi habang hinahagod nito ang likod ng paslit.

“Are you lost, pretty?” tanong ng lalaki na tinangu-tanguan ni Clover.

Humiwalay ang paslit sa pagkakayapos dito at pinunasan ang basa sa luhang mukha. “Nakita ko po kasi kayo kaya sinundan ko po kayo. Kayo po papa ni Bullet, ‘di ba?”

Nangunot ang noo ng lalaki at pinakatitigan ang batang babae. “Oh, you are that kid in the airport. I see.”

“Naaalala n’yo na po ako?” Kumikinang sa tuwa ang mga mata ni Clover, lalo na nang tumango ang lalaki.

“And why did you follow me? If my bodyguards didn’t tell me a kid was looking for me, I would not notice you.”

“I—” Napayuko si Clover nang walang maisagot.

Hinaplos ng estranghero ang tuwid na buhok ng paslit. “Next time, don’t follow anyone even if you know them. Do you understand?” paalala nito habang nakasapo sa magkabilang pisngi ni Clover ang malalaki nitong kamay.

“Opo. Hindi na po mauulit. Sorry po.”

“Good.” Ginulo nito ang tuktok ng ulo ni Clover. “Now, we should look for your mom and dad. Where are they?” Tumayo ito at inilibot ang tingin sa mataong mall.

“Mima visited our grandlolo in the hospital.”

Bumaba ang tingin ng lalaki kay Clover. “And your dad?” tanong lang nito na inilingan lang ng paslit.

“Sino ang kasama mo rito?”

“Si Mamita at Lottie po iyong kakambal ko. Nandoon po sila sa ice skating rink.”

“What is your name?”

“Clover po.”

“Hmm, I’m sure they were looking for you now. Let’s go.” Inialok nito ang kanang kamay sa paslit na agad ring hinawakan ni Clover.

“Ikaw po? Ano po ang name mo?” tanong ni Clover habang magkahawak kamay nilang tinatahak ang mataong pasilyo papunta sa ice skating rink.

“Timothy.”

“Nice to meet you po.”

Dinungaw ng lalaki ang paslit at tipid na nginitian. Inilibot na naman nito ang tingin habang hawak-hawak ang maliit nitong kamay. Hindi pa man nila nararating ang sadya, lumapit na ang isa sa mga tauhan nito, dahilan para mapahinto sila sa paglalakad. Lumapit pa ang tauhan nito at may ibinulong dito na nagpabuntonghininga kay Timothy. Muli nitong dinungaw ang paslit na nakatingala sa kanila. Hinarap ito ng lalaki at tumalungko para magpantay ang taas nila.

“I’m going to leave you to one of my bodyguards.”

“Bakit po?”

“May importante akong meeting at hinihintay na nila ako. Si Lucas na ang maghahatid sa iyo kung nasaan ang mamita at kapatid mo.”

Lumamlam ang mga mata ni Clover pero pinigil nito ang mapaluha. “Magkikita pa po ba tayo?”

Saglit na natigilan ang lalaki at napatitig sa paslit. Tumayo ito at dinukot ang black leather wallet sa likod na bulsa ng suot nitong black slacks. Humugot ito ng calling card ‘saka niyuko ang batang babae.

“Here is my calling card. You can call anytime you want.”

Malawak na napangiti si Clover at mabilis na tinanggap ang black and gold card. “Sige po! Kukumustahin po namin si Bullet!”

Tumango ang lalaki at muling ginulo ang tuktok ng buhok ng paslit. “Remember what I told you, pretty.”

“Opo. Don’t follow anyone even if I know them. Thank you po, Papa ni Bullet! Mag-iingat po kayo!”

“You too. Paano, I have to go now. Lucas, bring her safe to her companion,” utos nito sa tauhan.

“Yes, master.” Yumukod ito kay Timothy bago binalingan si Clover at inilahad rito ang kanang palad na agad tinanggap ng paslit.

“Bye po!” Panay ang lingon ni Clover sa lalaki. Pumirmi lang ang atensiyon nito nang lumiko sila sa kaliwa at mawala sa paningin ang ama ng bagong kaibigan.

Malalim pang napabuntonghininga ang paslit na para bang ang bigat ng pakiramdam nito sa paghihiwalay nila ng lalaking iyon.

“Mamita, Lottie!” tawag ni Clover sa dalawa pagkakita sa mga ito.

“Tover!”

