NANGUNOT ang noo ni Caroline nang mabasa ang pangalang nakarehistro sa telepono na dahilan ng pagva-vibrate niyon. Sa mahabang panahon, hindi na pumasok sa isip niya na isang araw may isa sa mga taong bahagi ng buhay niya ang magpaparamdam pa sa kaniya.
“All right, may phone call akong dapat na sagutin. I will give you time to study the 8 Earth History. Magkakaroon tayo ng recitation after this call. Are we clear?”
“Yes, Ma’am.”
In-off niya ang camera ng laptop at nag-mute ng speaker. Bago dinampot ang cellphone na muli na namang nag-vibrate matapos nang ilang segundong pananahimik.
“H-hello?” nag-aalangan niyang tanong.
“C-Carol, si— si Tita Bridgitte mo ito.”
“Napatawag po kayo?” may kaba nang pag-uusisa niya. Garalgal kasi ang boses ng nasa kabilang linya at halatang nagpipigil na lang na umiyak
“A-ang papa mo. Your father Carlo is dying, hija. And he’s looking for you.”
“Po? A-ano pong nangyari kay Papa? ‘Asaan siya, Tita?”
“We are in the hospital. Please visit your father. He really wanted to see you.”
“P-pero…” Nasa Quezon City ang mga ito. May trabaho siya at nasa Cebu siya. “Wala po ako sa Cavite.”
“Nakikiusap ako sa iyo, Caroline. Alam kong may tampo ka sa papa mo. Pero kasalanan ko iyon, okay! Ako ang may ayaw na itira ka niya sa bahay namin. Hindi kita matanggap. Iyon ang dahilan. But he needs you now. Kung ikaw lang ang paraan para mabuhay pa siya nang matagal, nakikiusap ako. I love Carlo so much. Ayokong mawala ang papa mo!”
Mariin siyang napapikit. Matagal na niyang inalis sa puso niya ang galit. Mahal niya ang mga magulang kahit pa ni minsan, hindi niya naramdaman ang pagmamahal nila bilang magulang. Kahit pa nang dahil sa kanila kaya natuto siyang mamuhay mag-isa.
“Just tell me when, Caroline. I will buy you a ticket, makarating ka lang dito. Please, huwag mong tikisin ang papa mo. He really needs you right now.”
“A-aayusin ko lang po ang maiiwan ko rito, Tita. Online class naman ang pagtuturo ko, kaya wala naman sigurong magiging problema.”
“That's good to hear, hija. I will wait for you. Basta, tawagan mo ako para maipasundo kita kung saan ka man manggagaling, all right. Thank you and I'm sorry for everything."
“S-sige po, Tita." Mariin siyang napapikit at malalim na huminga.
Bakit kailangang may mangyari pang hindi maganda bago siya matutunang tanggapin ng mga taong dapa ay bahagi ng buhay niya?
“Sigurado ka ba, sissay? Hindi mo naman siguro kailangang magtagal doon, `di ba? Puwedeng iwan mo sa akin ang kambal,” suhestiyon ng kaibigang si Edlyn matapos nitong sumugod sa apartment niya nang malamang nag-file siya ng leave of absence sa school na pareho nilang pinagtuturuan.
Mabuti na lamang at patapos na ang first quarter ng school year at naiayos na niya ang exams ng mga estudyante niya.
“Hindi ko sigurado kung gaano ako katagal doon, sissay. At kung tatagal nga ako nang higit sa ilang araw, hindi ko kakayaning hindi ko kasama ang kambal.”
“Pero babalik ka naman, `di ba?”
Mula sa pagliligpit ng mga damit, inilipat niya ang tingin sa kaibigan. “Depende sa magiging sitwasyon, sissay.”
“Ano ba `yan! Sa tono ng pananalita mo parang magpo-for good ka na sa Luzon. Baka naman balak mong hanapin ang ama ng mga inaanak ko?”
