Share

Chapter 38

Nagbigay ng agwat ang bawat isa malayo kay Chadie. Maging ang mga nag-uusyoso na kamg-anak namin ay nag-abang sa ikukuwento nito. Malaya itong nakaupo sa gitna ng lahat at nagsimulang magsalaysay:

"Magkapatid kami ni Ate Brigette. Naimbita kami ng kaibigan naming si Melissa na pansamantala na magbakasyon sa Bagac para malibang rin si Ate sa pang-iiwan ng lalakeng nakabuntis sa kanya.

Isang gabi, habang natutulog na kami, nabulahaw kami sa sigaw ni Ate Brigette. Kinumbulsyon ang anak niya.

Malapit ang bahay ni Melissa sa dalampasigan. Malayo ang palabas at sakayan papunta sa bayan kaya naglakad pa kami.

Sa kasamaang palad, may nadaanan kaming grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman at napagdiskitahan kami.

Kinuha nila ang baby ni Ate. Hindi namin alam saan nila dinala... kasi.... kasi kinaladkad na kami sa kakahuyan kung saan.... binaboy nila kami!

Wala kaming nagawa kasi marami sila. Maraming suntok ang natamo ko at kitang kita ko ginawa nila kay

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status