“Oh, my God, Clover! Kanina ka pa namin hinahanap. Your mom is so worried about you!” naghihisteryang ani Bridgitte. Maluha-luha ang mga mata nito na halatang umiyak kakahanap sa paslit.

“I’m sorry, Mamita. Sorry po.”

“She was lost and found by my boss, Ma’am.”

“Your boss? Where is he? What happened, Clover? Paano kang nawala?”

“Sorry, Mamita. Nakita ko po kasi iyong papa ni Bullet. Sinundan ko po… tapos…”

“Yadot ka, Tover, kay Mimi. Hindi ikaw nagbe-eyb (nag-behave).”

“And who is Bullet?”

“Si Buyet po, Mimita. Fyend namin sa eypot (airport),” singit ni Lottie at binalingan ang kakambal. “Nikikita mo papa ni Buyet?” tanong nito na tinanguan ni Clover.

“Ataan na?” Nagpalinga-linga si Lottie at hinahanap ang tinutukoy ng kakambal.

“I’m sorry, young miss. Umalis na po ang master dahil may mahalaga siyang meeting,” pag-iimporma ni Lucas sa naghahanap na paslit.

“Ay!” Ngumuso ito at umirap.

“Please, give my gratitude to your boss,” ani Bridgitte na hindi pa rin nakaka-get over sa pagkawala ni Clover.

“I will, Ma’am. Aalis na po ako.”

“Maraming salamat ulit.”

“Thank you po, Sir! Bye po!” Nang makaalis ang bodyguard ni Timothy, hinarap ni Clover ang Mamita Bridgitte nilang nanlupaypay sa sahig. “Mamita, sorry po talaga.”

Naihilamos naman ng ginang ang mga palad sa mukha bago ito bumuntonghininga at tumango-tango. “I will call your mom. Mabuti na lang at katatawag ko lang din sa kaniya.”

Lumuhod si Clover sa harap ng mamita niya ‘saka ito niyakap. “Sorry, Mamita, pinag-alala ko po kayo.”

“It’s okay now, sweety. Mabuti na lang at safe ka. Iyon ang mahalaga. Please, don’t do that again, ha? Mamamatay kami sa nerbiyos ng mommy n’yo,” aniya na hinagod-hagod ang likod ng paslit.

“Promise po.” Kumawala si Clover sa mamita nila at tumayo. Hinayaan niyang tawagan nito ang mima nila, ‘saka nilapitan ang kakambal. Inilabas niya ang calling card na ibinigay sa kaniya ng papa ni Bullet at ipinakita iyon sa kapatid.

“Ano ‘yan, Tover?”

“Nakasulat dito ang cellphone number ng papa ni Bullet. Sabi ng papa ni Bullet, p’wede raw tayong tumawag sa kaniya. Kakamustahin natin si Bullet,” paanas na saad ni Clover.

Nanlaki ang mga mata ni Lottie at nagtitili ito sa tuwa.

*****

“Tita?” tawag ni Caroline sa madrasta nang mababaan niya ito sa mini bar. Patungo sana siya sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig. “Gising pa po kayo? At… bakit, umiinom po kayo?” tanong niya pagkakita sa basong may laman pang whiskey base tapang ng amoy na umaabot sa pang-amoy niya.

“Nagpapaantok lang, hija. Until now, shocked pa rin ako sa pagkawala ni Clover kanina sa mall. Iniisip ko, what if hindi siya naibalik? Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano kung bad person iyong nakakuha sa kaniya, tapos kinidnap siya? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pang-ransom! My god, I don’t know what I’m going to do.”

Nilapitan ni Caroline ang madrasta at hinagod-hagod ang likod  nito. “Forget it, Tita. Ang importante naman ay naibalik nang ligtas si Clover. Pasensiya na po kayo kung nabigyan kayo ng alalahanin ng anak ko.”

Bridgitte sighed as she covered her face with her palms. “I feel so useless, Caroline. I had been useless as a wife to Carlo and my children. Kaya nga mas pinili nilang mamuhay nang malayo sa akin. And now, I am a useless grandmother.”

“Hindi iyan totoo, Tita. Hindi naman maiiwasan ang maliliit na problema. Papa will not choose you over me if you are nothing for him. Iyong nangyari sa mall, it will not happen again. Hindi rin mangyayari ang ikinakatakot ninyo, because I know Clover. Hindi iyon sasama sa hindi niya kilala. Nagkataon lang na kilala niya iyong tao kaya sinundan niya. Don’t blame yourself, Tita.”