Sinimangutan niya ito. “Hindi ko nga matandaan ang hitsura ng unggoy na `yon. Sige nga, paano ko hahanapin ang taong hindi ko naman kilala o namumukhaan?”
“Sa bagay. Pero hindi! Hindi mo siya namukhaan, pero ikaw, siguro naman nakilala ka niya!”
“Sa tagal na ng taon na lumipas, sa tingin mo matatandaan pa ako no'n? Ei, na-f*ck and go nga lang ako ng unggoy na `yon,” aniya at inirapan ito.
Bahagyang umangat ang pang-upo ng kaibigan niya sa kinauupuan at muling naupo na may kasamang pagdadabog ng mga kamay sa kandungan nito. “Kainis naman! Wala ka ba talagang maalala sa hitsura niya?" pangungulit nito at mukhang hindi talaga matanggap na malabong may makilalang ama ang mga anak niya.
Saglit siyang natigil sa pagtutupi ng damit at nangunot ang noo sa pag-iisip. Naaalala niyang hinaplos niya ang pisngi ng lalaking nakaniig ng gabing iyong. Eskwalado ang mukha, masarap humalik ang mga labi nitong may tamang nipis. At sa tuwing tinititigan niya si Charlotte, para niyang nakikita ang mga matang malamig kung tumitig noong pinaliliguan siya ng lalaking iyon. Pero kapag si Clover naman ang tumititig sa kaniya, para din niyang nakikita ang malamlam na mga mata ng estrangherong iyon habang inaangkin siya.
“Hindi ko alam kung sapat iyong natatandaan ko para makilala siya. At–” saglit siyang nagdalawang isip bago muling nagsalit. “At kung sakali man. Sakali mang makilala ko siya, sa tingin mo maniniwala siya? Kikilalanin kaya niya ang anak namin? Kasi kung hindi rin lang, sissay, hindi bale na lang. Ayokong masaktan ang mga anak ko dahil nalaman nilang ayaw sa kanila ng ama nila. Baka mamaya isipin lang noon na naghahanap lang ako ng amang aako sa mga anak ko.”
Napanguso si Edlyn at tumango-tango. “Sa bagay, marami namang nanliligaw sa iyo na tanggap ang kambal. Pili ka na lang sa kanila,” birong suhestiyon nito na may halo ring katotohanan.
Maraming nagkakainteres sa kaniya. Mapa-co-teachers nila, o single parent ng students niya. Mayroon nga ring pamilyadong lihim na nagpapalipad-hangin sa kaniya. Pero hindi siya desperada na magkaroon ng lalaking makakasama sa pagpapalaki sa mga anak niya. Kaya niyang buhayin ang kambal nang siya lang, at nasa huwisyo pa ang isip niya para kumuha ng batong ipupukpok sa sarili.
“Pahibaw-a lang ko matag karon ug unya, sissay, ha? Unsa man ang imong plano sa umaabot, aron ako makasunod. Nahibal-an namon nga adunay mga tawo usab nga interesado sa akong lami.” (Balitaan mo lang ako paminsan-minsan, sissay, huh? Kung ano ang magiging plano mo in the future, para makasunod ako. Malay natin nandoon lang din pala ang magkakainteres sa yumminess ko.”)Natatawang tinanguan niya ang kaibigan.
Inihatid sila ni Edlyn sa airport. Naipaliwanag na rin niya sa kambal kung saan sila pupunta at sino ang dadalawin nila kaya naman tuwang-tuwa ang dalawa, lalo na nang malamang may lolo pa sila. 10:45 am ang flight nila, at 12:20 noon ay nasa NAIA na sila.
Natawagan na niya ang asawa ng papa niya na si Tita Bridgette. Nagpadala na raw ito ng magsusundo sa kanila at baka naipit lang sa traffic. Naghintay na lamang sila sa waiting area sa loob ng NAIA terminal 3. Clover is busy with her mini book about astronaut, habang si Lottie sayaw nang sayaw sa harapan nila.
Nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Caroline. Malapit lang naman ang toilet sa kinaroroonan nila kaya iniwan muna niya ang kambal at mahigpit na binilinan na huwag sasama kahit na kanino at huwag na huwag aalis. Mabilis ang mga hakbang na binaybay ni Caroline ang pasilyo papasok sa toilet area.
She was busy digging her bag to look for a tissue paper, nang bigla na lang tumama ang kaliwang balikat niya sa matigas na bagay. Nang mag-angat siya ng mukha, malamig na mga mata ang saglit na tumingin sa kaniya bago naglakad palayo ang lalaking nakabangga.
Hindi man lang humingi ng sorry! Inirapan niya ang likod ng papalayong bulto bago nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa comfort room.
Clover closed her mini-book and watch over Charlotte na naglalaro na ng piko nang mag-isa sa tiles na sahig. Napansin na lang niya ang paghinto nito at ang paglapit sa isang batang lalaki na nakaupo rin hindi kalayuan sa kinauupuan nila at mukhang may hinihintay.
“Naghihintay ka rin ta mimi mo?” tanong ni Charlotte dito. Nilingon siya nito pero iling lang ang isinagot.
“Hmm, maybe your dida?” Hindi ito sumagot at hindi rin tumingin kaya naupo na lamang si Lottie sa tabi nito. “Nag-wiwi mimi ko,” aniya na itinuro ang bukana ng pasilyong papasok sa toilet area. “Tover!” tawag naman nito sa kakambal na masama na ang tingin dito habang papalapit.
“You really don’t listen, Lottie!” singhal ni Clover sa kapatid.
“Indi naman ato umalit, Tover. Umupo lang ato tito, oh.”
“Are you twins?” matapos magmasid ng batang lalaki ay usisa nito sa dalawa. Nagpasalit-salit ang maganda nitong mga mata sa batang babaeng nakatayo sa harapan ng batang babaeng nakaupo naman sa tabi nito.
“Obviously, yes. Hindi ba kami kamukha?”
“Ah, you are identical naman, iyong buhok lang tapos mas mataba siya sa ‘yo,” anito na itinuro si Charlotte, sunod si Clover.
“Yes, and the way we talk.”
“Yeah, she’s bulol and—”
“I’m not buyoy!” singhal ni Lottie na akmang hahampasin ng kamay ang batang lalaki, pero hindi naman nito itinuloy.
“You are, but it’s okay. You will learn eventually.”
“She doesn't want to be called bulol.”
“Oh, I'm sorry.”
“Bullet, let’s go.”
Sabay na napatingala ang tatlong paslit sa lalaking lumapit. Tumayo ang batang lalaki at lumapit dito.
“Can we wait for their mom so they will be safe, Papa?”
Nilingon ng lalaki ang kambal na nakatitig din dito. Nagtagal ang tingin nito sa dalawa bago nagtanong, “Where is your mom?”
Tikom ang bibig ni Clover, habang nakabuka naman ang mga labi ni Charlotte, nagdadalawang isip kung sasagot. “Nata yoyet (nasa toilet) po,” hindi nakapagpigil na sagot ng huli. Nilingon ito ni Clover at sinamaan ng tingin.
Tumango ang lalaki. Nilingon nito ang gawi ng hallway papuntang toilet, bago sinilip ang wristwatch. “I’m in a hurry, Bullet, but…” tinawag nito ang atensiyon ng isa sa mga tauhan na nasa paligid lang. “I will leave Lucas here to accompany you two until your mom came back, all right?”
“Thank you, Sir,” ‘saka lang nagsalita si Clover na hindi maalis ang tingin sa lalaki.
"Wait for your mom here. Lucas, don't leave them until their mom comes back, understand?"
“Yes, master.”
Tumango lang ang lalaki. Binalingan ulit ang kambal bago tumalikod at naglakad.
“Bye, Buyet!”
