Share

Chapter 41

Naging bukas ang bahay sa labas-pasok na nakikiusyoso sa sitwasyon ng kapatid ko.

Ang kasalukuyang nakasanib sa katawan ni Chadie ay pansamantalang solusyon lamang. Kailangan naming makagawa ng paraan sa lalo't madaling panahon dahil hindi namin alam kung anong hirap ang maaaring dinaranas ng aking kapatid ngayong hindi namin alam kung nasaan ang kanyang espiritu.

Isang simpleng agahan ang naihain sa amin sa dining area. Ilang supot ng pandesal, hotdog at itlog na pampalaman, gatas at kapeng timplahin.

Habang binabantayan ni Nanay, Tatay, at Tito Bong ang kondisyon ni Chadie, nagkaroon kami ng pagpupulong sa harap ng agahang iyon.

Nakaupo sina Carey, Kat, Jing-Jing, Kuya Bobby, at Pete habang nakatayo kami nina Max, Ian, at Emong sa paikot na hapag.

"Sorry guys ha... pero gusto ko lang i-highlight 'yun lupet ng grupo natin...," pambukas ni Max sa usapan.

Napakunot noo kami sa winikang iyon ni Max na hindi namin nahinuha ang ibig niyang sabihin.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status