“I think this is my karma for being bad to you, hija. Despite what I did to you when you were young, here you are very understanding of everything. Caroline, I’m really sorry. I’m really so sorry that I deprived you of the life that you should have. Patawarin mo ako kung hindi mo nakasama ang papa mo habang lumalaki ka.” Niyakap nito si Caroline at sa balikat nito humagulgol nang humagulgol.

“Let’s just forget the past, Tita. Ang mahalaga ay ang ngayon, ang gumaling si Papa.”

Kumalas si Bridgitte sa pagkakayakap kay Caroline at natatawang pinunasan ng tissue’ng hinila nito sa counter table, ang namamasang mukha. “Pero mas matutuwas ang papa mo kung makakasama ka na niya. Wala ka bang planong mag-stay for good na rito? You can find job here, hija.”

Inipit ng bibig ni Caroline ang mga labi at bumuntonghininga. Napagdesisyunan na niya ang tungkol dito kanina habang nasa ospital siya.

“Tatapusin ko lang po ang school year na ito, Tita. Maghahanap po ako ng apartment para sa amin ng kambal, then, mag-a-apply po ako ng kahit office staff. Iyong hindi makakain ang buong oras ko at mawalan ng oras sa mga anak ko.”

“No. Bakit kailangan mo pang maghanap ng apartment? Anong ginagawa nitong bahay natin, hija? Bahay ito ng papa mo, therefore, bahay mo na rin ito.”

“Sigurado po ba kayo, Tita?”

“Of course! Ang laki nito para sa amin ng papa mo. Sina Brenda naman tuwing bakasyon lang umuuwi iyon dito o ‘di kaya kapag ipinatatawag ng boss niya na dito nakabase. Kung nandito kayo, magkakaroon ng buhay ang bahay na ito. Please, dito na lang kayo. At least, kung nandito kayo, may magbabantay sa kambal. Tungkol naman sa trabaho, may nabanggit si Brenda sa akin noong huling tawag niya, iyong boss daw niya naghahanap ng private tutor para sa 6 years old na bata. You can handle children naman, ‘di ba? Medyo brat daw iyong bata, mapili at hindi nakakasundo iyong mga na-hire na tutor. Hindi raw tumatagal. Just try it. Maganda raw ang pasweldo.” Parang nawala ang pagkalasing ni Bridgitte habang nagsusuhestiyon kay Caroline. Tinigilan na rin nito ang pag-inom.

“Maganda nga po kung tutor-tutor lang. Matagal na rin akong hindi nakakapagturo ng ganiyang edad. Pero sa tingin ko naman ay kaya ko pa rin po.”

Pumalakpak si Brigitte na animo batang tuwang-tuwa. “Tatawagan ko bukas si Brenda para maitanong ang tungkol doon. But for now, let’s beauty rest, hija. Thank you for your kindness. Sana makabawi ako sa iyo.” Ang bilis ng pagbabago ng mood nito pero mababasa naman ang sinseridad sa mga mata nito.

Matamis na ngumiti si Caroline bago ito tumango at umalis sa kinatatayuan. Nilapitan niya ang fridge at kumuha roon ng water pitcher. Humugot siya ng dalawang baso at saka ipinatong iyon sa counter table at sinalinan ng malamig na tubig. Iniabot niya ang isang baso sa madrasta, at ininom naman ang sa kaniya.

“Sino na po pala ang bagong may-ari ng negosyo ni Papa?” usisa niya. Nalaman kasi niyang binili ang malaking share ng papa niya para lang masalo ang water company mula sa pagkakalugi.

“Si Mr. Salcedo.”

Nangunot ang noo ni Caroline. Alam niyang maraming Salcedo sa bansa, pero bakit kinabahan siya pagkarinig sa pangalang iyon?

“S-Salcedo po?”

“Yes, hija. Si Mr. Jordan L-Liam (?) Salcedo? If my memory is right, hija.”

Ramdam ni Caroline ang pagkawala ng lakas ng mga tuhod niya dahilan para marahas niyang mailapag ang baso sa marmol na countertop na lumikha ng ingay.

“Are you all right, Carol?”

Of all people, bakit ang lalaking iyon pa?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nerie Roldan Nieva
mganda story...paunlock please.....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status