Nilingon ni Bullet ang dalawa at kumaway. “Bye!” paalam nito ‘saka patakbong humabol sa lalaki.
Ilang sandali lang din nang dumating si Caroline. Nakahinga ito nang maluwag pagkakita sa lugar na pinag-iwanan sa dalawa. Kinabahan ito dahil medyo nagtagal ito sa haba ng pila.
“Let’s go, twins. Nasa labas na ang sundo natin.”
“You know, Mimi, we met a new fyend!”
Natigil si Caroline sa pagkuha sa mga gamit nila sa sinabi ni Lottie at kunot ang noong sinulyapan si Clover.
“Did you talk to strangers?”
“Sorry, Mima. He’s a kid too, waiting for his dad. They are nice naman po.Gibilin sa iyang papa ang usa niya, siguro, usa ka bodyguard aron mangita kanamo,” tugon ni Clover ‘saka itinuro ang lalaking nakatayo sa ‘di kalayuan. (Iniwan ng papa niya ang, siguro, isa sa mga bodyguard para bantayan kami.)
Nilingon iyon ni Caroline at nakita ang lalaking pormal na pormal sa suot nitong itim na slacks at itim ding button down polo. Hindi niya iyon napansin kanina dahil nakatayo lang naman iyon doon.
Bumalik ang tingin niya sa mga anak at muling dumako sa lalaki. Tinanguan niya ito bilang pasasalamat bago inaya na ang dalawa palabas ng airport.
"ARE you all right? Mukhang ang lalim ng iniisip mo, a." Nilingon ni Timothy ang kanang gilid kung saan nanggaling ang tinig na bigla na lang sumulpot sa gitna ng malalim niyang pag-iisip. Pagkakita niya kay Caroline na sakay ng wheelchair nito, hindi na niya napigilan ang mapabuntonghininga nang malalim. Tumayo siya para lapitan ito. "Bakit gising ka pa?" tanong niya rito nang pumuwesto sa likuran ng wheelchair nito at itulak iyon patungo sa iniwanan niyang puwesto. "I can't sleep. You? You seems bothered since you came back." Itinabi niya iyon sa gilid ng steel bench at saka siya naupo at muling tiningala ang kalangitan. "Kung kailangan mo ng taong makikinig, nandito ako. I will listen. I may not remember what are we before, but I think, we're not enemies, right?" Mula sa pagkakatingala sa langit, bumaba ang tingin ni Timothy kay Caroline na bahagya nang nakapaling paharap sa kaniya at binigyan siya ng ngiting nakapagpapagaan ng loob. Pinakatitigan ni
“Good afternoon, Mr. Donovan. Angelo Cervantes from ValSecA. Pleased to meet you, sir,” bati ng lalaking nakasuot ng smart formal attire na cream trouser, mint green button-down shirt, at white sneakers nang tumayo ito para salubungin si Timothy. Inilahad niya ang kamay nang makalapit ito sa kaniya.Tinanggap naman ni Timothy ang palad nito para makipagkamay. “Please to meet you too, Mr. Cervantes. Have a seat please,” pagbati niya rito ‘saka inilahad ang kanang kamay para ialok dito ang upuang inuupuan nito bago siya dumating.“My apology to keep you waiting," paghingi niya ng paumanhin `saka naupo sa bakanteng upuan sa katapat ni Angelo.“You are still early, sir. Nasa itaas lang naman ng hotel na `to ako naka-check-in.”Tumango si Timothy bilang tugon sa kaharap. Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa si Angelo, dinampot nito ang folder na nakapatong sa mesa malapit sa kopitang pinag-inuman at inilahad iyon kay Timothy. Tinanggap iyon ng binata at walang salitang binuklat ang folder pa
