Share

Chapter 37

Alas kuatro pasado ng umaga. Nahihimlay pa ang araw at may kaunting kalamigan pa. Sa aming lugar, may mangilan-ngilan na tulog ngunit marami na ang nabulabog at sila'y nasa harap at paligid ng aming tahanan.

Hindi ko akalain na kahit pagod pa at kulang sa tulog, naroon na ang ilan sa aming mga kasama.

Hindi naman nakapagtataka na naroon agad ang aking mga pininsan dahil walking distance lang naman talaga ang agwat nila sa aming lokasyon.

Subalit ang presensiya ni Kuya Bobby at Pete ang siyang kumudlit ng pitak sa aking puso. Naroon agad ang hindi nabosesan na pasasalamat na taos mula sa aking puso.

Ang ganoong paghahayag ng utang na loob ay hindi pa mahalaga sa ngayon dahil ang kabulabugan ay nakasalang pa sa aming harapan.

Isang hindi matatawarang lakas ang kasalukuyang sumasakal sa pinakapuno ng lalagukan ni Ian. At kahit naroon na si Tito Ato, si Pete, si Kuya Bobby, si Emong, Max, at ang aking ama na si Tatay Bong, hindi naging madali sa kanila ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status