“DADA, when will you and mimi get married?” inosenteng tanong ni Charlotte habang sinusuklayan nito ang laruang manika.Natigilan naman si Timothy. Nilingon niya ang anak at hindi agad nakasagot sa taong kausap sa telepono. “I will call you back.” Tinapos niya ang tawag at naupo sa single couch para samahan ang kambal. Sasagot na sana siya sa tanong ng bunso niya, ngunit naunahan siya ni Clover.“Mima won't marry him, Lottie.”“Bakit hindi, Clover? Anak nila tayo kaya dapat papakasal na sila!”“Having us doesn't mean they have to get married. Mima doesn't love him anyway. Mima loves that Jordan.”Kunot ang noong nailipat ni Timothy ang tingin sa panganay na anak. Hindi niya alam kung ano'ng nalalaman ni Clover at nasasabi nito ang ganoon.Hinaplos niya ang buhok ng bunso na nasa harapan niya. “Once your mom recovers from all of these, we will talk about it, honey,” malambing niyang saad rito.Nag-angat naman ng mukha si Clover na nasa kaliwang gilid ng center table at nagkukulay. “Are
Inikot-ikot ni Timothy ang basong hawak habang prenteng nakaupo sa ergonomic chair at matiim na nakatitig sa labas ng malaking bintana ng sarili niyang opisina. Hindi niya maiwasang hindi mahulog sa malalim na pag-iisip tuwing sumasagi sa isip niya ang mga nangyari this past years. He was lost when they lost Caroline. Ang hirap ng adjustment na kailangan niyang gawin lalo na pagdating sa pagiging ama sa dalawa nilang anak. Clover and Charlotte did not grow up with him, kaya sobrang hirap mangapa. At alam niyang naging mahirap din sa dalawa ang biglang pagkawala ng ina ng mga ito.And now that Caroline was back, the kids were so excited to reunite with their mom. The problem is, Caroline couldn’t recognize them. She was trying, unfortunately, the overdose of the drugs that Jordan gave her, made Caroline’s memory—lost. And the experts are still monitoring her condition as she undergoes rehabilitation.Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung mabilis nilang nahanap si Jordan. But what
TIMOTHY couldn't process what he just heard from the officers. Jordan, the mastermind, was nowhere to be found. Caroline was drugged intentionally to erase her memory. At mababa ang chance na maibalik pa ang memorya nito. Ang sabi ng ina nito, six years ago ang naaalala ni Caroline nang ipaalaga ito ni Jordan dito. Memory nito hanggang sa bago niya ito na-meet sa tulay para sagipin siya sa pag-aakala nitong tangka niyang pagsu-suicide. Alaala kung saan bago ang kasal nito kay Jordan na hindi natuloy dahil sa pagkakabuntis sa kapatid niya.The situation became too complicated. Nagpapasalamat na lang siyang nagising itong hindi na naghihisterya para hanapin si Bullet. Ngunit hindi dahil unti-unti na itong nakaka-recover, kundi dahil hindi na nito naaalala kung bakit ito nasa hospital ngayon, maging ang pamangkin niyang inakala nitong anak.“Si Jordan? Baka hinahanap na ako ni Jordan. Kasal namin ngayon, Mister,” puno ng pag-aalala ang namamaos na boses ni Caroline nang sabihin nilang na
“Mamila? Mami ka ni Mima po?” nandidilat ang mga matang tanong ni Lottie.Mabilis na tumango-tango si Celine na sinasabayan ng paghikbi at pagsinghot. Inangat niya ang mga braso para abutin ang paslit na may bilugan at nangungusap na mga mata.“Mamila!” Pasugod na nilapitan ni Lottie ang lola nilang ngayon lang nakita.Sumisikip naman ang dibdib na agad sinalubong ni Celine ang isa sa mga apo at mahigpit itong niyakap.“Apo ko!” Hindi pa rin makapaniwala, ngunit ramdam ni Celine ang kakaibang saya habang yapos-yapos ang paslit. Hinagod-hagod niya ang mahaba nitong buhok at mas humigpit pa ang yakap dito habang tumatagal.Matapos ang ilang sandaling yakapan, kusang bumitiw si Charlotte sa lola niya at sinapo ang magkabila nitong pisngi.“Where have you been, po, Mamila? Mimi said you were in a faraway place—”“You were with Mima the whole time she was missing, right? Why you didn't tell grandpa? Why didn't you inform us that Mima is alive and she was with that evil man? Why you didn't
Nanlalatang inilapat ni Timothy ang likod sa sandalan ng backseat nang makasakay sa sasakyan. Ramdam niya ang buong pagod, ngunit alam niyang wala siyang karapatang indahin ang kahit anong pakiramdam matapos na maihatid ang nag-iisang kapatid sa huli nitong hantungan.“Dada...” mahinang tawag ni Charlotte na nasa kabilang dulo ng upuan, katabi ng kakambal na si Clover.Tumayo si Lottie at lumipat sa tabi ng ama kaya napagitnaan na ito ng dalawa. “Dadalawin natin si Mima?” tuwid na ang pananalitang tanong nito.“Mimi isn't fine yet, Lottie,” masungit na sagot ni Clover na ikinalingon dito ni Charlotte at ng ama ng dalawa.Malalim namang napabuntonghininga si Timothy. Ilang araw na buhat nang matagpuan nila si Caroline na nakalugmok sa lupa, sa kalsada ilang metro mula sa bahay-bakasyunan ng kapatid at tinatawag nang paulit-ulit ang pangalan ng pamangkin niya.At mula naman nang mai-confine ito, magigising lang ito para tawagin ang pangalan ni Bullet kaya kailangan itong pakalmahin ng
“HONEY?”Sabay na napalingon ang tatlo sa gawi ng pintuan ng banyo nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Jordan na ikinatalima ni Clarisse.“Come on, son.” Hinatak ni Clarisse ang wheelchair para mailabas ito sa closet, habang nakaalalay sa magkabilang hawakan sa likod ng upuang de-gulong si Bullet.“Clarisse!” dinig nilang tawag ni Jordan kaya mabilis na pinalitan ni Clarisse ang anak sa pagtutulak sa wheelchair ni Caroline nang tuluyan silang makalabas sa secret door ang tatlo.“Mom....” kabadong tawag ni Bullet sa ina habang mabibilis ang hakbang ng maiikli nitong binti na sinusundan ang dalawa.“Just walk fast, son, and don't look back.”“Clarisse, I'm warning you! Nasaan si Caroline?!” sigaw na naman ni Jordan.“Clarisse, mabuti pa ibalik mo na lang ako sa loob. Bumalik na lang tayo,” ani Caroline, nilingon niya ang babaeng nagtutulak sa wheelchair niya.“No, Carol. Kailangan nating makaalis dito, or else, Jordan will kill us, and you will never see your twins anymore!”“P
“WHAT the hell do you mean by that?” paasik na tanong ni Clarisse sa security guard. Plano sana niyang lumabas para makapag-jogging sa palibot ng lugar, subalit ayaw siyang palabasin ng bantay!“Pasensiya na po, Ma'am. Mahigpit pong bilin ni Sir Jordan na walang lalabas at papasok hangga't walang pahintulot niya.”Napamaang siya sa narinig. Pinamaywangan niya ito at pinanlakihan ng mga mata. “In my freaking own house? Alam mo ba na ako ang may-ari ng property na `to?” sindak niya sa guard na ikinatungo lang nito ng ulo.“Pasensiya na po talaga, Ma'am. Sumusunod lang po ako kay sir.”“Damn it!” Walang nagawang tinalikuran ni Clarisse ang lalaki.She wanted to go outside para sana kontakin ang Kuya Timothy niya at humingi ng tulong dito. Hindi niya puwedeng gamitin ang cellphone o kahit ang landline dahil naka-monitor iyon sa cellphone ni Jordan. Hindi naman siya puwedeng umalis nang hindi niya dala ang anak, kaya iyon ang naisip niyang paraan.But the hell with Jordan. Mukhang pinaghihi